All Chapters of Lie For The Memories : Chapter 11 - Chapter 20
28 Chapters
Chapter 10
Matapos ang ilang minuto na pag-aya at pagpakalma sa'kin, umalis na din si tita sa labas ng kwarto ko. Nanatili akong nakaupo at nakahawak sa dalawang tenga ko. Ayoko nito. Ayoko siyang makita. Ayoko. Kinuha ko ang cellphone sa bag na dala ko at hinanap ang number ni daddy. I was about to press the call button when a thought suddenly came to mind. I can't worry them. If they found out that I freak out after seeing her, they'll definitely ask questions. And I don't want that. I don't think I will ever be ready to answer any questions they have. Itinabi ko na ang cellphone ko at napagdesisyunan ko na na hindi ko tatawagan ang daddy o mommy ko. Ako na lang ang bahala. Kakayanin ko 'to.Istayed at my room until the next day, pinipilit nila akong lumabas dahil party ng school pero ayoko. Hindi ako pupunta, wala akong gana pumunta. Sunday came at hindi pa rin ako lumalabas. Nag-iiwan lang sila ng pagkain sa labas ng pinto para sa'kin. Lunes, isang malakas at pagalit na boses agad ni Kir
Read more
Chapter 11
Mas maaga ako nagising kinabukasan, para makatakas sa pag-aaya nila tita na kumain ng sama sama. Ayoko pa rin talaga makasama sila sa iisang hapag. Pero mukhang pareho kami ng iniisip ng mama ni Kiro dahil nasa labas na siya ng kwarto ko pagkalabas ko. "Fhey," Hindi ko siya pinansin at naglakad na pababa ng hagdan. "Fhey, please, kahit hindi ka na kumain dito dalhin mo na lang itong ginawa ko." Sumusunod siya sa'kin kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko. "Fhey, please."Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya, hinawakan niya ako sa braso para patigilin sa paglalakad. Agad ko naman inalis ang pagkakahawak niya sa'kin at hinarap siya. "Kung gusto ko 'yan, kusa kong kukunin. Pero hindi ko kinukuha, so obvious naman siguro na ayoko diba?" Iniwan ko na siya do'n at dali dali akong umalis. Mabuti na lang talaga at mukhang hindi morning people ang mga laging humahabol sa'kin kasi hindi sila lu
Read more
Chapter 12
"Fhey?" Napatingin ako kay Leon na kakarating lang sa school. Mas maaga ako ngayon dahil madaling araw pa lang andito na ako."Bakit ang aga mo? Anong meron?"Tanong niya habang umuupo. "Wala. Ayoko lang sa bahay kaya umalis na ako." I don't feel comfortable in that house anymore. Pakiramdam ko bawat galaw ko pupunahin na nila. Bawat galaw ko masisigawan na naman ako ni Kiro. Hindi na bago sa'kin na masigawan niya, simula noong dumating ako rito wala siyang ibang ginawa kung hindi sigawan ako. Pero iba 'yung mga sinabi niya sa'kin kagabi. Iba 'yung impact sa'kin ng sinabi niya kagabi. "May problema ba kayo? Ikaw okay ka lang ba?" "Okay lang. Kaunting problema lang din ang meron kami sa bahay, huwag ka mag-alala." Inaya niya ako mag-aral habang wala pang tao. Hindi din naman kami tumigil dumadami na ang tao sa loob ng room. Tinapos lang namin ang pagre-review noong pumasok na ang teacher namin.
