Lahat ng Kabanata ng Beelzebub's First Love: Kabanata 11 - Kabanata 20
64 Kabanata
Chapter 10
KINAGABIHAN ay nagsimula ng maghanap sina Beelzebub mula sa himpapawid kasama si Belial, nakalabas ang maitim at malagong pakpak ni Beelzebub habang nakatayo sa ere at naka cross arms habang nasa tabi niya si Belial na nasa natural na anyo nito. Iniikot ni Beelzebub ang kaniyang tingin sa kabuuan ng bayan upang maghanap ng pinaka masamang tao na pwedeng pinamamahayan ni Ahriman kaya nakakapagtago ito sa kanila. Kakaalis lang nila sa bahay at naiwan doon sina Endemion at Rana, pinili ni Beelzebub na pumwesto sa gitnang bahagi ng bayan upang matingnan niya ang kabuuan ng bayan na hindi naman ganun kalaki at hindi ganun kaliit."Ang mundo ng mga tao ay may apat na direksyon, ang hilaga, kanluran, timog at silangan. Ngayon, saan tayo magsisimulang maghanap ng taong kasunog-sunog ang kaluluwa dahil sa kasamaan meron siya."saad ni Beelzebub bawat direksyon na kaniyang binanggit ay tinitingnan niya."Kamahalan, kung hindi natin makita si Ahriman sa lugar na 'to...""Kailangan nating lumipat
Magbasa pa
Chapter 11
Chapter ElevenPAGSAPIT ng madaling araw ay naghahanda na sina Beelzebub sa pag-alis nila sa bayan na wala silang napala dahil wala doon ang kailangan nilang maibalik sa demon realm, pagbalik nina Beelzebub kagabi matapos nitong makaharap ang isang ghoul na nagsabi sa kaniya na wala ang hinahanap nila sa bayan na kinalalagyan nila ay siya namang pag-alis ni Endemion ng gabing ‘yun para maghanap ng bagong bayan na pupuntahan nila para sa paghahanap kay Ahriman.Malayo ang bayan na nahanap ni Endemion at may nakuha na din itong bahay na matutuluyan nila sa pagpunta nila doon, ngayon ay kailangan na nilang upang walang mga taong makakita sa kanila.“Pwede na tayong umalis, Beelzebub.”pagbibigay alam ni Endemion kay Beelzebub na binalingan ang tingin ng kwarto kung nasaan si Rana.“Alam ba ng taong ‘yun na aalis na tayo?”saad ni Beelzebub.“Hindi ko sinabi sa kaniya, mas mabuting iwan natin siya dito, kamahalan.”saad ni Endemion na ikinabaling ng tingin ni Beelzebub sa kaniya.“Hindi ba a
Magbasa pa
Chapter 12
Chapter TwelveBeelzebub’s First LoveDAHAN-DAHANG iminulat ni Rana ang kaniyang mga mata at dahan-dahang umupo sa kama na kaniyang hinihigaan, agad na kalungkutan ang bumalot sa puso ni Rana sa isipin na siya nalang ang mag-isa ang nakatira sa bahay nina Beelzebub. Alam niyang wala na sina Beelzebub dahil nakaplano na ang paglipat ng tatlo niyang kasama sa ibang bayan dahil wala sa bayan nila ang hinahanap ng mga ito.Nalulungkot si Rana dahil sa ilang araw na kasama niya sina Endemion ay mabilis siyang napalapit sa mga ito, at mas nalulungkot siya dahil hindi niya na maririnig ang boses ni Beelzebub na gustong-gusto niyang marinig ang tinig nito kahit lagi siyang sinusungitan ni Beelzebub. Kahit nalaman niyang demonyo ang mga nakasama niya, ang nagligtas sa kaniya, hindi takot ang kaniyang naramdaman sa mga ito lalo na kay Beelzebub. Pakiramdam niya ligtas siya pag si Beelzebub ang kasama niya, na walang makakapanakit sa kaniya. May ideya si Rana kung bakit sa tatlo niyang demonyo n
Magbasa pa
Chapter 13
