Lahat ng Kabanata ng Love and Betrayal : Kabanata 41 - Kabanata 50
70 Kabanata
LAB— 40
"Jacob, baka bumalik ang fiancee mo dito," sabi ni Diamond, habang paakyat sila ng second floor. Nagsabi ang binata na dito sila matutulog. Na gusto siya nitong makasama ngayong gabi. Nag-aalala siya ngayon at kinakabahan. Hindi puwedeng may mangyari sa kanila. "Hindi naman iyon makakapasok kapag bumalik siya," kalmadong sagot ng lalake sa kaniya. Dinala siya nito sa kaniyang kuwarto. "I'll just take a shower," paalam nito bago pumasok ng banyo. Nag-iisip naman si Precious ng kaniyang gagawin. Nag-text siya kay Ziyad pero kahit naman ito walang magagawa sa sitwasyon niya ngayon. Mabuti na lang at may beer sa fridge kaya naisipan niyang makipag-inuman na lang kay Jacob. At pagkatapos ay tutulugan niya ito. Pero sana lang hindi siya nito galawin habang tulog siya. Hindi na niya nabasa ang reply ni Ziyad dahil lumabas na ng banyo si Jacob. "Hindi ka mag-s-shower?" tanong nito sa kaniya. Hindi siya komportable na hindi maligo bago matulog, kaya tumayo na siya. Lumabas siya ng banyo
Magbasa pa
LAB— 41
Hindi nagsalita si Precious. Hinayaan lang niya ang dating kaibigan na yakapin siya. Umiiyak ito at humihikbi. "Kung alam mo lang kung paano kita pinagluksahan." Lumamlam ang kaniyang mga mata. "Ssssh!" saway niya dito. Kailangan niyang maging maingat. Nasa public place pa man din sila ngayon, at nasa labas lang si Cora. "Naghihintay si Cora," paalala niya dito pagkaraan ng ilang sandali. Nagpunas ng luha si Awi. Nauna na din siya sa babae, dahil baka mainip si Cora at sumunod sa kanila. Nakilala siya ni Awi. Dapat wala ng iba pang makakilala pa sa kaniya. Si Cora na lang ang walang idea, hindi pa siya pinagdudahan dahil sa kaniyang mga mata. She's disappointed. Hindi talaga naging totoong kaibigan ang babae. Pero bakit si Jacob? Bakit napansin nito ang mga mata niya? singit ng kaniyang isip. Napailing siya. Ayaw na muna niyang isipin ang lalake. Bumalik siya kay Cora. Ang laki ng ngiti nito. Nagkasundo sila sa presyo. Maganda ang location ng building nito at fifty percent ng m
Magbasa pa
LAB— 42
Hindi magawang itulak ni Precious si Jacob kahit pa iritang-irita siya sa ginagawa nito sa kaniya. He's kissing him aggressively. Sinabayan niya ito at nang kapusin siya ng hininga ay bahagya niyang tinulak ang dibdib ng lalake. "Why are you so aggressive?" tanong niya sa lalake na hinihingal. "Because I missed you." Humagikgik siya at pinisil ang pisngi ng lalake. "I miss you too." Kamuntik pa niyang makalimutan si Awi na nasa loob ng cabinet. Baka nakasilip ito ngayon at pinapanood sila. Muli na naman siyang hinalikan ng lalake. Bumaba pa ang labi nito hanggang sa kaniyang leeg, imbes na makiliti at ma-turned on sa ginagawa ng lalake sa kaniya, pandidiri ang nararamdaman niya. Bumabalik din ang bawat alaala ng nakaraan. Ang panloloko na ginawa ng lalake sa kaniya habang kasal sila. Naisip niya na ganito din ang ginagawa nito dati kay Cora. Ang mga nakaw na sandali sa kanilang bahay. Naiiyak siya pero pinaalala niya sa kaniyang sarili na hindi siya puwedeng maging mahina. Kail
Magbasa pa
LAB— 43
