All Chapters of The Mafia's Obsession: Chapter 21 - Chapter 30
81 Chapters
Chapter 21
KEYLA“Hi.”Nakangiting bungad niya sa akin pagkagising ko. Kung makangiti akala mo ay sinapian ng anghel. Sinubukan kong tumagilid dahil nakatihaya akong nakahiga. At nasa tabi ko siya nakahiga rin habang nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang kamay. At nakatitig sa akin.“Anong nakain mo at ganyan ka? Ang creepy mo ngumiti parang may hindi ka gagawin maganda sa akin ah?” May pagdududa kong tanong sa kanya.“You forgot? I eat you last night.” Turan niya na ikinapula ng mukha ko. Nagtago ako sa kumot upang hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko.“Hey! Why you’re hiding?”Hinila niya ang kumot at pinigilan kong wag niya akong makita. Wala pa rin akong saplot at naramdaman ko na lamang ang pagpatong niya sa ibabaw ko.“Thiago!” Singhal ko sa kanya.“Ang sakit pa ng katawan ko!” Angil ko pa para tumigil siya sa pangungulit sa akin.Sumeryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.“What?” Kunot noo kong tanong sa kanya.“Let’s get married today.” Sambit niya na ikinagulat ko naitu
Read more
Chapter 22
KEYLA“See you later…” Paalam niya sa akin pagkahatid niya sa akin sa dati kong kuwarto. Nang pumasok ako ay nagulat ako sa aking nakita. Isang life size manikin na nakasuot ng simpleng wedding gown. At nang mapadako ang mata ko sa kama ay naroon naman ang isang pares ng flat shoes at katabi nito ay isang flower crown. Naroon din ang bouquet ng red roses na dadalhin ko mamaya. Buong akala ko ay hindi siya handa para mamaya pero naplano na pala niya ang lahat. Paano na lamang kung tumanggi ako eh di nasayang ang lahat ng effort niya? Nilapitan ko ang wedding gown. Hindi ito kasing laki ng mga makikita sa fairy tale like wedding. At may pagka conservative pa rin dahil sa minimalist gown design nito at gawa din sa high-quality matte crepe and features, a modern square neckline that’s offset by a billowy sleeve and dreamy skirt.Mamayang alas-singko pa ng hapon ang kasal namin kaya may panahon pa ako para mag-beauty rest. Naligo muna ako sa bath thub, pagkatapos ng kalahating oras ay umah
Read more
Chapter 23
THIAGOAkala ko ito na ang araw na pinakahihintay ko. Pero nangyari ang hindi ko inaasahan. Masyado akong naging kampante at hindi ko napaghandaan ang mga kaaway. Ngayon pa sa araw ng kasal namin sila lumusob. Kaya hindi ko sila mapapatawad!“Ibigay sa’yo? Nagpapatawa ka ba Naokiyama? Akala mo ba makakaalis ka pa dito sa teretoryo ko? Sa ginawa mong ito ikaw na mismo ang humuhukay sa sarili mong libingan.” Igting ang panga na sabi ko sa kanya. Dadaan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko bago niya makuha si Keyla sa akin. Hindi ako natatakot mamatay dahil matagal ko nang hinanda ang aking sarili simula nang pasukin ko ang buhay na ito. Pero ang hindi ko mapapayagan kapag may ibang hahawak sa babaeng nasa tabi ko ngayon!“Ang lakas naman ng loob mong magmayabang gayong ubos na ang mga tauhan mo? O baka naman sinasabi mo lang yan para maibsan ang takot mo?” Nakangising sabi niya sa akin. Dalawa laban sa maraming tauhan niya. Siguradong mahihirapan kami ni Keyla. Pero hindi ko balak na isuga
Read more
Chapter 24
