Lahat ng Kabanata ng Maid of my Heartless Ex-Husband: Kabanata 31 - Kabanata 40
47 Kabanata
Chapter 28
"MISS ME?" bungad ni Siren na may nakakalokong ngiti sa mga labi nito.Dire-diretsong humakbang ang dalaga papasok. Sa mga sandaling iyon, bumalot ang katahimikan. Walang gustong magsalita at ang maririnig lang ay ang takong ng suot na high-heeled shoes ni Siren.Huminto ito sa harap ng couch na kinauupuan ni Navi. Tumingala ang lalaki."Why are you here?" he asked Siren."Don't worry. Hindi ako nagpunta rito para manggulo. Dumaan lang ako para ipaalam sa 'yo ang good news na natanggap ko, and it's a good thing that your maid is still here to hear everything. I mean, what a timing."Gumawi ang tingin nito kay Mabelle na nanatiling nakatayo sa sulok. Malinaw pa sa sikat ng araw ang kakaibang kurbang nakaukit sa labi nito na tila inaasar siya ng dalaga, subalit hindi niya magawang patulan ito dahil wala siya sa mood makipaglokohan."What do you mean?" asked Navi.Sinenyasan ni Belle sina Earnest at Paris na mauna nang lumabas. Sumunod naman ang mag-ama at payapang nilisan ang bahay haba
Magbasa pa
Chapter 29
IT'S BEEN four months since the shocking truth came out. Apat na buwan na rin ang nakalipas simula noong magdesisyon ang mag-inang Mabelle at Paris na sumama kay Earnest at magsimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay.Ang plano sana ni Belle noong una ay babalik sila sa boarding house nila Jhazz pero sa kasamaang palad ay okupado na ang dati nilang kuwarto kaya napilitan si Mabelle na sumama kay Earnest at tumira sa bahay na pag-aari ng yumaong mga magulang nito. Two hundred square meters lamang ang laki niyon at may dalawang palapag pero para kay Belle ay masyado na iyong malaki para sa kanilang tatlo.Agad na nakahanap ng trabaho si Earnest at nakuha siya sa isang pagawaan ng candy sa kabilang bayan. Batid ni Mabelle na masyadong maliit ang sahod ni Earnest bilang factory worker, naisipan niyang pasukin ang mundo ng online selling para kahit papaano'y makatulong sa gastusin nila sa bahay at sa kanilang anak na ngayon ay kasalukuyang naka-enroll bilang grade 1 student sa isang pu
Magbasa pa
Chapter 30
"Everybody wants happiness, nobody wants pain, but you can't have a rainbow without a little rain." -Anonymous~.~CHOOSING HER wasn't an easy decision for Navi, pero alang-alang sa magiging anak nila ni Siren, binuksan niya ang pinto ng kanyang puso upang muling papasukin ang dalaga.Bukod sa kanyang music career na napaka-busy dahil sa dami ng guestings and live shows, itinuon din ni Navi ang atensyon niya kay Siren na maglilimang buwan nang buntis. Sinisiguro niyang regular ang check-up ni Siren sa doktor at lagi ring may nakabantay na bodyguards sa tuwing lalabas sila.So far, maayos naman ang naging pagsasama nila. Ramdam niyang mahal na mahal siya ni Siren at gayon din ito sa batang nasa sinapupunan nito. Ngayon pa lang ay nakikita niyang magiging mabuting ina ito sa kanilang anak.Subalit iba 'yon sa nararamdaman niya para sa dalaga."Oh my gosh! Babae ang magiging anak ko?""Yes, Miss Vergara," sagot ng ob-gyne."It's always been my dream to have my first baby girl. I'm so exc
Magbasa pa
Chapter 31
