All Chapters of Three Month Agreement: Chapter 21 - Chapter 30
133 Chapters
Chapter 20
Zehra Clarabelle Mineses"Zehra..."Unti-unti kong naidilat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Lianna. Naramdaman ko rin ang mahigpit na kapit sa aking kamay.Ano ang nangyari?Nakita ko si Lianna sa aking gilid, pati na si Errol na siyang may hawak sa akin. Nang dahan-dahan akong bumangon ay inalalayan niya ako at pumunta siya sa likuran ko. Kanina lang ay binabantayan ko si Seya. Hinihintay ko na makatulog siya. Iyon ang mga huling ala-ala ko."Si Seya..." sabi ko habang hawak ang aking ulo."Ayos lang siya, Zehra, nag-aalala siya sa 'yo. Siya ang tumawag sa amin dahil nga nawalan ka raw ng malay," lumingon si Lianna sa kinahihigaan ng kapatid ko. Napatingin ako doon at nakita ko ang malungkot na mukha ni Seya.Kaagad akong napatayo."Ate...""Dahan-dahan lang, Zehra! ang baba ng dugo mo, matinding pagod na ang nararamdaman mo sa katawan mo kaya bumigay ka na naman kanina," sabi sa akin ni Lianna.Inalalayan niya ako at lumapit kaming dalawa sa kama ng kapatid ko. Si Errol
Read more
Chapter 21
Hindi na naging mahaba pa ang tulog ko dahil alas tres ay umuwi na rin muna si Errol at Lianna. Wala na sila talagang balak umalis ngunit pansin na pansin ko na rin ang pagod sa kanilang mga mukha kaya nagpumilit na ako. Nang sabihin sa akin ni Lianna na maaga na lang rin silang babalik ay um-oo ako para wala nang pilitan pa na mangyari.Ngayon ay nag-aayos ako ng mga gamit sa loob ng silid ni Seya. Alas sais na ng umaga at tulog pa rin ang kapatid ko. Napangiti ako. Mainam ito dahil kaninang madaling araw ay gising pa siya at hinihintay ang paggising ko.Ang sabi ay maaga daw darating ang doktor na titingin kay Seya. Si Thauce kaya 'yon?P-Pero ang sabi ni Lianna kagabi ay hindi tama ang ginawa ni Thauce, hindi siya doktor dito sa ospital kaya siguro ay iba ang darating upang tingnan ang kalagayan ni Seya. Baka iyong si Dr. Alvaro o hindi kaya ay ang kapatid niyang is Dr. Ariq."Ate..."Nang marinig ko ang boses ni Seya ay napalingon akong kaagad. Ibinaba ko ang damit na hawak ko at
Read more
Chapter 22
Nasa gilid ako at nakatingin lamang sa kapatid ni Thauce na chinecheck ngayon si Seya. May kasama na itong dalawang nurse ngayon sa loob. Nakikinig lang ako sa usapan nila at hindi ko masundan kapag may mga binabanggit silang mga salita tungkol sa medisina.Nasa sampung minuto na silang narito sa silid. Isa sa mga napansin ko kay Dr. Ariq ay iba ang aura niya kumpara kay Thauce. Palangiti ang doktor na nasa aking harapan. Mabiro rin ito at malambing ang boses.Si Thauce rin kaya noon? paano niya kaya kinakausap noon ang mga pasyente niya? Ganito rin kaya? Ngumingiti siya?Ay! ano ka ba, Zehra! pati ba naman iyon ay gusto mong malaman? Pati boses ay gusto mo marinig?!"Arzen requested for a private nurse?" tanong nito sa dalawang kasama."Yes po, Doc."Hindi ko inasahan nang lingunin ako ni Dr. Ariq. Ngumiti siya sa akin at tumango-tango. Nanghaba rin ang nguso niya."My stubborn brother," ang sabi nito habang umiiling.Alam niya na si Thauce ang nag-opera. Nakaramdam ako tuloy ng kaba
Read more
Chapter 23
