Lahat ng Kabanata ng The Dove of The Lost Lands: Kabanata 11 - Kabanata 20
49 Kabanata
Kabanata 10
DesisyonNakabalik na kami sa Bahay-panuluyan. Wala akong imik na tumungo sa aking silid. Ipinagpasalamat ko ng lihim na hindi nila ako tinanong pa.Saglit akong napailing.Ang Hari? Wala naman itong pakialam sa akin o sa kung anuman ang nararamdaman ko. Ito na yata ang nakilala kong malamig pa sa niyebe kanina.At wala rin naman akong inaasahang simpatya mula sa kanya. Ayos na sa akin na pumayag ito sa pakiusap ko, kahit pilit."Binibini, tingnan niyo 'to, umuulan ng niyebe!" masayang sabi ni Dera, habang nakatigin siya sa bintana na gawa sa kristal. "Magsisimula na ang tag-lamig!"Saglit akong tumingin doon pero mas lalo ko lang tinakpan ng unan ang mukha ako. Naaalala ko ulit ang mga nangyari.Nakakalungkot at nakakagalit. Wala akong magawa, wala akong maisip na paraan para matulungan sila.
Magbasa pa
Kabanata 11
 Kasal Kung isa lamang ako sa mga babaeng mula sa maayos na antas ng buhay, may isang pang pangarap lang ako hindi lang ang kalayaan. Pangarap na hinahangad ng mga kababaihan—ang makasal sa taong itinitibok ng aming puso. May kalayaan pumili at magmahal. Ngunit ito na ang aking hinaharap at wala na akong magagawa pa. Alam kong may kaakibat na kapalit ang desisyon kong ito, at iyon ay ang kalayaan ko. Subalit kung ang kapalit naman niyon ay ang pagiging malakas ko—ang magkaroon ng kapangyarihan, magagawa ko ang nais ko. Nais kong ibalik ang lahat sa ayos. Gusto kong tulungan ang mga taong inosente. Hindi ko alam kung bakit ko napagdesisyonan ang ganitong hakbang. Ang alam ko lang ay hindi sila nararapat sa ganoong sitwasyon. Hindi nila dapat maranasan ang mga naranasan ko. Siguro'y hibang na kung isipi
Magbasa pa
Kabanata 12
  Paglisan   Madali lamang natapos ang seremonya para sa kasal. Hindi ko nga alam kung kasal ba talaga ang nangyari. Sa isang simpleng simbahan ng Ladare ginanap ang kasal. Isang pari, ang kanang-kamay niyang si Harrion, at ang ilang serbidora ang naging amin saksi. At dahil nagmula ako sa mababang uri, ang Hari na ang nag-alay para sa seremonya.   Isang tradisyon na ng mga taga-Ladare kapag may ikinakasal ang magbigay ng dowry o alay para sa kanyang mapapangasawa. Maaring pera, hayop o mamahaling bagay. Katulad ng binigay sa akin ng malamig na Hari.   Binigyan ako ng Hari ng isang kwentas, gawa sa ginto ang mahabang tali nito, habang ang pinaka-ornamento ay ang makintab na jade na hugis luha. Simple lamang ang seremonya at hindi ko naman iyon iniinda. Inaasahan ko naman na magiging ganoon ang kahihinatnan dahil nakik
Magbasa pa
Kabanata 13
Moran KoroteyaNagsimula na nga ang aming paglalakbay kasabay ng pagbagsak ng niyebe. Hindi ko na nakita pa ang Emperyong kinamulatan ko, maging kahit ang katiting na hitsura niyon.Habang umaandar ang aming sinasakyang karwahe, napapatingin ako sa labas. Ang bawat nadaraanan namin ay naghahalo ang kulay berdeng mga dahon at ang unti-unting pagsama nito sa mga bumabagsak na niyebe. Wala akong ideya kung hanggang saan kami mapapadpad. Halos magtatakip-silim na rin nang may makita kaming mahabang ilog. Hindi makikita kung hanggang saan ang hangganan niyon.Si Harrion naman mula sa unahan ay pumunta sa kinaroroonan namin sakay ng Kabayo."Kamahalan, ipinasasabi ng ating mga kawal na malapit na tayo sa baryo ng mga Aradian," balita nito.Aradian?"Sabihan silang sa Aradian tayo ma
Magbasa pa
Kabanata 14
KoronasyonMula nang dumating kami sa Emperyo ng malamig na Hari—ang kinikilalang si Haring Adem—lahat ng mga tao ay halos bigyan nila kami ng lubos na pagpupugay. Paulit-ulit ang mga katagang 'mabuhay' at sa pagtawag ng aming pagkakakilanlan.Inaasahan kong kakaiba ang Emperyong ito ngunit mas hinigitan pa nito ang iniisip ko. Mas maayos, malaki, at matibay ang palasyo ng Koroteya. Walang eksaktong salita ang makakapagpaliwanag sa mga nakikita ko. At habang papasok kami sa palasyo, marami pang mga tagasunod ang yumuko at bumati sa amin.Alam kong sa mga oras na ito ay wala pa akong nalalaman tungkol sa palasyo. Mapalabas man o mapaloob. Si Dera ay nasa likuran ko, nananatiling nakayuko. Si Harrion naman ay nasa likuran din ng Hari.Kapagkuwan ay may sumalubong sa amin. Isang babae at lalaki. May mga sandata rin sila na nakalagay sa kanilang
