Lahat ng Kabanata ng The Dove of The Lost Lands: Kabanata 31 - Kabanata 40
49 Kabanata
Kabanata 30
PagsumamoSa bawat pagpikit, mga hininga ang kumawala sa aking bibig. Minsan naman ay maliliit na tinig. At habang nasa ganoon akong sitwasyon ay patuloy ang pagsisimula ng Hari. Napahawak sa kanyang buhok, doon ako kumapit ng gawin niyang panulat ang kanyang dila sa aking dibdib.Hindi napigilan ang pagtingala nang iwan niya iyon at dumako naman sa aking leeg, panga, at sa labi. May luhang bumalatay. Hindi mawari kung dahil sa halina o sa sitwasyong noon ay kinamuhian ko.Sitwasyong hindi mag-aakalang mabibihag ako nang dahil sa isang hamon na siyang tinanggap ko. Isang hakbang upang tulungan ang Haring hindi ko pa tuluyang nakikilala ngunit sa kanya'y ngayon nagpaalila sa haplos, dampi at halik niya."Mahal na Hari..." mahinang anas ko nang kanyang kagatin nang bahagya ang parte ng aking leeg dahil sa pangigigil.Hindi ko alam kung kailan matatapos ang tagpong ito. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging resulta kinabukasan. Basta ngayon, maraming emosyon ang kumawala, bumalot at nga
Magbasa pa
Kabanata 31
Espada at PunyalNapamulat ako bigla at ilang beses na napakurap. Ang kulay kapeng kisame na may engrandeng munting aranya at kakaibang sining na nakaukit roon ang sumalabong sa aking paningin. Agad akong napabaling sa aking tabi.Wala rito ang Hari. Tanging ang magulong kumot at unan na lang ang natira. Saka ko pa lang tiningnan ang sarili. Inangat ko ang kumot na nakabalot sa akin.Bumuntong-hininga na lang ako. Nayakap ko ang kumot at dinama ang akin. Wala namang masakit, iba nga lang sa pakiramdam. Parang may kakaiba sa aking pagitan. Hindi ako komportable.Tila isang kidlat sa bilis kung sumagi sa aking isipan ang lahat. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi sa nangyaring sandali sa amin ng Hari kagabi. Mariin na lamang ako napapikit sa ginawang katangahan. Hindi ko aakalaing magiging alipin ako sa mga sandaling iyon. Na, hinayaan ko ang Haring magtuklas sa akin.At ano pa, Yonahara? Pagyamanin?Bakit ba ako nagsumamong pagyamanin niya ako? Hindi ba't siya lamang dapat? Bakit a
Magbasa pa
Kabanata 32
ImbitasyonNaghalo ang munting ingay na nanggagaling sa kutsara't tinidor at ang nakakabinging katahimikan dito sa hapagkainan. Sa mahabang lamesa na puno ng masasarap na pagkain, tanging kaming dalawa ang naririto.Wala naman akong lakas ng loob na magsimula ng usapan lalo pa't hindi naman gaanong malapit ang relasyon namin ng Hari.Hindi ko alam kung kaya ko pa bang sumubo pa ng pagkain dahil sa katahimikang namamagitan sa amin."Is the food wasn't like your taste?" Biglang dinig ko sa kanya.Napaangat ako ng tingin sa kanya. Elegante at pino pa rin ang galaw niya kahit sa pagkain kumpara sa kagaya kong nagsisimula pa lang mag-aral ng tamang pagkilos. Nagugulat pa rin talaga ako sa mga inaakto niya. Mayroon pa rin naman siyang taglay na nakakasama ng loob ko, pero tila may kakaiba ngayon.Tipid naman akong umiling."Hindi naman. Mukhang hindi pa lang ako nasasanay," nasabi ko na lang."Hindi ba't patuloy pa rin ang pagtuturo sa'yo ni Maestro Saldivar? I expect some improvements sinc
Magbasa pa
Kabanata 33
