Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1961 - Kabanata 1970
2193 Kabanata
Kabanata 1962
Nanigas ang katawan ni Freyja at agad siyang tumalikod, humarap kay Colton at sinabi, “Hindi maganda ang pakiramdam ko.”Kalmadong sumagot si Colton, “Alam ko.” “Bakit parang…”“Hindi na ba kita pwedeng yakapin sa ganitong mga oras?”Hinaplos ni Colton ang buhok niya gamit ang kaniyang daliri at nilagay niya ang palad niya doon. “Kung sobrang masakit, dapat inumin mo na ang gamot mo. Hindi pwedeng umakto ka na matapang pag may sakit ka.” ‘Iniisip talaga ng babaeng ito na halimaw ako. Kung hindi ko alam na may sakit siya, siguro…’Hindi inaasahan ni Freyja na may pakialam si Colton sa kaniya, gumalaw ang kaniyang pilikmata. Matapos ang ilang sandaling katahimikan, tinanong niya, “Pwede ba kita tanungin?” Sumagot si Colton ng mahinang hum, “Ano naman?”Yumuko si Freyja. “Gusto mo ba ng anak?”Nagulat siya. Nakatitig lang si Colton sa mukha niya pero sobrang dilim ng ilaw sa kwarto kaya hindi niya malinaw na makita ang ekspresyon n Colton. “Pero ayaw mo, ‘di ba?”‘Kung gusto
Magbasa pa
Kabanata 1963
Inabutan siya ng tissue ni Giselle. “Punasan mo ang sulok ng labi mo. Dumudugo.”Hindi niya kinuha ang tissue at pinunasan lang ang dugo sa sulok ng labi niya gamit ang kaniyang kamay. “Ayos lang yun. Pinanganak ako para mabugbog.” Matapos niya iyon sabihin, lumakad siya palapit sa kotse niya.Inayos ng driver ang rearview mirror at pinanood ang pag alis ni James ng may nakakainsultong ekspresyon. “Hindi man lang alam ng lalaking iyon paano magpakita ng pasasalamat. Hindi ko talaga alam paano sumikat sa showbiz ang taong yun.”‘Kung hindi siya tinulungan ng dalaga, siguro binubugbog pa rin siya ng mga masasamang loob na yun kanina pa.’Binawi ni Giselle ang tingin niya. “Kinaya niyang maging sikat ibig sabihin may kakayahan siyang suportahan ang trabaho niya.Kinabukasan, sa Tenet…Dumaan si Daisie sa opisina ng manager at narinig ang boses ni Charlie. “James, isa ka talagang leopard na hindi binabago ang ginagawa, ano?” Sabi ko sayo huwag ka na masangkot sa mga away pero nandy
Magbasa pa
Kabanata 1964
’Kung mag-iinvest si Mr. Goldmann sa project, magiging ganito pa rin ba ang ugali ng investor? Pag dating sa kapangyarihan ng kapitalismo, sino ang maglalakas loob na makumpara kay Mr. Goldmann?’“Ayokong umasa sa pamilya ko.” Mahinahong sumingal si Daisie. “At saka, walang perpektong gagawa ng role ni Nancy maliban sa akin.”Nagulat si James. “Bakit sobrang lakas ng loob mo?”Tumingin si Daisie. “Kasi wala ng nakakakilala sa kaniya maliban sa akin.” Bilang artista, dapat maintindihan ng isang aktor ang role niya para mas mabuti niyang magawa ang role.At saka, ang setting ng original novel ay base sa framework ni Freyja. Nabasa na ni Daisie ang original manuscript ni Freyja. Si Nancy Hanks, ang knock-off version na character ni Tana Ybarra ay parang sariling katauhan din ni Freyja.Si Tana ay anak ng isang noble family. Ang nanay niya ay isang anak sa labas, at may isa siyang kapatid na ginamit siya para sa sarili niyang benepisyo. Inabusi siya ng nanay niya nung bata pa siya.
