All Chapters of LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE: Chapter 191 - Chapter 200
324 Chapters
THZ 56 - JIMMY
"Love, anong nangyari ba't ang tagal ninyong nakauwi? Kung hindi pa ako tumawag kay Lendon, hindi ko pa nalaman na doon pa kayo sa Skylan." tanong ni Hera sa asawa habang hinahanda ang mga damit pantulog na isusuot nito. "Tumawag ka kay Lendon?" May halong selos ang tono ng boses ni Rhayan."Hindi kasi kita makontak. Busy ang line ng phone mo." Sagot niya sabay bigay ng tuwalya nito. Hinapit siya ni Rhayan sa baywang at inilapit ang mukha sa kanya. "Love, don't do that again. Gusto kong ako lang ang laman ng inbox at call history mo. Okay?" Siniil siya nito ng mainit na halik sa labi. Halik na puno ng pagkasabik."Hmmmp, mukhang naamoy ko ang selos sa mga halik mo." Mas lalo niyang inasar ito.Kinuha nito ang tuwalya sa kanya at binuhat siya papasok sa banyo."Love, teka..anong balak mo?""Sabayan mo akong maligo." Nang-aakit ang boses nito, ramdam ang pagnanasa na angkinin siya."What? Katatapos ko lang maligo." Tarantang sagot niya."Walang problema. Hindi tayo nagtitipid sa tubig
Read more
THZ 57 - NASHMIN'S FATHER
Kumalas ng yakap si Hera kay Rhayan ng lumuwag na ang pakiramdam niya. Nahihiyang nagpahid siya ng luha ng mapansin na marami na sila sa loob ng silid.“Ahh, Mom, Dad, nandito pala kayo. Sorry, naudlot yata ang tulog ninyo dahil sa akin.”“Walang problema anak. Kahit ako sa kalagayan mo, sisigaw din ako. Sino ba ang nagpadala ng pictures?” wika ni Rihanna.Umupo ng maayos si Hera sa kama habang nakahawak pa rin si Rhayan sa mga kamay niya. “Hindi ko kilala ang number, Mom. Bast pagbukas ko ng cellphone ko, yan kaagad ang bumungad sa akin.” Napahawak si Hera sa dibdib niya ng maalala na naman ang dilat na mga mata ni Jimmy habang nakatingin sa kanya ngunit pugot na ang ulo nito.Nagkatinginan lang si Dustin at Rhayan ngunit alam na nila ang dapat gawin. “Love, kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-alalang tanong ni Rhayan.“Okay na ako, Love. Medyo kumalma na ang dibdib ko. Nagulat kasi ako kanina kaya napasigaw ako.” sagot ni Hera.“Anak, subukan natin itanong kay Ciela, baka sakaling ma
Read more
THZ 58 - THE STORY BEHIND NOSTRAELITA
Mabilis na kinuha ni Rhayan ang charger ng laptop at sinaksak iyon. Muling lumitaw si Ciela at binati sila. Kung pwede lang ni Dustin e-skip ang laging sinasabi nito sa intro ay ginawa na niya upang hindi na maantala ang panonood nila.“Oh, ano pa ang hinihintay mo?” tanong ni Dustin kay Ciela ng makitang tulala pa rin ito habang nakatingin sa kanila.“Naghihintay nes ng nes mga nes tanong nes nyo nes.” sagot ni Ciela kay Dustin.“Damn, Ipakita mo na ulit sa amin kung ano nangyari kay Jimmy after nilang lumabas ng hotel.” naiiritang sagot ni Dustin.“Sure nes master nes Dustin nes.”Nagngingitngit talaga ang mga ngipin ni Dustin kapag naririnig na tinatawag siya ni Ciela ng Dustines, pakiramdam niya nagmumukha siyang bakla sa pangalan niya. "Easy Dad, hayaan niyo susubukan kong ayusin ang program ni Ciela upang mawala na ang nes niya sa dulo." wika ni Rhayan ng makitang aakyat na naman ang dugo ng ama. Muli silang nagfocus sa panoonood ng video.Makikitang nakasunod si Jimmy sa liku
Read more
THZ 59 - THE STORY BEHIND RAJI'S DEATH