Ilang oras pagkaalis ni Jacob ay dumating naman ang kaniyang mga tauhan, upang paalisin si Cora. Sapilitan siyang pinalabas ng mansyon kasama ang kaniyang mga gamit. Galit na galit siya kaya sinugod niya ang lalake sa kompanya, pero sa baba pa lang ng building ay hinarang na siya ng security. Gusto niyang magwala pero alam niyang mas lalo lang magagalit si Jacob sa kaniya kapag ginawa niya iyon. She need to control her emotion. She need to win Jacob back. Hindi na niya ito madadaan pa sa pananakot. Hindi din niya ito malabanan dahil wala na siyang pera at ang kompanya na hinayaan sa kaniya ay kayang-kaya nitong bawiin. Naisipan niyang tawagan si Jade, para mangutang sana ulit ngunit hindi ito sumasagot, kaya si Awi naman ang sunod niyang tinawagan ngunit ganoon din ang babae. Out of coverage. Napag-alaman niya sa opisina na hindi ito pumasok ngayon. Dati-rati hindi naman ito uma-absent sa trabaho, nagka-boyfriend lang tinamad na. Pinuntahan niya ang bahay nina Jacob at Precious no
Magbasa pa
LAB— 44
Matagal bago nakasagot si Precious. Sinantabi niya ang kaniyang nararamdaman bago magpasya. Ngumiti siya bagamat may mga luha sa kaniyang mga mata, dahil sa mga bagay na iniisip niya. Ang sakit. Masakit pa din pala ang lahat, kahit na alam naman niya sa sarili niya na hindi siya minahal ng lalake. Hindi naman siya noon pinakasalan ng lalake para sa pagmamahal. "Yes, Jacob. I will marry you." She can see tears in Jacob's eyes. Nararamdaman niya na seryoso talaga ito kay Diamond, pero ang tanong ng kaniyang isipan. Bakit at paano? Sinuot ng lalake ang singsing sa kaniyang daliri. Ilang beses siyang hinalikan bago ito bumalik sa upuan. Sa buong gabi, hindi na nabura ang ngiti sa mga labi ni Jacob. At gusto nga sana niya ay mag-check in sila sa hotel, ngunit mayroong nangyari sa kompanya. Inaasahan na 'to ni Precious. Maasahan talaga si Ziyad, kahit na hindi sila nakakapag-usap nitong nakaraang mga araw. "Kailangan nating bumalik ng Manila. Aayusin ko lang 'to, pagkatapos ay planuh
Magbasa pa
LAB— 45
Tumaas ang kabilang sulok ng labi ni Precious. Bagamat naguguluhan si Jacob, dahil kilala ni Cora si Diamond. At ibang pangalan ang tawag nito sa babae, naging alerto siya nang tangkain itong sampalin ni Cora. Niyakap niya ito habang pinipigilan si Cora na makalapit at makapanakit. "Akala ko kaibigan kita! Isa kang ahas!" Kita na ang ugat sa leeg at sentido ni Cora sa lakas ng kaniyang sigaw. Galit na galit ito. Hindi niya matanggap ang kaniyang natuklasan. At mas lalo pa siyang nanggalaiti dahil pinoprotektahan ito ni Jacob. "Alam mong fiance ko siya, pero pinatulan mo! Isa kang baboy! Hayop ka! Traydor ka, Jade!" Napasigaw pa itong lalo nang makita niya na tila walang pakialam si Jade. Nagawa pa siya nitong ngitian na para bang nang-aasar. "Cora, tama na! Umalis ka na!" saway naman ni Jacob sa kaniya. "Ano'ng tama na?! Ano'ng aalis?! Hindi ako aalis hangga't hindi ko napapatay ang babae mo!" Gustong-gustong sabunutan ni Precious ang babae, pero inaalala niya na buntis nga pal
Magbasa pa
LAB— 46
Gustong habulin ni Jacob si Jade, pero nagbanta si Cora na mag-eeskandalo ito kapag hinabol niya ito. Hanggang tanaw na lang siya rito, habang nakikipagkamay sa mga taong lumalapit sa kanila ni Ziyad. Ang dami niyang mga katanungan na naglalaro sa kaniyang isipan. Jade ba ang totoong pangalan nito? Bakit diamond ang pakilala nito sa kaniya? Ang kaliwang bahagi ng kaniyang isipan ang sumagot, baka screen name lang nito ang Diamond. Nakilala niya ang babae sa kaniyang stag party. Ang sabi ng kaibigan ay isa itong talent na hawak nh isang agency. Ang pakilala naman ng babae ay isa itong working student at ilang lubos, pero paano nito nakilala si Ziyad? Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Nalilito siya, pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya makaramdam ng inis para sa babae. Obviously she lied to him, but he can't dislike or hate her. "So, mukhang hindi mo lubos na kilala ang babae mo..." mapang-uyam na sabi ni Cora sa kaniyang tabi. Hindi niya ito binigyan ng pansin. Kung h