Chapter ThirteenBeelzebub’s FirstloveHINDI MAIPALIWANAG ni Rana ang saya na nararamdaman niya dahil kasama pa rin niya sina Beelzebub, hindi niya inasahan na isasama siya ng mga ito sa paglipat sa bayan na kinalalagyan niya ngayon. May kaunting lungkot lang siyang nararamdaman sa pag-alis niya sa bayan kung saan siya lumaki, pero sa tingin ni Rana mas mabuti na ‘yun upang hindi na niya maalala ang mga nangyari sa kaniyang hindi magaganda simula ng mamatay ang kaniyang mga magulang at mabulag siya.Nasa labas siya ngayon ng bahay sa may garden, wala ang tatlo niyang mga demonyong kasama dahil nagsimula na sina Beelzebub sa pag-iikot sa buong bayan sa kung saan maaring narito ang hinahanap nila. Nagkandadapa man siya sa paglalakad mula sa loob ng bahay hanggang paglabas ay hindi iyon ininda ni Rana, may sugat man ang tuhod niya ay mas nag-uumapaw ang saya sa puso niya. Kailangan niya lang sanayin muli ang sarili niya sa bagong bahay na tinitirhan nila ngayon, ayaw niyang maging pabiga
Magbasa pa
Chapter 14
Chapter FourteenBeelzebub’s First LoveDAHIL MULING bumalik ang paningin ni Rana ay hindi niya mapigilang tingnan ang kung anong meron sa labas ng bahay nila, gusto muling maiyak ni Rana sa saya pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil kanina pa siya sinesermunan ni Beel sap ag-iyak niya.“Siguro naman makakapaglinis ka na ng ayos sa bahay ngayon na nakakakita ka na.”pahayag ni Beel na prenteng nakaupo sa sofa, nakasandal doon at nakahalukipkip habang nakatingin kay Rana na nakatayo sa may bintana at malawak ang ngiting lumingon sa kaniya naparang ikinatuod ni Beel sa kinauupuan niya.“Hu-huwag ka ngang ngumiti ng ganiyan, kanina ka pa sa ganiyang ngiti naalibadbaran na ako.”suway na ani ni Beel na iniwas ang tingin kay Rana na tumakbo palapit sa kaniya na natalisod sa sarili niyang mga paa, ikababagsak niya na sana ang pagkatalisod niya pero napalingon nalang siya kay Beel ng nasalo na siya nito na nakatingin sa kaniya.“Binalik ko na ang paningin mo nadadapa ka parin, ano bang
Magbasa pa
Chapter 15
Chapter FifteenBeelzebub’s First Love“Pwede bang tantanan mo na ako, babae! Kanina mo pa ako kinukulit naririndi na ako!”Mula ng malaman ni Rana ang naging kapalit ng pagbabalik ni Beelzebub sa kaniyang paningin ay kanina pa niya sinasabi kay Beelzebub na bawiin nalang ang pagpapagaling sa kaniya, ayaw niyang mabawasan ang apoy ng buhay ni Beelzebub. Aaminin ni Rana na sobrang saya ang naramdaman niya dahil muli siyang nakakita, pero sumisikip ang puso niya sa isipin gang kapalit ng pagbalik ng kaniyang paningin ay mabawasan ang buhay ni Beelzebub, na dalhin doon ay nagtalo pa sina Beelzeebub at Endemion na kung hindi pa umawat si Belial ay baka pati bahay nila ay gumuho na.“Bawiin mo na kasi ang pagbalik mo sa paningin ko, mas gugustuhin ko pang mabulag kaysa mabawasan naman ang buhay mo dahil sa akin.”ani na pagpupumilit ni Rana kay Beelzebub na napipikon ng hinarap siya.“Hindi ko binalik ang paningin mo dahil sayo, binalik ko ‘yan para mapakinabangan ka namin. Kung anoman ang
Magbasa pa
Chapter 16
NAPATAYO si Endemion sa pagkaka-upo niya dahil sa pamilyar na mabigat na presensya na nararamdaman niya na papalapit sa kanila, apat na demonyo ang alam ni Endemion na nagmamay-ari ng ganitong presensya na malayo palang ramdam na niya. Si Beelzebub, ang hari ng demon realm na si Dagon, at ang dalawang kapatid ni Beelzebub na sina Escanor ang panganay at si Zeldris ang pangalawa.Kaya hindi mawari ni Endemion kung sino sa dalawang kapatid ni Beelzebub ang dumalaw sa kanila, alam ni Endemion na kasama ni Beelzebub si Rana kaya alam niyang alam nito ang gagawin para hindi makita ng kung sino sa dalawang kapatid nito na parating si Rana."Paanong nalaman ng isa sa kanila kung nasaan tayo?"sambit na tanong ni Endemion ng magbukas ang pintuan at kusang napaluhod si Endemion sa sahig dahil sa lakas ng kapangyarihang humatak sa kaniya paluhod, ganun din si Belial na napapalit sa tunay nitong anyo." Nabalitaan ko na narito sa mundo ng mga tao ang bunso kong kapatid para sa paghuli kay Ahriman
