Lahat ng Kabanata ng Maid of my Heartless Ex-Husband: Kabanata 11 - Kabanata 20
47 Kabanata
Chapter 9
THE NEXT DAY, Mabelle woke up early as usual. Nang makapag-inat-inat ay bumangon siya sa higaan at nagtimpla ng kape. Kapares ang isang piraso ng tinapay ay tahimik siyang nag-almusal sa magarbong mesa ng kanilang kwarto.Mayamaya, nasagap ng kanyang pandinig ang pag-angil ng cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Upang hindi magising ang natutulog na si Paris ay agad niyang kinuha 'yon.Bumungad sa screen ang malaking pangalan ni Jhazz. Tumatawag ito through Messenger at nais nitong makipag-videocall sa kanya. Nalaman 'ata nitong online siya dahil nakaligtaan niyang i-disconnect ang cellphone niya sa wifi mula kagabi.Naglalakad siya pabalik sa dining table. Awtomatikong lumitaw sa screen ang mukha ng kaibigan nang i-tap niya ang answer button. Base sa background na nakikita niya ay mukhang nasa loob si Jhazz ng maid's quarters. Kumaway siya sa camera. "Good morning, Mars. Ang aga mong napatawag. Kumusta kayo diyan? Okay lang ba ang mansyon?""Hi, Mabelle. Naku, okay na okay
Magbasa pa
Chapter 10
ABALA ang grupo ni Navi para sa unang gabi ng kanyang concert tour sa Victory Arena na magsisimula ng alas-otso. Maaga pa lang ay nasa venue na si Mabelle para asiksuhin ang dating asawa. Kahit aligaga sa dami ng trabaho ay isinama pa rin niya si Paris upang masaksihan ang once-in-a lifetime experience na ito.Nasa dressing room na sila noong mga oras na iyon. Tahimik na nakaupo si Navi sa harap ng dressing table habang busy sa pagtitipa ng mensahe sa cellphone. Si Mabelle nama'y tumutulong sa pag-aayos ng mga gamit at kasuotan ni Navi, habang si Paris ay nasa gilid kasama ang bodyguard na si Earnest.Nang matapos ayusan ng professional stylist ay tinawag ni Navi ang kanyang atensyon upang ipakuha ang gold sequin blazer na isusuot nito para sa opening performance. Agad na tumalima si Mabelle at hinanap mula sa garmet rack ang nasabing kasuotan.Inalis niya ang plastic na nakabalot sa damit at pinakita 'yon sa lalaki. Mabilis na kumunot ang noo ni Navi at tila hindi nasisiyahan sa kanya
Magbasa pa
Chapter 11
"WHAT HAPPENED TO YOU?" gulat na tanong ni Navi nang maabutan siya nito sa nakakahiyang sitwasyon kung saan nakaladlad sa sahig ang pinaghubarang damit katabi ang blazer na pinakuha ni Navi sa staff.Bigong makapagsalita si Mabelle. Unti-unti na namang nanlalabo ang mga mata niya hanggang sa tuluyang rumagasa ang kanyang mga luha. Bago pa may makakitang iba ay pumasok sa loob ng elevator ang lalaki upang pulutin ang blazer at isinuot sa kanyang kahubaran.Yakap-yakap siya ni Navi nang lumabas sila roon dala ang dress na kanina'y suot-suot niya. "Earnest, mauna na kami sa taas. Ako nang bahala kay Mabelle," anunsyo nito sa lalaking nakatayo sa harap ng elevator."Are you sure you can handle this?" asked Earnest."Of course. Andiyan naman 'yong mga security para samahan kami. Balikan mo na lang 'yong bata sa sasakyan at dalhin mo sa kuwarto ni Mabelle," karagdagang utos ni Navi.Hindi na nito hinintay pang sumagot si Earnest. Kasama ang isang security personnel ay umakyat na sina Navi at
Magbasa pa
Chapter 12
