"Paalisin mo siya, ate!" Napahikbi si Diana dahil sa labis na inis na nadarama."Sir, tama na. Huwag mo munang ipilit ang sarili mo sa kaniya at baka duguin iyan dahil sa labis na galit," pabulong na payo ni Jules sa binata.Naikuyom ni Mauro ang kamao at mas nasaktan siya nabg makitang umiiyak na ang asawa dahil sa kaniya. Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Alright, isusuot ko na ang damit ko, huwag ka nang umiyak. Nasa sasakyan lang ako at bantayan ka magdamag. Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako napatawad.Inirapan ni Diana ang binata at sinamaan ng tingin kahit patuloy sa pagdaloy ang luha sa mga mata. Nang makitang suot na nito ang basang damit ay nagmamadali na siyang bumalik sa loob ng bahay. Mabilis na sinundan ni Diana ang kaibigan sa loob ng bahay at nag aalala pa rin. "Ayos ka lang ba?""Pasensya na, ang pangit niya talaga. Hindi ko alam bakit nagkagusto ako sa unggoy na iyon. Hindi sana mamana ng anak ko ang kapangitan niya!"Napaubo na lamang si Meas
Magbasa pa