All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1971 - Chapter 1980
2193 Chapters
Kabanata 1972
Pero, hindi gumawa ng kahit anong hakbang si Sandy laban sa Knowles kahit na pumunta si Nollace sa Zlokova.Sinabi ni Nollace, “Dahil nandoon ang lolo ko. Wala siyang magawa sa mga Knowles. At saka, dahil din sa wala ako sa Yaramoor mas madali ako pabagsakin kaysa kalabanin ang Knowles?”Pakita ni Edison ay tama siya. Kung may mangyayari may Nollace sa ibang lugar, isang bagay yon na gustong makita ni Sandy at Donald.Sa kahit anong pangyayari, kahit na ano pa ang balak ni Sandy, hindi naman masama na maging alerto.Bumabagsak na ang dilim at lumiwanag ang siyudad.Bumalik si Colton sa Goldmann mansion. Pagkatapos niya lumabas ng sasakyan, nagmadali siyang pumasok sa mansion. Nang marinig niya sa butler na nasa study room si Maisie, umakyat siya.Nakaupo si Maisie sa gilid ng mesa, ginagawa ang bago niyang design nang buong atensyon. Nang marinig niya ang katok sa pinto, natigil siya at sinabing, “Pasok.”Binuksan ni Colton ang pinto at pumasok. “Mom.”Naningkit si Maisie. “Ano
Read more
Kabanata 1973
Yumuko si Colton para tingnan si Freyja. Nakikita niya kung gaano siya nag-aalala sa bata.Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi niya, “Sige. Tutulungan kita.”Alam niya na kahit na anak ni Ken si Deedee, si Freyja ang nagpalaki sa kaniya. At saka, hindi naman problema para sa kaniya na magpalaki ng isa pang bata.Nagulat si Freyja. “Ayos lang sa'yo?”Hinubad ni Colton ang jacket at nilagay sa hanger. “Papayag ako basta hihilingin mo.”Nagulat si Freyja.Lumapit si Colton sa kaniya at nilagay ang kamay niya sa tiyan ni Freyja. “Pero kailangan mong mangako sa akin na hindi ka makikipagkita sa mom mo.”Kinabukasan…Bumaba si Freyja pagkatapos niyang magising ng 10:00 a.m. Nang makita niya na may iba pang apat na katulong ang nasa living room, bahagya siyang nagulat.Napansin din siya ng mga katulong at magalang silang bumati, “Gising ka na pala, Ms. Pruitt.”“Sino kayo?”“Pinadala kami ni Ma'am dito para alagaan ka. Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang kami. At saka, habang n
Read more
Kabanata 1974
“Leonardo.” Inangat ni Colton ang tingin niya.“Tawagan mo ang mga publishing company na naglabas ng mga magazine na ‘to at sabihan mo sila na ihanda ang pera.”“Pera?” Nagulat si Leonardo bago naintindihan kung ano ang balak gawin ni Colton. “Kakasuhan mo sila?”Binalik ni Colton ang takip ng pen at sinabing, “Kakasuhan natin sila ng paninira, maling impormasyon, at pagpapakalat ng walang kabuluhan na bagay para makapanira ng iba. Kung gusto nilang bayaran ang kawalan natin o magsara sila, papipiliin ko sila.”Tumango si Leonardo. “Understood.”Nang lumabas si Leonardo sa opisina, nakita niya si Daisie sa nagmamadali sa corridor. Pero, bago pa siya makapagsalita, binuksan ni Daisie ang pinto ng opisina.“Colton.”Inangat ni Colton ang ulo niya para nakita si Daisie na nakahawak sa mesa. “Nandito ba si Mrs. Pruitt sa Bassburgh?”Kumunot siya. “Oo.”Huminga nang malalim si Daisie at nagpatuloy. “Ngayon nagkakalat siya ng maling balita para siraan si Freyja. Kapag nakita ni Fre
Read more
Kabanata 1975
