Lahat ng Kabanata ng Mate, The Thirteenth : Kabanata 21 - Kabanata 30
35 Kabanata
Chapter 12.2
Tinapos lamang niya ang halik nang pareho na kaming kapusin ng hininga.Huli na nang ma-realize ko ang nangyari.Bakit ko hinayaang halikan niya ako ng gano’n?Hindi iyon tama.Dapat galit pa rin ako sa kanya.May kasalanan siya sa akin ‘di ba?Hindi porket iniligtas niya ako sa panganip ay okay na.Siya pa rin si Oryrius Delacorte— ang lalaking maaaring maysala sa pagkamatay ng pinakamamahal kong kaibigan.Nasaksihan ko na kanina kung paano siya magalit. At maaaring may mas matindi pa roon.Nang magtama ang aming mga mata ay kitang-kita ko ang sinseridad sa kanyang kulay abong mga mata. Hindi ko rin mawari pero parang may nakita akong lungkot mula roon.Hindi ko lang alam kung tama ako ng pagkakaintindi sa emosyong nakita ko sa kanyang mga mata.“Lora..” mahinang usal niya."Iyong ginawa ko kanina sa mansiyon, believe me, hindi ko talaga sinasadya iyon." Pakiramdam ko ay sinsero siya.Baka nga naman, nabigla lang siya o maaaring na-trigger ko siya kaya niya nagawa iyon.Tila naman ma
Magbasa pa
Chapter 13.1
Payapa ang aking naging tulog. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap. Ngunit ang tila ang naglalakbay kong diwa ay nagising dahil sa malakas na busina ng sasakyan. Napamulat ako ng mata. Awtomatiko kong iginala ang aking paningin. Nang bumaling ako sa aking tabi ay wala na naroon si Oryrius. Nang lumingon ako sa bintana ay kitang-kita ko ang liwanag na tumatagos sa bintana. Mukhang tinanghali na ako ng gising. Bumangon ako sa pagkakahiga, nang mapunta ang ang tingin ko sa aking katawan ay suot ko na ang damit ko kagabi. Hindi ko naiwasan ang panunuyo ang aking lalamunan nang maalala ko ang nangyari kagabi. Hays. Ba’t kasi nagpahalik ako? "Lora?" Kasabay ng pagtawag ay ang pagbukas ng pinto ng silid. Nagtama ang aming mga mata. Ngunit mabilis din akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. "Nandiyan na ang sundo natin." Tuluyan itong pumasok sa loob ng silid. Nakakurap-kurap na lamang ako. Nakakahiya 'yong nangyari kagabi. Sobrang nakakah
Magbasa pa
Chapter 13.2
Wala akong sinayang na sandali. Matapos kong pagdikit-dikitin ang punit na calling card ay nagawa ko namang makuha ang numero. "Sumagot ka, please." Bulalas ko habang palakad-lakad sa loob ng silid. Nakatatlong dial na ako ngunit hindi sinagot ni Toto ang tawag ko. Kaya naman tila nabuhayan ako ng loob nang tanggapin nito ang tawag ko sa pang-apat na dial ko. ["Hello."] Hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo nang marinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya. "H-Hello."Nag-aalangan kong turan. Argh! Mukhang mali pa yata ako ng natawagang numero. ["Hello po, sino po sila?"] Mahina akong napatikhim bago magsalita. "Is this Antony Ostria's number?" Lakas-loob kong tanong. Wish ko lang na hindi ako nagkamali. ["Opo. Sino po sila?"] "I am his friend. Can I speak to him?" ["Pasensya na po. Malabo pong mangyari ang gusto niyo ma'am."] Hindi ko naman naiwasang mapakunot-noo dahil sa narinig ko. ["Hindi niyo pa ba nababalitaan ang nangyari ma'am? Mahigit isang linggo n
Magbasa pa
Chapter 14.1