DebateKung isa lamang akong yelo, marahil ay kanina pa ako natunaw mula sa mga titig niyang nagliliyab. At kung isang babasagin lamang akong bagay tulad ng mga mamahaling plorera o kasangkapan, maaring kanina na rin ako nabasag mula sa mahigpit na pagkapit niya sa aking bewang, idinidikit pa sa katawan niya.Halos mapugto ang sariling hininga nang ilang gahibla na lang at magdadampi na ang aming mga labi. Subalit ang Maharlikang nasa harapan ko ngayon ay tila may ipinangakong alituntunin para sa kanyang sarili. Kung kaya't kahit may sumisibol na sensasyon sa pagitan namin ay humugot siya ng malalim na paghinga at pinigil ang sarili niya."Anong masasabi mo, Kamahalan? Maari kang pumili sa dalawa, o 'di kaya'y..." Sinadya kong hininto ang sasabihin. Mas pinaaliw ko pa ang boses. "Pagsasabayin ko, Kamahalan... pwede kong pagsabayin ang dalawa."Hindi ako mag-aakalang masasabi ko ang mga katagang iyon sa Hari pang ngayon ay wala akong kaalaman sa kung ano ba talaga dapat ang iniisip at
Magbasa pa
Kabanata 34
GunitaSa hindi mabilang na pagkakataon, sa gitma ng lamig at tila paraisong tanawin buhat ng mga nahuhulog na niyebe, ngayon ko lang nadama ang totoong panahon ng taglamig.Dahil sa tuwing dumarating ang ganitong panahon, tanging mga malulungkot na araw lamang ang aking naaalala. Kung dati'y nababalisa pa ako kung saan makakatulog nang mahimbing ngayon naman ay animo'y niyayakap na ang lamig dahil sa paglalakbay. Kung hindi dahil sa karwaheng kung saan kami lulan, makapal na kasuotan at talukbong, maaring maging kagaya na lamang ako sa mga katubigang nagyelo na. Ilang araw na ring hindi bumuhos ang niyebe pero may dala pa rin na hamig ang klima, kahapon lamang muli ang mga ito nahulog pababa mula sa kalangitan. Kung kaya't maingat ang pagpapatakbo ng aming karwahe.Ngayong araw na ito ay mamalagi ako pansamantala sa tahanan ni Senyora Valleri. Magsisimula na ang kanyang 'pagtuturo'. Hindi ko maunawaan kung bakit biglaan na lamang ang kanyang pagsuhestiyon sa Hari tungkol rito.Dinal
Magbasa pa
Kabanata 35
Unang ArawTuluyan na nga kaming nakarating sa tahanan ni Senyora Valleri. Walang niyebeng bumabagsak ngunit ramdam pa rin ang lamig. Ito na ang pangalawang beses na makita nang malapitan ang tahanan ng Senyora, sa ibabang bahagi ay gawa sa bato at semento.Mayroon iyong pintuan sa gilid—sa likod ng papaakyan na hagdan. Habang ang kalahati na pang-itaas naman ay yari sa matibay na kahoy, mga patrayangulong bubong at may tsimenea kung saan doon lumalabas ang usok mula sa pugon.Nanguna na ang Senyora sa pag-akyat ng hagdan, umalis na rin ang sinakyan naming karwahe. Sumunod ako sa kanya at pagbukas ng pintuan, makikita ang maayos at malinis na sala. Nakita ko na ito nung unang bisita namin dito ngunit wala pa ring nagbabago sa nararamdaman kong paghanga sa loob at disenyo ng tahanan.Humarap naman sa akin ang Senyora, kapagkuwan ay nagsabi siya."Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Ang ating gagawing pagsasanay sa susunod na araw at sa susunod pa ay mas komplikado. Kung kaya't mas mainam
Magbasa pa
Kabanata 36
Unang PagsubokSimula pa lamang ng aming paglalakbay ay naiisip ko na ang tungkol sa pagsasanay. Kung gaano ba iyon ka-komplikado, kahirap o mas higit pa ba iyon sa naranasan ko sa kamay ng Senyora Varrella.Subalit ang lahat ng iyon ay balewala kung hindi makikita sa personal, sa iyong mga mata, at higit sa lahat mararanasan.Unang araw pa lamang ay halos ko hindi na aakalaing ganito kahirap. Paulit-ulit na pinatakbo ako ni Senyora Valleri sa matarik at mataas na bundok. Mapataas o baba. Parang paunahan, kung sino ang mauunang dumating sa tuktok ng bundok, siya ang makakakain ng masarap na pagkain.At kapag nahuli ay siya naman ang magugutom o hindi kaya'y tubig lang. Ang bilin ng Senyora'y pagdating sa tunay na labanan ay hindi lang galing sa pakikipaglabanan ang iyong alas. Kakailanganin mo iyon ng mabilis na kilos kasabay ng walang kahit na anong ingay sa iyong paggalaw. Tumakbo man o maglakad ng mabilis.At sa totoong labanan, hindi lahat ng oras ay mapupuno ang sikmura dahil hin
