All Chapters of GAME OF LOVE: Olivia Reid: Chapter 111 - Chapter 120
290 Chapters
CHAPTER 110
“TULUNGAN MO ko, di ko na alam kung anong gagawin ko.  Gulong-gulo na ang utak ko,” sabi ni Tonet kay Olivia nang tawagan siya nito umagang-umaga.  Ni hindi pa nga siya nakaka-tooth brush at hilamos nang tumunog ang kanyang telepono.  Sigurado siyang hindi na naman nakatulog si Tonet kaya an gaga nitong tumawag sa kanya.            Sigurado rin siyang love life na naman ang problema nito.            At tiyak niyang hindi si Rocco iyon.            “Babae?” curious na tanong niya dito.            “Kelan ba ako nagkaron ng issue sa lalaki?”            Napabuntong hininga siya ng malalim. “Magkita tayo sa Glorietta. 
Read more
CHAPTER 111
“ARE YOU SURE yan ang gusto mong gawin, Anika?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel sa babae nang puntahan siya nito sa kanyang opisina, “I mean, ready ka na ba sa magiging consequences ng gagawin mong yan?”            “Ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa buong buhay ko, Gab,” punong-puno ng katiyakang sabi sa kanya ng dalaga.            Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito pero hindi na niya pinagtatakhan ang sinabi nito sa kanya.  Nuon pa naman ay mayroon na siyang hinala sa gender preference nito lamang ay hindi na nila iyon napag-usapan.  Lately na lang nang magkita ito ng childhood sweetheart nito na sa pagkakagulat niya ay si Tonet na kinakapatid ni Olivia.            Pakiramdam tuloy niya, kahit hindi niya nakilala si Olivia sa
Read more
CHAPTER 112
NAGISING si Olivia na punong-puno ng takot.  Simula nang makita niya ang kanyang mommy ay nanaginip na naman siyang muli ng mga nakaraan niya.  Matagal-tagal na rin siyang hindi nanaginip nang tungkol sa step-father niya.             Nilingon niya si Gabriel, mahimbing itong natutulog, bahagya pang nakadantay ang isang hita nito sa mga binti niya.  Alam niyang napagod ito nang husto dahil nakailang rounds din sila bago siya nito tinigilan.  Kaya ayan, bahagya itong naghihilik ngayon.             Pero masarap sa tenga ang mahihina nitong mga hilik.             Parang musika na nga iyon sa kanyang pandinig.             Ganito nga siguro kapag sobra-sobarang nagmamahal.        
Read more
CHAPTER 113
NAPAHAGULHOL sa harapan ni Olivia si Aling Demetria.  Matagal rin niyang hinanap si Olivia para humingi dito ng tawad sa pagiging pabaya niyang ina dito.  Nuong mga panahong iyon ay magulong-magulo ang utak niya.              Dumaraan din siya sa matinding depression at pakiramdam niya ay pabigat lang si Olvia sa buhay niya.  Sa totoo lang, nang makilala niya si Anthony Reid, hindi pa siya handang magkaroon ng anak.             Pero dahil gusto niyang mapaibig si Anthony Reid dahil alam niyang mayaman ang Australyano ay pumayag na rin siyang mabuntis nito.  Buong akala kasi nito ay pakakasalan na siya nito kapag nalaman nitong nagdadalantao na siya.             Ang dami niyang pangarap sa buhay.             Gus
Read more
CHAPTER 114
“AKO si Olivia Reid. . .”            “O-Olivia. . .?” Tila hindi makapaniwalang sabi ng matanda sa kanya.  Maya-maya ay biglang nagliwanag ang mga mata nito, “M-mukhang mayaman ka na ngayon ah.  Nandito ka ba para tulungan ako?”            Gusto niya itong sampalin.            Gusto niyang sabihin dito ang mga katagang ito: Ang kapal naman ng mukha mong demonyo ka? Sa kademonyohang ginawa mo sakin, umaasa ka pang tutulungan kitang makalaya dito? Dapat saiyo, mabulok dito. Unti-unting pahirapan hanggang pagsisihan moa ng lahat ng kamanyakang ginawa mo!  Ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa rin nagbabago? Akala ko ako lang ang pinagsamantalahan mo, ang dami na palang hayup ka!          