Tumikhim ako at kabadong pinihit ang pinto ng banyo. Nakayuko ako nang maglakad palabas. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang pinapakiramdaman ang paligid. Hindi ko naririnig ang boses ni Seya, tahimik na tahimik rin sa silid kaya nag-angat ako ng aking tingin."She fell asleep after I injected her medicine."Iyon ang sinabi ni Thauce sa akin nang mapadako ang tingin ko sa aking kapatid na natutulog na nga. Hawak-hawak ko ng mahigpit ang tuwalya nang lumapit ako sa kaniya. Hindi ko siya matingnan dahil sa hiya na nararamdaman ko. Paano ba naman kasi? walang pasabi na pupunta siya dito at ang akala ko ay tapos na ang pagtingin ng doktor kay Seya.Hindi ko alam na pupunta rin pala siya at... hindi bilang si Thauce na CEO kung hindi bilang si Dr. Arzen."Sa..." gumilid ang paningin ko sa kaniya, iniiwasan na magtama ang aming mga mata. Naka pang doktor na kasuotan siya ngayon. Ibang-iba ang itsura niya. Mas... bagay ito sa kaniya."S-Salamat..."Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi a
Read more
Chapter 24
"Really?! then, that's great! I didn't expect that Arzen would go this far. Nakakatuwa naman rin dahil talagang may malasakit siya kay Seya. He's like this before sa mga pasyente niya. Nakaka-miss ang pagiging doctor niya talaga."Alas siyete na ng gabi at ngayon lang rin bumalik sila Lianna at Errol.Kumakain ako ngayon at kasabay ko silang dalawa. Ikinwento ko sa kanila iyong napag-usapan namin kaninang umaga nila Thauce at ni Dr. Ariq. Napatingin ako sa aking kapatid. Tulog na naman si Seya dahil sa ininject na gamot dito ng dalawang nurse kanina. Dumating rin iyong nurse na sinabi ni Thauce na mag-aassist sa akin para sa general check up."He's doing alot for you, Zehra. Now, he will send Seya to Australia. At ginagawa niya ito para tulungan ka lang?"Sabay kaming napatingin ni Lianna kay Errol nang magsalita ito. Uminom spa ito ng tubig at pagkatapos ay iniligpit ang pinagkainan. Tumayo rin ito upang dalhin iyon sa lababo sa gilid."H-Hindi naman para sa akin, Errol, para kay Sey
Read more
Chapter 25
Hindi ako umalis sa tabi ni Seya habang ine-examine pa rin siya sa Martini's hospital pagkatapos ng operasyon. Ang mga araw ay mabilis na lumipas at isang linggo na lang ay ita-transfer na si Seya sa Australia para doon ituloy ang gamutan at para masigurado na wala na ang cancer sa kaniyang katawan."Ate, nakakakaban at natatakot rin ako kasi wala ka doon. Ang layo ng Australia. Mabuti sana kung makakasama kita, ate."Katatapos lang paliguan ng nurse si Seya. Ito at sinusuklay ko naman ng dahan-dahan ang kaniyang buhok. Nang mapatingin ako sa nurse sa gilid ay ngumiti ako dito at gumanti rin naman ito ng ngiti sa akin.Siya si Hermi. Tatlumpu at tatlong taong gulang. Isa siya sa mga makakasama ni Seya sa Australia."Huwag kang mag-alala, Seya, hindi mo mamamalayan ang paglipas ng mga araw, kita mo bukas ay uuwi na tayo ulit," sabi ni Hermi nang lumapit ito at hinimas sa braso ang aking kapatid."Naku, Ate Hermi, hindi pa nga tayo nakakaalis!"Sabay-sabay kami na napatawa dahil sa sina
Read more
Chapter 26
Araw na ng pag-alis ni Seya. Pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina ni Thauce ay ipinangako ko sa sarili ko na kung anuman ang nararamdaman ko para sa kaniya ay kalilimutan ko na. Mas pinaintindi ng halik na aking nakita kung ano ang papel ko sa buhay niya... sa buhay nila."Ate..."Hinimas ko ang pisngi ni Seya. Nakahanda na ang lahat, kumpleto na ang mga gamit niya at narito na rin kami sa airport. Kasama ko si Errol at si... Lianna. Napatingin ako sa kaniya. Napakaganda niya sa suot na white dress. Bigla ay natingnan ko ang aking sarili. Nakapulang blouse at pantalon. Ibang-iba talaga kami. Magkalayong-magkalayo."Siguradong magaling na magaling ka na pag bumalik ka dito sa Pilipinas, Seya," sabi ni Lianna sa kapatid ko."Mabilis lang ang dalawang taon, Seya, huwag ka rin mag-alala dahil hindi namin pababayaan ang ate mo, ha?" si Errol na lumapit sa amin at hinawakan ako sa aking balikat. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ng tipid.Nang dumating si Thauce at magkatinginan kami ay
