All Chapters of Maid of my Heartless Ex-Husband: Chapter 21 - Chapter 30
47 Chapters
Chapter 19
ISANG mainit na hapon. Kaharap ang mesa na pinagpapatungan ng crayola at papel ay tahimik na nililibang ni Paris ang sarili sa pagguhit. Mag-isa lang sa salas ang bata nang mga oras na iyon.Kasalukuyang nagpapahinga sa kanya-kanyang mga silid sina Mabelle at Hyacinth. Nagpaalam naman si Jhazz na aalis dahil may kikitain daw ito sa labas ng airport ngunit hindi naman nito nabanggit kung sino.Si Jhazz ang madalas niyang katulong sa pagguhit kapag busy ang mommy niya sa pagtatrabaho kaya hindi niya maiwasang manibago at malungkot. Wala naman din siyang magagawa kaya minabuti na lang niya na damputin ang crayola at kulayan ang iginuhit niyang bahay sa malinis na bond paper.Mayamaya, nakarinig siya ng footsteps mula sa hadgan. Hinayaan niya lamang iyon at itinuloy ang pagd-drawing hanggang sa maramdaman niyang huminto ito sa kanyang harapan.Tumingala ang bata. Bumulaga sa kanya ang mukha ng babaeng ni minsan ay hindi siya nagawang kausapin sa loob ng isang buwan."Hello po," she said in
Read more
Chapter 20
THE WORLD appeared in slow motion around her as Mabelle watched these three people enter the house, approaching them with a serious look on their faces."NAVI..." pabulong na binigkas ni Mabelle ang pangalan ng lalaking nasa unahan nina Jhazz at Earnest.Huminto ang tatlo sa harap mismo ng mag-ina at ni Siren. Dito'y dahan-dahang ibinaba ni Siren ang kanyang kamay—ang parehong kamay na muntik nang sumampal sa mukha ni Mabelle ngayon lang."W-Wait. I don't understand. I thought you'd be gone for a couple of days. What brings you home so soon?" naguguluhang tanong ni Siren kay Navi.Walang mapaglagyan ang kaba ni Mabelle nang mga oras na kaharap nila ang lalaki. Tunay na kakila-kilabot ang pinapakita nitong expression na maihahalintulad sa isang leon. Nababasa ni Belle sa mata ni Navi ang pinaghalong galit at pagkadismaya, at mukhang alam niya na kung saan nagmumula ang negatibong enerhiya na dumadaloy sa dugo ng lalaki."Nakatanggap ako ng tawag kay Jhazz at ikinuwento niya ang kahayupa
Read more
Chapter 21
SA MALAPAD na mesa ng dining room, inimbita ni Mabelle ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na sina Jhazz, Earnest at si Hyacinth na katatapos lang magpahinga. Isa-isa niyang hinainan ng kape ang tatlo bago siya naupo sa bakanteng dining chair katabi si Earnest.Sa totoo lang ay kinakabahan si Mabelle. Hanggang ngayon kasi ay nananatiling nakaukit sa mukha nina Earnest at Jhazz ang pagkalito tungkol sa nasaksihan nilang eksena kanina. Si Hyacinth naman, tila walang kaalam-alam sa nangyayari.Nakatawag ng pansin ni Mabelle ang paghigop ni Jhazz sa iniinom nitong kape. Ibinaba ng kasambahay ang tasa saka siya tinawag nito."Mars, umamin ka nga sa 'min. Kailan pa naging kayo ni Sir? Kung 'di pa nagtatalak si Sir Navi kanina sa harap ni Siren, hindi pa namin malalamang may namamagitan na pala sa inyo," nagtatampong wika ni Jhazz kay Mabelle.Nagulat si Hyacinth sa narinig nito kay Jhazz. "Seryoso, 'te? May something special between them?" Tumango si Jhazz bilang pagtugon, habang si Mabelle
Read more
Chapter 22 (Part 1)
