All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 2071 - Chapter 2080
2148 Chapters
Kabanata 2072
‘Bahagyang malalim ang boses niya marahil ayun ay dahil sa maliit niyang katawan. Hindi masyadong nakikita ang hugis ng katawan niya sa kaniyang suot. Pero ang tunay na lalaki ay walang kasing liit ng bewang at balikat niya. Kahit ang kaniyang leeg ay maliit at ang kamay niya ay hindi kasing laki ng sa lalaki.’ Hindi nagsabi ng kahit ano si Waylon, at walang nakakaalam ng iniisip niya. Kinatok ni Daisie ang ulo niya na malayo pa rin ang iniisip. “Hayaan mo na. Baka masyado ko lang iniisip ang mga bagay-bagay.”Sa Parkin Chamber ng Commerce…Hinila ng mga naka-itim na bodyguards si Collin papuntang office. Walang ideya si Collin sa kung ano ang ginawa niya para magalit ang mga tao mula sa Parkin Chamber of Commerce. Tiningnan niya si Buchanon na nakaupo si Couch. “Mr. Gibson, para saan ang lahat ng ito?” “Para saan ang lahat ng ito?” Inisip ni Buchachon ang mga sinabi ni Fabio noong binalaan siya nito kaninang umaga. Kung hindi talaga siya nakahanap ng kahit anong clue, iyon n
Read more
Kabanata 2073
Hindi nagtagal matapos masabi ang mensahe, nakatanggap ng tawag si Buchachon mula kay Fabio.May sinabi sa kaniya si Fabio sa kanilang tawag, sumang-ayon si Buchachon sa sinabi niya at ngumiti. “Oo, naiintindihan ko. Huwag ka mag-alala, ako na ang bahala.”Pinatay na niya ang tawag, tumalikod at masamang tiningnan si Collin. “Nakakaawa ka naman Collin. Dahil lumabas na ang plano mo, Hindi ka na pwedeng manatili sa tabi ni Mr. Puzo.”Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ni Collin, humawak siya sa paa ni Buchachon. “Naloko talaga ako! Si Ms. Serrano ang nanloko sa akin! Please sabihin mo kay Mr. Puzo na bigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon!”Hindi pinansin ni Buchachon ang iyak ni Collin at kinaway ang kamay niya. Lumapit ang dalawang bodyguard sa likod ni Collin, tinakpan ang bibig nito, hinawakan ang ulo niya at hinawakan ang baba, malakas at madiin ang paghawak niya dito.Napatabingi ang ulo ni Collin, at hinila ng mga bodyguard ang katawan niya pababa sa hagdan. Sa kabila
Read more
Kabanata 2074
Tinaas ni Joaquin ang ulo niya, walang ekspresyon sa mukha niya. “Ikaw ba ang nag hire ng taong papatay kay Cameron sa teritoryo nila?” Hindi inaasahan ni Florence na tatanungin siya ng Dad niya tungkol doon, nagdilim ang mukha niya. “Ano naman kung ako iyon? Pag namatay si Cameron, pwede na nating—”“You f*cking piece of sh*t!” Sobrang galit si Joaquin na sinanggi niya ang teacup sa mesa papuntang sahig. Tumayo siya, lumapit siya kay Florence, tinaas ang kamay niya, at sinampal niya ito. Si Florence na nasampal ulit ay nag-igting ang ngipin, namumula ang mata niya habang tumatawa. “Lagi ka na lang takot sa mga Southerns. Hindi na nakakapagtaka bakit lagi ka na lang nilang minamaliit nitong mga nagdaang taon. Napakaduwag mo!” “Manahimik ka!” Umumbok ang asul na ugat sa noo ni Joaqin. “Ang lakas talaga ng loob mo na gumawa ng ganung bagay sa teritoryo ng Southern Clan? Sa tingin mo ba may kapasidad kang makipaglaban kay Cameron?” Masama ang tingin ni Florence kay Joaqin. “Bak
Read more
Kabanata 2075