Read more
Chapter 27
Ang tatlong buwan na usapan namin ni Thauce pagkatapos ng operasyon ni Seya ay inaasahan ko nang matutuloy kahit pa malinaw na may gusto na sa akin si Errol. Kailangan na nasa akin palagi ang atensyon niya upang mawalan ng pag-asa si Lianna. Nang sa gayon ay magawa ni Thauce ang gusto niya.Sa ilang linggo lamang ay napakarami nang nangyari na alam ko na maapektuhan ng sobra ang aming kasunduan. Ang masamang pagtingin ko sa kaniya pagkatapos ng naganap sa kaniyang opisina. Nang magmakaawa akong pagtrabahuhan na lang ang lahat ng perang magagastos niya ay nagbago nang malaman ko na siya ang nagligtas sa buhay ni Seya.Palagi ay nais ko na siyang makita at napagtanto ko ang aking nararamdaman nang umagang iyon, sa silid ng kapatid ko sa ospital. Siya, bilang si Dr. Arzen. Ang Dr. na nag-opera kay Seya.Hindi ko namalayan na ang mga araw ko sa ospital sa pagbabantay sa kapatid ko, sa usapan at pagkikita namin ni Thauce ay mahuhulog ang loob ko sa kaniya. Isa sa hindi ko inaasahan dahil s
Read more
Chapter 28
Inabala ko ang aking sarili sa utos ni Thauce na ipagluto ko siya. Hindi na rin naman siya bumaba pa para tingnan ako at ipinagpapasalamat ko iyon dahil ang presensiya niya kahit nasa malayo ay nakakagulo sa isipan ko.Paano kaya ako makakatagal dito sa bahay niya? kahit na nagtatrabaho siya umaga hanggang hapon, sa gabi ay maaari pa rin kaming magkita.Paano ko siya maiiwasan?Pagkaluto ng sinigang ay kumatok ako sa pinto ni Thauce. Sinabi ko sa kaniya na okay na ang ipinaluluto niya. Hindi naman sumagot at naisip ko na baka tulog. Tinungo ko ang aking silid at nakita na naroon na nga ang mga gamit ko. Maayos na nasa gilid. Iyon naman ang sunod kong inasikaso.Baka bukas na rin ako makatawag kay Seya upang makamusta sila. Sabi naman ni Dr. Ariq ay magmemensahe siya sa akin kapag naroon na sila, ganoon rin ang ipinaalala ni Hermi. Panatag naman ako dahil mapagkakatiwalaan na mga tao ang kasama ng kapatid ko sa ibang bansa at ito ay para rin sa tuluyang paggaling niya.Iniangat ko ang
Read more
Chapter 29
"Then tell your mother. Bakit ba niya ako pinipilit? hindi siya ang masusunod sa buhay ko. Pag-uusapan na naman ba namin at magtatalo kami sa nais niya? bakit hindi ikaw ang ipakasal niya sa babaeng sinasabi niya?"Malakas ang boses ni Thauce. Dinig na dinig ko iyon. Napahinto tuloy ako sa paggagayak ng agahan niya. Tapos na ako sa pagluluto at magtitimpla na lang ako ng kape kaso hindi ko alam kung nagkakape siya. Nang mapatingin ako sa orasan sa gilid ay nakita ko na alas sais na ng umaga."Tell her to stop pestering me. Hindi porke isa siya sa may pinakamataas na posisyon sa kumpanya ay siya na rin ang masusunod sa kung sino ang babaeng mapapangasawa ko."Papalapit ng papalapit ang dinig ko sa kaniyang boses. Kung ganoon ay may nais na ipagkasundo sa kaniya ang stepmother niya. Naalala ko ang sinabi ni Lianna. Sa mga salita na narinig ko sa kaniya at naririnig ko ngayon kay Thauce ay nagkaroon ako ng ideya na hindi mabuti ang relasyon ng dalawa."I am not going to that party, Ariq.
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status