IT'S BEEN three days since Siren left the house. Tatlong araw na ring payapa ang loob ni Mabelle dahil wala na ang babaeng source ng negativity at stress sa bahay. For three days, nadama niya ang pag-aalaga sa kanya ni Navi, at hindi siya pinababayaan nito.Naipa-check up siya ni Navi sa doktor hinggil sa nalapnos niyang balat. Tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pagpapagaling ngunit hindi 'yon naging hadlang para tumulong sa mga responsibilidad niya sa bahay, lalo na kay Paris.Sa dining table naisipan ni Mabelle na turuan ng iba't ibang lessons ang anak, particular na sa subject na Math. Katulong niya si Earnest na kasalukuyang bakante noong mga oras na iyon para i-guide ang bata sa mga dapat nitong matutunan.Mahalaga ito kay Paris sapagkat ilang buwan na lang ay pasukan na. Hindi na niya problema ang pera gayong naniniwala siyang matutulungan siya ni Navi sa pagpapaaral sa bata. Ang concern niya ay ang kaalaman ni Paris. After all, kapakanan lang naman nito ang mahalaga sa kanya."5 + 2
Read more
Chapter 22 (Part 2)
TRENTA minutos nang tumatakbo ang kanilang service car papunta sa destinasyon na hanggang ngayon ay palaisipan kay Mabelle kung saan. Ibig man niyang kulitin si Navi subalit baka mainis lang sa kanya ang lalaki."Sana po maganda 'yong place na pupuntahan natin, Mommy," pabulong na sabi ni Paris sa ina."I'm sure it is. Magtiwala lang tayo kay Sir Navi, okay?" The girl replied with a nod. Idinikit naman ni Belle ang sarili sa anak at hinayaang yakapin siya nito. After minutes of silence, biglang nagsalita si Navi. "We're here."Huminto ang kotse sa entrance ng Cassiopeia Campgrounds, isa sa mga dinarayong campsite sa lungsod at kilala bilang perfect spot for stargazing. Naunang lumabas ng kotse si Navi at sinundan naman 'yon ni Earnest na siyang nagbukas ng pinto sa mag-ina.At pagbaba ni Mabelle, kumunot ang kanyang noo at nagtaka. Bakit sila lang ang naroon? Well, baka may kinalaman si Navi rito. Marahil kinausap ni Navi ang may-ari ng lugar upang ipa-reserve ang campsite nang sa gay
Read more
Chapter 23
LUMALALIM na ang gabi at kumakapal na ang hamog kaya nagdesisyon na silang mag-pack-up ng mga gamit at umuwi na. Maingat nilang isinakay si Paris sa loob ng sasakyan at hinayaan na matulog sa backseat katabi ang dalawa.Tahimik na umandar ang sasakyan. Pagod na sumandal si Mabelle sa upuan habang nakatingin sa bintana. Mula sa loob ay kita niya ang mga saradong establisyementong nadaraanan nila. Kaunti na lang din ang mga sasakyan sa kalsada, 'di gaya kanina na mistulang sardinas at halos dikit-dikit sa dami ng mga ito.Mayamaya, naramdaman niya ang ginawang pagkalabit sa kanya ni Navi kaya binalingan niya ito. Bumaba ang tingin niya sa sobre na hawak nito."Ano 'yan?" tanong niya."Your paycheck. I'm giving it to you."Confusion flooded her mind. Even so, she took the envelope from his hand."Huh? I don't get it. I thought I wouldn't be able to get my salary because I broke your mother's vase.""Don't sweat it. I'm sure my mom will understand. I know you didn't mean to break it. Masya
Read more
Chapter 24
MORE THAN SEVEN YEARS AGO...DAIG pa ni Earnest ang binuhusan ng malamig na tubig nang mag-sink-in sa utak niya ang mga nangyari ngayong araw. His final grade came out today, and he couldn't believe that he failed most of his subjects.Kung kailan nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo ay saka pa siya bumagsak. Tiyak na madi-disappoint ang kuya niya gayong ito mismo ang gumagastos sa pag-aaral niya. Given that their situation is difficult when it comes to finances, he doesn't think that his brother would spend more money on his studies.Napasabunot siya sa inis. Bakit sa kanya pa nangyari ito? Gusto niyang sisihin ang sarili dahil kung hindi siya nalulong sa alak, babae at online games ay mas natutukan niya sana ang kanyang pag-aaral. Hay. Ano pa nga ba ang magagawa niya kundi tanggapin ang consequence ng kanyang nagawa.Matapos ang mga nangyari, nagpasya si Earnest na umuwi sa tinutuluyang boarding house. Maghapon siyang nagmukmok doon at nilibang ang sarili sa pagse-cellphone. 'Di n
