All Chapters of GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO: Chapter 11 - Chapter 20
46 Chapters
Sapphire Hotel
APOLO HOTEL, ERMITA MANILAKasalukuyang nasa pavilion ng hotel ang sampong bodyguards na kasama ni Adrielle para sa misyon na ibinigay sa kanila ng amang si Lion. At kasama sa mga ito si Cougar na tahimik lang na nakaupo sa kabilang dulo ng mahabang mesa kung saan sila nagtanghalian. Nakaharap sa malaking swimming pool ang pavilion kaya tanaw na tanaw nila ang ilang guest ng hotel na naliligo. Kasama rin sa misyon ang dalawa pang kapatid ni Adrielle na sina August at Kimhan."Ito ang unang beses na makakasama ko ang Young Miss sa isang misyon. Medyo kabado ako," ang sabi ni Kian, isa sa personal bodyguard ni August. Bakas sa mukha nito ang kaba na may halong excitement."Ikaw lang ba?" sagot ni Cresent bago ibinuga ang usok na nasa loob ng kanyang diibdib. "Ako rin naman," ani pa ng lalaki saka idinutdot ang hawak na sigarilyo sa hugis bungo ng tao na ashtray Napatango ang ilan pang naroon bago tila iisa ang ulo na ibinaling ang pansin sa tahimik lang na si Brixx, ang head bodyguard n
Read more
TALK BACK
NAPATIGIL sa pag-nguya ng hawak na hita ng manok ang lalaking nakaharap sa mga CCTV monitor nang biglang bumukas ang pinto na nasa bandang kaliwa ng may kalakihang monitoring room ng Sapphire Hotel. Napatingin din ang ilan pang mga kasama nito sa babaeng nakasuot ng maskara na nakatayo sa bugad ng pinto."Hi," bati ni Adrielle sa mga ito habang ang mga matang nakalitaw mula sa suot niyang maskara ay nakatutok sa matabang lalaki na kasalukuyang nakatingin din sa kanya at nakakunot ang noo.Bahagyang napangiwi si Adrielle nang makita ang isang buong litsong manok na nakapatong sa gilid ng mesa ng lalaki. Nangangalahati na lamang iyon at kaagad din niyang napansin na bukod-tanging ito lamang ang kumakain doon."Miss, bawal ka rito," sita ng lalaki na masungit na nakatingin kay Adrielle bago kumagat sa hawak nitong hita ng manok."Ah, hinahanap ko kasi ang CR but since I'm already—" naputol ang sasabihin ni Adrielle nang muling magsalita ang matabang lalaki."Tatawag na lang kami ng secur
Read more
HER TEMPERAMENT
NANG tuluyang bumukas ang elevator ay mabilis na lumabas sina Adrielle, Kimhan at Cougar."Fuckin' head dress!" napipikong usal ni Adrielle na sandaling tumigil sa paglalakad. Pahiklas niyang hinila ang inilagay na palamuti ni Adela sa buhok niya nang ayusan siya ng babae kaninang bago sila pumunta sa Sapphire Hotel. Wala siyang pakialam kahit nagmukha siyang bruha dahil sa nagtitikwasang buhok na nagulo nang matanggal ang headband clip neat na nakakabit doon.Si Cougar naman ay mabilis na sumakay sa itim na kotseng dala ni Russet kasama sina Brixx, Kian, at iba pang bodyguard. "Hurry!" sigaw ni Azure na nakasilip sa nakabukas na bintana ng dala nitong sasakyan"Where's Aug?" Tanong ni Adrielle nang mapansing wala pa roon ang nakatatanda nilang kapatid. "He should be here by now—"Napatigil sa pagsasalita si Adrielle nang bumukas ang elevator sa bandang kaliwa at mula roon ay iniluwa si August habang nasa likuran naman nito si Cresent na kaagad na humiwalay at nagmamadaling tinungo
Read more
BRIEFCASE
