All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 2181 - Chapter 2190
2193 Chapters
Kabanata 2182
Sumigaw si Fabio. “F*ck!”Pinalibutan ng mga lalaking naka-itim ang kotse at may hawak na mga baril. “Fabio Puso, tapos na ang oras mo.”Nang mapansin na hindi sumagot si Fabio, isa sa kanila ang dahan-dahan na naglakad palapit sa kotse kung saan mabilis na tumakbo si Fabio paalis. Nagulat ang lalaki, mabilis siyang nag-react, isang malakas na baril ang narinig sa paligid pero hindi tumama ang bala.Nakuha ang baril ng lalaking naka-itim, nawalan siya ng balanse dahil malakas siyang sinipa ni Fabio at natumba siya sa sahig.Nang makita iyon ng ilang lalaki, agad nilang binaril si Fabio.Bumalik si Fabio sa tabi ng kotse para iwasan ang mga bala. Nasugat ang kamay niya dahil sa basag na salamin, lumabas ang dugo sa laman niyang nasugat. Doon bilang gumulong sa taas ng kotse ang lalaking naka-itim at pinadapa si Fabio.Nang babarilin na sana niya si Fabio, may biglang sumigaw, “Sh*t! May tao dito!”Biglang nawala sa focus ang lalaki at sinipa siya ni Fabio. Kinuha ni Fabio ang bar
Read more
Kabanata 2183
Nawala sa sarili si Fabio at hindi matagal siyang hindi nakapagsalita.…Nang 7:00 p.m. na, bumalik na si Cameron. Nakaupo si Sunny sa sala habang umiinom ng tsaa, at tingnan ang taong pumasok sa bahay. “Saan ka nagpunta buong umaga?” Huminto si Cameron sa harap ng hagdan at sumagot, “Pumunta ako sa The Commune.” Naningkit ang mata ni Sunny at tiningnan si Cameron. “Bakit ka pumunta kaninang umaga sa kwarto ni Willy?” “Paano mo nalaman?”‘Mukhang hindi naman madaldal na tao si Wayne. Baka may nakakita sa akin na isa sa mga katulong.’Tumawa si Sunny. “Ikaw na isang dalaga ay talagang pumunta sa kwarto ng isang lalaki. Sabihin mo sa akin ang totoo, may pinaplano ka ba sa kaniya?” “Huwag mo ako pagbintangan, hindi ko yun ginawa.” “Edi anong ginawa mo sa kwarto niya?” “Sinusukat ko lang ang size niya.” Biglang nawala ang mahigpit na kapit ni Sunny sa teacup, at nalaglag ang lid sa mesa. Matapos ang ilang sandali, gulat siyang nagtatanong. “Ano… ang eksaktong bagay na
Read more
Kabanata 2184
Kinuha ni Waylon ang bathrobe niya sa cabinet, dahan-dahan na sinuot iyon at ngumiti. “Mr. Southern, pangalawang beses mo na itong pagpasok sa kwarto ko.” Nagsinungaling si Cameron habang may seryosong ekspresyon, “Kumatok ako sa pinto pero hindi ka sumagot.” Sinuot ni Waylon ang belt niya. “Baka hindi nga ako nakasagot pero pumasok ka na lang agad?” May naisip si Cameron, tinaas niya ang ulo niya at tumingin kay Waylon. “Parang bahay ko ito. Kahit na pumasok ako sa kwarto mo, wala kang karapatan na magsabi ng kahit ano tungkol doon. At saka, kahit na makita kitang nakahubad, wala namang mawawala sayo.”Biglang napahinto si Waylon, tinaas niya ang tingin niya at agad na tumawa. “Gusto mo talaga akong makita na nakahubad?” “Hindi, ayoko ko.” “Kaninang umaga nga hinawakan mo ang buong katawan ko, at ngayon gusto mo naman akong makita na nakahubad. Kahit anong isipin ko, parang ang dami ng nawala sa akin.” “Tama na ang kalokohan—”“Willy.” Maririnig ang boses ni Sunny sa lab
Read more
Kabanata 2185
