All Chapters of The Billionaires' Secret : Chapter 171 - Chapter 180
311 Chapters
Chapter 23-Welcome
NAPAILING na lamang si Micko nang inirapan siya ng dalaga. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang alaala nila noong teenager pa sila. Ganitong-ganito ito, kung nakakamatay lang ang irap nito ay baka noon pa siya patay. Pero ito ang nakakamatay na feeling heaven lalo na ngayong malinaw na sa kaniya ang dahilan ng pagkakaganoon ng dalaga."Hey!" Maagap na humarang si Micko sa daraanan ng dalaga. "Not now, My Angel! Hindi ako makakapayag na talikuran mo ang aking puso sa pagkakataong ito."Tumaas ang kilay ng dalaga at lumaban ng titig sa kaharap. "Parte rin ba iyan ng kasabihan na tulak ng bibig, kabig ng dibdib?" Nang-iinsultong tanong niya sa binata dahil hindi siya naniniwala na siya ang tinitibok ng puso nito."Yes!" matatag na sagot ni Micko habang hindi hinihiwalay ang tingin sa mata ng dalaga. Sinapo niya ang baba nito nang tangkang iiwas na naman ng tingin sa kanya. "Lahat ng lumalabas sa bibig ko ukol sa tunay kong damdamin sa iyo ay kabig iyan sa aking dibdib." Nakaturo ang is
Read more
Book 6: Chapter 24-Blood type
"NAPATAWAG ka? tanong ni Micko mula sa kabilang linya pagkasagot sa tawag ni Wigo."Pare, may napansin akong tao sa labas na tila nagmamatyag!" pabulong na wika ni Wigo upang hindi marining ng ina ng kaibigan. Iniiwasan niya na mataranta ang ginang at gumawa ng ingay."Darn! Mag-ingat kayo, papunta na kami riyan!" pilit nagpakahinahon na sagot ni Micko ngunit nasa mukha ang labis na pag-aalala.Hindi na sumagot pa si Wigo. Siy na ang unang nagbaba ng tawagan at muling nagmatyag sa paligid."Cloud!" malakas na tawag ni Micko sa kaibigan na ikinalingon ng lahat. "Sa sasakyan mo, bilis!""Sasama ako!" alerto na rin si Angel na nasa bukana ng silid ni Raiko."Sumunod na lang kayo, mabilis kaming makarating sa bahay gamit ang motor ni Cloud!" Pasigaw na sagot ni Micko habang patakbo na tinatahak ang kinaparkingan ng sasakyan nila. Kasunod niya si Cloud na tumakbo na rin at hindi na nagtanong pa.Mabilis na sumunod si James na naka motor rin at angkas si Angel Mae."Bibili na rin ako ng mot
Read more
Book 6: Finale
LALONG bumalon ang luha sa mga mata ni Lina nang tumango ang kaniyang pinsan. Kung panaginip man ang lahat ng ito ay naihiling niyang sana ay hindi na siya magising pa. Gusto niyang makasama ang anak kahit sa panaginip lang.Mabilis na nilapitan ni Micko ang dalaga at siya na ang umalalay dito palapit sa kanilang ina."Anak?""Mama!"Pagkapanabay na bigkas ng dalawa habang hawak ng mahigpit ang kamay ng bawat isa."Oh my, God! Ang anak ko! Ibinalik ka na niya sa akin, Anak!" Nanginginig ang mga kamay ni Lani habang mahigpit na hawak ang palad ng dalaga. Mahina pa rin siya pero hindi niya ininda ang kirot sa kaniyang sugat."Mama!" ang tanging nabibigkas ni Angel habang umiiyak. Niyakap nito ng marahan ang ginang sa takot na masaktan niya ito."Salamat sa Diyos at natagpuan na rin kita, Anak!" Maging si Micko ay naluha at hindi umalis sa tabi ng dalawa. Masaya siya para sa kinikilalang ina at para sa babaeng mahal niya. Pagtingin niya kay Cloud ay blangko ang expression sa mukha nito
Read more
Book 7: Chapter 1-Cloud