Tinaas ni Cameron ang latigo sa kamay niya. “Gusto mo ba matuto?”Nagulat si Daisie at tinuro ang latigo. “Gusto mong matuto akong gumamit ng latigo mula sayo?”“Huwag mong maliitin ang kapangyarihan ng latigo. Ang latigo ay isang cold weapon na ginagamit noong ancient times pa. May labing isang paraan para manduhin ang latigo, may soft at hard na latigo rin. Pwede ka gumamit ng isang latigo o dalawa. Ang pinaka ginagamit lagi ay metal at leather, ito ay leather, ang pinaka common sa dalawa. Ito ang pinakamadaling imando para sa mga beginner.”Kinuha ni Daisie ang pulang maikling latigo kay Cameron. Gawa nga iyon sa leather, at malamig ito pag hinawakan. Ang key ay napaka portable nito, at sobrang ganda ng pagkakagawa.Ngumiti si Cameron. “Kung gusto mo niyan, ibibigay ko na lang sayo.”Nagulat si Daisie ng ilang sandali. “Hindi pwede yun…”Binigay ni Cameron ang latigo na nasa kamay niya. “Hindi mo kailangan maging sobrang galang sa akin. Sayo na yan. Tatawagin ko si Mahina para
Read more
Kabanata 2076
Ngumiti si Waylon. “Masyado mong binibigyan ng atensyon ang kapatid ko.”Tinaas ni Cameron ang kilay niya at ngumiti. “Kasi gusto ko siya.”Tiningnan niya si Daisie na sobrang energetic at pinatunog niya ang dila niya. “Sobrang ganda at inosenteng babae pero napaka determinado. Sana asawa ko na lang siya.”Tiningnan ni Waylon si Cameron at suminghal siya. “Nakalimutan mo na agad si Ms. Torres?”Suminghal si Cameron. “Iniisip mo pa rin siya?”Kaswal niyang sinabi, “Medyo.” Tinaas ni Waylon ang kilay niya at tiningnan si Cameron. “Madilim na gabi iyon pero pamilyar siya.”Humalukipkip si Cameron. “Sa tingin mo ba lahat ng babaeng kakakita mo lang ay magkamukha?”Hindi na sumagot si Waylon habang nakatingin sila ni Cameron sa isa't isa.Natumba si Daisie at nakuha niya ang atensyon ng dalawa, tumingin sila kay Daisie.Lumapit si Mahina at tinulungan siyang tumayo. “Ayos ka lang ba, Ms. Vanderbilt?”Umiling si Daisie dahil sumakit ang kamay niya at hindi niya magalaw.Lumapit si
Read more
Kabanata 2077
Nagulat sila Waylon at Cameron sa balita. Naglakad si Sunny sa likod ng mesa niya at umupo sa leather na upuan, miserable ang ekspresyon niya. “Sa tingin ko tama nga ang concern.”Nagsalita si Cameron. “Sa tingin mo si Florence iyon?”“Hindi ako sigurado,” sagot ni Sunny. “Kung sobrang dama niya para patayin ang sarili niyang tatay, siguro naman matagal na niya iyon ginawa. Sa tingin ko ibang tao na malapit sa kaniya.”Kung may isang taong malapit sa kaniya ang nagsabi ng ideya na kumuha ng killer mula sa Skull Club para patayin si Cameron sa teritoryo nila, siguro kaya rin nilang patayin si Joaqin.Si Joaqin ang leader ng The Serpents. Matapos niyang mamatay, ang The Serpents ay pamumunuan na ni Florence. Humiling siguro ang taong iyon na makuha ang trono ni Joaqin.Tinaas ni Waylon ang kilay niya. “Nagtataka ako kay Manual. Siguro kasabwat siya.”Tumango si Sunny. “Sa tingin ko rin siya ang gumawa.” Tumawa si Cameron. “Narinig ko ang usapan na loyal siya kay Florence dahil
Read more
Kabanata 2078
Nag-iba ang ekspresyon ni Manuel pero walang nakapansin.Galit ang ekspresyon ni Florence ng tinanong niya, “Hindi mo alam?”Ngumiti si Sunny. “Bakit naman namin malalaman?”Malamig ang ekspresyon niyang sinabi, “Kung hindi lang nagkaroon ng gulo ang Southern Clan sa East Gate at hinayaan na masisi ang Dad ko dahil doon, bakit naman mapapatay ang dad ko?”“Oh?” Tumango si Sunny. “Ibig sabihin may kinalaman ito sa East Gate. Nakakapagtaka naman. Bakit naman may kinalaman ang The Serpents sa nangyari sa East Gate?”Agad na sinabi ni Manuel, “Kung hindi lang dahil kinumpiska mo ang alak nila at nagpanggap na isang Serpent at nagnakaw ng alak mula sa Parkin, siguro buhay pa rin si Mr. Serrano!”Tumawa si Sunny. “Ibig sabihin, sinasabi mo na si Mr. Puzo ang dahilan ng pagkamatay niya?”Nag-iba ang ekspresyon ni Manuel. “Anong sinasabi mo?”“Mali ba ang pagkakaintindi ko?” Nagdilim nang sobra ang mata ni Sunny at hindi na nakatingin sa kaniya si Manuel. Nagpatuloy siya. “Nagbenta ng
