All Chapters of HER MISTAKE: THAT ONE NIGHT SHE CAN'T REMEMBER: Chapter 11 - Chapter 20
96 Chapters
CHAPTER 11
Napalunok si Hexy at nanginig ang kaniyang mga kamay. Siguradong-sigurado na siya kung sino ang kaniyang kaharap dahil sa mukhang mamahalin nitong suot na puting silk dress at puting shades na nakalagay sa kaniyang ulo."I'm Brix' fiancee," pagpapakilala nito habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.May nunal ito sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata at hindi pa man ito umiirap ngunit parang nakakasugat na ang kaniyang kilay."I wanna ask you one thing," saad nito at mas lumapit kay Hexy. Napaatras naman siya ngunit mas dumiin lang siya sa motor ni Maverick."Did something happen between you and Brix?" Tanong nito.Nanuyo naman ang lalamunan ni Hexy ngunit umiling siya nang dahan-dahan."W-Wala.""Kahit walang nangyari sa inyo. Kaya kong gumawa ng isang bagay na alam kong ikaw ang makakasuhan. Hindi mo ako kilala. Kaya kitang paluhurin sa harap ko," pagbabanta nito na siyang mas lalong ikinakaba ni Hexy."Hindi ko a-alam na may fiancee siya," sagot naman niya.Isang malakas na s
Read more
CHAPTER 12
"Ano? Bakit nadamay si Shantal? Siya rin ang bumangga sa kaniya?" Galit na tanong ni Hexy saka napasapo sa kaniyang ulo."Rio also told me na Shantal warned her na tigilan ka. You know her attitude," sagot ni Maverick."Hindi! Hindi maaari. Kakausapin ko siya. Hindi siya puwedeng mandamay ng iba. Dahil kung tutuusin, si Brix ang may kasalanan ng lahat!" "Calm down. We need to see Shantal first," wika naman ni Maverick at iniabot sa kaniya ang helmet.Napabuntong-hininga naman si Hexy saka isinuot ang helmet."I'm sorry kung nadamay ka dahil sa'kin," naiiyak na wika ni Hexy saka kinuha ang kanang kamay ni Shantal. Nakahiga naman ito sa higaan habang may benda ang kaliwang kamay na nabali at ilang mga gasgas sa kaniyang mga braso at paa."It's okay. Wala ka namang kasalanan. Ang bruhang 'yon naman ang bumangga sa'kin. Humanda talaga siya," pagbabanta ni Shantal."Hayaan mo na. Baka mas grabe pa ang aabutin mo niyan," nag-aalalang sabi naman ni Hexy at tinignan ang buong katawan ni Shan
Read more
CHAPTER 13
"S-Sandali lang, Sir. Hindi naman po yata tamang ma-suspend po ako dahil sa mga issues ngayon. Hindi naman po connected sa trabaho ko ang mga ibinibintang nila sa'kin," sabi ni Hexy habang nanginginig ang mga kamay at halos tumayo na siya upang mas marinig siya ng kanilang manager."I know, Hexy. Calm down. Sinabi nila sa'kin 'yon dahil maaaring madamay ang pangalan ng restaurant, but I told them that the personal issues of the employees will not affect the restaurant. Management should not interfere in your personal lives," kalmadong sagot nito habang nakapatong ang mga kamay sa lamesa niya.Napangiti naman nang kaunti si Hexy."Thank you po. Akala ko po hindi nakikinig ang management sa mga tsismis," wika niya saka bahagyang natawa."Actually, hindi. But Sasha told them kaninang umaga. Nagpunta raw sa office nila," saad naman ng kanilang manager.Nakaramdam naman ng inis si Hexy nang marinig iyon."Iyan lang ang sasabihin ko, Hexy. As long as hindi maapektuhan ang pagtatrabaho mo ri
Read more
CHAPTER 14
