All Chapters of LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE: Chapter 41 - Chapter 50
317 Chapters
CHAPTER 41- THE PROMISE
Paanong nangyari na lahat ng sinabi ni Dustin nagkatotoo? Naisip niyang tanungin ang kanyang secretary."Ano daw ang dahilan, bakit bigla na lang nila hinatak ang Larson Industries?""As per order daw ng president ng DC Bank Corporation, Sir." Agad namang sagot ni Aliza. "May sinabi ba sila kung sino ang President ng DC Bank?""Tinanong ko po sila, ang sabi, Dustin Crawford daw ang President ng DC Bank Corporation.""What!? Are you sure?" Tila nabingi bigla si Zack at kailangan pa niyang ipaulit sa kanyang sekretarya ang sinabi nito."Narinig ko po talagang Dustin Crawford ang pangalan ng may-ari na binanggit ni Mr. Bolton, sir."Nahilamos ni Zack ang kanyang mukha. Paanong nangyari na si Dustin Crawford ang presidente ng DC Bank? Wala itong silbi sa paningin niya, katunayan, malapit pa nga itong nabaliw dahil sa kagagawan ni Shane. Ngunit ngayon, walang mapaghambingan pala ang kayamanan nito. No wonder na kaya nitong ipasara ang lahat ng operation ng mga Airlines sa isang pitik lang
Read more
CHAPTER 42 - To Fight for her
Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay ng makita ang nakatalikod na babae habang kaharap naman ang kanyang ama."Pinatay ko ang sarili ko Rhiannon! Alam mo ba 'yun!? Nanatili akong patay upang protektahan lang ang anak ko mula sa kamay ng pamilya at asawa mo! Kaya hindi ako papayag hangga't hindi mo ibigay sa akin si Rihanna!""Alice, anak ko rin si Rihanna! At Ilang taon ko pa lang siya nakasama, hindi mo siya pwedeng ilayo sa akin at ang apo ko!" Galit na rin ang boses ni Rhiannon habang kausap si Alice."At ako!? Tiniis kong mawalay sa anak ko! Tiniis kong magpanggap na patay, kahit na sa loob ng dibdib ko ang sakit-sakit na makita siyang nag-iisa na lumalaban sa buhay! Pero mas pinili ko 'yun para lang mabuhay siya! Dahil hindi titigil ang demonyong asawa mo hangga't hindi niya nauubos ang angkan ko! Ngunit putang ina, wala kang ginawa para ipaglaban kami ng pamilya mo, Rhiannon! Wala!" Umiiyak na sigaw ni Alice, habang dinuro-duro ang dibdib ni King Rhiannon."Sa tingin mo ba ikaw
Read more
CHAPTER 43 - HIS UNCONDITIONAL LOVE
Kinabukasan, nagising si Rihanna sa loob ng silid na familiar sa kanya. Inikot niya ang kanyang paningin, agad niyang nakita ang nakasabit na picture frame sa wall ng silid. Kuha nila ito ni Dustin sa city hall ng New Hampshire noong bagong kasal sila. Napangiti siya, dahil nakatingin siya sa camera, samantalang si Dustin, nakahalik naman sa pisngi niya. Natutuwa siya dahil nasa dating ayos pa rin ang silid nila ni Dustin. Bumalikwas siya ng bangon. "Teka, bakit nga pala nandito ako sa silid namin? Paano ako nakarating dito? Kagabi lang nandoon ako sa palasyo…" kinakausap niya ang sarili ng bigla siyang natigilan nang maalala na naman, ang kanyang ina. "Si mommy..buhay si mommy?" Hindi na naman niya mapigilan ang mga luha niya. Nasa ganun siyang sistema ng bumukas ang pintuan ng silid. Umangat siya ng mukha at tumingin sa direksyon ng pintuan. Ang nag-aalala na mukha ni Dustin ang nakita niyang papalapit sa kanya."Luv, bakit ka umiiyak?" Niyakap siya ni Dustin at hinalikan sa noo.