ALAS NUEBE nang umaga sa isang private resort sa Nasugbu, Batangas. Hindi na tumuloy ang grupo ni Adrielle sa Apolo Hotel kagabi para masigurong hindi sila masususndan doon ng mga taga-NBI at PDEA. Doon na sila tumuloy ayon na rin sa instruction ng head bodyguard ng Daddy nila na si Emman.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cougar bago siya tuluyang kumatok sa pinto ng cottage na tinutuluyan ni Adrielle. Hindi na sila nagkita ng babae kagabi pagdating ng mga ito dahil inutusan siya ni Russet na bumili ng beer at magpagasolina ng sasakyan dahil nakalimutan nito noong mapadaan sila sa isang gasolinahan. Pagbalik naman niya ay naroon na sa cottage nito ang babae at ang sabi sa kanya ni Kimhan ay ibigay daw niya kay Adrielle ang briefcase na inabot sa kanya ng babae habang nasa kalagitnaan sila ng kaguluhan.Habang nagpapa-gas kagabi ay sinamantala din niya ang pagkakataon na tawagan si General Gallego. Hindi niya kasi ini-expect na magpapadala kaagad ito ng mga agents sa
Read more
NIGHT SHADOWS
NAGMAMADALING lumabas ng cottage ni Adrielle si Cougar nang maibaba niya ang dalang briefcase sa sahig. Ang init ng pakiramdam niya habang nagsisimula namang lumitaw ang ilang butil ng pawis mula sa kanyang noo. "Shit!" usal niya bago mabilis na pinunasan ang pawis at bahagyang ipinagpag ang kuwelyo ng suot niyang T-shirt. "Lintek, kailangan ko yatang maligo, ah." pabulong na aniya sa sarili.Dahil sa kanyang naisip ay mabilis niyang tinumbok ang dagat at nang makarating doon ay kaagad niyang hinubad ang suot na damit bago nagmamadaling lumusong sa tubig. Inilublob niya ang sarili sa hanggang leeg na tubig bago lumangoy nang pabalik-balik. Hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang perpektong hubog ng katawan ni Adrielle.Sandaling tumigil sa paglangoy si Cougar at ipinilig ang kanyang ulo para pilit na alisin sa kanyang balintataw ang hubad na katawan ni Adrielle nang bigla siyang matigilan. Kumunot ang kanyang noo bago nagmamadaling lumangoy pabalik sa dalampasigan. Bitbit ang hinub
Read more
DOUBT
"BABAE?" nanunuksong tanong ni Cresent kay Cougar pagkatapos na magpaalam ng huli kay Adrielle na may dadalawin siyang kaibigan sa hospital. Nasa hospital ang isang agent ng Falcon Surveillance at napagkasunduan nilang dalawa ni Trevan na doon na lang magkita. Napatigil naman sa akmang pagsubo ng hawak na mansanas si Adrielle nang marinig ang sinabi ni Crescent. Wala namang problema sa kanya kung may dadalawin ito sa hospital pero bigla siyang na-curious sa magiging sagot ng lalaki. Ibinaba niya ang hawak na prutas at humalukipkip habang hinihintay na magsalita si Bob.Mahinang tumikhim si Cougar bago tumango. Wala sa loob na napasulyap siya sa gawi ni Adrielle na wala namang ibang reaksyon maliban sa sandaling pagkunot ng noo nito bago muling dinampot ang kapirasong mansanas at isinubo.Pumalatak si Crescent. "Sinasabi ko na nga ba," abot-langit ang ngisi na turan nito na sinundan pa ng palakpak. "Sige na, humayo ka at magpakarami." Nanunuksong dugtong pa ng isa sa mga bodyguard ni
Read more
DAHLIA
Eksaktong pagpasok ni Adrielle sa loob ng cottage niya ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa loob ng back pocket ng suot niyang cotton short. Dinukot niya iyon at binuksan. Kaagad niyang nakita ang pangalan ni Crimson sa maliit na screen kaya mabilis niyang in-unlock ang hawak na aparato.[I sent you something. Check your email. Dad's order.]Iyon ang nakalagay sa message. Mabilis na naglakad si Adrielle patungo sa maliit na mesa kung saan naroon ang laptop na ipinadala ni Emman sa kanya kanina. Nasabihan na marahil ito ng Daddy niya kaya maaga nito iyong ipinahatid sa resort.Umupo siya sa gilid ng kama at inabot ang laptop. Ipinatong niya iyon sa unan at kaagad na binuksan. Pumunta siya sa kanyang email at mabilis niyang nakita ang file na ipinadala ni Crimson. Pinasadahan niya iyon ng tingin bago tumatango-tangong tumipa sa keyboard.[Got it!]Maikling tugon niya sa email ni Crimson bago pabagsak na humiga sa kama pagkaraang maibalik sa ibabaw ng maliit na