"WHO are you?" Napasimangot si Ellah sa kabruskohang tanong ng lalaking nasa kanyang harapan ngayon. Alam niyang masungit ito. Pero hindi niya inaasahan na maging sa isang katulad niya ay ganoon din kagaspang ang ugaling ipakita nito sa kanya. Mabilis niyang binura ang hindi maipintang aura sa mukha at ngumiti nang mapansin na nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya."Alam kong kilala mo ako," hindi na niya hinintay na anyayahan siya nitong umupo. Inikis ang legs nang makaupo sa harap ng binata. Isang katamtamang laki na table ang nasa pagitan nila kung kaya hindi siya nito nasisilipan. "Do I still have to book an appointment to your secretary?""You come here and act like a nasty girl?" "An arrogant jerk, indeed!" nagngingit-ngit ang kalooban na bulong ni Ellah sa sarili. Gusto niyang batohin ito ng suot niyang high heels sandal pero nagpipitgil siya. Sa halip na murahin ito ay ngumiti siya ng ubod tamis sa lalaki. "Guwapo sana—" dugtong pa niya dahil sa inis."What did yo
Read more
Book 7: Chapter 2-Pananakit
"WALA KA talagang silbi sa buhay ko!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Conrad sa pisngi ng dalagang anak. Mainit ang ulo niya dahil sa balitang hatid nito pagkauwi.Sapo ang namumulang pisngi, matapang na hinarap ni Ellah ang ama. Lingid sa kaalaman ng lahat lalo na ng kanyang abuelo, sinasaktan siya ng ama kapag ito ay nagagalit sa kanya. Hindi niya lubos maisip kung bakit ito nagagalit sa kanya. Naging rebelde siya dahil dito. Kahit ano ang gawin niya bilang anak nito ay puro mali niya lang ang nakikita nito sa kanya. "Bakit ba ako ang sinisisi mo sa nangyayari sa kabuhayan natin ngayon?" Lakas loob na sinagot ang ama. Kung noon ay umiiyak lamang siya, ngayon ay hindi na siya makakapayag lalo na at nawawala ang kanyang butuhing abuelo."Kung hindi ka ba naman tanga! Bakit hinayaan mo ang abuelo mo na sa lalaking iyon ipamahala ang mana mo?" Labasan ang litid ng ugat sa leeg ng ginoo habang dinuduro ng daliri ang anak."Paano ko malalaman, nawawala si Lolo." Pabulong na sago
Read more
Book 7: Chapter 3-Habilin
"WALA na ba ibang paraan upang maduktongan ang kanyang buhay?" Lumuluhang tanong ni Don Felipe kay Cloud habang pinagmamasdan ang tulog na apo na nakaratay sa isang kama. Mahabang panahon din ang ginugol niya sa paghahanap dito. Muntik na siyang atakihin ulit sa sakit niya sa puso nang malaman ang kalagayan ng kawawa niyang apo. May isang buwan na rin mula noong makipag ugnayan sa kanya si Attorney Cloud. Noong una ay hindi siya naniniwala sa kung ano ang sinapit ng kanyang apo mula noong malawa ito sa kanilang poder. Malaki ang utang na loob niya sa abogado dahil ito ang dahilan kung bakit kasama na niya ngayon ang apo. Gumastos siya ng malaki noon upang mahanap ang apo at handa magbayad kung kinidnap man ito. Ngunit kahit anino nito ay hindi nila makita noon. Nawala ang kanyang apo noong siyam na taon pa lamang ito. Wala ring nakakita kung paano ito nawala dahil parang bula na lang na nawala ang apo sa labas ng kanilang bahay."Hindi na po kaya ng kanyang katawan, hindi po masisigu
Read more
Book 7: Chapter 4-Paghahabol sa kalabam
"MAGANDA ba ito?" Maarteng tanong ni Ellah kay Cristine habang pinapakita ang napiling damit.Kung nakakaduling lang ang pag-rolling eyes ay baka apat na ang paningin ni Cristine. Ganoon ang ginagawa niya sa tuwing nakatalikod ang bagong amo dahil sa pag-iinarte nito. Hindi na lang sampu ang napipili nito pero hindi naman binibili kahit sabihin niyang ok. Alam niya na nanadya ito na inisin siya upang mag-resign. Nabalaan na siya ni Cloud tungkol sa pag-ayaw nito na magkaroon ng personal assistant."Tayo nang umuwi, wala akong nagustohan." Nakasimangot na humarap si Ellah kay Cristine, ang totoo ay dito siya badtrip dahil wala manlang siyang naririnig na reklamo mula dito.Tanging ngiti lang ang isinagot ni Cristine at tahimik na sumunod kay Ellah. Habang naglalakad ay sinusuri niya ang likod nito. Kung lalaki lang siya ay tiyak na mapapasipol siya sa ganda ng hubog ng katawan ng huli. Maumbok ang pang-upo nito at parang ramp model kung maglakad bukod sa ganda ng mukha. Lahat ay napapa
