"Hello, Charles, narito ka pala!" masiglang bati ni Diana sa binata.Pinigilan ni Stella ang pag angat ng kilay dahil nagpapanggap pang nagulat ang babae pagkakita kay Charles, gayong ito agad ang hinanap ng tingin nito pagkapasok sa opisina niya."Sorry, ang bastos ng pinsan mo at hindi ko mapigilan sa pagpasok dito," pabulong na ani Rachel kay Stella. Nang tanguan siya ng kaibigan ay lumabas na siya ng opisina."Mukhang nagkamamabutihan na kayong dalawa." Nakangiting puna ni Mauro sa dalawa.Umangat lang ang isang sulok ng labi ni Charles bago tumayo upang makipagkamay kay Diana. Hindi niya pinansin ang malisya sa kuminto ng karibal tungkol sa kanila ni Diana. Pagtingin niya kay Stella ay blangko ang expression ng mukha nito."Dati na kaming magkakilala kaya hindi na dapat nakapagtataka kung close kami?" pangatwiran ni Diana pero tonong proud naman ito."We're not close pero hindi maiwasang magpangita sa iisang gathering dahil magkaugnay ang sirkulasyong kinabibilangan," ani Charle
Magbasa pa