Read more
CHAPTER 115
Napakurap si Olivia.  Hindi siya makapaniwalang naririnig na muli niya ang salitang iyon kay Gabriel.            Tama ba ito o nanaginip lang siya.            “I love you, Olivia Reid,” narinig niyang inulit ito ng lalaki nang mapansing ti;a hindi nya naiintindihan ang sinasabi nito sa kanya, “Naririnig mo ba ako?” Nagtatanong ang mga mata nito, waring naghihintay ng isasagot niya.Sinasabi lang kaya ito ni Gabriel sa kanya dala ng awa?Maya-maya ay muli siyang napaiyak.“What’s wrong?” Nagtatakang tanong nito, “Ayaw mo bang marinig sakin yan?”“Sana wala ng bawian ha?” Parang batang sabi niya rito, “Sana sinasabi mo yan hindi dahil naawa ka sakin. . .or dahil gusto mo lang ng sex. . .”“Hanggang ngayon ba pinagdududahan mo pa r
Read more
CHAPTER 116
“GABRIEL, are you in love with that woman?”            Hindi alam ni Gabriel kung magtatapat sa tiyahin ng tunay niyang nararamdaman para kay Olivia or sasarilinin na lang muna niya ang lahat hangga’t wala pa siyang malinaw na plano.  God, mahal niya si Olivia ngunit hindi pa niya sigurado kung kaya na nga ba niyang panindigan ang pag-ibig niyang ito.            Alam niyang mahihirapan siyang makumbinsi ang kanyang buong pamilya na tanggapin si Olivia lalong-lalo na ang kanyang Papa.            Gusto muna niyang masiguradong handa na siya bago dumating ang panahon na iyon.            Gusto niyang maging maayos ang lahat at nasa plano bago niya ito pasukin.  Hindi siya kagaya ni Javier na basta na lamang sumu
Read more
CHAPTER 117
HINILA ni Gabriel si Olivia at niyakap nang mahigpit, “I love you,” buong pagmamahal na sabi niya rito.  Nais niyang madama nito kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya kasayang makasama ito.            He can’t imagine his life without this woman.            Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya si Olivia, basta ang tiyak lang niya, wala siyang kasing saya sa piling ng babaeng ito.  Ngayon lamang siya nagmahal ng ganito sa buong buhay niya.  Kahit na kailan, hindi niya ibinigay sa ibang babae ang ganitong klase ng atensyon at pagnanasa.            God, kung hindi pa pag-ibig ang tawag dito, hindi na niya alam kung ano ito.            “I love you,” gusto
Read more
CHAPTER 118
“KUMUSTA naman kayo ni Gabriel?” Tanong ni Nanay Becca kay Olivia nang dalawin nila ito ni Stacey sa bahay na tinutuluyan.  Wala duon si Tonet at ito ang naiwang mag-alaga ng mga anak nito.            “O-Okay naman po ‘nay,” aniya sa ina-inahan.            “Hindi ka pa ba niya niyayayang pakasal?” usisa nito, inilihis niya ang kanyang mga mata dahil ayaw niyang magsalubong ang kanilang paningin.  Baka kasi makahalata ang matanda na may mga bumabagabag sa isipan niya ngayon.            Madali pa naman itong maapektuhan kapag may problema siya.            “’Nay, ayokong magpakasal ‘no!” pagsisinungaling niya.  Ang totoo ay iyon din ang gusto niyang marinig k
Read more
CHAPTER 119
“GABRIEL, I want you to meet my beautiful neice,” Sabi ni Ginoong Jaypee Olivarez nang gabing ganapin ang pagsasanib pwersa ng kanilang kompanya para sa expansion ng kanilang textile business. Iginiya nito ang babaeng kasama nito paharap sa kanya, “Arlyn, this is Gabriel Craig, remember Tito Arnel? Iyong ipinakilala ko saiyo last week? Siya ang panganay na anak ni Pareng Arnel. Ang isa sa tagapagmana ng mga negosyo nila. . .Gabriel, this is Arlyn, panganay ng Tito Paul mo. Since hindi ako biniyayaan ng anak, parang anak na rin ang turing ko sa batang ito. . .”            “Tito, hindi na ako bata,” paalala ng dalaga dito.            Natawa ang matanda, “I know, right?”            Tiningnan siya ni Arlyn mula ulo hanggang paa na waring sinisipat siyang
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
29
DMCA.com Protection Status