Magbasa pa
Kabanata 1965
Bakit sobrang nanghina ka nang dumating ka sa Bassburgh? Hindi ka pa ba sanay sa local atmosphere?”‘Simula noong pumunta siya ng Bassburgh, parang may sakit siya lagi nitong mga nakaraan.’Tumikhim si Freyja at nagulat siya. “Yeah, baka nga hindi pa ako sanay.” “Masasanay ka rin niyan pag nagpakasal na kayo ni Colton.”“Daisie!” Namula ang pisngi ni Freyja.Bigla niyang tinakpan ng bibig niya at napahinto, tumayo siya at agad na pumunta sa banyo.Sinundan siya ni Daisie. “Freyja!” Hindi pa kumakain si Freyja mula kaninang umaga kaya lahat ng sinuka niya ay tubig, at sobrang putla ng mukha niya sa sakit. Kumatok si Daisie sa pinto. “Freyja, ayos ka lang ba talaga? Gusto mo bang pumunta sa ospital?”Hinugasan ni Freyja ang mukha niya at binuksan ang pinto, at parang lalo siyang nanghina. “Ayos lang ako. Hindi ko na kailangan pumunta ng ospital…”“Paano ka naging ayos? Sumusuka ka na parang…” huminto si Daisie nang ilang segundo, tinitigan niya si Freyja, parang ganun din a
Magbasa pa
Kabanata 1966
Hindi mukhang masaya ang mga investor.Inangat ng chairman ang kamay niya para pigilin ang nangyayari. “Tama na, hindi niyo kailangan mag-away.*Nakatingin ang lahat sa kaniya habang mabagal siyang nagsasalita. “Dahil hindi makagawa ng desisyon, hayaan natin ba bumoto ang netizen at gawing patas ito. Sa pagitan ni Zoey at Daisie, kung sino man ang makakuha ng mataas na boto ang siyang makakakuha ang role.”Tumango si Charlie. “Sang-ayon ako.”Nagtinginan ang mga investor. Kahit na hindi sila sang-ayon doon, kailangan nila sumunod.Bumalik si Charlie sa opisina niya at sinabi kay Daisie ang tungkol sa botohan.Ngumiti si Daisie pagkatapos marinig yon. “Patas nga kapag ang netizen ang bumoto.”Tiningnan siya ni Charlie. “Hindi ka ba nag-aalala na mas marami siyang boto?”Humalukipkip si Daisie. “Nagtatrabaho ako sa'yo. Bakit hindi magiging malakas ang loob ko?”Tumawa si Charlie. “Tama ka!”Umalis si Daisie sa opisina at pumunta sa studio floor. Nang lumabas siya sa elevator,
Magbasa pa
Kabanata 1967
Isa sa kanila ay ang Godfather na kumokontrol sa buong pangyayari sa underground ng Ora, Fabio Puzo, at ang isa ang pinaka malaking crime boss sa East Eurasia, si Sunny Southern.Pinatong ni Nollace ang ulo niya sa kaniyang kamay at sumandal sa bintana. “Kung nakapagtago siya doon, mayroong tumulong sa kaniya.”May naalala si Edison. “Nga pala, nandito si Mrs. Pruitt.”Tumingin si Nollace sa labas ng bintana. “Alam kong hindi hahayaan ng tita ko na matahimik ang mga bagay. Sabihin mo kay Colton ang tungkol dito. Dapat niyang protektahan ang girlfriend niya.”Sa hospital…Suka nang suka si Freyja kaya pumunta siya sa doctor para kumuha ng gamot. Nang makuha niya ang gamot, may natanggap siyang tawag.Napakunot siya nang makita ang pangalan ng tumatawag. Hindi niya tinawagan ang dad niya kaya hindi siya komportable doon.Sinagot niya ‘yon at kabado na nagtanong ang dad niya, “Fey, nakita mo ba ang mom mo?”Natigil si Freyja. “Anong sabi mo?”Sinabi ni Brandon, “Pagkatapos malam
Magbasa pa
Kabanata 1968
Ngumisi si Colton at sumandal sa upuan niya. “Pumunta ka ba para sabihan ako na tulungan ka pagkatapos maagaw ng role mo?”Natigil siya at tumingin. “Sinong nagsabi niyan? Sa tingin mo ba kailangan ko ng tulong mo?”Naningkit siya. “Bakit ka nandito? Para magdala ng pastries at bisitahin ako?”Mula ng pumasok siya sa entertainment industry, minsan lang bumisita sa Blackgold. Nakakapagtaka na bigla siyang pupunta.Malaki ang ngiti ni Daisie. “Nandito lang ako para i-congratulate ka. Hindi ka ba masaya?”Kumunot si Colton. “Tungkol saan?”Nawala ang ngiti ni Daisie at bigla niyang hinampas ang pastry box sa mesa. “Coleman Goldmann, bakit ka ganiyan?”‘Buntis si Freyja! Bakit hindi siya masaya!?’Mukhang galit na galit siya at tinawag niya sa buong pangalan si Colton.Nagulat si Colton pero kumunot siya. “Anong sinasabi mo?”‘Anong ginawa ko para magalit siya?’Pero, nang makita na walang alam si Colton, natigil si Daisie. “Hindi… sinabi sa'yo ni Freyja ang sorpresa?”Nagtaka
