All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1981 - Chapter 1990
2184 Chapters
Kabanata 1982
Matapos ang sampung minuto, bumalik na ang pulis na kumuha ng footage ng pangyayari. “Sir, pinanood ko na po ang footage at nakita ko si Mr. Goldmann kasama ang ilang grupo ng tao at umalis din matapos ang ilang sandali.”Na-overwhelm si Sandy. “Paano naman yung nangyari sa footage kahapon? Inatake nila ako at kinuha ang apo ko!”Tiningnan siya ng pulis at kumunot ang noo. “Walang footage sa pag-atake nila sayo.”Nagulat si Sandy. “Hindi… imposible yan!”Sumigaw siya, “Inatake nila ako kahapon! Paanong hindi na-record iyon!? Siguro takot ka sa mga Goldmann at nagsinungaling ka na lang sa akin!”“Ma’am, pwede mo tingnan mismo kung hindi ka naniniwala sa akin.”Agad siyang pumunta sa manager na may hawak ng tablet. May timestamp ang footage at pinapakita nito ang nangyari kagabi. Walang pinakita na inatake siya.Namutla ang mukha ni Sandy dahil hindi siya makapaniwala. Imposible yan!Hindi niya yun tatanggapin. “Hindi! Siguro dinaya na ito!”Nang mahirapan ang mga pulis na pakal
Read more
Kabanata 1983
Sabi ng lawyer, “Huwag ka mag-alala, malakas ang loob kong mananalo ako dito.”Samantala, sa ospital…Unti-unting nagiging masigla na ulit si Deedee sa piling ni Freyja. Natatakot si Freyja na baka na-trauma si Deedee dahil sa nanay niya kaya talagang sineryoso niya ang counseling.Nasa pinto si Daisie at mag hawak ng cake, kumatok siya.Tumalikod si Freyla at ngumiti. “Deedee, ito si Tita Daisie. Hello ka sa kaniya.”Hindi na naaalala ni Deedee si Daisie pero hindi na siya mahiyain tulad ng dati. “Hello.”Lumapit sa kama si Daisie, binaba niya ang maliit na cake, ngumiti, at sinabi, “Binilhan kita ng maliit na cake na ito kasi sabi ni Tita Fey paborito mo raw ito.”Nang makita niyang binuksan ni Daisie ang box, tinitigan ni Deedee ang anim ba slice ng chocolate cake at nagsimula siyang maglaway. “Pwede po ba ako makahingi?” Dahan-dahan niyang sinabi.Nagulat si Freyja nang marinig niya iyon. Marahil dahil kay Sandy kaya naging matatakutin si Deedee.Ngumiti si Daisie. “Syempr
Read more
Kabanata 1984
Para sa isang babae, ang pamilya ng pakakasalan niya ay hindi kasing tulad ng sarili niyang pamilya pero kung gusto ni Colton na putulin ang relasyon ng asawa niya sa sarili pamilya nito, gaano kasama ang pamilya niya?Nanginginig pa rin si Sandy at biglang nag iba ang ekspresyon niya. “Anong sinabi mo!?” Malamig ang ekspresyon ni Colton habang nakatingin sa kaniya. “Lagi mong tinatawag na anak si Freyja pero ano bang ginawa mo sa kaniya bilang isang ina?“Pinabayaan mo siya dahil isa siyang babae at hindi isang lalaking anak at hindi ka niya sinunod bilang nanay. Sisirain mo pa ang reputasyon niya kaya bakit ang lakas ng loob mong tawagin ang sarili mo na isang ina?”Nagsimulang mag-usap ang mga tao. ‘Kumalat’ na ‘iniwan’ ni Freyja ang anak niya para mapakasalan niya ang Goldmann family. Sariling nanay niya ang nagsabi nun!?”Hindi na makapag-isip si Sandy. “Ano naman? Nagmula siya sa akin, ako ang nagbigay ng buhay sa kaniya kaya ako ang magdedesisyon kung mabubuhay siya o mama
Read more
Kabanata 1985