"KUMUSTA na kaya si Ate Mabelle do'n kay Kuya Earnest? Apat na buwan na mula noong umalis sila rito sa mansyon. Namimiss ko na sila ni Paris."Natigil sa paghuhugas ng pinggan si Jhazz dahil sa sinabing iyon ni Hyacinth. 'Di niya mapigilang malungkot nang marinig niya ang pangalan ng mag-ina.It's been four months but still, hindi pa rin sila maka-get-over sa paglisan ng kaibigan nilang si Belle. Kung noon ay walang araw na hindi sila nagkukuwentuhan, ngayon ay paminsan-minsan na lang dahil mismo 'tong si Navi ang pinagbawalan silang kausapin si Mabelle kaya kung magtawagan sila nito ay patago at kung minsan ay bago ang oras ng pagtulog."Kahit ako rin, miss na miss ko na ang pagiging bibo ng anak ni Mabelle. Sayang nga, e. Kung nagkataong may bakante pa sa boarding house ni Nanay, doon sana sila manunuluyan muna. Mas malapit kumpara sa bago nilang tirahan ngayon," ani Jhazz at ipinagpatuloy na ang paghuhugas ng mga plato, habang si Hyacinth naman ang taga-salansan ng mga kagamitan sa
Magbasa pa
Chapter 32
KULAY puting kisame na may malaking chandelier ang unang bumungad kay Navi pagmulat ng kanyang mga mata. Natagpuan niya ang sarili sa sofa ng living room kung siya nagpasyang magpalipas ng gabi.For the past four months, tiniis ni Navi ang mga gabing katabi niya si Siren but this time, he had enough. He couldn't get over what Hyacinth told him last night. Bagama't sabi lang iyon ng kasambahay at wala naman itong hawak na ebidensya ay tila nagsilbi iyong babala kay Navi upang huwag pagkatiwalaan si Siren.Kung totoo man iyon, tiyak na hinding-hindi niya ito mapapatawad!Dahil gawa sa salamin ang ilang parte ng bahay ay kita niya ang mataas na sikat ng araw mula sa labas. Tumingin siya sa orasan at 8:30 na ng umaga.He headed to the kitchen and have a cup of coffee. Kalahati pa lang ang naiinom niya ay nawalan na siya ng gana. Admittedly, iba pa rin magtimpla ng kape ang dating misis na si Mabelle at hanggang ngayon ay hinahanap-hanap niya ito.He truly misses her coffee, and her presenc
Magbasa pa
Chapter 33
ALAS-NUEBE ng umaga nang mailipat sa pediatric ward si Paris. Based on the tests conducted on the patient, she was diagnosed with dengue. Ayon sa pedia na sumuri sa bata, bumababa na ang platelet count nito kaya kailangan itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon.Ngunit sumalubong sa kanila ang malaking problema. Naubusan na ng type O ang ospital na siyang kailangan ng bata. Gustuhin man ni Mabelle na magdonate ay hindi siya pinayagan dahil ultimo siya ay masama rin ang pakiramdam.Sinubukan niyang kontakin si Jhazz at nangako itong bibisitahin si Paris. Batid ni Belle na willing mag-donate ang dalawa dahil sa pagmamahal nito sa kanyang anak, hindi siya sigurado sa blood type ng mga ito kaya wala rin iyong kasiguraduhan.Ang tanging natitirang pag-asa na lang ni Mabelle ay si Earnest. Hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ang lalaki dahil ito mismo ang kusang nag-volunteer na mag-donate ng dugo. Lumabas ito saglit upang kausapin ang nurse-in-charge para sa gagawing blood tr
Magbasa pa
Chapter 34
MATAGUMPAY na nasalinan ng dugo si Paris sa tulong ni Navi. Kasalukuyan na lang mino-monitor ang kondisyon ng bata upang masiguro hindi magkakaroon ng komplikasyon. Umuwi muna ang dalawang katulong matapos ang maikli nilang pag-uusap. Nagpasalamat si Mabelle sa pagdalaw ng mga ito sa kanyang anak. Malaking bagay na para sa kanya ang empathy na binigay nila upang mas lalong mapagaan ang kanyang pasanin. Habang si Earnest naman, well, bigla na lang itong nawala sa eksena. Hindi na niya ito hinanap pa gayong wala siya sa mood para kausapin ito. Papalubog na ang araw. Pabalik na sa ospital si Mabelle matapos niyang bumili ng kanilang makakain. Dala-dala niya ang dalawang supot na may lamang kanin at ulam. Binili niya ito para sa kanila ni Navi gayong kanina pa ito nandito at baka nagugutom na ito. Samantala, hindi niya problema si Paris dahil may pagkain namang binibigay ang ospital para sa pasyente. Hiling niya, maging maayos na ang kalagayan ng bata upang manumbalik na ang ngiti sa m