Read more
Chapter 25
NAPALINGON sila sa direksyon na pinanggalingan ng sigaw. It was Mabelle's voice. She was heading towards them and tried to stop the two from fighting. Inalalayan ni Mabelle ang bugbog-saradong si Earnest na makatayo."Are you okay, Earnest?" she asked, but before he could respond, Navi just interrupted."Really, Mabelle? Uunahin mo pa bang kumustahin ang tarantadong 'yan kaysa ipaliwanag kung paano mo nagawa sa 'kin 'to?"Mabelle leaned in with a furrowed brow. "What are you talking about?"Navi gave her a vicious look. "Don't pretend like you don't know! You are fully aware that this asshole is the same guy you slept with seven years ago! Kaya pala nakikipag-mabutihan ka rito kay Earnest dahil inangkin ng hayup na 'to ang katawan mo noong gabing pinagtaksilan mo ako!"Halos mapunit ang lalamunan ni Navi sa sigaw nito. Nagmistula namang matigas na yelo si Mabelle sa tabi ni Earnest at nahihirapang magsalita."N-Navi, h-hindi ko alam na—""Puro ka hindi mo alam! Huwag mo akong ginagago,
Read more
Chapter 26
NANG sumunod na araw din ay maagang nag-book ng appointment si Navi sa isang trusted DNA testing center na malapit sa lugar. Agad silang inasikaso at ini-schedule para sa naturang pagsusuri.Sama-samang bumalik ang grupo ni Navi kasama si Earnest at ang mag-ina sa tinakdang oras ng kanilang appointment. Nasa sasakyan pa lang si Mabelle ay 'di na mawala ang kaba sa dibdib niya. Nakasalalay sa magiging resulta ng test ang kapalaran nila ng bata. Whether it will be favorable to Navi or the other way around.Tahimik na nakaupo sa backseat sina Mabelle at Paris noong mga sandaling iyon, habang si Navi naman ay nakapwesto sa harap katabi si Mang Jun na nagsisilbing personal driver nito.Dahil sa mga nangyari ay hindi pinayagan ni Navi na sumabay sa kanila si Earnest kaya nag-taxi na lang ito para makasunod."Mommy, sandali lang po ba tayo sa clinic?" tanong ng bata sa tabi niya."Oo, baby. They will get a spit sample from you and you're good to go," Mabelle replied with a smile on her face.
Read more
Chapter 27
SA SALAS nagpasyang maghintay ni Navi habang si Mabelle ay matiyagang nakatayo sa gilid. Kapansin-pansin ang panaka-nakang pagtingin ni Navi sa suot na wristwatch, halatang naiinip na sa pagdating ng kanilang bisita.Makaraan ang halos bente minutos ay muling pumasok sa loob ng mansyon ang isa sa mga gwardiyang nakatoka sa guardhouse."Sir, andito na ho si Earnest. Papasukin ko na ba?" the guard asked."Yes, please. Let him in."Inayos ni Navi ang pagkakaupo sa couch kasabay ng pagbukas ng kalahati ng arkong pintuan. Iniluwa niyon ang lalaki na dalawang linggo rin nilang hindi nakita.Hindi magawang tumingin ni Mabelle kay Earnest noong mga sandaling iyon. Pinakiramdaman lang niya ang paglapit ng lalaki sa couch na katapat ng kinauupuan ni Navi."I must say, I miss this place. Sinong mag-aakala na makakabalik pa ako rito? Right, Boss?" may pagka-sarkastikong wika ni Earnest kasabay ng pag-upo niya sa sofa.Natatawang sumagot si Navi. "Oh yeah? You're not gonna be here for very long. W
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status