Magbasa pa
Kabanata 37
Pagsubok ng TemptasyonHindi ko aakalain na magagawa kong malampasan ang unang pagsubok. Na, magawa kong lampasan ang Senyora. Ngayon naman ay nagpapahinga ako at nagpapalakas. Hindi mapuknat ang aking ngiti dahil sa nagawa para sa sarili.Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng aking silid, si Senyora Valleri pala. Humakbang naman siya palapit sa akin at kinumusta ang kalagayan ko."Maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa'yo?" tanong ni Senyora Valleri.Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. Hindi ko lang talaga inaasahan ang kanyang pag-aalala."Mabuti na ang aking pakiramdam. Lilipas din ang sandali ay makakabalik na muli ako sa aking pagsasanay." Napatango naman ang Senyora."Siya, sige... Magpahinga ka na muna riyan, at may pagkain din sa hapag. Ngayon lang ako magiging mabait sa iyo, Yonahara." Bilin niya na nagpangiwi sa akin.Gusto kong mailing dahil may pagkakatulad talaga sila ni Senyora Varrella. Ang isang pagkakaiba lamang nira ay masyadong istrikto ang n
Magbasa pa
Kabanata 38
Pangalawang PagsubokMula sa mga naranasan ko, sa pagiging alipin at minsanang pagsanay sa akin kung paano gumamit ng armas para sa protektahan ang sarili at pakikipaglaban, at sa lahat ng mga nangyari kung bakit ako naririto, akala ko'y iyon na ang mga pagsubok na siyang susubok sa akin.Hindi ko naman aakalain na ganito pala iyon kahirap, kakomplikado at higit sa lahat mga kakaibang bagay na kahit minsan ay hindi ko inaasahan.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, mula sa hirap at sakit, may naghihintay naman na kalayaan, saya at pagkakaisa.Naipikit ang mga mata, dala ng hangin ay may halong lamig at kilabot sa aking sistema. Dulot ng taglamig ay nasa pagitan ng ganda at panganib. Hindi ko maikakailang naging parte na iyon ng aking buhay, ngayon at sa susunod pa.Panahong maaring makaantig ngunit kayang makapagkitil. Kung kaya't isang linggo rin akong nagpahinga, nag-ipon ng lakas para sa susunod pa na proseso at hakbang.Inilahad ang kanang kamay sa ere, pinakiramdam ang bawat hampas
Magbasa pa
Kabanata 39
Ang Bundok NilayenWalang makikitang araw sa buong kapaligiran. Tanging ang nagkukumpulang mga kulay abong ulap, at paunti-unting paghulog ng mga niyebe sa mga punong luntian lamang ang unang nasilayan mula pa kaninang umakyat ang araw hanggang sa kami'y nasa loob ngayon ng karwahe.Samut-sari ang pakiramdam. Naroon ang pag-aalinlangan, pag-aabang at ang kagustuhang matuto. Napasulyap ako kay Senyora Valleri. Nakatuon ang kanyang mga mata sa labas, malalim ang iniisip. Hindi ko makuhang magtanong sa kanya.Basta na lamang niya akong binilinan na mayroon kaming pupuntahan, sinabihan pa niya ako na kailangan kong maghanda ng mga gamit. Mga kalahating minuto pa ang nagdaan, tumigil ang aming sinasakyang karwahe sa isang paarkong daanan. Bumaba kami at tiningnan kung saan kami tumigil.Mula rito ay makikita ang kahoy na tulay. Hindi iyon kalayuan kung titingnan ngunit hindi rin natitiyak sapagkat sa katapusan niyon ay ang kumakalat na hamog. Sa ilalim ng tulay ay sapa, luntian ang kulay n
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status