Bahagyang narinig ni Sandy na nag-uusap sila tungkol sa Goldmann.‘Hmph! Mukhang minaliit ko ang babae na ‘yon.’Bumalik si Sandy sa kwarto niya. Nakita niya si Deedee na nakaupo habang nanginginig ang buong katawan, nagwala si Sandy. “Bakit wala kang kwenta? Dinala kita dito pero wala kang silbi. Dapat namatay ka na lang sa sinapupunan ng nanay mo noon.”Yumuko si Deedee at umiyak.Lumapit si Sandy sa kaniya at hinila siya mula sa sahig.Bumagsak siya at umiyak, “Lola, magiging mabait ako—”Sinipa ni Sandy papunta sa gilid si Deedee at sumigaw, “Tumigil ka sa pag iyak! Puro iyak na lang ang alam mo.”Bumagsak si Deedee sa sahig. Tumama ang likod niya sa mesa dahilan para matumba ang baso na may tubig sa taas ng mesa at natapon ang tubig doon. Bumagsak ang baso sa noo niya at nabasa ang buhok niya dahil doon.May pulang bukol na lumabas sa noo niya. Basa ang pisngi niya at namumutla ang mukha niya. Mahina siyang umiiyak at nanginginig ang katawan niya.Nang sasaktan na siya
Read more
Kabanata 1976
“Wala akong pakialam para makisali.” Sumingal siya at idinagdag sa huli, “Pero parte na ng Goldmann si Freyja ngayon at wala ka sa posisyon para makialam sa ginagawa niya. Kapag sinubukan mo ulit at ipinagpatuloy mo ang paglito sa mga tao, huwag mong sabihin na hindi kita binalaan. Kung tutuusin, kahit na ang foundation ng Reese, isang pamilya na mas mataas sa'yo ay napagbasak ng Goldmann, hindi malabo na pati ang pamilya mo.”Nanginig si Sandy na para bang nakuryente siya at agad nawala ang dugo sa pisngi niya.‘Hindi niya ako tinatakot base sa mga walang kabuluhan na salita. Sa lakas ng Goldmann, magagawa niya talaga ang sinabi niya. Iisa na ngayon ang Goldmann at Hathaway, at mas mahirap para sa noble ang kapangyarihan ng dalawang pamilya.’Nang makita na umalis na si Colton kasama ang mga tauhan niya, nanghina si Sandy at napahawak sa pader.Lihim na nagngalit ang ngipin niya. “Bwisit, malakas ang nasa likod ng m*landing yon.”‘Pero, kahit na hindi ko matatakot ang Goldmann,
Read more
Kabanata 1977
Hinawakan ni Daisie ang likod ng kamay ni Freyja. “Kailangan mong magtiwala kay Colton. Aayusin niya ang bagay na ‘to. At kay Deedee, alam kong inosenteng bata lang siya at hindi lang uupo si Colton at manonood habang nahihirapan siya.”Ngumiti si Freyja.Naghintay sandali si Daisie bago umalis. Lumabas siya sa courtyard at isang pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa gilid ng kalsada sa labas ng courtyard.Mabagal na bumaba ang rear window at si Nollace ang nasa loob ng sasakyan.Tumama ang ilaw sa salamin at nakasuot siya ng puting short na sinabayan ng walang katapat niyang itsura.Huminto si Daisie sa harap ng sasakyan. “Paano mo nalaman na nandito ako?”Hindi niya sinabi kay Nollace na nandoon siya kay Freyja.Mahinang ngumiti si Nollace. “Naisip ko na nakita mo ang balita at base sa nalalaman ko sa'yo, nandito ka.”Binuksan ni Daisie ang pinto, pumasok sa sasakyan at bumulong, “May hindi ka pa ba nalalaman sa akin?”Hinaplos ni Nollace ang buhok niya. “Pwede mo malaman a
Read more
Kabanata 1978
Bumagsak ang singsing sa sahig, nag-iwan mahinang kalansing.Yumuko si Daisie para kunin ang singsing at nakita ang maliit na gap sa gitna ng singsing.Kinuha niya ang singsing sa kaniyang kamay at nagtaka. “Paanong ang singsing…”Habang may tinitingnan, nagulat siya sandali at pinaghiwalay ang singsing, nailabas non ang kasing liit ng langggam na device sa harap ng mata niya.Sa study, nakaupo si Nollace sa likod ng mesa. Nakakrus ang mga daliri niya at nakapatong ang baba niya sa kaniyang kamay habang iniisip ang bagay tungkol sa pagitan ni Donald at Sandy.Umilaw ang screen ng cellphone niya. Tiningnan niya yon at nakita ang notification na sinasabing nawala ang tracking device. Hindi niya mapigilan na magtaka.May lumitaw sa isip niya pero binuksan na ni Daisie ang pinto.“Nollace Knowles!” Lumapit siya at nilagay sa harap ang singsing na binigay sa kaniya ni Nollace three years ago. Halata naman na nalaman niya ang nakatago sa singsing. “Sana ay may mabuti kang paliwanag