Tagos sa puso ang binitawang salita ni Oryrius Delacorte pero pilit kong tinigasan ang puso ko. Ano bang malay ko kung umaakting ang lintek? Umiiling akong humakbang at iniwan siya. Narinig ko pa ang ilang ulit na pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Kaagad akong nagtungo sa walk in wardrobe at nagbihis. Nagsuot ako ng pantalon at puting T-shirt na pinatungan ko ng itim na hoodie jacket. "Please don't leave, Lora." Pagmamakaawa niya. Humarang din siya sa pintuan ng silid upang hindi ako makadaan. "Let me breathe, Rius. Bigyan mo ako ng space at time para mag-isip!" Mariin kong turan. "Bibigyan naman kita ng space at time pero hindi mo naman kailangan umalis ng mansion." "Pwede ba? Hayaan mo na lang ako. Hayaan mo akong umalis!" Itinulak ko siya upang makalabas ako ng kwarto. Muntikan pa siyang mabuwal ngunit hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang paalis. "It's almost midnight, Lora. It's already dangerous outside." Naramdaman ko ang p
Magbasa pa
Chapter 14.2
Walang imik kong tinanggal ang kamay ni Oryrius na nakahawak sa siko ko at saka ko siya tuluyang hinarap. "Tell me what I need to do, bumalik ka lang. Lahat gagawin ko, magkaayos lang tayo." Nagsusumamo, hindi lamang ang kanyang tinig kundi maging ang kanyang mga mata. "Hayaan mo muna akong mag-isip, Rius." Pinilit kong maging mahinahon. Mahina siyang napabuntong-hininga at napayuko. "If that's what you want." Mahina niyang turan. Nang hindi siya umimik ay sinamantala ko iyon upang tuluyan na akong pumasok sa hotel room na aking inuukopa. Apat na oras na wala kong ginawa sa loob ng silid kundi humilata lamang. Laman pa rin ng isip ko ang mga salitang binitawan ni Oryrius. Nangungunsumi rin ako kung paano ko sasabihin ang lahat kay Uncle Connor. I don't want to disappoint him. Ako ang nagpumilit na kailangan kong makalapit kay Oryrius upang mag-imbestiga tapos palpak naman pala ako. Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang katok sa pinto. Puno ako ng pagtataka na tum
Magbasa pa
Chapter 15.1
Lumipas ang mga araw ngunit tila walang nangyari. Wala akong nakita na kahit anong kahina-hinalang bagay kay Oryrius. Malaya ko ring napupuntahan ang west wing at lahat ng bahagi ng mansion. Kahit ang mga personal niyang gamit ay binigyan niya ako ng kalayaang pakialaman iyon. Pero wala pa ring nangyari. Hindi na umusad ang imbestigasyon ko. Para akong mababaliw. Hindi nga kaya nagkamali ako ng husga? Baka nga inosente siya. Baka nga wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng mga asawa niya. Baka nga hindi siya kriminal. Baka nga nagkataon lamang ang lahat. O baka nga totoo ang sabi-sabing isinumpa siya at lahat nang napapangasawa niya ay namamatay. Hindi ko naiwasang mapalunok. Totoo nga ba ang sumpa? Kung totoo ang sumpa, ako na bang susunod na mamamatay? Pakiramdam ko ay tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. Nakahanda na ba akong mawala sa mundo? Umiling ako. Hindi! Hindi pa pwede. Hindi ko pa nga nahahanap ang ate ko. "Mate." Awtomatikong nakuha ng atensyon ko ang mahina
Magbasa pa
Chapter 15.2
“Wolf?” Hindi ko napigilang maulit. Pakiramdam ko kasi ay nabangag ako at iba na pagkakaintindi ko sa sinabi ni Oryrius. “Yes.” Tila balewala nitong sagot. Nang mapasadahan ko ng tingin si Carmelou ay nakita ko ang paglunok nito. Hindi rin nagtagal ang titig ko sa kanya dahil agad siyang nag-iwas ng tingin. Muli ko na lamang ibinalik ang tingin ko sa painting na nakasabit sa dingding. “May gano’n ba talagang hayop?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa painting na nasa harap ko. “It’s not the animal, Lora. Iba ang tinutukoy ko.” Kunot-noong bumalik ang tingin ko kay Oryrius. “So, ano? Sasabihin mong human wolf?” Hindi ko naiwasan ang pag-alpas ng mahinang tawa. Ano pa bang nais niyang tukuyin kung hindi iyon, ‘di ba? Familiar ako sa ganoong klase ng nilalang dahil na rin sa mga palabas sa telebisyon. Hindi naman nabago ang ekspresyon ni Oryrius. Sa halip ay sinalubong nito ang aking tingin. “ What if I say yes?” Punong-puno ng kaseryosohan ang kanyang mukha