Read more
CHAPTER 44 - THE MAID'S SECRET
Nasa childrens sections sila at katabi lang nito ang infants wear at baby section. Nagtaas ng kilay si Rihanna ng makita na maraming dinadampot na mga baby needs si Dustin. Nagtataka siya dahil hindi naman siya buntis, at mas lalong wala naman silang bagong silang na anak."Luv, anong gagawin mo diyan?" Takang tanong niya, habang abala pa rin ito sa pagpili ng Crib.Pinulupot ni Dustin ang kamay nito sa baywang niya. "Luv, gusto ko lang maranasan yung pakiramdam na namimili ng mga gamit para sa baby natin. Isa pa, hindi magtatagal, masusundan na si Rhayan, kaya hinahanda ko na ang lahat."Humagalpak ng tawa si Rihanna dahil sa sagot ng asawa niya. "Dustin, ano ka ba. Hindi mo pa nga alam kung mabubuntis ako eh. Isa pa sakaling mabuntis man ako, hindi pa natin alam kung ano ang gender ng magiging baby natin. Tapos, namimili ka na n’yan. Hindi ka naman siguro excited ano?"Nakamot ni Dustin ang ulo dahil sa reaksyon ng asawa niya. "Ah, basta, hayaan mo na lang ako na pumili. Panlalaki at
Read more
CHAPTER 45 - THE REVELATION
“Mommy, tahan na, tingnan mo yang mga mata mo, namumugto na sa ka iiyak. Mula kagabi ka pa ganyan.” pag-aalo ni Drake sa kanyang ina. “Son, sobrang sakit, hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa anak ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Limang taon siyang nandito sa Wales, ngunit nadaig ako ng kaduwagan upang kausapin siya. Nakuntento lang ako sa mga stolen pictures na pinapakita mo sa akin. Hinintay ko pa talaga na dumating si Minerva.” “Mommy, hayaan mo na munang makapag-isip si Rihanna. Don’t worry, tutulungan kita upang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi rin madali ang mga pinagdaanan mo ng mahabang panahon. Saksi ako kung paano ka nagtiis at naghirap na hindi makita ang ‘yung, anak.” Tinapik-tapik ni Drake ang likod ng ina habang nakayakap ito sa kanya. “Salamat anak, kung buhay lang sana si Daniel, siguro kasing edad mo siya. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Kahit papaano,
Read more
CHAPTER 46 - THEIR LONG LOST SON
"Repeat what you said!" Galit na hinatak ni King Rhiannon si Myrna. Sa isang iglap lang nasa harap na niya ito. Namumutla na ang mukha ni Myrna at tagaktak ang pawis sa noo habang nakatingin sa nanlilisik na mata ni King Rhiannon. "Y..your Majesty King, please forgive me, I didn't mean to hide everything from you. What I'm saying is true. Sir Dustin is your son." Umiiyak na sagot ni Myrna. Tanggap na n'ya ang maaring hatol sa kanya ng hari ngayong umamin na siya. Bumagsak ang panga ni King Rhiannon dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ito sa pamilya niya. Paano nangyari ito? Galit na binalingan niya si Minerva na kasalukuyang hindi alam kung ano ang gagawin habang pasulyap-sulyap sa kanya. Pakiramdam niya biglang nanilim ang kanyang paningin sa sobrang galit ng makita niya ang pagmumukha nito. SLAP! Nanginginig ang buong katawan niya na sinampal si Minerva. Ang babaeng ito ang may kagagawan ng lahat kung bakit nagkaganito ang pamilya niya. "You b*tch! You're th
Read more
CHAPTER 47 - SIBLINGS
Galit na galit si Alice. Naghi Hysterical ang kalooban niya. Pakiramdam niya, nadadagdagan lalo ang sakit sa dibdib niya kapag nakikita niya ang pagmumukha ni King Rhiannon."Mom, that's enough. You need to rest." Sabay senyas ni Drake sa Nurse na kanina pa nakatayo sa gilid. Agad naman nitong naintindihan ang ibig niyang sabihin. Agad itong lumapit at tinusok ang syringe needle sa balikat ng Donya. Ilang sandali pa, muli itong nakatulog.Matapos malagyan ng kumot ang kinikilalang ina, binalingan niya ang hari na kasalukuyang wala ring tigil sa pag-iyak. Natukod ang dalawang siko nito sa sariling mga tuhod habang ang mga kamay nito'y napa hilamos sa mukha. Parang mababaliw na rin ito dahil sa mga nangyayari."Uncle, siguro kailangan mo na munang umalis. Ako na ang bahala na magpaliwanag kay mommy. I'm sorry, sana maintindihan mo kung bakit nagkaganito siya. Hindi rin madali ang mga pinagdaanan niya ng mahabang panahon."Magkasunod na tango lang ang sinagot nito. Muli ay umangat ito ng