Read more
Book 7: Chapter 5-Pakiusap
"ANO ang ginagawa mo?" galit na sikmat ni Kailani kay Sasha nang mahimasmasan."Niyayakap ka?" hindi sigurado sa sagot na tugon ni Sasha at nagtataka kung bakit galit sa kanya ang kaibigan."Paano kung naiputok niya ang baril?" Umaalon ang dibdib ni Kailani dahil sa nadaramang galit."Edi baon sa katawan ko ang bala." Tabingi ang ngiti na sagot ni Sasha sa kaibigan. Ngayon niya naunawaan kung bakit nagagalit ito sa kanya."Don't you dare to do that again!" Binatukan ni Kailani ang kaibigan at mabilis na tumayo."Fine! Touch me if you dare, ganern?" nakangisi na biro ni Sasha sa kaibigan upang maibsan ang galit nito sa kanyang ginawa."Ok lang ba kayo?" Sabay na napalingon ang dalawa pagkarinig sa tinig ni Dexter. Nasa boses nito ang galit at labis na pag-aalala."Ready for another fight." Kumakamot sa batok na bulong ni Sasha. Hindi niya magawang salubongin ang matatalim at galit na tingin sa kaniya ng asawa. Hindi alam ng kanilang asawa ang pagsama nila sa operasyong ngayon. Sila la
Read more
Book 7: Chapter 6-Kilabot ng ngiti
"General!" Sumaludo si Magsino sa bagong dating ngunit hindi binura sa mga labi ang ngiting nang-iinsulto."Bakit sila ang naka posas sa halip na ang kriminal?" sita ni Max sa hepe ng pulisya habang nakatingin kina Dexter, Jeydon at Micko."Kasama po sila sa kinasuhan dahil sa gulong kanilang nilikha sa daan." Kinakabahan na sagot ng hepe, nilingong niya si Magsino upang humingi dito ng suporta at hindi mapag-initan ng heneral dahil ito ang may pakanan ng lahat."Pinatulog nila ang dalawang iyan kung kaya hindi na pinusasan." Salo ni Magsino sa iba pang katanongan ni Max."Kailan mo pa hindi ginagamit iyang utak mo, Chief Superintendent?" singhal ni Max sa lalaki.Matalim na titig ang ipinukol ni Magsino kay Jeydon nang umubo ito at bakas sa mukha nito ang pagpipigil na tumawa."Paano kung nagpapanggap lamang ang mga iyan na tulog at kumukuha ng tiyempo upang makatakas?" Tumaas na ang timbre ng boses ni Max habang tinuturo isa-isa ang mga pulis na naroon. Yumuko lahat ang mga ito at
Read more
Book 7: Chapter 7- Nakakatakot na mga titig
MANAKA-NAKANG sinusulyapan ni Ellah ang aroganteng binata mula sa kinauupuan. Isang oras na siyang nakaupo sa kanyang pwesto sa loob mismo ng opisina ngunit ni hindi pa siya inuutusan ng lalaki. Ito ang unang araw na magkasama sila sa trabaho. Si Cristine ay nanatili sa labas kung saan dapat ay naroon din siya. Wala siyang magawa kundi ang manahimik. Sa hitsura ng binata ngayon ay mukha itong manuntok kapag may nang-isturbo dito."Stop staring and do your work." Walang kabuhay-buhay na sikmat ng lalaki sa kanya. Hindi siya nababahala na makita nito ang pagsimangot niya dahil nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa hawak na papel.Ramdam ni Cloud na nakatingin pa rin sa kanya si Ellah. Napilitan siyang umangat ng mukha upang balaan ito sa pamamagitan ng tingin lamang. Hindi siya sanay na may kasama sa loob ng opisina, pero kailangan niyang gawin iyon upang makita ang bawat kilos ng dalaga."Pwede bang lumabas muna ako?" ngumiti siya sa binatang seryusong nakatingin sa kanya. "Ang bor
Read more
PREV
1
...
1617181920
...
32
DMCA.com Protection Status