KINABUKASAN, maghapong nanatil sina Mabelle at Paris sa loob ng kanilang kuwarto. Hindi siya hinayaan ni Navi na lumabas ngunit ibinigay naman nito ang kanilang mga pangangailangan.Pagsapit ng gabi ay sinundo sila ni Earnest gamit ang service car papunta sa venue. Noong una'y tumanggi pa siya dahil malapit lang naman ang distansya ng hotel at arena pero sadyang mapilit si Earnest kaya wala na siyang nagawa kundi magpahatid.For the first time in her life, Mabelle and her daughter were given the opportunity to be VIPs. She could clearly see Navi on stage, performing in front of thousands of people. Daig niya pa ang nasa langit. Hindi batid ang malakas na sound system na humahalo sa sigawan ng mga tao dahil naka-focus lamang siya sa pakikinig kay Navi."Ang ganda po ng boses ni Mister Navi!" masayang papuri ni Paris na nasa tabi niya.Mabelle hugged her daughter tightly. "Yes, indeed. He has the most powerful voice that no once could have... Having him in my life is such a blessing. Lik
Magbasa pa
Chapter 13
DUMAAN muli ang panibagong araw. Naging matagumpay man ang two-day concert ni Navi sa Palawan, may natitira pang ilang araw bago sila tuluyang bumalik ng Maynila. Kaysa magmukmok sa hotel o kaya mamasyal sa malapit, minabuti ng grupo ni Navi na magbakasyon sa lugar na malayo sa siyudad.They booked a flight to El Nido, Palawan on the same day. Hapon na sila dumating sa paliparan at agad na dumiretso sa private resort na pag-aari ng ka-batch ni Navi na isang social media influencer.Pagbaba ng mag-inang Mabelle at Paris sa sasakyan ay puting buhangin ang kanilang naapakan. Langhap nila ang sariwang hangin ng karagatan na kahit papaano'y nakatulong para ibsan ang kanilang pagod sa biyahe."Ang ganda po dito, Mommy!" natutuwang wika ni Paris kahit halata sa mukha nito ang magkahalong antok at pagod."Oo nga. Ang tagal din nating hindi nakapunta sa beach, 'no?" ani Mabelle."Opo," sangayon ng bata. Palinga-linga ito sa paligid. "Pero bakit halos wala na pong tao, Mommy ko?"Sinundan ng tin
Magbasa pa
Chapter 14
"MABELLE!" sigaw ni Navi na tumawag sa atensyon ng lahat. Buong lakas itong sumuong sa tubig kasabay ni Earnest, sa pag-asang maililigtas niya ang dating misis na ngayon ay nasa bingit ng kamatayan.Ngunit sadya bang mapaglaro ang tadhana at hinayaan nitong maunahan siya ni Earnest. Gayunpaman, hindi siya umasa rito. Ginamit pa rin niya ang buong lakas at sumisid sa abot ng kanyang makakaya.Nang masulyapan ni Navi ang matagumpay na pagsaklolo ni Earnest kay Mabelle ay saka lang siya nagdesisyong umahon at hinintay na makabalik ang dalawa. Sumalubong sa kanya ang iilang katao at empleyado ng resort na nakasaksi sa pangyayari, kabilang na sina Paris, Hyacinth at Jhazz."Anong nangyari, Sir?" nag-aalalang tanong ni Jhazz kay Navi."Naabutan namin na nalulunod si Mabelle kaya agad kaming sumaklolo. Earnest was able to make it," paliwanag ni Navi.Nakahinga ng maluwang si Jhazz. "Naku, mabuti naman kung gano'n," anito ngunit nailing lang siya sa sinabi ng kasambahay.Navi disagreed to the
Magbasa pa
Chapter 15
DUMATING ang ikatlong araw nina Mabelle at Navi sa El Nido, Palawan. Maaga silang umalis ng resort para sa nakatakda nilang island-hopping. Hinati ang kanilang grupo sa dalawa. Sakay ang magkahiwalay na bangka, nilibot nila ang ilang magagandang isla ng El Nido.Malamig at sariwang hangin ng tuloy-tuloy na humahampas sa mukha ni Mabelle sa kabila ng mainit na panahon. 'Di gaya kahapon ay mas payapa ng daloy ng mga alon kung kaya't ligtas nang maglayag sa mala-asul na karagatan. Busog na busog ang kanyang mga mata sa naglalakihang mga bato at kweba na matatagpuan malapit sa kanilang nadaraanan."Wow!" natutuwang reaksyon ni Paris habang nakaupo sa tabi ni Mabelle. "Ang ganda-ganda po talaga dito, Mommy! Para pong kagaya ito ng mga napapanood ko sa TV!"Sumang-ayon si Belle. "Kaya nga, e.""Ang sarap po siguro tumira dito, Mommy, 'no?"Hinapit niya ng yakap ang anak sa likod. "Hayaan mo. Balang araw, ibibili kita ng isla at payapa tayong maninirahan sa lugar na tulad nito.""Yey!" ani Pa