Hindi umimik si Maverick at hinahabol pa rin nito ang kaniyang paghinga. Nagpalipat-lipat ng tingin si Hexy kina Maverick at Aldrin habang nanginginig pa rin at nakakunot-noo. "Maverick, ano ba? Ano'ng nangyayari? Naguguluhan ako!" Pasigaw na tanong ni Hexy. Mabilis na lumapit si Maverick kay Aldrin at itinulak ito ngunit nasalo naman siya ni Rio. "Tell her what you did, as*hole," maawtoridad ngunit nagbabantang sambit ni Maverick sa kaniya. Hindi naman nakaimik si Aldrin at nakatingin lang ito kay Hexy na parang nag-aalala. "A-Ano'ng sasabihin mo?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Hexy habang naghihintay ng sagot ni Aldrin. "Sasabihin mo, o hindi ka na makakapagsalita ulit?" Sambit ni Maverick at masama ang tingin kay Aldrin. Hahakbang ulit sana palapit si Maverick ngunit nagsalita si Aldrin. "I-I'll tell her," wika nito. Napalunok si Hexy at hindi pa rin inalis ang paningin sa kaniya. "S-Sinundan ko kayo dati ni Brix. I took a picture of you when he handed you the
Read more
CHAPTER 15
"What the hell did you say?" Tanong ni Brix kay Maverick. Malakas na binitawan ni Maverick ang kamay niya at humakbang papunta sa harap ni Hexy, dahilan upang matakpan siya.Napalunok naman si Hexy at naramdamang bumilis ang tibok ng puso niya.Napatingin siya sa likod ni Maverick at pinigilan ang panginginig ng kaniyang mga kamay."You heard me. Hindi ko na kailangang ulitin pa," sagot naman ni Maverick."You don't know who you're talking to. Hindi mo alam kung ano'ng kaya kong gawin sa'yo," pagbabanta ni Brix sa kaniya.Nang marinig iyon ni Hexy ay umalis siya sa likod ni Maverick at nagpunta sa harap nito upang pigilan si Brix sa kaniyang gagawin kay Maverick.Napangisi si Maverick habang nakatingin kay Brix."Hindi mo rin ako kilala. Huwag mo akong hintaying magpakilala," sabi nito. Nakaramdam naman ng kaba si Hexy dahil nakita niya kung paano nito binugbog si Aldrin, at nakita niya na dati kung paano ito makipag-away. "P-Please, umalis ka na," saad ni Hexy.Napatingin naman si
Read more
CHAPTER 16
Napahawak si Joyce sa kaniyang kaliwang pisngi sa lakas ng sampal ni Hexy sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Hexy dahil sa gulat."Wala kang karapatang siraan ako sa Papa ko," wika ni Hexy habang masama ang tingin sa kaniya.Hindi naman nakapagsalita si Joyce at nakahawak pa rin siya sa kaniyang pisngi."Alam kong ikaw ang may gawa no'n," dagdag pa niya."What the hell are you talking about?" Sambit ni Joyce saka sinamaan din siya ng tingin. Napakuyom naman ng mga palad si Hexy dahil sa gigil."Ikaw lang naman ang may galit sa'kin at kayang magbayad sa pamilya ko para siraan ako. Para saan?" Sabi niya at nagbago ang kaniyang ekspresyon."Nilayuan ko na si Brix. Ni ayaw ko na nga siyang makita at makausap. Pero bakit pinaparusahan mo pa rin ako?" Naiiyak na wika ni Hexy.Nakatingin lang sa kaniya si Joyce habang siya ay parang nagmamakaawa."Hindi pa ba sapat 'yong mga pamamahiya mo sa'kin? Pati ang mga kaibigan ko ay dinamay mo pa. Tapos ngayon, pati pamily
Read more
CHAPTER 17
Napahawak si Hexy sa kaniyang ulo dahil naramdaman niyang kumikirot iyon. Unti-unti siyang nagmulat ng kaniyang mga mata at bahagya siyang nasilaw sa liwanag na nagmumula sa isang chandelier sa kuwarto.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang hindi siya pamilyar kung nasaan siya."I'm sorry kung humantong tayo sa ganito, Hexy."Napalingon si Hexy sa kaniyang gilid at biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang nakatayo si Brix malapit sa kinauupuan niya."N-Nasaan ako?" Tanong niya saka ikinalat ang kaniyang paningin.Maluwag ang kuwarto at kulay dark green doon. Nakaupo siya sa isang malaking sofa kung saan siya nagkaroon ng malay. Walang bintana, at ang chandelier lang ang nagbibigay liwanag doon. May mga paintings sa loob at ilang mga figurines.Mas lalong kinabahan si Hexy nang humakbang palapit sa kaniya si Brix."Ano'ng g-ginawa mo kay Vanessa? Nasaan siya?" Lakas-loob niyang tanong habang na kay Brix ang paningin.Napatingala siya nang makalapit ito sa kaniya."I missed all