Matalino naman si Cameron pero minsan ay naguguluhan din siya. Pero, pag dating sa file-and-death situations, lagi siyang kalmado at seryosong tao pero parang mabilis siyang nawawala sa sarili niya pag nasa harap niya si Waylon. Inunat ni Waylon ang kamay niya, gamit ang daliri niya ay inipit sa tainga ang mga hibla ng buhok ni Cameron na nakatakip sa mukha niya, bahagyang naningkit ang mata niya. “Buti ka pa, ang himbing na ng tulog.”…May araw na suminag sa bintana, mula sa mga gap ng kurtina, at direktang tumapat a couch. Dahan-dahang binuksan ni Cameron ang mata niya, may naalala siya at mabilis na tumayo. Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa kaniya, tumingin siya sa paligid at biglang naalala ang dahilan ng pagbisita niya kay Waylon kagabi. Halata naman na hindi lang sa nakatulog siya sa kwarto ni Waylon kundi nakalimutan niya ri ang dapat niyang sabihin dito. Lumapit si Cameron sa pinto at binuksan iyon, at doon nakita niya ang dalawang katulong na dumaan at gulat na
Read more
Kabanata 2186
Nanatili silang dalawa sa private room hanggang tanghali bago sila umalis. Hinatid na ni Waylon si Quincy sa hotel. Sa hotel lobby, nang makasalubong nila si Saydie, nagliwanag ang mata ni Quincy, tumakbo siya palapit habang may malaking ngiti at balak na yakapin si Saydie. “Baby!” Inunat ni Saydie ang kamay niya at pipigilan si Quincy sa paglapit, “Sino nagsabi sayong tawagin mo ako sa pangalan ko dito?” Sobrang nalungkot ang ekspresyon ni Quincy. “Ang tagal na kitang hindi nakikita, bakit hindi mo ako payakapin kahit saglit lang?” Hinawakan ni Saydie ang kaniyang kwelyo. “Bakit hindi mo ako sinabihan bago ka pumunta sa East Islands?” ‘Wala ring nagsabi sa akin na kasama pala siya sa team na pinadala ng mga Goldmann dito.’Pinilit na ngumiti ni Quincy. “Nag-aalala ako sayo.” “Mag-alala ka muna sa sarili, bata. Wala akong oras dito para protektahan ka.”Masayang ngumiti si Quincy at hinawakan ang kamay ni Saydie. Huwag ka mag-alala. Baka hindi pa ako magaling pagdating sa
Read more
Kabanata 2187
Hinawakan ni Cameron ang kubyertos niya at nagsimulang kumain habang nilapag naman ni Sunny ang kaniyang kutsara. “Aalis na si Willy. Anong nararamdaman mo doon?” Napahinto ng ilang sandali si Cameron, yumuko siya at nagpatuloy sa pagkain. “Anong inaasahan mong iisipin ko? Mananatili ba siya dito dahil lang sa gusto kong mag-stay siya?” Nagliwanag ang mata ni Sunny. “Paano ka naman nakakasiguro na hindi niya yun gagawin? Baka mag-stay siya rito kung sasabihin mo lang ang hiling mo.” Biglang nagulat si Cameron. Tinaas niya ang ulo niya at tiningnan nang ilang sandali si Sunny. “Dad, hindi ko talaga maintindihan ang sinabi mo. Bakit hindi mo direktang sabihin sa akin? Gusto ko rin ito tanungin sayo. Gusto mo ba siya maging anak?” Hindi alam ni Sunny ano ang sasabihin niya. Sobrang kumuyom ang kaniyang kamao at malapit na niyang buksan ang ulo ni Cameron para tingnan ano ang problema sa utak niya. Pinakalma ni Sunny ang sarili niya at mahinahong sinabi, “Tama ka. Gusto ko nga
Read more
Kabanata 2188
Tumawa ang katulong habang sumasagot, “Bakit naman sobrang mali ang pagkakaintindi mo sa intensyon ni Mr. Southern Sr? Nag-iisa ka lang niyang anak kaya kahit ikasal ka na, anak ka pa rin niya. Bakit ka naman niya hahayaan na lang sa dahil lang nagpakasal ka na?” Sumagot din ang isang katulong, “Tama, kahit na sinasabi nila na daughters and dead fish are no keeping wares, nangyayari lang iyon sa ilang sitwasyon. Mahal na mahal ka ni Mr. Southern Sr. Hindi kailanman mangyayari na hindi ka na niya kikilalanin bilang anak pagtapos mo magpakasal. Laging nakaalalay sa isang babae ang pamilya niya.”Kumunot ang noo ni Cameron.‘Parang sobrang kakaiba talaga ang panaginip na iyon kumpara sa katotohanan. Bakit sobrang sama ni Dad sa panaginip ko? Siguro masyado ko lang ito iniisip at kinabahan ako at natakot.’Nagtinginan ang dalawang katulong at nagawanan. “Ms. Southern, sa tingin naming lahat si Mr. Goldmann ang karapat dapat.”Nagulat si Cameron. “Gusto mo ba yan ipaliwanag?” “Gwapo