Read more
Chapter 13
Mabilis kumalat ang balita, at kinausap ko si Sir dahil do'n. It should be a private matter bakit kailangan nila ipagkalat? Pero hindi daw sila ang nagsabi sa ibang estudyante. They're suspecting the kid who turned me in. But I'm suspecting someone else, the person who asked the kid to turn me in. When I asked my teacher what the studnt name is, He refused to say anything. Hindi niya daw kasi pwede sabihin hanggang hindi nakakapag-usap ang lahat. Ibig sabihin kailangan ko pa talaga papuntahin sila Daddy bago nila ako asikasuhin.At dahil halos lahat sa seniors alam na ang nangyare, samut-sari ang mga reaksyon na nataggap ko. Hindi din ako nakawala sa walang kasawaan nilang pang-aasar at mga tingin nilang nangja-judge. Hindi naman problema sa'kin 'yun dahil lahat sila nanonood lang at mga walang alam.I know I'm innocent, but all these judgemental looks and just the thought that Kiro's family will be very mad at me, is already draining me. Malapit na yata ako maubos. "Are you going t
Read more
Chapter 14
I was walking back to my building and room, when a group of students suddenly showed up. Nagkekwentuhan lang naman sila kaya hindi ko pinansin, pero napapansin ko na sumusunod sila sa'kin. Hindi sila seniors, iba ang uniform naming mga seniors sa juniors kaya alam ko na hindi sila dapat pupunta sa building ko. Hinayaan ko na lang dahil hindi naman big deal sa'kin at mukha naman silang walang masamang intensyon, pero mali ako. Bago ka makapunta sa building namin, may isang building ka pa na dadaanan at may hagdan do'n. Hindi naman siya kataasan pero ilang steps din. Bigla na lang ako inunahan ng mga estudyante na nasa likod ko kanina at nagtulakan sila ng pabiro. Hindi ko alam kung sinasadya nilang gawin o hindi, pero nadamay ako sa pagtulak ng isa sa kanila kaya na out of balance ako. I fell on the ground, at kahit mababa lang ang binagsakan ko masakit pa rin sa likod ko dahil hindi ko na manage ang tamang pagbagsak ko. Noong humarap lang sila
Read more
Chapter 15
Kiro and his friends took care of me all night. That was also the time that I found out that all of them can cook. They took turns cooking dishes that they were masters of. I ate until I couldn't anymore. I was so hungry that I almost ate all of the dishes they cook and left nothing to them. "Pa'no, mauna na kami Fhey." Bandang alas-diyes nagpaalam sila K.O., Jed at Archie. Dito na matutulog si Kiro para daw may kasama ako. "Okay. Salamat ulit."Kumaway lang sila bago tuluyang lumabas sa condo ko. Nagkatinginan kami ni Kiro. This is going to be awkward."Ihahanda ko na 'yung kwarto na gagamitin mo." Tumango lang siya sa'kin kaya umalis na ako. Matapos kong ihanda ang tutulugan niya, tinawag ko na siya na nasa living room."Kiro, salamat." Sabi ko sa kaniya bago ako lumabas. Kahit masama ang loob ko sa kaniya, hindi pa rin ako dapat magmataas dahil siya ang nagligtas sa'kin."Paano mo pala nalaman na ando'n ako?" "I was with Winter. She made sure na hindi ako makakapunta sa'yo. B
Read more
Chapter 16
"Uuwi na lang ako sa condo, balik na lang ako mamayang hapon."Tumayo na ako at ready na umuwi. "Hatid na kita sa may gate." Kinuha ni K.O. ang bag ko at siya na ang nagdala, kahit puro slime na rin dahil suot ko 'yung nung binuhusan nila ako. Pinagtitingnan kami ng mga estudyante. Ang iba nagtataka kung bakit ganito ang itsura ko. Habang ang iba naman ay tumatawa na para naman akong clown. Nakakainis pero hindi ko na pinapansin. Dagdag isipin na naman sa'kin ang paghampas ko sa lalaki kanina. Sigurado ipapatawag na naman ako sa dean's office. Papapuntahin ko pa ba si Dad? O si Kuya Cal na lang. "Hindi na po pwede lumabas, sarado na ang gate." Pigil sa'min ng guard. "Kuya, sa tingin mo talaga makakapag-aral pa ako sa ganitong itsura ko?" Tiningnan ako ng guard at bumuntong hininga. "O sige, isulat mo na lang pangalan mo at kung anong section ka para mainform namin ang teacher mo.""Ako na gagawa, may slime nga e pagsusulatin pa."Pagpaparinig ni K.O. sa guard bago kunin ang ba