Read more
CHAPTER 18
Napatayo si Maverick sa kaniyang kinauupuan nang makita kung sino ang nagpunta sa apartment ni Hexy.Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy nang mapansing sumama ang tingin ni Maverick kaya agad din siyang napatayo at hinawakan ang kanang braso ni Maverick."Get out. Hindi ka kailangan dito," saad ni Maverick."Ano pa ang ginagawa mo? Alis!" Mataray na sambit ni Shantal at itinuro pa ang daan."Gusto ko lang kumustahin si Hexy because I saw Rio na nagmamadali ring pumunta rito," sagot ni Aldrin."What are you doing here?" Napatingin naman sila sa kadarating lang na si Rio at may dalang mga pagkain at gamot.Napatingin si Aldrin sa kaniya ngunit nilagpasan niya ito at tumabi kay Shantal."Gusto ko lang kumustahin si Hexy," pag-uulit ni Aldrin.Natawa naman nang bahagya si Rio."Para saan? Para makita kung gaano kagrabe ang ginawa ni Brix sa kaniya? Hindi ba't wala ka namang pakialam sa friendship natin?" Sambit nito."Leave! Are you here para makita si Hexy at magsumbong kay J
Read more
CHAPTER 19
Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Hexy at napaatras ngunit may lalake sa kaniyang likuran."That's what will happen to you if you don't stay away from my son. I will not do that, but him," sambit ng kaharap niya at napalunok siya dahil sa lalim ng boses nito."Hindi mo alam kung ano'ng kaya niyang gawin sa'yo kapag hindi mo naibigay ang gusto niya. So you better stay away from him," dagdag pa nito.Nakaramdam ng kakaiba si Hexy at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman na parang marami siyang gustong itanong."H-Hindi ko naman po siya nilalapitan, S-Sir," halos mawalan ng boses na sabi ni Hexy habang nanginginig ang mga kamay.Tumango-tango naman ang matandang lalake saka tumingin sa malayo."I should've talked to you sooner. I wanted a good life for him, pero hindi 'yon nasusunod dahil nandiyan ka. I'm still thinking how to get rid of you," wika nito.Naluluha naman si Hexy habang nakatingin sa kaniya. May pagkakahawig ito kay Brix ngunit mas malakas ang awra nito."Wala naman po
Read more
CHAPTER 20
Napaawang ang bibig ni Hexy at hindi makapaniwalang nakatingin sa manager nila."S-Sir, bakit?" Hindi niya napigilang mamawis at manginig ang kaniyang mga palad dahil sa gulat. "I'm sorry, Hexy," tanging sambit ng manager nila.Napakunot-noo si Hexy at pinigilan ang pagtulo ng kaniyang luha."M-Mawalang-galang na, Sir. Dahil po ba sa mga Royale? May sinabi po ba sila sa inyo?" Tanong niya at napakuyom ang kaniyang mga palad."It's because you're involved in a scandal that can ruin the image of the restaurant. Pinag-usapan namin 'tong mabuti. The people involved are high-ranking people. We can't afford to lose the restaurant because alam naming kaya nila itong pulbusin," malumanay na sagot ng kaharap ni Hexy.Mas lalo naman siyang nanginig dahil sa galit at sakit na nararamdaman niya."Kaya ako po ang isasakripisyo ninyo?"Bumuntong-hininga naman ang manager nila."I'm sorry, Hexy. This is your last paycheck," wika nito saka iniusog sa harap ni Hexy ang kulay brown na envelope."Good
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status