Lahat ng Kabanata ng My Little Trophy : Kabanata 81 - Kabanata 90
97 Kabanata
Chapter 42.2
Hindi inaasahan ni Ashton ang lugar na pinagdalhan sa kanya ni Amber. Kinabukasan, matapos silang makauwi galing sa bakasyon ay dinala siya rito ng babae. Sa pagbaba nila ng sasakyan ay tumambad sa kanya ang magarang mansion. Malalaki ang mga bintana nito at gano'n rin ang pinto. Nangingibabaw ang kulay krema at ginto na siyang dahilan upang maging elegante ito sa paningin. "Ito ang mansion ninyong mga Villacorda," saad ni Amber matapos mapansin ang panunuri ng lalaki sa paligid. Naging dahilan naman iyon upang  mapunta ang tingin n Ashton sa kanyang misis.  "Nahahati ang mansion sa lima. Mayroong main house at may tig-iisang  bahay para sa inyong apat na magkakapatid." Bago pa  makaimik si Ashton ay nakuha ng atensyon nila ang isang tinig. "Hijo, I'm glad you're back."  Parehong napunta ang tingin nina Amber at Ashton sa nagsalita. Mula sa malaking pintuan ng mansion ay lumapit sa kanila ang nakatungkod na si Don Flac
Magbasa pa
Chapter 43.1
Pinanood ni Amber kung paano iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa paligid. Kitang-kita rin ang pagtataka sa mga mata nito kung bakit siya dinala ng kanyang misis sa isang makipot na eskinita. Sa paligid ay makikita ang dikit-dikit na mga bahay. Masasalamin rin ang kahirapan sa lugar dahil sa tagpi-tagping sako, lumang tarpaulin at  plywood na dingding ng bahay. Bilang lamang sa mga bahay na naroon ang gawa sa semento at may maayos na bubong. "What are we doing here?" Puno ng pagtatakang bumaling siya sa babae. "Dito tayo unang nagkita. Dito tayo nagkakakilala."  Hindi naman naiwasan ni Amber ang mapabuntong-hininga matapos suriin ang paligid. Aniya sa sarili, mahigit sampung taon na rin ang lumipas ngunit bilang lamang sa daliri ang nagbago sa lugar. Ilan lamang sa mga bahay ang nabago ng anyo. Kung meron man siguro kapansin-pansin na pagbabago sa lugar. Iyon ay ang pagkakaroon na ng maayos na lamp post.  "Dito tayo nagkakilala?"
Magbasa pa
Chapter 43.2
"Hindi, Ashton. Hindi 'yon magagawa ni Indigo. Mabuting tao ang pamangkin mo." Naging dahilan iyon upang mapatingin sa kanya si Ashton ngunit mabilis namang sumabat si Tadeo Miguero. "Pero may motibo pa rin si Young Master, Lady." Tila nagpanting ang tainga ni Amber sa narinig. Tumalim ang titig nito kasabay ng pagbaling niya ng tingin sa tauhan ng kanyang mister. "Una sa lahat, Tado, wala kang patunay na may kasalanan si Indigo. Magpakita ka muna ng ebidensya bago ka mambintang!" Hindi nito naiwasan ang pagtaas ng kanyang tinig. Tila bigla niyang naramdaman ang pagkulo ng dugo niya sa lalaki. "Hindi ako nambibintang, Lady. Sinasabi ko lang po ang posibilidad." Mahinahon ang bitaw ni Tadeo sa bawat salitang kanyang binitiwan ngunit hindi pa rin naiwasan ni Amber ang mapakuyom ng kamao. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ng lalaki ngunit hindi pa rin ito nagpatinag.  "Lady, alam ko pong naging mabuti ang pakikitungo sa sa'yo
Magbasa pa
Chapter 44.1
Hindi naiwasan ni Amber ang mapabuntong-hininga habang nakaupo siya sa kanilang kama at nakatuon ang tingin sa floor to ceiling wall ng silid. Nakaramdam siya ng guilt nang bumalik sa alaala niya ang laman ng usapan nila ni Dark Indigo.  "Iniisip mong makakaya kong patayin ang uncle ko?" Gumuhit ang pait sa kulay kayumangging mga mata nng lalaki.  "It's true na kaya kong hilingin na sana mawala na lang siya pero kahit kailan, hindi ko magagawang maging kriminal, Amber!" Nangislap ang mga mata nito na tila anumang oras ay maluluha ito. "I know, hindi kami okay ni Uncle. Well, matagal na kaming hindi magkasundo. Ayos lang naman sa akin na pagbintangan ako ng iba, expected ko na iyon. Ngunit ikaw? Para akong sinaksak ng ilang ulit sa puso, Amber." Puno ng hinanakit ang tinig nito.  Hindi naman naiwasan ni Amber ang makonsensiya sa tinuran nito. Umawang ang labi niya upang magsalita sana ngunit bago pa siya makaimik ay muling naglit
Magbasa pa
Chapter 44.2