Read more
Chapter 17
"Pamilya ko pala may utang sa'yo, e bakit ako sinisingil mo!?" Pasigaw na sagot ko sa kaniya. May bigla naman may tumapak sa likod ko kaya mas lalo akong napayuko. Hindi talaga nagbibiro ang mga ito, wala talaga silang pakialam kung masaktan ako o hindi. "You don't have to worry, hindi ka naman tatagal dito..." Yumuko siya para magkapantay ang mukha naming dalawa. "... once they arrived, you'll leave with them." Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, pero natatakot na ako. Iyong ngiti na pinakita niya sa'kin, iyong tawa niya, nakakatakot.Sino ang hinihintay nila? Bakit ako sasama sa mga 'yon? Ibebenta ba nila ako?Lalong lumakas ang kaba ko, nasa punto na ako na gusto ko na magdasal para mabuhay, kahit hindi ako maka-Diyos. Gusto ko na rin makita at makausap sa huling pagkakataon ang pamilya ko. Pero hindi pwede, hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa mga taong 'to, dahil mas lalo nila akong mamaliitin. Kaya inipon ko ang lakas ng loog ko at tinitigan siya sa mata. "
Read more
Chapter 18
"What th fuck happened to you?" "Ouch!" Reklamo ko nang tinangka niya ako alalayan tumayo pero sa braso ko siya humawak. "Anong nangyare sa'yo!? Fhey!?" Binuhat niya na lang ako ng parang bride at inupo ako sa may upuan. Agad na lumapit sa'kin sila Jed at Archie. "I'll prepare my car." "No, Jed. Not yet." Hinawakan ko siya sa braso bago siya makaalism"Anong not yet? Nakikita mo ba itsura mo!?"Galit na sigaw niya sa'kin, pero alam ko naman na nag-aalala lang siya. "Hindi pa pwede," Hindi ko na kaya magpaliwanag pa dahil sa pagod. Gusto ko na magpahinga. Ayaw ko lang naman sila palabasin, at ayoko din lumabas dahil baka nanghihintay ang mga lalaking kumidnap sa'kin. Baka alam na nila na andito ako kaya binabantayan na nila ako sa labas. "Lend me your phone." Usap ko sa tatlo, kung sino na lang magbigay okay na. Hindi ko alam kung kaninong phone ang nasa kamay ko. Agad kong dinial ang number ni kuya Cal. I need them now or we won't be able to leave the school campus.[Who is
Read more
Chapter 19
Ilang minuto bago tuluyan matahimik sa labas, mukhang pinaalis silang lahat ng mga nurse at doctor. Dapat lang 'yun para hindi sila makaabala ng ibang tao. "Anak, tatawagin ko na ba si Kiro?" Tanong sa'kin ni mommy. Tumitig muna ako sa kisame ng ilang minuto bago tumango sa kaniya. "Fin, anak, let's leave ate muna ha. Let's go to daddy." Tumango muna si Fin kay mommy bago humarap sa'kin. "Ate, we'll be back. I'll protect you." "Sure, bunso. I'll wait for you." Hinalikan ko siya sa noo at kumaway pa siya bago tuluyan makalabas sa hospital room ko. Mga limang minuto ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto, at kahit hindi ko tingnan kung sino, alam kong si Kiro 'yun."Kamusta?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, obvious naman siguro sa dextrose na nakakabit sa'kin at sa cast ko sa braso na hindi ako okay magtatanong pa siya. "Fhey, gusto ko lang sana humingi ng—""Alam mo kung ano problema sa'yo? Pagdating sa'kin hindi ka marunong makinig at magpakumbaba."Ayoko madinig ang mga
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status