KEYLA“Keyla!” Salubong sa akin ni Mom at Dad pagkapasok ko pa lang ng bahay bakasyunan. Dito sa malawak naming farm sa Laguna. Kaagad ko silang sinugod ng yakap. Matagal akong nawala kaya paniguradong matagal din nila akong hinintay na umuwi. Natigil ang pagyakap nila nang makita nila si Thaigo na nasa likuran ko. Kaagad siyang sinuyod ng tingin nila Mom at Dad.“Mom! Dad! Si Thiago po pala boyfriend ko.” Pakilala ko sa kanya. “Thaigo, si Mommy Alixane at si Daddy Brian ko.” Pakilala ko naman sa kanila kay Thaigo.“Boyfriend?” Kunot noo na tanong ni Dad. Inaasahan ko na ang reaction niya dahil alam niyang ngayon lang ako nagdala ng lalaki sa bahay at ipinakilalang boyfriend ko. Inilahad ni Thaigo ang kanyang kamay kay Daddy. “Actually, I’m his Fiancé.”“What?!” Sabay pa na bulalas nila. Kahit ako ay nagulat din na sinabi ni Thaigo yun. Sabagay kung natuloy nga ang kasal namin kahapon ay hindi lang boyfriend ang pakilala ko sa kanya. At siguradong mawiwindang nang tuluyan sila. N
Read more
Chapter 25
KEYLA“Dad!” Tawag ko sa kanya dahil nasa hapag na kami pero parang binabalatan pa rin niya ng tingin si Thaigo. “Ano? Masama bang tumingin?” Kunot noo na tanong ni Dad sa akin. “Hindi naman, kulang na lang pangil sa inyo sasakmalin niyo na si Thiago.” Nakangusong sabi ko sa kanya. Nasa dulo si Dad at nasa tabi naman niya si Mom. Tahimik lang ito at hindi nagsasalita. Kapag ganito si Mom sigurado akong may iniisip siya. Hindi ko lang alam kung sa amin ba ni Thaigo o sa ibang bagay. Sa kanila kasing dalawa ni Mom mas vocal si Daddy. Kaya kapag si Mom na ang nagsalita siguradong tiklop na si Dad. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganito ang set-up nilang dalawa. Ang palaging sinasabi ni Dad noon sa amin. Love na love daw niya si Mommy kaya nakikinig daw siya dito. Nakakatakot daw kasi itong magalit. Nasaksihan narin naming nagalit si Mom dahil kay Daddy at isang lingo niyang tiniis ang blacked eye niya. Hindi kasi umuwi nang maaga si Dad at yun pala sumamang mag-inom kila Tito Natha
Read more
Chapter 26
KEYLA“Anong ginagawa mo diyan? Wag mong sabihin na binabantayan mo yand Dad mo at si Thaigo?” Tanong ni Mommy sa akin pagkatapos niyang mailapag ang adobong mani sa mesa nila Daddy. Magkaharap na sila ngayon at nilalantakan na nila ang isang galong lambanog na dala ni Daddy. Hindi ko alam kung nakainom na si Thaigo noon pero hindi naman siya tumangi sa alok ni Daddy. Natuwa pa nga siya nang sabihin nitong papayag siyang magkatabi kami matulog kapag natalo siya nito.Umupo si Mommy sa tabi ko, inabutan niya ako ng isang tasang chocolate at tsaa naman para sa kanya. Nasa kabilang table kami hiwalay kila Daddy dahil masinsinan ang naging usapan nilang dalawa.“Mom? Kailan pa naging lasingero si daddy?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“Umiinom lang ang Daddy mo kapag nandito sila Nathan at si Raul. Alam mo naman yung dalawang yun naging best friend na ng Daddy mo. Hindi ko rin alam kung bakit niya ginagawa ito. Pero sa tingin ko mauunang bumagsak ang fiancé mo.” Nakangiting sabi niya sa
Read more
Chapter 27
KEYLAMagkahawak kamay pa kaming bumaba ni Thaigo sa hagdan. Kakagising lang namin at tanghali na pero wala namang umabala sa amin. Pinuyat niya kasi ako kagabi kaya tinanghali na kami ng gising. Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan at ganun din si Thaigo dahil nakita ko ang matalim na tingin ni Dad mula sa baba.“H-Hi, Daddy.” Kinakabahang bati ko sa kanya.“Bakit ngayon lang kayo gumising? Tirik na ang araw. Wala kayo sa siudad kaya hindi kayo puwedeng gumising ng tanghali na.” Litanya ni Daddy halata namang para kay Thaigo ang sermon niya kasi pag kami nga ni Nara ang nandito hindi naman ganito si Daddy kasungit kapag tanghali na kami nagigising.“I’m sorry po Sir, masakit po kasi ang ulo ko dahil sa nangyari kagabi.” Wika ni Thaigo. Inismiran siya ni Daddy at bumaling ulit ng tingin sa akin.“Kumain na kayo ng tanghalian at patulungin mo yang Fiancé mo sa pag-harvest ng mga mangga.” Utos ni Dad na ikinagulat ko.“Pero Dad—”Hinila ni Thiago ang kamay ko kaya naputol yung pagsasalita
