Lahat ng Kabanata ng The Sadist Billionaire: Kabanata 11 - Kabanata 20
84 Kabanata
Chapter 11
Hindi na muli pang nakita ni Kelly si Ryker pagkatapos magpaalam ng binata na bumalik ito sa syudad. Kung bibilangin niya ang araw na hindi ito bigla sumusulpot sa library ay halos isang linggo na ang nakalipas. At aminin niya na may oras na napapasulyap siya sa pinto upang tignan kung naroon ang binata at pinagmamasdan siya. Kung ma-re-realize niya ang kinikilos ay agarang kinakastigo niya ang kaniyang sarili. Ilang beses pa nga siyang ginulat ni Samuel dahil nakatulala raw siya sa pinto na animo naghihintay ng pasko.Ang kaibigan niyang si Arthur ay minsan na ring naabutan siya sa ganoong momentum at nakakatanggap siya ng batok dito. Pasimple na lamang siyang kikilos ng kaswal at magdadahilan na may iniisip siya. Subalit hindi nito tinanggap ang rason niya. Mataman itong mapapatitig sa kaniya na parang inaarok ang iniisip niya. At kapag susubukan niyang mag-iwas ng tingin ay paniningkitan siya nito ng mata. Ngunit magkaganun pa man ay hindi niya ibubuka ang bibig upang magpaliwanag
Magbasa pa
Chapter 12
Pagkarating nila ng hospital ay nagmamadali na siyang pumasok at tinanong ang isang nurse na nakatuka sa information desk kung nasaan ang kan'yang Lolo Manuel. Nang sinabi nito ang operating room ay lakad takbong binaybay niya ang pasilyo hanggang sa makita niya ang magulang na naroon at naghihintay sa labas ng OR. Napahinto siya at kumuyom ang kan'yang kamao habang namamalisbis ang luha sa mata niya. Pakiramdam niya ay may nagtatakbuhang kabayo sa dibdib niya dahil sa kirot nang makita ang namumugtong mata ng magulang at kamag-anak niya.Biglang naparalisa ang buong katawan niya at hindi siya makakilos. Humihigpit na rin ang dibdib niya at hindi makahinga sa labis na takot at pag-aalala. Ang huling beses na tumapak siya rito sa hospital ay noong nagkasakit ang kaniyang lola sa mother's side. Na-diagnosed ito ng cancer at nasa last stage na. Ganito rin ang naging reaksyon niya noon na halos ayaw niyang makita ang abuela. Nakatayo lamang siya sa labas ng private room ng halos kalahari
Magbasa pa
Chapter 13
Naging successful ang operasyon ng kaniyang lolo ngunit kailangang manatili ito sa ICU upang obserbahan ang vitals nito. Labis ang kaligayahang naramdaman ni Kelly sa balitang ito. Ang takot na mawala ang lolo niya agad nabura at napalitang tuwa ang buong pagkatao niya. Ang guilt na naramdaman niya pagkatapos niyang 'di bisitahin ang Lola niya ay unti-unting nawawala. Ang discomfort sa puso niya ay tuluyan na ring nabura. Kaya na niyang tumayo sa labas ng ICU at panoorin ang Lolo niya na nakahiga sa sickbed.Eleven o'clock na ng gabi at umuwi ang magulang niya. Ang kuya naman niya ay nasa canteen ng hospital para kumain. Aakyat din ito mamaya para samahan siya rito na magbantay.Nagpresenta siya na babantayan niya ang lolo niya hanggang sa ma-discharge ito. Kanina lamang ay tinawagan niya ang boss niya at sinabing kailangan niya ng indefinite leave para bantayan ang kan'yang Lolo. Agad pumayag ang boss niya dahil on process na rin naman ang resignation letter niya. Labis naman ang pas
Magbasa pa
Chapter 14