Magbasa pa
Chapter 17
Chapter SeventeenKINAUMAGAHAN, hindi alam ni Rana kung paano siya kikilos sa harapan ng kapatid ni Beelzebub na kasama nilang nakaupo sa mahabang lamesa sa dining area ng bahay dahil maaga palang nagpatawag na ito sa kanila. Sa may kalakihang mesa ay magkatabing nakaupo sina Beelzebub, Rana, Endemion habang si Belial ay si Zeldris ang katabi sa upuan.May mga pagkain na nakahain sa harapan nila habang malawak ang ngiting nakasilay sa labi ni Zeldris, habang si Beelzebub ay naka poker face na nakatingin sa kaniyang kapatid na hindi niya alam kung bakit nasa pamamahay pa nila."Ako ang nagluto ng mga 'yan, dig in everyone."pahayag ni Zeldris kina Rana habang si Belial ay nakatingin sa mga pagkain ng mga tao na ngayon niya lang nakita."Anong pakay mo sa pananatili sa pamamahay na 'to, Zeldris? "seryosong tanong ni Beelzebub sa kaniyang kapatid na ibinaling ang tingin sa kaniya."Masama bang ako'y tumuloy sa bahay ng aking bunsong kapatid? Ilang araw lang naman Beelzebub, hanggang mahan
Magbasa pa
Chapter 18
Chapter EighteenBeelzebub’s First Love"Anong ginawa mo sa kaniya?!"madiin na pagtitig ni Beelzebub kay Victoria na bahagyang ikinadilim ng mga ulap at unti-unting ikinatingkad ng pulang mata ni Beelzebub habang Zeldris ay napapasipol sa kinatatayuan nito.Binitawan ni Beelzebub si Rana na bahagyang pabagsak na ikinaupo nito sa damuhan dahil sa bahagyang lakas na nawala sa kaniya dahil sa ginawa ni Beelzebub kay Victoria na pati siya ay damay sa kung anong binding spell na tinutukoy ni Zeldris.Malakas na pagyanig ng lupa ang naramdaman nina Rana habang si Beelzebub ay nakakamatay na tingin ang ibinibigay nito kay Victoria na mababakas sa mukha ang takot na akmang tatakas pero nanlaki ang mga mata dahil hindi na nito magawang makakilos sa kinatatayuan nito.“A-anong nangyayari? B-bakit hindi ako makagalaw…”sambit ni Victoria na nahihirapan sa kinatatayuan niyang kumilos habang patuloy ang pagdilim ng mga ulap na nagkaroon ng kidlat at kulog na kahit ang mga taga bayan ay naguguluhang
Magbasa pa
Chapter 19
Chapter NineteenBeelzebub’s First LoveMATAPOS na sabihin ni Victoria ang panulyan kung saan makikita ang Vladimir na sinasabi nitong nag cast ng binding spell kay Rana sa life line ni Victoria, ay pigil-pigil ni Endemion ang binabalak na pagsugod ni Beelzebub sa bampira na si Vladimir habang nakaharang siya sa dadaanan ni Beelzebub. Hindi parin nababalik ang lakas ni Victoria kaya naka-upong nakasalampak parin ito sa damuhan habang nakabantay si Beel na nakatayo sa tabi nito, at si Rana na nakatayo habang tinitingnan niya si Beelzebub na pinipigilan ni Endemmion na umalis.“Umalis ka sa daraanan ko, Endemion! Hindi pa masyadong humuhupa ang galit ko kaya tumabi ka kung ayaw mong pwersahin ko ang pag-alis mo sa harapan ko.”madiin na banta ni Beelzebub kay Endemion na hindi natitinag sa kinatatayuan nito sa harapan ni Beelzebub, mapigilan niya lang ang balak na pagsugod nito.“Huwag kang pangunahin ng galit mo, Beel---““Tangna! Demonyo ako, Endemion! Natural na ganito ang isa sa mara
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status