Read more
Chapter 28
KEYLAHapon na nang dumating sila Daddy at Thiago. Halata ko sa kanyang napagod talaga siya sa pag-dilever ng mga prutas at gulay sa bagsakan nito. Kaagad ko siyang sinalubong ng yakap at halik sa labi.“Ehem!”Napalingon ako kay Daddy at nakalimutan kong batiin din siya kaya lumapit ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi. Siya namang paglabas ni Mommy sa kusina.“Wala pa sila?” Tanong ni Daddy kay Mommy nang batiin siya nito.“Si Isaiah dumating na, nasa kuwarto niya, pero si Nara malapit na daw siya.” Si Mommy ang sumagot. Nagpaalam kaming aakyat muna para makaligo at makapagpalit ng damit si Thaigo.“Napagod ka ba?” Tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa guest room.“Hindi, medyo masama lang ang pakiramdam ko.”Nagulat ako sa sinabi niya kaagad kong sinalat ang noo niya pero hindi naman siya mainit.“Wala ka namang lagnat bakit masama ang pakiramdam mo?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya.Hinubad niya ang t-shirt niya at hinila ako sa kandungan niya.“Masama ang pakiramdam k
Read more
Chapter 29
Third Person POVNagkagulo ang hacienda dahil sa pagpasok ng mga armadong lalaki. Natunton kasi ng mga kalaban ang kinaroroonan ng assassin na pumatay kay Mr. Fang. Limang van ang sapilitang pumasok sa hacienda. Samantala nagmadali namang pumunta sa weapon room ang buong pamilya ni Keyla. Nagulat si Thiago nang makita ang collection ng mga armas ng pamilya. Hindi niya akalain na kayang humawak ng mga sandata ang buong pamilya ng babaeng pinakamamahal niya. Kanya-kanya itong suksok ng baril at patalim bago nagmamadaling lumabas ng silid.“Sandali! Lalaban talaga kayo?” Nag-aalalang tanong ni Thaigo. Dahil double na sa edad nila ang mga magulang ni Keyla at gusto niyang protektahan ang mga ito. Masamang tingin ang pinukol sa kanya ni Nara at nagmamadali itong lumabas. “Keyla! Masyadong delikado. Baka kung mapaano ang mga magulang mo.” Pigil sa kanya ni Thiago habang nagkakarga ito ng bala sa baril sa shot-gun na hawak nito. “Nagkamali sila nang pinasok Thiago, dahil walang lalabas s
Read more
Chapter 30
THIAGO“Ano ba? Kanina pa ang mga babae diyan sa harapan mo wala ka pa ding napipili? Kita mo nga, kulang na lang magka-ugat na sila sa kakatayo sa harapan mo. Tapos ikaw puro ka lang lango ng alak diyan.” Litanya ni Harvey sa akin.Pagkalabas ko ng hacienda matapos ng naging pagtatalo namin noong gabing yun ay naglakad ako sa pinakamalapit na tindahan upang makitawag para masundo ako ni Harvey dahil naiwan ko ang phone ko at ang iba ko pang gamit sa kanila.Tatlong araw na ang nakalipas pero wala pa rin ako sa sarili. Hindi ko matangap na sa ganun lang matatapos ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ko na siya makikita. Parang kahapon lang hawak ko pa ng mahigpit ang kamay niya. Nagigising akong magandang mukha niya ang aking nakikita. Pero ngayon, mag-isa na lamang ako. Nakakatulog lang ako dahil sa labis na kalasingan. Gaya ngayong gabi na nasa isang club kami at nagpapalipas ng magdamag. Nilulunod ko ang aking sarili sa alak. Nagbabaka-sakali na makalimutan ko ang saki
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status