All Chapters of Living With My Lady Boss: Chapter 111 - Chapter 120
439 Chapters
Kabanata 111
“Sige, walang problema,” Ang sagot ni Wilbur.Sumenyas si Kenji gamit ang kamay niya, at may lumapit na taong may dalang isang promissory note. Maaga itong inihanda, kailangan lang ang halaga ng pera at impormasyon ng uutang.Tumingin dito si Wilbur at sinabi niya, “Ang interes sa promissory note na ito ay iba sa binanggit mo, Mr. Lilith. Nasa loob ba ito ng interest rate limit sa bansa?”“Syempre naman. Alam mo dapat na ang tunay na interes ay baso sa verbal agreement natin,” Ang sabi ni Kenji ng nakangiti.Tumango si Wilbur. “Naiintindihan ko.”Kumaway ulit si Kenji. Dinala ng dalawang bodyguard ang higit sa two million dollars at nilagay nila ito sa harap ni Wilbur.Nagpatuloy ang sugalan.Gayunpaman, sunod sunod ang malas ni Wilbur. Nawala ang two million dollars sa loob ng dalawang oras.Naluha siya at sinabi niya, “Bigyan mo ako ng isa pang two million dollars!”Nagsindi ng sigarilyo si Kenji at sinabi niya ng mabagal, “Pre, bagong kilala lang tayo, at pinahiram kita ng
Read more
Kabanata 112
Sumandal ng mahina si Wilbur sa upuan at bumulong siya, “Ito pala ang pagiging isang sugarol.”Hindi niya ginamit ang kahit anong mga kakayahan niya, sumama lang siya sa sugalan bilang isang ordinaryong tao.Nagsikap si Wilbur para gumanap sa papel niya bilang isang sugarol. Naranasan niya ang pakiramdam ng pagsusugal. Ang pagkasabik na manalo, ang inis sa pagkatalo, at ang pagiging balisa habang binabawasan ng maraming pera.Ang pagkasabik ay naglabas ng maraming adrenaline sa katawan niya.Ang pakiramdam na ito ay mas malupit pa kaysa sa isang roller coaster ride, nasabik siya sa paraan na naiintindihan niya kung bakit nakakaadik ang pagsugal. Totoo nga.Wala siyang pag asa na parang isang sugarol na nawala na ang lahat.Tumawa si Kenji sa sandaling yun.Nawala ang four million dollars kay Wilbur. Bukod pa dito, humiram siya ng isa pang four million dollars. Sa isang gabi, nawala ang kabuuan na eight million dollars sa kanya.Nabawi ni Kenji ang pera na nawala sa kanya noong
Read more
Kabanata 113
Tumawa si Wilbur at sinabi niya, “Isang capital offense na ang pagpatay, at mas mapupunta ka lang sa malaking gulo sa organ trafficking pagkatapos ng pagpatay. Hindi ka ba natatakot?”“Natatakot?” Tumawa ng malakas si Kenji. Matagal bago siya sinabi ulit, “Ang Lilith clan ay may kapangyarihan sa Seechertown. Sino ang dapat kong katakutan? Pre, wala akong lama tungkol sa lipunan na ito.”Kumunot ang noo ni Wilbur at tinanong niya, “Ang ibig mo bang sabihin ay ang isa sa three big clasn sa Seechertown?”“Mukhang may alam ka na konti. Tama, isa akong miyembro ng Lilith clan. Ang impluwensya ng clan namin ay umaabot sa pulitika at business. Sabihin mo sa akin, ano ang kailangan kong katakutan?” Ang mayabang na tanong ni Kenji.Tinanong ni Wilbur, “Naniniwala ka ba na ang Lilith clan ay higit sa batas?”“Oo. Ang mga tulad namin ay higit sa ordinaryong mundo. Pre, masyado ka pang bata. Baka nga alam mo ang tungkol sa three big clans, pero hindi mo naiintindihan ang kapangyarihan na mero
