Pagkapasok ng bahay, hindi masalubong ni Stella ang nang-aarok na tingin ng abuelo. "Mommy, bakit ang tagal mo po? Kanina ka pa namin hinihintay ni lolo." tanong ni Zion sa ina. Mabilis na nilapitan ni Stella ang anak at hinalikan sa pisngi. "Sorry, baby, may importante lang inasikaso si Mommy.""Mag usap tayo." Tumayo si Fausto at dumiritso sa isang silid.Nakagat ni Stella ang gilid ng labi bago binalingan ang anak. "Baby, makipaglaro ka muna kay Yaya Sabel mo at may pag uusapan lang kami ng lolo mo."Nakakaunawang tumango ang bata at hindi na nangulit sa ina nito.Pagpasok ni Stella sa silid kung nasaan ang abuelo ay kinabahan siya. Ang pormal kasi ng mukha ng abuelo at seryusong nakatitig sa kaniya. Tumikhim siya nang makaupo at parang biglang namalat ang lalamunan niya."Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa," ani Fausto habang matamanan na pinakatitigan ang apo. "Si Charles ba ang dati mong asawa at ama ni Zion?"Pakiramdam ni Stella ay may tumtambol na sa kaniyang dibdib at ang la
Magbasa pa