Read more
Kabanata 1979
‘Hindi ko na siya kayang pakawalan.’Biglang may humawak na palad sa kamao niya at napuno ng init ang tahimik niyang puso. Bahagyang nagulat si Nollace. Yumuko siya kay Daisie na lumapit sa kaniya habang nag-iisip siya at ang manipis niyang labi ay mahigpit na nakatikom.Niyuko ni Daisie sa ulo niya. “Nollace, wala akong pakialam kung perpekto ka o hindi.”“Talaga?” Binalot ni Nollace ang braso niya sa bewang ni Daisie at inangat ang baba niya. Mas lumalapit ang labi niya sa pisngi ni Daisie at tumama ang mainit niyang hininga sa maputing balat ni Daisie. “Kilala mo ba talaga ako? Hindi ako perpekto tulad ng iniisip mo. Madamot akong tao, gusto ko sa akin ka lang at gusto ko tusukin lahat ng mata ng ibang tao kapag pinagpi-piyestahan ka ng mga mata nila.”Pinadulas niya ang daliri niya sa bahagyang basa na buhok ni Daisie, nilagay ang kamay niya sa batok nito, at hinaplos ang labi ni Daisie gamit ang kaniyang daliri. “Kapag nagsawa ka sa akin at iiwan no na ako, hindi ko talaga ala
Read more
Kabanata 1980
Sinara ni Daisie ang bibig niya, masunurin na humiga sa dibdib ni Nollace at sinubukan na matulog.Umikot si Nollace at niyakap siya. Makapal na kumot ang nakabalot sa bewang ni Daisie at sa baba ng tiyan ni Nollace para maiwasan na magdikit ito. Ayaw niyang idaan si Daisie sa trick para pumayag ito. Ang gusto niya ay ang kusang kagustuhan ni Daisie.Sa oras na yon, sa loob ng Comfort Inn…Dahil pumunta si Colton, hindi hinayaan na hindi siya mag iingat.Inimpake ni Sandy ang bagahe niya at binuksan ang kahon dahil madaling araw na. Buong araw na nakakulong si Deedee sa kahon na walang pagkain o tubig. Hinang-hina na siya sa oras na ito.Pilit na dumilat ang mata niya sa malakas na ilaw at hinang-hina ang boses niya. “Lola, nagugutom ako…”“Hmph! Hindi ka mamamatay sa kaunting gutom.”Inilabas ni Sandy sa kahon si Deedee.Halos hindi na makatayo si Deedee at namanhid ang braso na hawak-hawak ni Sandy.“Bilisan mo! Kapag pinatagal mo ang pagtakas ko, papatayin kita.”Hindi na
Read more
Kabanata 1981
“Hindi mo kailangan manghingi ng tawad.” Nilagay ni Colton ang kamay niya sa balikat ni Freyja. “Samahan mo muna siya. Ako na bahala sa iba.”Tumalikod siya at unlis pero hinawakan siya ni Freyja.Tumingin si Colton sa kaniya. “Anong problema?”Binitawan siya ni Freyja, umiwas siya ng tingin at tinikom ang bibig niya. “Salamat.”Tiningnan siya ni Colton at tinanong, “Ayan lang ang gusto mong sabihin?”Tumango siya.Nilagay ni Colton ang kamay niya sa likod ng ulo ni Freyja, hinila siya palapit, at bumulong, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, ipakita mo yun sa kinikilos mo.”Nagulat si Freyja pero bigla siyang hinalikan ni Colton.Matagal niya itong hinalikan bago niya ito bitawan at umalis na siya ng kwarto.Napahinto si Freyja at nararamdaman pa rin ang halik sa labi niya. Samantala, nang gumising si Sandy, sumakit ang leeg niya. Napansin niyang nakahiga pala siya sa sahig buong gabi at biglang may pumasok sa isip niya, agad niyang binuksan ang pinto. “Deedee!” Wala
Read more
PREV
1
...
196197198199200
...
220
DMCA.com Protection Status