Magbasa pa
LAB— 47
Napahinto sa paglalakad si Precious nang makita niya si Jacob na nakatayo sa lobby ng condominium. Kauuwi lang nila ni Ziyad galing out of town. Ilang araw din silang wala sa Manila dahil sa importanteng bagay na inasikaso nila. Hindi niya kasamang umuwi si Ziyad sa penthouse, dahil dumiretso ito ng kompanya dahil sa ilang dokumento na kailangan niyang pirmahan. Kailangan ang mga iyon ngayong araw. Tumikhim siya at nagdire-diretso ng lakad. Sinalubong at hinarang naman siya ni Jacob kaya huminto siya. Nagkatinginan sila. Seryoso ang kaniyang mukha samantalang si Jacob ay malamlam ang mga mata na nakatingin sa kaniya. "How are you, Diamond? Or Jade?" His voice was so calm and gentle. Taliwas sa inaasahan niya. By now, dapat alam na ng lalake na niloko niya ito. Na hindi talaga siya si Diamond, kung hindi si Jade na kilala sa business world. Na may relasyon kay Ziyad Smirnov. Ngumiti lang siya ngunit hindi nagsalita. Titig na titig naman ang lalake sa kaniyang mga mata. Ang mga mata
Magbasa pa
LAB— 48
Lahat ng tao sa loob ng conference room ay mangha at gulat na gulat na nakatingin kay Precious. Hindi sila makapaniwala na buhay ito at nagtataka din sila kung bakit iba na ang itsura nito. "Are you sure that you are Precious Real?" tanong ng isa sa mga shareholders. Magdududa nga naman talaga sila, dahil iba na ang itsura nito at ang tagal din niyang nawala. They thought she's dead. Walang makakapag-isip na buhay pa siya dahil sa pagsabog. "The one and only," sagot naman niya habang tinitingnan isa-isa ang mga tao sa loob, pero nilagpasan ng kaniyang tingin si Jacob na awang ang mga labi habang nakatingin sa kaniya. "Ibang-iba na ang itsura mo. Ayos lang sana kung..." Hindi matuloy ng isa ang gustong sabihin, dahil iniisip nito na baka ma-offend siya. "Kung pumayat lang ako?" dugtong ni Precious. Tumango sila. "Yeah. But you also changed your face.""Nagkaroon ako ng malaki at malalim na sugat sa mukha at ulo dahil sa pagsabog ng yacht..." Tumikhim siya at tumigil muna sa pags
Magbasa pa
LAB— 49
Nang makaalis si Precious, sumunod ulit dito si Jacob. Tinatawag siya ni Cora para makapag-usap sila pero hindi man lang siya pinansin ng lalake. Naupo na din si Awi sa sariling cubicle at nagkunwari na walang pakialam sa paligid. Wala pa ding alam si Cora ngayon. Hindi alam na ang bestfriend nito na akala ng lahat ay patay na ay narito lang kani-kanina. Hindi niya alam kung ano ang plano ng kaibigan, pero pagdating sa bagay na ito, ayaw niya itong pangunahan. Alam niya na ginagawa ito ng babae, para maging okay na siya. She'll feel well or better after avenging herself, after the pain that they have inflicted her. Sana mahanap nito ang kapayapaan sa kaniyang puso. "Ang kapal talaga ng Jade na iyon!" sigaw ni Cora. Nagwawala na ito. Dahil sanay na ang mga empleyado sa babae, hindi nila ito pinansin. Ganito ito kapag nagagalit. She has a really bad temper, kaya nga nagtataka sila kung bakit nagustuhan ito ng asawa ng kanilang boss. Maganda nga ito, pero kung ganito naman ang ugali
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status