"Tita, maari ko po bang hiramin ang cellphone niyo? Gusto ko lang pong tawagan ang mommy ko."Hindi na nagtanong si Beth at pinagbigyan ang babae. Nakita niya rin kasing wala nang charge ang cellphone nito. Obligado silang alagaan ito ngayon dahil ang parents ng dalaga ay nasa ibang bansa."Gagamit lang ako ng banyo." Paalam ni Beth at iniwan na ang dalagang may hawak ng cellphone niya.Nakangiting tumango si Denise sa ginang. Pabor sa kaniya ang pag alis nito. Agad niyang dinayal ang numero ni Mauro, sa halip na sa mga magulang.Tumigil sa paghakbang si Mauro nang nakita kung sino ang caller. Agad niyang sinagot iyon at umaasa na may balita ito na maganda. "Mom?""Mauro, ako ito."Natigilan si Mauro nang marinig ang tinig ng kaibigan. "Humiram ako ng cellphone sa mommy mo kasi walang charge ang sa akin. Kumusta ka na, balita ko ay nawawala si Diana?" Mahamig sa tinig ni Denise ang labis na pag alala."I'm okay, pasensya na kung hindi na kita madalaw pa diyan.""Naintindihan ko, bak
Read more