Read more
Kabanata 2189
Hinaplos ni Cameron ang noo niya at hindi na siya tumingin ng diretso kay Waylon. “Okay, binabawi ko na ang sinabi ko, okay? Hihingi pa ako ng tawad sayo.”Tiningnan siya ni Waylon. “Hindi naman totoo yung sorry mo.”Tumingin si Cameron sa kaniya. “Ano bang gusto mo?”Walang ekspresyon sa ngiti ni Waylon. “Sinabi mo sa harap ng mga katulong na manloloko akong tao. Siguradong masisira ang reputasyon ko dahil doon kaya ‘di ba dapat ikaw ang dapat sisihin?”Sobrang nagulat si Cameron.Sobrang nagulat si Quincy na nakatago sa likod ng pader. Kinamot niya ang mata niya.‘Ayan ba ang kilala kong panganay na anak ng mga Goldmann? Pinaglalaruan niya yung babae.’Si Sunny naman ay hindi makapaniwala. Hindi niya inaasahan na mas maharot pa si Waylon kumpara noong binaba pa siya.May sasabihin sana si Cameron nang may bigla siyang narinig na gumalaw. Lumingon siya at agad napansin na nakikinig sila Quincy at Sunny sa usapan nila ni Waylon.Nagulat ang dalawang tao sa likod ng pader nang
Read more
Kabanata 2190
Ibig sabihin may specific template na ang shop na ginagamit nila para kay Waylon. Lahat ng measurements niya at sizes ay iisa lang kaya ang gagawin na lang ng mananahi ay mag gugupit ng tela at diretso na sa production.Binalik ni Cameron ang shirt sa gift box. “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Kinuha ko pa tuloy measurements niya para sa shirt na ito.”Pero lahat naman pala ng measurements niya ay nakarecord na sa system ng shop, hindi na niya kailangan na magbigay pa ng measurement ni Waylon.Tumawa si Daisie. “Hindi ko inaasahan na sobra kang mong pagtutuonan ng pansin ang isang shirt.”“Bayad ko lang naman ito sa kaniya.” Sinara niya ang takip ng gift box, pinasok niya iyon sa gift bag at tumayo siya. “Sige, uuwi na muna ako.”Hinatid ni Daisie si Cameron sa pinto at pinanood ang pag-alis niya. Isasara na sana niya ang pinto pero bigla niyang nakita ang dalawang kotse na nakaparada sa kabilang kalsada at sinundan ang direksyon na pinuntahan ni Cameron. Kumunot ang noo ni
Read more
Kabanata 2191
Hawak ni Cameron ang mata niya sa sakit at nag-igting ang panga niya. “Hindi ka sumusunod sa patakaran!”Hinawakan siya ng lalaki sa buhok at ngumisi. “Magaling ka talaga makipaglaban, kaya kailangan namin gumamit ng mga trick. Hindi nakakatuwa, hindi ba? Sarili mo lang ang masisisi mo dahil anak ni Mr. Southern Sr.!”Hindi madilat ni Cameron ang mata niya. Hindi siya naging maingay sa pagharap sa mga masasamang tao na ito.“Sige, Ms. Southern, sumama ka sa amin.” Hinampas siyang lalaki at nawalan siya ng malay. Isinakay niya si Cameron sa sasakyan at mabilis na nagmaneho palayo.Samantala, isang sasakyan ang sumunod habang si Waylon na nasa passenger seat ay sinusubukan na tawagan si Cameron pero walang sumasagot.Nagmaneho si Quincy. “Sa tingin mo ba may nangyari sa kaniya?”Nasabi ni Saydie na magaling si ‘Ms. Southern’ makipaglaban tulad niya. Imposible na may nangyari sa kaniya.Nakatingin si Waylon sa screen at kumunot. “Kahit ang pinakamagaling makipaglaban ay hindi lagin
Read more
DMCA.com Protection Status