Magbasa pa
Kabanata 1969
Napansin si Freyja na nanginginig si Deedee sa braso niya. Kinagat niya ang kaniyang labi at tumayo. “Mom, sa tingin ko ikaw ang nagpabaya sa kaniya. Ako ang laging nag aalaga sa kaniya mula noong baby pa siya. Ikaw, bilang matanda at lola niya, paano mo nasasabi ‘yan?”Lumapit si Sandy, inangat ang kamay niya at sinampal si Freyja.Namula ang mukha niya at may bakas ng palad doon.Nagsimulang umiyak si Deedee. “Lola! Please huwag mo saktan si Tita Fey.”Tinulak siya ni Sandy at tumigil sa pag-iyak si Deedee pagkatapos bumagsak sa sahig.Hindi pinansin si Freyja ang sakit ng mukha niya at tinulungan na tumayo si Deedee. Malamig ang mata niya. “Mom, hindi mo siya dapat ganiyan tratuhin. Anak siya ng anak mo.”Ngumisi siya. “Anong silbi ng babaeng anak? Magiging katulad mo lang siya.”Natigil si Freyja doon. Galit sa kaniya ang mom niya mula noong bata siya dahil lang sa babae siya?Tinitigan ni Sandy si Deedee na nanginginig pagkatapos ay tumingin kay Freyja. “Alam ba ng mga Gol
Magbasa pa
Kabanata 1970
Binuhat ni Colton si Freyja sa braso niya at aalis na sana nang harangin siya ni Sandy. “Hangga't anak ko siya, hindi magbabago ang relasyon natin. Mr. Goldmann, hindi mo maitatanggi ‘yon.”Ngumisi si Colton at malamig na tumingin sa kaniya. “Huwag ka masyadong mayabang. Hindi ikaw ang magde-desisyon kung tatanggapin ka namin.”Naglakad siya palayo habang buhat si Freyja.Masama ang tingin sa kanila ni Sandy habang palayo sila. Pagkatapos ay tumingin siya kay Deedee na nakayuko at hindi nagsasalita dahil natatakot siya sa kaniya.Lumapit siya at pinisil ang pisngi ni Deedee. “Maging mabait ka para makasama mo siya. Naiintindihan mo?”Hindi sinabi ni Deedee na masakit pero tumango siya sa takot.Samantala, binuhat ni Colton si Freyja hanggang sa sasakyan. Nakita niya kung gaano kaputla at hindi komportable si Freyja kaya inutusan niya si Leonardo na ihatid siya sa hospital.Agad siyang pinatigil si Freyja. “Huwag sa hospital.”Hinawakan ni Colton ang baba niya at tiningnan ang n
Magbasa pa
Kabanata 1971
Pero, sinamahan siya ni Colton na parang normal na boyfriend. Nag-aalala siya na magka lagnat siya kaya inayos niya ang kumot ni Freyja. Nag-aalala siya na hindi siya magiging komportable sa pagbubuntis kaya hindi niya pinikit ang mata niya.Hindi siya sanay mag alaga ng ibang tao pero natutunan niya kung paano alagaan si Freyja.Pagkatapos ng ilang sandali, naningkit si Freyja at tumingin kay Colton. “Gawin mo na ang gagawin mo. Ayos lang ako.”Nilagay ni Colton ang kamay niya sa mata ni Freyja at sinabing, “Hindi ka dapat magsalita. Ipikit mo ang mata mo at magpahinga ka.”“‘Colton.” Pagod siya. Mabigat ang talukap niya pero sinubukan niyang idilat lang ang mga ‘yon. Mahina niyang tinawag si Colton at sinabing, “Hindi ko kailanman naisip na magpalaglag.”Yumuko si Colton at tiningnan si Freyja. Kahit na pagod siya, pinilit niya pa rin ang sarili niya na magpaliwanag kay Colton bago siya makatulog. Hindi niya alam kung tatawa ba siya kay Freyja o hindi. Bahagya siyang lumapit at
Magbasa pa
PREV
1
...
195196197198199
...
220
DMCA.com Protection Status