Read more
Kabanata 2079
Naaliw si Waylon sa palabas. Nang paalis na sila, pinansin niya ang ekspresyon ni Manuel habang dahan-dahang na nakatingin sa pag alis ni Sunny. Sumunod na rin si Cameron.Pinanood ni Florence ang pag alis nila at kumulot ang kaniyang kamao at may lubhang galit sa kanyang mata.Hindi siguro malala ang pagkamatay ang Dad niya kung hindi dahil sa Southern Clan. Hindi nga nila mahanap ang katawan ni Joaqin!Nagsimula ng war ngayon ang Southern Clan kaya hindi nila masisisi si Florence kung gusto na niyang matapos iyon.Nang makapasok sila ng kotse, nakatingin si Cameron sa bintana. “Dad, posible bang buhay pa si Joaqin? May funeral sila pero walang katawan. Sa tingin mo ba hindi yun nakakapagtaka?”Tumingin si Waylon kay Cameron. “Sa ginawa nilang funeral na walang katawan parang napatunayan lang na tama si Mr. Southern Sr. May isang taong may gustong makuha na agad ni Florence ang posisyon.“Kung aalis na sila sa Southern Clan, pupunta sila kay Fabio. Imbes na maghintay tayong atak
Read more
Kabanata 2080
“Sa nakikita ko, may kakilala si Donald sa The Serpents. Alam ni Donald paano akitin ang tao at sobrang bait ng trato niya rito, kaya kung binigyan niya ito ng benepisyo, gagawin nila ang gusto niya.”Naisip ni Sunny na may punto ang sinabi ni Nollace.Tiningnan niya ang dagat. “Anong plano mong gawin sa ganitong klaseng impormasyon?”Mukhang kalmado si Nollace. “Ginagawa lang iyon ni Donald kasi may backup plan siya. Kung masasabi lang natin kay Fabio ngayon, baka bumalik sa atin. Kailangan nating maghintay hanggang sa may sapat na tayong impormasyon para sirain siya.”Ngumiti si Sunny. “Akala ko hindi ka na makapaghintay na durugin siya. Sa tingin ko maingat ka talagang lalaki.”Sumagot si Nollace. “Better safe than sorry.”“Kumusta si Joaqin?” Tanong ni Sunny.Tumawa si Nollace. “Maswerte siya at buhay pa siya. Kung hindi mo ako inutusan na bantayan si Manuel, sigurado akong patay na siya sa ilalim ng bangin ngayon.”“Ibig sabihin niligtas mo siya. Akala ko talaga namatay si
Read more
Kabanata 2081
Mabagsik at ambisyoso ang lalaking ito tulad niya.Nagsalita si Manuel. “Gagawin ko ang lahat para tulungan si Florence.”Mabagal na ininom ni Donald ang wine niya. “Gagawin mo ang lahat para tulungan siya. Ayaw mo ba ng kapangyarihan?”Natigil si Manuel.Binaba ni Donald ang baso niya at matalim ang mata niya na parang lawin, parang tumutusok sa kaniya. “Makukuha ng lalaki ang kahit sinong babae kapag may kapangyarihan sila, kasama ang mahal mo.”Bumaba ang tingin ni Manuel dahil nadala siya.Nagsalin pa ng wine si Donald para sa kaniya. “Alam mong nandito ako dahil sa tulong ng iba at ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko. Nakikita kita bilang kapatid ko ngayon, kaya kung gusto mo ng kapangyarihan, tutulungan kitang makuha yon.”Gumalaw ang daliri ni Manuel dahil napaisip siya.Mas nakakaakit ang kapangyarihan sa lalaki kaysa pera, lalo na kay Manuel, na miyembro lang ng The Serpent. Marami siyang limitasyon.Hindi niya mabigay ang gusto ni Florence o makuha ang puso niya.Hi
Read more
PREV
1
...
206207208209210
...
215
DMCA.com Protection Status