“Master,” sabay-sabay na yumuko sina Moris, Altair, Nikel at Lendon sa harapan niya bilang tanda ng pagbibigay-galang. Tinungga ni Rhayan ang alak sa loob ng baso at humarap sa kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan at tinuturing na rin na mga espesyal na kaibigan. Isang buwan na ang nakalipas simula ng malaman niya ang tungkol kay Nashmin at Lenard at ang koneksyon ng mga ito sa Nostraelita Gang. Nalaman na rin nila na pekeng ulo ang pinadala sa cellphone ni Hera dahil wala namang dumating na orihinal na pugot ng ulo nito. Muli niyang tinanong kay Ciela kung ano ang nangyari kay Jimmy at napag-alaman nilang dinala ito sa dungeon ng Nostraelita Gang. Palaging stress ang asawa niya simula ng tumawag ang Daddy Fernan nito na pumunta sa opisina nila ang ina ni Jimmy dahil hindi na raw nito makontak ang anak. Kung siya lang ang masusunod ayaw na sana niyang iligtas pa si Jimmy, ngunit galit siya ng malaman na nagpadala ng video ang mga kalaban sa ina ni Jimmy at sinasabi sa video nito na
Read more
THZ 60 - RESCUE
"Master, nakita ko na ang pamilya ni Raji." Biglang inagaw ni Rhayan ang teleskopyo mula sa kamay ni Lendon at itinuon din ang lens niyon sa kanyang mga mata. Mula sa malaking bato kung saan sila nakatayo nakikita niya sa teleskopyo niyang hawak ang isang mid thirties na babae kasama ang dalawang anak nito sa isang silid na gawa sa bato. Tantiya niyang limang taong gulang ang batang babae samantalang sampung taong gulang naman ang batang lalaki. Parehong nakagapos ang dalawang kamay at paa ng mga ito at may busal ang mga bibig. Pinagmasdan niya ang paligid at pinag-aralan kung saan sila pwedeng dumaan upang iligtas ang pamilya ni Raji. Natunton niya ang teritoryo na ito ni Gandhes, dahil kay Ciela. Nalaman niya rin mula dito na mayroon sandaan na tauhan si Gandhes na nagbabantay sa loob at labas ng mansyon nito sa Isla Fuerte kaya naman nagdala siya ng isa at kalahating daang libong tauhan upang mapagtagumpayan na makuha ang pamilya ng kanyang kaibigan. Binalik niya ang Teleskopyo
Read more
THZ 61 - BEGINNING OF WAR
"Already on the Safe Zone Master." Narinig niyang wika ng kanyang mga tauhan mula sa suot niyang earpiece. Narinig din ito nina Lendon, Moris, Altair at Nikel. Nagkatinginan silang lima."Plan C tayo." Iyon lang ang hudyat na hinihintay nilang apat na sabihin ng kanilang master ang pangatlong plano. "Within 30 minutes, dapat nandito na ang lahat." Dagdag sa sinabi ni Rhayan."Yes, master." Sabay-sabay naman na sagot nina Lendon, Altair, Moris at Nikel. Nag hiwa-hiwalay ang mga ito at isa-isang nagtungo sa bawat sulok ng mansyon. Nang makita na umalis na ang apat niyang pinagkakatiwalaan na mga tauhan sandali muna siyang nagtago sa likuran ng malaking puno ng pine Tree at kinuha ang cellphone. Muli niyang binuksan ang program ni Ciela na naka link sa cellphone niya at tinanong ito. “Ciela, ipakita mo sa akin kung saan ngayon ang kinaroroonan ni Nashmin at Gandhes.”Agad naman lumabas ang video sa cellphone niya ang kinaroroonan ni Gandhes at Nashmin. Nasa rooftop ang mga ito tila
Read more
THZ 62 - CONSEQUENCES
SA KABILANG BANDA, galit na galit si Fernan ng mapansin na nakagapos ang buong katawan niya sa silya. Ang mga kamay niya ay naka gapos sa kanyang likuran, ang kanyang mga paa ay pinag-isa na tinali. Maging ang kanyang bunganga ay mayroong busal. Kanina nasa opisina pa siya nang biglang dumating ang kapatid niyang si Ramy. Hiningi nito na ibalik niya ang shares nito ngunit hindi siya pumayag. Matagal pa muna silang nagsigawan hanggang sa dumating na rin ang anak nito na si Jed. Lumapit ito sa kanya at mayroong pinaamoy sa kanyang ilong dahilan upang mawalan siya ng malay. Paggising niya ito na ang nangyari sa kanya.Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa dahil may busal ang bunganga niya. Umangat siya ng mukha at tiningnan ang direksyon ng pintuan ng makarinig siya ng pagpihit sa doorknob. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kapatid na si Ramy na pumasok. "Ano ang ibig sabihin nito, Ramy?" Singhal niya rito ngunit hindi malinaw kung ano ang sinasabi niya dahil busal na na