Tila umabot sa langit ang kabog ng dibdib ni Amber nang baybayin nila ang hardin.  Nang sandaling huminto siya sa harap ng kubo ay pilit tinatagan ni Amber ang kanyang sarili. Aniya sa isip, wala na iyong atrasan. Nanginginig ang kamay niyang pumitas ng kulay dilaw na hibiscus at saka siya humarap sa kanyang mister. "Dapat mong ihanda ang sarili mo, tanders." Marahan namang tumango ang lalaki.  "What's the story of this place?" Puno ng pagtatakang iginala ni Ashton Blumentrint ang paningin. Kaysarap sa mata ang luntiang paligid ngunit ramdam niya ang tensiyong nadarama ng kanyang asawa. "Pasok tayo sa loob." Hindi na  hinintay ni Amber na magsalita ang lalaki. Nagpatiuna ito sa pagpasok. Wala namang imik na sumunod sa kanya si Ashton. "So, anong meron dito?" Tanong nito matapos buksan ni Amber ang ilaw ng kubo. Hinarap siya ni Amber at saka nito inipit ang bulaklak sa kanyang tainga. "Ashton." Pan
Magbasa pa
Chapter 45.1
Tila nagising si Ashton sa isang panaginip. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa loob na siya ng kanyang silid.  Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay una niyang naisip ang kanyang kabiyak.  "Amber?" Pagtawag niya sa kanyang misis kasabay ng kanyang pagbangon at paggala ng tingin sa paligid. Nang mapunta ang tingin  niya ang kanyang kamay ay bumungad sa kanya ang IV fluid na nakakabit roon. Noon na niya naalala ang pagkawala ng kanyang malay. "Hijo, I'm glad you're awake now." Awtomatiko siyang napatingin sa pinagmulan ng pamilyar na tinig. Nasaksihan niya ang paglapit sa kanya ang nag-aalalang si Don Flacido. "Papa,"usal niya. "Sobra mo akong pinag-alala, Hijo." Kitang-kita ang sinseridad sa mga mata nito. "How are you feeling, Ashton?" Usisa naman ng kanyang kuya Florence na agad ring lumapit sa kanya. Sumunod rin sa paglapit sa kanyang kama ang isa pa nilang kapatid na si Gabriel. Ngunit sa halip
Magbasa pa
Chapter 45.2
Labis na nanibago si Ashton Blumentrint sa kanyang pag-uwi. Walang Amber na sumalubong sa kanya sa malawak na sala ng kanilang bahay. Bagamat nagtataka ay kinalma  pa rin niya ang sarili. Aniya, baka nasa kwarto lamang nila ang kanyang misis at nagpapahinga.  "I'm home!" Deklara niya nang makapasok siya sa loob ng kanilang silid ngunit katahimikan ang sumalubong sa kanya. Kumabog ang kanyang dibdib kasabay ng kanyang paghakbang papasok.  "Amber?" Tawag niya rito kasabay ng pagsilip niya sa walk in closet ngunit bigo siyang mahanap roon ang kanyang maybahay. Sunod niyang tinungo ang gallery room ngunit wala rin doon ang babae. Maging ang banyo at veranda ay 'di niya pinalampas ngunit bigo siyang makita ang hinahanap. Nagdesisyon siya tunguhin ang iba pang bahagi ng bahay. Pinuntahan niya sa kanilang silid ang kambal ngunit mahimbing naman ang tulog ng mga ito. Wala ring bakas na naroon ang kanyang misis.  Matapos niyang ting
Magbasa pa
Chapter 45.3
"What are you talking about, uncle?" Kunot-noong tanong ni Indigo.  Marahas na binitawan ni Ashton ang kanyang pamagkin. Gayunpaman ay hindi pa rin ito bumitaw ng tingin sa kanya. "Pwede bang huwag ka nang magmaang-maangan, Indigo! Sino pa bang mag-uutos kay Dindi para kunin ang asawa ko kundi ikaw?" Napaawang naman ang labi ng binata. "What?" Hindi siya makapaniwala sa binitawang bintang sa kanya ng sarili niyang tiyuhin. "Ikaw lang naman itong gustong-gusto siyang agawin sa akin." Napailing si Indigo. "And you really think that I can force Amber to love me by abducting her?" Lalo namang tumalim ang titig si Ashton sa kanyang pamangkin. Walang takot namang sinalubong siya ng tingin ni Dark Indigo. "Hindi pa ba abduction ang ginawa mo sa kanya noon?" Napakuyom na lamang ng kamao si Indigo. Nagpatuloy naman si Ashton sa pagsasalita. "Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo ang ginawa mo noon?" Pinani
Magbasa pa
Chapter 46.1
Flash back... Ten years ago...   "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo.  Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad.  "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy."  Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio.  "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya.  "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad.  "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan
Magbasa pa
Chapter 46.2
Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki. Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. "Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status