Magbasa pa
Chapter 16
Hindi pwedeng hindi masagot ang katanungan ko.Kinabukasan, nang makaalis si Oryrius patungo sa trabaho ay wala akong sinayang na sandali. Agad kong tinungo ang kwarto ng second wife niya. At dahil nakapaghalungkat na ako noon sa gamit ng babae ay agad kong tinungo ang sadya ko. Walang iba kundi ang sketch pad nito sa loob ng drawer. Laking pasalamat ko lang dahil naroon pa iyon.“Hihiramin ko muna ‘to saglit ha?” Parang timang na kausap ko sa litrato ng babae na nakasabit sa dingding.Maamo ang mukha nito. Hugis almond ang mga mata nitong malamlam. Neat bun ang pagkakapusod ng buhok nito. Light lang ang make up nito. Bagay na bagay rin ang nude lipstick nito sa kanyang mukha.Mukha siyang mabait.Sayang at hindi ko siya nakilala.At hindi ko mawari ngunit para bang nakita ko na ito.Parang pamilyar siya sa akin .“Pasensya ka na, ha. Alam ko naman na importante sa’yo ‘to bilang artist pero kailangan ko lang talaga.”Tumitig ako sa larawan kahit alam ko naman na hindi iyon sasagot.“
Magbasa pa
Chapter 17
Paano ako pupuslit?Paano ko pupuntahan ang dulo ng Hardin na walang nakakapansin sa akin?Paano at kailan ko gagawin ang plano ko?Iyan ang mga tanong na umuukilkil sa aking isipan habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang malawak na hardin. Sa lawak pa naman nito ay tiyak ay matatagalan ako bago maabot ang dulo.Kaya hindi ko talaga maisip kung paano ko gagawin ang plano.Halos hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras dahil sa kaiisip sa dapat gawin.Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtingala ko. Sa ginawa kong iyon ay sumalubong sa aking mga mata ang bilog na buwan at hindi ko napigilang mapahanga sa ganda ng nito. Napakalaki nito at napakaliwanag.Hindi ko mawari ngunit nakakahalina ito sa aking paningin.Pasado alas nuebe na rin ng gabi ngunit mag-isa pa rin ako dito sa silid. Wala pa si Oryrius. At maaaring hindi siya makauwi dahil mayroon daw itong aasikasuhin sa negosyo. Mukhang may problema yata ang lintek sa trabaho. Muling napunta ang tingin ko sa hardin.
Magbasa pa
Chapter 18
Walang nang atrasan ‘to.Nandito na rin naman ako kaya bakit pa ako aatras?Humakbang ako palapit sa dulo ng Hardin. Mula sa kinaroonan ko ay ilang hakbang na lamang ang layo ko sa masukal sa gubat.Iginala ko ang aking paningin. Halos wala akong maaninag dahil sa yabong ng mga puno. Mas maganda sana kung sa umaga sana ako narito. Bawal daw ang pumarito dahil trespassing. Pero sino namang magbabawal? Mukha namang walang nakatira rito. Mukhang wala ring CCTV sa paligid.Walang makakakita kaya sinong magbabawal?Iginala ko ang paningin ko. Ni wala nga akong makita na signage na ‘no trespassing’. Kahit nga bakod wala. Para namang hindi totoo ang sinabi ni Oryrius.Hays. Ayaw lang yata niya na pumunta ako rito eh.Naiiling akong iginala ang paningin ko. Ngunit hindi ko napigil ang paggapang ng kilabot sa katawan ko nang may makita akong dalawang kulay pulang bilog sa kakahuyan. Hula ko ay mata iyon ng hayop.Awtomatikong naapatras ang mga paa ko.Tila biglang bumalik sa alaala ko ang
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status