Magbasa pa
Kabanata 15
Mula sa talim"Today is the auspicious day for the people of the Empire. And now, am the King Adem Cathan announced you from this day forward, Yonahara Ygrid as the Queen of Koroteya Empire."Iyon ang mga katagang sinambit niya bago ibinigay sa akin ang nakarolyong papel. Sinabihan na ako tungkol sa kanilang tradisyon para sa seremonya at ngayon ay kailangan kong tanggapin ang ibinigay ng Hari. Isang indikasyon na tinatanggap ko ng buong puso ang aking gagampanin bilang Reyna at katuwang ng kanilang Hari.Matapos ay yumuko ako upang bigyan ng pagkilala ang Haring kaharap saka umayos ng tindig at hinarap ang mga tao. Sa ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na ito. Para akong tinatangay ng mga emosyong hindi ko mapangalanan.Noong bata pa ako ay naging pangarap ko ang magkaroon ng panibagong buhay. Hindi bilang isang alipin, nakakasuot ng mga magag
Magbasa pa
Kabanata 16
Kawangis"K-Kamahalan...!"Halos hindi ako makapaniwala sa nakita at sa aking nagawa. Nabitawan ko ang aking punyal at agad din naman niya iyong sinalo kahit may sugat pa ang kanyang palad. Mabilis niyang itinago mula sa katabing aparador ang aking punyal bago kumuha ng telang pantapal sa kanyang sugat.Napahawak ako sa aking dibdib. Naroon pa rin ang matinding pagkagulat. Habang ang Hari naman ay parang kalmado ang itsura.Nang matapos niyang ayusin ang pagkakatapal ng kanyang sugat, at nang wala ng dugo ang dumadaloy. Kuno't-noo na at seryoso na siyang lumapit sa akin saka hinawakan ang panga ko.Napahawak ako sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa akin."Balak mo ba akong patayin?" nanggigigil na sabi niya. Mahina lamang iyon at kaming dalawa lang ang nakakarinig.Kaagad akong umiling. Kahit gaano
Magbasa pa
Kabanata 17
Masamang Balita"Senyora Varrella...?" nausal ko habang nakatingin sa matandang babaeng ngayon ay kausap ng Hari.Talagang magkawangis sila ng yumaong Senyora. Hindi kaya kamag-anak siya ng Senyora? Kapatid? Pinsan?Lahat ay napatingin sa akin, lalo na ang kawangis ng aking dating Senyora. Nagtatanong itong tumingin sa kaharap na Hari bago ako nito muling binalingan ng pansin.Naibaba ko ang paningin nang siya ay lumapit. Nagtataglay din ito ng mabigat na presensya at katulad ng namayapang Senyora, may kung anong misteryo ang bumabalot dito.Maliban sa pagiging Reyna ng yumaong Senyora, ano pa kaya ang nasa likod ng misteryosong pagkatao nito?"May sinabi ka bang pangalan?" panimula niya nang magkaharap kami. Umiling na lang ako. Baka pagkakataon lamang na magkawangis sila ng yumaong Senyora.Nag-ang
Magbasa pa
Kabanata 18
TanongLuha. Iyon ang aking nakita sa matandang babaeng kaharap ko ngayon. Pagkagulat, pagkalito, lungkot, at tila hindi pa makapaniwala sa nalaman.Umalingawngaw ang tunog mula sa nabasag na tasa na naroon na sa marmol na sahig. Maya-maya'y narinig ko na ang mga yabag."Ano'ng nangyari?" kaagad na unang salita ng Hari nang ito'y makapasok sa loob. Kasama naman nito si Harrion na naroon sa pintuan."Oh, nagkukwentuhan lamang kami. Nahulog ko lang ang aking tasa, hindi ko kasi masyadong nahawakan ng maiigi," kaagad na palusot ng nasa harapan ko.Kunot-noo lamang na tumingin sa amin ang Hari. Hindi nito nakita ang pagluha ng guro nito. Humanga naman ako at nakahinga rin ng maluwag nung kinomposyur kaagad ng guro ang sarili. Animo'y hindi siya nakatanggap ng masamang balita kanina at ganoon na lang sa kanya kadali na magpalit ng emosyon.
Magbasa pa
Kabanata: 19
Bago ang lahat"May sinabi ka ba kay Valleri?" Iyon ang aking narinig mula sa kanya. Lihim na iniwas ko ang mga mata kahit nakatalikod ako sa Hari. Alam ko kung ano ang magiging kahihinatnan sa pagitan namin kapag sinabi ko ang tungkol sa kung anong dahilan ng pagkalungkot ng kanyang guro. "Wala. Nagkwentuhan lamang kami," pagsisinungaling ko. Patawad.  Sabi ng aking isip para sa kanyang guro. At para na rin sa kanya, dahilan niyon ay ayaw kong magkaroon pa ng kung anumang pagdedebate sa pagitan namin. Kataka-taka ring hindi siya nagsalita pa o nagkomento man lang sa aking sagot. Alam kong may darating na araw na may kapalit na hindi maganda, pero sa ngayon... pagod a
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status