Magbasa pa
Chapter 16
GABI na nakarating ng Maynila ang grupo ni Navi mula Palawan. Sinundo sila ng driver sakay ang service car mula sa runway ng paliparan papunta sa kanilang huling destinasyon. Hindi naging hadlang ang mabigat na trapiko para makauwi sa lalong madaling panahon.Pagpasok pa lang ng sasakyan sa subdivision ay dama na agad ni Mabelle ang mabigat na pakiramdam na tila nagpapahiwatig na may naghihintay sa kanila sa mansyon. Ano man o sino 'yon ay hindi niya alam.Bumusina si Earnest sa gate. Mayamaya'y bumukas din ito. Dire-diretso ang kotse papasok sa loob. Mula sa bintana, namataan nila ang isang BMW na nakaparada sa garahe."Shit." Napamura si Navi. "S-Stop the car."Sumunod naman si Earnest at inihinto ang sasakyan malapit sa harap ng mansyon. Naunang bumaba sina Navi at Earnest at sinalubong sila ng caretaker na si Mang Jun na halatang balisang-balisa.Dala ng kuryosidad ay nagdesisyon na ring bumaba ang iba pang mga nasa loob ng sasakyan. Sinundan nina Mabelle ang kanilang amo na papaso
Magbasa pa
Chapter 17
MATULIN na dumaan ang isang buwan. Hindi naging biro ang pagtatrabaho ni Mabelle sa mansyon gayong kasama niya sa iisang bubong ang babae ni Navi. Araw-araw, gigising siya para lang masaksihan kung paano akitin ni Siren ang kanyang amo. Kung iisipin ay napakasakit n'on dahil kay Navi umiikot ang mundo niya ngunit pilit itong hinihila palayo sa kanya.Mahirap man ang sitwasyon, sinisikap na lang ni Mabelle na mag-focus sa kanyang trabaho, alang-alang sa kanyang unica hija na mag-isa niyang tinataguyod sa kabila ng maraming pagsubok na kinakaharap.Tanghaling tapat at katatapos lang patulugin ni Mabelle si Paris nang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid. Tahimik siyang umalis sa higaan upang pagbuksan ng pinto ang taong nasa labas.Pagbukas niya ay bumungad sa harap niya ang dalawang kasambahay na sina Jhazz at Hyacinth. Bihis na bihis ang mga ito at halatang may pupuntahan."O, mga sis. Saan ang punta niyo?" pabulong na sabi ni Mabelle sa dalawang kasambahay."Sa Health Office, Ate M
Magbasa pa
Chapter 18
KAPWA napapitlag sina Navi at Mabelle sa tunog na nasagap ng kanilang mga tainga. Kalabog iyon ng pinto mula sa isa sa mga kwarto rito sa ibaba. Isa lang ang natitiyak ni Belle. They are not the only people awake at this moment."Sino 'yon?" pabulong na tanong ni Mabelle."I don't know," naiiling na sagot ni Navi.Mayamaya, bukod sa kalabog ng pinto ay nakarinig din sila ng pag-iyak. Napakunot-noo si Belle. Kilala niya ang iyak na iyon. Nakapagtataka lang kung bakit gising pa ito hanggang ngayon?"Paris?" tawag ni Mabelle sa batang papalapit sa kanila."M-Mommy ko..." usal ng bata habang kusot-kusot ang mga mata.Basta itong yumakap sa ina at humagulhol na tila takot na takot. Gumuhit ang awa sa puso ni Mabelle dahil bihira niya makitang umiyak nang ganito ang kanyang anak, at kapag gano'n ay siguradong may nangyaring hindi maganda."Ba't ka umiiyak, anak? Anong problema?" alalang wika ni Mabelle habang hinahagod ang likod ng bata."K-Kasi po Mommy, nakita ko po kayo ni Mister Navi sa
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status