Read more
CHAPTER 48 - TO HAVE AND TO HOLD, WHAT EVER IT TAKES
"Huh, nagpapatawa po ba kayo uncle? Talaga bang ganyan kayo ka desperado para mapaghiwalay kami ni Rihanna?" Mapait na ngumiti sa Dustin habang nakatingin kay King Rhiannon."Dustin, hindi namin alam kung paano namin ito ipapaliwanag sa inyong dalawa, ngunit maniwala ka, ikaw si Daniel, ang nawawala naming anak.""Put*ng Ina." Napamura si Dustin ng wala sa oras dahil sa pamimilit ng mga ito na siya talaga si Daniel. Binalingan niya si Rihanna at kinuha ang nanlalamig nitong kamay. "Luv, mukhang gagawin talaga nila ang lahat upang paghiwalayin tayo. Wag kang maniwala sa kanila. Okay?" Muli n'yang pinapaalala si Rihanna, dahil natatakot siya na baka bigla na lang ito maniwala at tuluyan siyang iwan."Dustin, maniwala ka sa kanila. Magkapatid kayong dalawa.""Isa ka pa, Put*ng Ina ka!" Nanlilisik ang mga mata ni Dustin na sininghalan si Drake dahil sa pangingialam nito. "Alam ko naman eh! Gusto mo lang mapunta sa'yo ang asawa ko kaya, nakikisawsaw ka rin!""Dustin, alam mong hindi totoo y
Read more
CHAPTER 49 - RUN AS FAST AS YOU CAN
"Uncle, ako na po ang bahala kay Mommy. Sana maintindihan mo siya kung ayaw muna niyang kausapin ka. Talagang nasaktan siya sa mga nangyayari sa mga anak niya." Bagsak ang balikat ni King Rhiannon habang sumasang-ayon kay Drake. Simula ng nilisan nila ang mansion ni Dustin sa Pilipinas, hindi na siya kinakausap pa ni Alice. Iyak lang ito ng iyak at siya ang sinisisi kung bakit ayaw maghiwalay ng dalawa. Malalim siyang nagpakawala ng buntong-hininga bago magpaalam kay Drake. Habang nasa biyahe siya pabalik ng kanyang palasyo, biglang nag ring ang kanyang telepono. Nakita niyang ang kanyang Butler ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot. "Something terrible happened in the palace, Your Majesty King. The Northern Kingdom's King attacked and took Queen Minerva with him." Napabalikwas siya mula sa pagkasandal sa headrest ng upuan ng kanyang kotse dahil sa narinig. "What!? Where are they now?" Kinakabahan ang hari habang nagtatanong. "I've heard they're going to the Philippines to l
Read more
CHAPTER 50 - BLACK DRAGON
“Dustin!” Umiiyak na pumasok si Rihanna sa loob ng nasunog na mansyon habang sinisigaw ang pangalan ng asawa niya. Naniniwala siyang buhay pa ito kaya lang hindi pa nila natagpuan. Hindi siya aalis sa lugar na ito hanggat hindi niya nakikita si Dustin. “Dustin!” muling tawag niya rito. “Ma’am, kailangan n’yo na pong lumabas, delikado po rito mam. Baka tamaan po kayo ng mga.." "Hindi," agaw kaagad niya sa gustong sabihin ng fireman. "Ayaw kong umalis dito hangga't hindi natin nakukuha ang katawan ni Dustin. Baka, nawalan lang siya ng malay, tapos natambakan ng mga nalaglag na kisame. Halika, tulungan mo akong hanapin siya." Napakamot ang fireman sa kanyang sintido ng nakitang walang plano si Rihanna na lumabas. Gayunman kailangan niyang gampanan ang kanyang responsibilidad dahil delikado kung hayaan niya ito na manatili rito. Sinundan niya si Rihanna nakitang hinahawi nito ang mga nalaglag na kisame, nagbabakasakali na natabunan lang ang asawa. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak at pam
Read more
PREV
1
...
34567
...
32
DMCA.com Protection Status