At saka, kahit na hindi tunay na anak si Sandy, hindi naiba ang trato sa kaniya ng hari. Pero, hindi pa rin siya masaya para doon at naisip pa niyang kunin ng anak niya ang trono mula sa mga Knowles. Ang kapalaran ni Ken at ang pagkagalit ng hari parehong dahil sa kaniyang mga sariling ambisyon.Tinakpan ni Sandy ang tainga niya. “Hindi yan totoo! Hindi ko yan tatanggapin! Hindi namatay ang anak ko dahil sa akin! Hindi pwede…”Sa kasamaang palad, hindi mahalaga kung aaminin niya iyon. Ayun naman ang totoo.Sinentensyahan siya ng korte ng 15 araw na pagkakakulong. Matapos niyang gawin iyon, mapapaalis siya at hindi na siya ulit makakapasok sa bansa. #May nakakagulat na nakaraan ang girlfriend ni Coleman Goldmann##Nakumpirma ba ang pagkakakilanlan ng bata. Pamangkin niyo ito#Mabilis na na-announce ng mga news outlets ang hatol ng korte, at ang mga usapan na ‘iniwan ni Feyja ang anak niya’ para pakasalan ang anak ng mga Goldmann ay napatunayan nang hindi totoo. Kahit ang mga tao
Read more
Kabanata 1986
Dinikit ni Freyja ang pisngi niya sa dibdib ni Colton at pinakinggan ang tibok ng kaniyang puso. “Hayaan mong yakapin muna kita.”Yumuko si Colton para tingnan ang babae na nasa bisig niya. Ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Freyja na kailangan niya si Colton.“Colton, dati iniisip ko na mayabng ka. May bad attitude, at ang taong katulad mo ay hinding hindi makiki-simpatya sa ibang tao.”Kumunot ng noo ni Colton. “Ang tulad ko ay ano—”“Pero parang mali ako.” Tinaas ni Freyja ang ulo niya para tingnan si Colton at ngumiti siya. “Maliban sa katotohanan na hindi ka makapagsalita, isa kang mabuting lalaki.”Naningkit ang mata ni Colton. “Compliment ba ito o negative comment?” Ngumiti si Freyja. “Pareho.”Kinarga siya ni Colton at hiniga siya sa kama. Kinumutan niya si Freyja at sinabi, “Alagaan mo ang little baby na nasa tiyan mo. Pag nakalabas na siya, makaka-score na ako sa mom niya.” Ngumiti si Freyja at tiningnan siya.Hindi nagtagal, kalahating buwan na ang nakalipa
Read more
Kabanata 1987
Tinikom ni Daisie ang labi niya at umalis para maghugas ng kamay.Habang naghuhugas siya ng kamay, tapos na si Nollace sa paghahanda ng mesa. Kinagat ni Daisie ang stew. Natunaw ang karne sa bibig niya na parang ice cream. Hindi lang yun malambot dahil masarap din. Hindi ito mamantika at ayun ang pinakamasarap na stew na nakain niya.Tiningnan siya ni Nollace. “Anong lasa?” Habang nginunguya ang stew, tumango si Daisie. “Masarap.” Kinurot ni Nollace ang pisngi niya at masayang ngumiti. “Kainin mo na lahat. Lahat ng ito ay sayo.”Nagulat siya. “Lahat ng iyan ay para sa akin?”Ngumiti si Nollace. “Ito ay para i-celebrate na nakuha mo yung role na gusto mo.”Kinagat ni Daisie ang tinidor niya at tinanong, “Interesado ka rin sa mga bagay na iyon?”“Oo, interesado ako sa lahat na may kinalaman sayo,” sumagot si Nollace habang nilalagay ang piece of meat sa plato ni Daisie.Gumalaw ang pilikmata ni Daisie, natunaw ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit pero naramdaman niya na
Read more
Kabanata 1988
Nawalan ng balance si Sandy at natumba sa sahig. Walang tigil ang katawan niya sa panginginig dahil sa takot. …Nang malaman ni Colton na nasa Zlokova pa rin si Sandy, agad siyang nag-utos na hanapin si Sandy. Samantala, nilagay naman ng pulis si Sandy sa mga listahan ng mga taong wanted para sa illegal entry.Nang dumaan si Freyja sa study room kasama si Deedee, narinig niya ang usapan ni Colton at Leonardo. Hinigpitan niya ang hawak kay Deedee nang malaman niya na nasa Zlokova pa ang nanay niya.Tinaas ni Deedee ang ulo niya para tingnan si Freyja at mahinang sinabi, “Tita Freyja, nasasaktan mo ako.”Bumalik si Freyja sa katotohanan at niluwagan ang hawak kay Deedee. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ni Deedee at sinabi, “Sorry. Masakit pa rin ba?”Umiling si Deedee. “Hindi na.”Biglang binuksan ni Leonardo ang pinto noong oras na iyon at pareho silang nagulat.“Ms. Pruitt?” Sabi niya.Tumingin si Colton sa pinto.Sumalubong ang tingin ni Freyja sa kaniya at yumuko para