Read more
FEAR
Halos isang oras na rin siguro ang nakakalipas simula nang umalis si Cougar. Nang tingnan ni Trevan ang oras sa kulay itim na relong nakasabit sa itaas ng pinto na papasok sa maliit na kusina ay nakita niyang halos mag-alas nuebe na ng gabi.Isang bungalow house na nasa labas ng Manila ang pinagdalhan sa kanya ni Cougar. Hindi iyon tago pero hindi rin gaanong matao. Dito daw muna siya pansamantala habang may inaayos ito. Babalikan daw siya ng kaibigan niya pagkalipas ng tatlong araw. Bago ito umalis ay siniguro muna ni Cougar na may sapat siyang suplay na pagkain at iba pang mga kailangan para sa loob ng tatlong araw. Nag-take out na rin sila ng hapunan kanina sa nadaanan nilang fast food restaurant. Binilinan din siya nito na huwag lumabas kapag hindi kailangan at huwag basta-basta magbubukas ng pinto kapag may kumakatok. Tawagan din daw niya kaagad ito kapag may nangyari o emergency.Napahugot ng buntong-hininga si Trevan. Ngayon pa lang ay namimiss na niya ang mga babies niya. And w
Read more
HER DARK SIDE
Sa isang kilalang club sa kahabaan ng Malate ay naroroon ang isang kilalang negosyanteng intsik na si Mr. Teng. He owns a hotel chains in the country and some resorts. He is well-known in business industries at marami rin siyang charity foundation na tinutulungan. Kilala siya ng lahat bilang isang pilantropo at matulunging negosyante.But that was what everyone knew dahil ang totoo ay isa si Mr. Teng sa mahigpit na karibal ng Octagon and Lion Guerrero doesn't want him to live anymore.Behind his handsome and smiling face is a devil. Behind those laughs is an evil plan. Magaling siyang magpanggap. Magaling umarte at magaling magtago ng totoong katauhan. Akala ng lahat ay tumutulong siya ngunit sa bawat perang lumalabas sa bulsa niya ay triple ang balik sa kanya."Mr. Teng, bukas na ang dating ng shipment ng mga order nating karne mula sa kausap nating supplier sa ibang bansa." turan ng isa mga lalaking kasama niya sa loob ng VIP room sa club na iyon.Ang sinasabi nito ay ang mga karne n
Read more
REAPER
"WHO'S WITH YOU?" "Bob," walang anumang sagot ni Adrielle kay Reaper. Tinawagan niya ito kagabi para sabihing ihanda nito ang ilang mga kailangan niya dahil luluwas siya ng Manila. Nang malaman nito iyon ay kaagad nitong sinabi na magkita sila.Nagsalubong naman ang mga kilay ni Reaper. "Why is he with you?" bakas ang pagka-disgusto sa tinig tanong niya kay Adrielle. Lumingon si Reaper sa isang bahagi ng Manila Bay kung saan naroon nakatayo si Bob. Umigting ang kanyang mga panga at kumuyom ang mga palad bago niya ibinalik ang pansin nang magsalita si Adrielle."Bodyguard ko siya, malamang ay kasama ko siya kahit saan ako magpunta," naka-irap na tugon ni Adrielle sa kaibigang kakaiba ang ikinikilos. "Parang ikaw, kung nasaan si Russ ay naroon ka rin naman, hindi ba?" aniya pang sinabayan ng paghalukipkip. Head bodyguard ni Russet si Reaper at sa kasalukuyan ay nasa Maynila ang kapatid niya dahil may ipinapagawa rin dito ang Daddy nila."But—""Let us not talk about Bob, Reap," putol
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status