Magbasa pa
Chapter 35
MABILIS ang naging recovery ni Paris. Sa nakalipas na ilang araw, nagagawa na nitong ngumiti at makakain nang maayos. Nae-enjoy na rin nito ang mga laruang binili ni Navi para sa kanya. Heto nga't halos mapuno kama nito sa dami ng stuffed toys at dolls na nasa ibabaw niyon."Nagustuhan mo ba ang mga biniling toys ni Daddy sa 'yo?" tanong ni Mabelle na hindi mapugto ang ngiti sa labi dahil sa tuwa."Opo, mommy ko! Thank you po, Daddy! I love you!" Paris said joyfully as her eyes shifted to her father.Navi smiled tenderly as he touched her daughter's forehead. "Always for you, baby ko. I love you, too.""Pero Navi, 'di ba sobrang dami nitong mga laruan na binigay mo kay Paris? Iniisip ko tuloy kung paano namin maiuuwi ito," pagsingit na wika ni Mabelle."Bakit po hindi na lang natin i-share sa dalawang kasama ko sa room 'yong ibang toys ko? Para naman po maging happy sila at mabilis silang gumaling. 'Di ba po, Daddy?" suhesyon ni Paris na pinaboran naman ni Navi."I think that's a good
Magbasa pa
Chapter 36
Author's note: This chapter shows a flashback scene. Karugtong ito ng eksena matapos hiwalayan ni Navi si Mabelle pitong taon ang nakakaraan.~.~MORE THAN SEVEN YEARS AGO..."MA, I'M SORRY-" Natigilan si Mabelle nang bastang padampiin ni Belinda ang palad nito sa pisngi ng anak, at sa lakas niyon ay napasalampak ito sa sahig.Kumukulo ang dugo niya sa galit. She was peacefully enjoying her morning coffee when her daughter Mabelle came by, telling her that Navi wanted to end their marriage. Ipinagtapat din nito ang tungkol sa pakikipagsiping niya sa isang estranghero na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.Ngayon, daig pa ng ginang ang binuhusan ng mainit na kape. Wala sa kanyang plano ang maghiwalay ang dalawa!"Inggrata! Paano mo nagawang lapastanganin ang sarili mong ina, Mabelle Celestine? Binigay ko ang lahat sa 'yo simula noong isinilang kita hanggang sa mag-asawa ka pero anong ginawa mo? Nakipagtalik ka sa hindi mo asawa kung kaya't nasira ang tiwala ng anak ni Victoria sa
Magbasa pa
Chapter 37
PRESENT TIMEHINDI maalis ang tingin ni Mabelle sa pobreng ginang na muntik na nilang madigrasya. Makalipas ang higit sa pitong taon, muli silang nagkita ng kanyang inang si Belinda de Guzman.Sa katunayan ay muntik na niyang hindi makilala ito dahil sa laki ng pinagbago ng ginang. Ang noo'y mayaman at sopistikadang si Belinda ay mistula nang pulubi dahil sa marumi nitong kasuotan at magulong buhok. Madungis din ang kanyang mukha at medyo uminim din ito dahil na rin siguro sa matinding sikat ng araw.Halata rin sa mukha ng ginang ang matinding lungkot at stress. Belle had no idea what happened to her mother after seven years but one thing's for sure: she went through a lot as much as she did."Ilang taon kong tinis na wala ka sa tabi ko. Sa wakas, nagkita rin tayo, anak," naluluhang sambit ni Belinda sa kanya.Unti-unting nabura ang pagkagulat sa mukha ni Mabelle. Hindi siya kumibo sa mensahe ng ginang, bagkus, basta niya lang itong tinulungan na makatayo.Sakto namang napansin ni Bel
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status