Naramdaman niyang sinusubukan nitong buksan ang nakapinid niyang labi gamit ang dila nito. Nanginig siya at hinawakan ang damit nito upang maghanap ng suporta. Naramdaman nito ang naging reaksyon niya kaya pumaikot ang kamay nito sa baywang niya.May kumawalang daing sa lalamunan niya nang sipsipin nito ang dila niya pagkatapos ay kagatin. Nilunok niya ang kanilang laway na naghalo. Nagsimulang siniyasat ng dila nito gilagid niya, ninanamnam ang bawat sulok nito.Ngunit nang maramdaman niya ang mainit nitong palad sa kanyang balat ay nagising siya at tinulak ito ng malakas. Tinitigan niya ito ng nanlalaki ang mga mata at mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Mabilis ang kan'yang paghinga habang nakamasid dito. Napaatras pa siya at bago ito makakilos para pigilan siya ay nakatakbo na siya palabas. Ngunit hindi pa rin niya nakaligtaang hilahin ang pinto para isara iyon.Dumeretso siya sa kuwarto niya at sumandal sa likod ng pinto. Inilagay niya ang palad sa may bandang dibdib niya habang
Magbasa pa
Chapter 15
Ramdam ni Kelly ang takot at humiliation habang yakap yakap siya ni Ryker. Hindi niya lubos maisip na gagawin ng binata ang nakakahiyang bagay na 'to sa mismong harapan ng natutulog na abuelo niya. Kahit pa hindi aware ang matanda ay nakaramdam siya ng pagkasura. Nasaan ang dignidad at respeto niya sa sarili kung hahayaan niyang gawin ito ng binata sa kaniya.Hindi rin niya naiwasang makaramdam ng takot sa binata. Nakaya nitong gawin ito sa kan'ya ngayon nang hindi man lang inaalala ang kahihinatnan. Paano 'pag biglang dumating ang pamilya niya, ang kaibigan niya? Anong mukha ang ihaharap niya sa kanila?"Umalis ka na!" may katigasan ang tonong wika niya. "Please!"Bumuntong hininga ito at binitawan siya. "I'm really sorry! Sana hindi ito maging dahilan para bawiin mo ang pagpayag mong magtrabaho sa akin."Hindi niya pinansin ang sinabi nito o humarap man lang. Saka lamang siya nanghihinang naupo sa silya nang umalis na ang binata. Sumubsob siya sa kan'yang mga palad at prinoseso sa u
Magbasa pa
Chapter 16
Sa araw na na-discharge ang Lolo Manuel niya ay animo nabilog ang utak niya nang marinig ang sinabi ng cashier sa kaniya. Siya kasi ang inutusan na magbayad ng bill ng kan'yang Lolo. Ngunit nang sabihin niya ang pangalan ay lumuwa yata ang mata niya nang sabihin nilang bayad na lahat. Tinanong niya kung sino ang nagbayad at parang nabingi siya sa sagot ng cashier. Isang matangkad at guwapong binata ang nagbayad daw ng bill. Sa description pa lang ay nahulaan na niya kung sino.Ano ang iniisip ni Ryker at binayaran nito ang bill ng Lolo niya? Alam niya na napalapit na ang binata simula nang binisita nito ang Lolo niya. Ang mga kamag-anak din niya ay halatang hanga sa binata. Maliban lang sa kuya niya kahit ayaw nito sa lalaki ay pormal at civil pa rin ang pakikitungo nito sa una. Pero hindi ito valid reason para bayaran nito ang bill. Barya man dito ang perang pinambayad nito pero sa kanila ay malaki na iyon.Tulalang naglakad siya pabalik sa ward kung saan naghihintay ang kamag-anak a
Magbasa pa
Chapter 17
Agad lumipas ang mga araw nang hindi niya namamalayan. Naaprubahan na ang resignation ni Kelly ng kaniyang Boss at pupunta na siya sa syudad. Lahat ng mga dadalhin niyang gamit ay maayos na nailagay na niya sa kaniyang maleta. Ang pamilya niya at ang kaibigang si Arthur ay nasa ibaba na at hinihintay siyang pumanog.Sa kaibuturan ng puso niya ay may bumubulong na huwag siyang tumuloy pero mas malakas ang sigaw ng utak niya na kailangan niyang tumuloy para magbayad ng utang. Hindi naman masasabing utang dahil siya ang gumiit na bayaran niya si Ryker. At tungkol sa bagay na 'to ay hindi niya binanggit sa pamilya niya. Gusto niyang sarilinin na lang para hindi na lumaki. Kilala niya ang relatives niya at baka hindi sila titigil hangga't 'di nila binabayaran ang ginastos ng binata.Hinila na niya ang maleta at pumanaog. Hindi pa man siya nakakababa ay nakita na niya ang pamilya niya sa sala na napatingala sa kaniya. Ngunit ang unang nakuha ng atensiyon niya ay ang binata na nakaupo at kau