Read more
THZ 63 - CHASING HIS WOMAN
“Hello, Kuya.” Bungad ni Rheniel ng sagutin na niya ang tawag ni Rhayan.“Anong balita?” tanong ng isang baritono na boses mula sa kabilang linya.“Wala ng problema Kuya. Pinauwi ko na muna si Don Fernan upang makapag pahinga.”“Anong nangyari doon sa kapatid niya?” tanong nito.“Ayun, pinakain ko sa aso ang daliri niya.”“What?” gulat na reaksyon nito.“Kuya naman. Huwag mong sabihin na hindi kasama yan sa parusa mo. Sinabi ng tauhan mo na pinuputol ang daliri ng sinuman na nagkasala. Kaya iyon ang ginawa ko.” paliwanag niya habang binubuhay ang makina ng kanyang bagong bili na hybrid sports car– ang Aston Martin Valkyrie. Binili niya ito dahil nalaman niyang mahilig si Brenda sa car racing tulad din niya. Plano niyang isama ito sa South City upang sumali sa competition. Ngunit mukhang malabo na mangyari iyon dahil tiyak sa gagawin niya maari na namang bumaba ang langit sa lupa mamaya. “Rheniel, nandyan ka pa ba?”Ipinilig niya ang kanyang ulo ng marinig ang boses ng kanyang kuya.
Read more
THZ 64 - SHE'S MY BEST FRIEND'S DAUGHTER
“Brod, let me hold my woman.” Wika niya sa dominanteng boses sabay kuha ng kamay ni Brenda at ilipat sa braso niya. Ngunit agad nitong hinatak iyon at galit na humarap sa kanya.“Anong ginagawa mo rito?” Gusto niyang magalit dahil sa ginawa nito, ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili ng maalala ang sinabi ng Kuya niya. “Sinusundo ka.” nakangiti niyang sagot.“Marunong akong umuwi. Hindi na kailangan.” sagot nito at agad siyang tinalikuran.“Well, nandito na ako. Sinundo na kita at wala ka ng magagawa.” agaran niyang sagot habang sinusundan ito dahilan upang lalo itong mamula sa galit na binalingan siya. Hindi niya ito pinatulan ng makipag tagisan ito ng titig sa kanya. Sa halip nilagay niya ang dalawang daliri sa ulo at ginawa itong parang sungay at nginisihan ito. Alam niyang gusto nitong tumawa dahil sa itsura niya ngunit pinipigilan lang nito.“Miss Polido, I think–”“You need to go home.” putol ni Rheniel sa gusto sanang sabihin ni Mr. Ronzales. Agad naman nitong naiintindi
Read more
THZ 65 - I CAN'T WAIT TO SEE MY SON.
“Bakit? May kulangot ba ako sa ilong?’ Nagtataka na tanong ni Brenda ng mapansin na nakatulala si Rheniel habang nakatitig sa kanyang mukha. Kanina pa niya winawagayway ang kanyang mga kamay sa mukha nito ngunit tila hindi man lang ito kumurap. Nanatiling nakatitig ito sa kanya, na para bang hindi makapaniwala na nasa harap siya nito. Ilang sandali pa, nagulat na lang siya ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. “Small world, isn’t it? Sino ang mag-akalang ang matagal ng hinahanap ni Mommy na bestfriend niya ay ina mo pala.” Puno ng emosyon nitong wika sa kanya. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa narinig. “Teka, sandali,” Kumalas siya ng yakap rito. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Si Kim Mijares ay sekretarya noon ni Mommy hanggang sa nakilala niya si Daddy. Naging matalik silang magkaibigan at siya ang naging karamay ni Mommy noong mga panahon na nagkakalabuan sila ni Daddy. Bakit ko alam? Dahil bata pa kami, lagi na itong kinu-kuwento ni Mom at Dad sa amin. Lahat sa b
Read more
PREV
1
...
1819202122
...
33
DMCA.com Protection Status