Read more
Kabanata 1989
Hawak ni Daisie ang skewer. Binababa niya ang facial mask niya para kumagat kada habang, para siyang gutom na kuting na dahan-dahang nagnanakaw ng pagkain sa master niya. Tiningnan siya ni Nollace at masayang tumawa. “Parang hindi pa sapat ang pinakain ko sayo ngayong araw. Hindi ka pa tumitigil sa pagkain simula nung pumunta tayo dito.”Nagulat si Daisie. Hindi niya alam kung bakit pero naramdaman niya na ang weird nang sinabi Nollace na hindi pa niya ito napapakain nang sapat. Tinakpan niya ang bibig niya at bumulong, “Matagal na panahon na noong kumain ako ng skewer.”Nang may bigla siyang maisip, kinuha niya ang nasa bag niya at sinabi, “Gusto mo ba subukan?” Biglang lumapit si Nollace at kumagat sa skewer ni Daisie.Nagulat si Daisie, at medyo matagal bago siya bumalik sa katotohanan. “Bakit mo…” Nang mapansin niya ang tingin mula sa paligid, mabilis niyang sinuot ang mask niya at sinabi, “Anong ginagawa mo? Gusto mo bang mahuli tayo?”Hindi niya alam bakit ayaw ni N
Read more
Kabanata 1990
Kinarga siya ni Nollace papuntang kama. Nang tatayo na sana siya, hinila siya ni Daisie pababa. Buti na lang, alisto siya at agad na naitukod ang kamay niya sa kama. Habang nakatingin sa naglalambing na mata ng babae sa kaniyang ibaba, tumikhim siya at kumunot ang kaniyang noo. “Daisie, nagiging bad girl ka na naman.”Hinaplos ng daliri ni Daisie ang labi ni Nollace at sinabi, “Hindi ako bata kaya bakit ako naging bad girl?”Huminga nang malalim si Nollace at nilayo ang kamay ni Daisie. “Kung hindi mo ito titigilan, baka—”Ngumiti si Daisie. “Baka ano?”May malambing at nakakaakit siyang mukha. Hindi niya kailangan mangakit o magpanggap. Ginamit niyang trap ang ngiti niya at walang kahit anong prey ang makakatakas doon.Walang sinabi na kahit ano si Nollace.Nakatitig lang siya kay Daisie, nag-iigting ang panga niya.Nang iniisip ni Daisie na gamitin niya abg technique na natutunan niya sa TV para akitin si Nollace, hinalikan niya ito ng walang kahit anong pagbabanta.Bumalik
Read more
Kabanata 1991
Binuksan ni Daisie ang pinto ng private room, nakita ang limang tao na nasa likod ng wooden screen, at pumasok ako.Si Shannon ang unang nakakita sa kaniya kaya tumayo siya at lumapit sa kaniya. “Daisie, nandito ka na rin. Tara at samahan mo kami at ipapakilala sa mga bagong investor ng drama natin.”Tumingin si Daisie sa lalaking nakaupo habang nakatalikod sa kaniya. Nang matapos magsalita si Shannon, mabagal na lumingon ang lalaki at tiningnan siya.Natigil si Daisie sa pwesto niya at hindi makapaniwala sa nakita niya. “Ikaw…”May ngiti sa gilid ng labi niya at mukha itong malalim at elegante katulad noon. “Daisie, it's been a long time.”Tumawa si Daisie at tinapik ang braso niya. “Zephir, ikaw pala ‘yan! Kailan ka pa nakabalik sa Zlokova?”Nagulat ang lahat ng screenwriter at producer na nasa kwarto. Kahit si Shannon ay hindi mapigilan na matawa. “Magkakilala ba kayo?”Tiningnan ni Zephir si Shannon, ngumiti, at tumango. “Yeah, magkakilala kami.”Mukhang may naintindihan si
Read more
PREV
1
...
197198199200201
...
219
DMCA.com Protection Status