Magbasa pa
Chapter 18
Ang dormitory building na binanggit ng binata ay limang palapag lamang. Ayon sa binata, karamihan sa nagdisisyon na tumira rito at umupa ay mga binata at dalaga. Ang mga may pamilya naman na empleyado nito ay hindi raw dito nakatira at siguro ay may sarili na silang bahay.May fifteen rooms bawat floor. Sa pang-apat na palapag siya dinala ng binata. Ito pa mismo ang nagbukas ng pinto at sumunod siyang pumasok nang mahila na nito ang maleta niya sa loob. Agad na inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng flat. May sofa sa maliit na living room at maliit na center table. May dalawang sariling kuwarto, banyo at kusina ito.Nilinga siya ni Ryker at ngumiti. "Tignan mo kung magugustuhan mo. Kung hindi ay may mas magandang lugar na puwede mong tirhan. I can assure you that everything in that place is perfect," biro nito.Bumungisngis siya at tinaasan ito ng kilay. "Ang tinutukoy mo ba na 'yan ay may mga maids na maghahanda lahat ng kailanganin ko? Magluluto ng pagkain ko at maglalaba at mamalan
Magbasa pa
Chapter 19
Tunog ng doorbell ang gumising kay Kelly sa mahimbing niyang tulog. She stared at the white ceiling in a daze. Ngunit nang tumunog muli ang doorbell ay bumalikwas siya ng bangon at ang unang tinignan niya ay ang oras sa cellphone niya. Six thirty na ng hapon. Hindi niya namalayan na halos ilang oras pala siyang nakatulog.Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto at pinagbuksan ang nasa labas. Nakalimutan pa niya na ayusin ang magulong buhok niya kaya nang makita niya si Ryker sa labas ng pinto ay naparalisa ang buong katawan niya. Bumuka-sara ang bibig niya at bago pa maka-react si Ryker ay malakas na naisara niya ang pinto.Animo ipo-ipong mabilis siyang bumalik sa kan'yang kuwarto at pumasok ng banyo. Tinignan agad niya ang mukha sa salamin at napaungol sa inis nang makita ang hitsura niya. Magulo ang mahabang buhok niya at may muta pa siya. Mabilis na naghilamos at nagsuklay pagkatapos at hinayaan itong nakalugay. Hindi siya nagtagal sa banyo at agad ding lumabas.Ramdam niya ang pag-
Magbasa pa
Chapter 20
Nang makapasok sila ng VIP room ay kumalma na ang mood ni Ryker. Naisip niyang alisin na sa trabaho ang manager ngunit naisip niya na hindi niya dadalhin ang dalaga rito sa susunod. Uutusan na lang niya ang manager na huwag magpakita sa harap nila ni Kelly. Kanina, kumulo ang dugo niya nang makitang nakatingin ang manager kay Kelly. Bakas ang paghanga at atraksyon sa mukha nito na hindi man lang itinago.Sumulyap siya sa dalaga at nakita niyang binibistahan nito ang buong room. Naghuhumiyaw ng ito ng karangyaan. Simula sa sofa at sa interior ng room. At hindi niya maiwasang maging proud. Ang ipakita at iparamdam ang karangyaan sa dalaga ay isa sa plano niya. Gusto niyang silawin ito upang masanay sa ginagalawan niyang mundo. Gusto niyang ipakita ito lahat sa kaniya. Dahil alam niyang ito ang hangad ng karamihang babae.Habang nakatitig siya sa pagkamangha na ekspresyon nito ay nagsimulang punan muli sa kaniyang puso ang angkinin ito. Talagang ayaw niya itong ibahagi sa iba at gusto ni
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status