Read more
Kabanata 114
“Hindi namin ito pwedeng gawin. Sasama kami sa inyo.”“Isang utos ito. Lahat kayo, umatras agad.”Alam ni Elsa na makakatanggap siya ng malupit na parusa bilang vice-captain, at ito na ang mas maluwag na kalalabasan.Gayunpaman, hindi siya natatakot. Ang pinag aalala niya ay ang mapunta ang mga tauhan niya sa gulo. Bata pa ang mga ito, at ang ilan sa kanila ay hindi pa kasal. Hindi niay pagbibigyan ang sarili niya kapag nawalan sila ng trabaho dahil sa kanya.Dahil sa determinasyon ni Elsa at sa pressure mula sa mga higher-up, ang mga tauhan niya ay nagdadalawang isip na lumabas ng sasakyan.Sumaludo sila kay Elsa bago sila umalis.Huminga ng malalim si Lesa at lumabas siya ng sasakyan. Dumating siya sa entrance ng bar.Ang bar ay sarado sa ganung oras. Kumatok ng pinto si Elsa ng hindi nagdadalawang isip.“Sino yan?”Bumukas ng konti ang pinto ng bar makalipas ang ilang sandali, kasunod ito ng naiirita na boses. Sumilip ang isang blonde na buhok mula sa pinto.Sinipa ni Elsa
Read more
Kabanata 115
Hindi nakakilos sa oras si Elsa sa mabilis na mga atake ng lalaki. Agad na bumaliktad ang sitwasyon para sa kanilang dalawa.Humawak si Elsa sa kanyang tiyan. Napangiwi siya sa sakit habang napaluhod siya, hirap siyang huminga. Samantala, pinulot ng lalaki ang baril niya. Ang boses niya ay puno ng paghamak habang tinanong niya, “P*ta ka, sa tingin mo ba talaga ay madali akong harapin?”Tinanong ni Kenji ng may malupit na tono, “Anong nangyayari, Rambo?”:Sumagot ang lalaki na tinatawag na Rambo, “Boss, ang babaeng ito ay pumasok para magtanong tungkol sa gambling session. Mukhang nakapaghanda siya, kaya sinasadya ko siyang dalhin dito.”Tumingin si Kenji kay Elsa, pagkatapos ay tumingin siya kay Wilbur. Sinabi niya ng mabagal, “Mukhang mag kasabwat kayo.”“Parang ganun na nga,” Ang kaswal na sagot ni Wilbur.Tumawa si Kenji at sinabi niya, “Mukhang plano mo ito. Bala mo ba akong isetup?”“Oo.” Ngumiti si Wilbur.Ngumisi si Kenji at tinanong niya, “Kahit na kayong dalawa lang? N
Read more
Kabanata 116
Ang dalawang mga bodyguard at si Rambo ay nasa sahig. Ang mga mukha nila ay namimilipit sa sakit, at hindi sila makatayo. Hindi man lang sila makaimik.Nabigla si Kenji. Ang tatlong sugarol na parte ng setup ay natulala din.Hindi makapaniwala si Elsa, na para bang nakakita siya ng isang multo.Tinulungan siya ni Wilbur na tumayo at binalik nito sa kanya ang baril niya. Sinabi ni Wilbur, “Sinabi ko na sayo. Kontrolado ko ang sitwasyon.”Tinanggap ni Elsa ang baril, hindi pa rin siya makapaniwala na si Wilbur ay may pambihirang kakayahan sa pakikipaglaban. Agad na nagbago ang sitwasyon.Gayunpaman, may karanasan na rin siya sa karahasan, kaya mabilis siyang bumalik sa sarili. Tinutok niya ang baril niya sa lahat at inutos ng may istrikto na boses, “Taas ang mga kamay.”Ang tatlong sugarol ay takot na takot kay Wilbur. Mabilis nilang tinaas ang mga kamay nila at pumwesto sila sa pader. Si Kenji lang ang nanatiling nakaupo. Tila hindi siya takot.Ngumiti si Wilbur at tinanong niya,
Read more
Kabanata 117
Mahinang sinabi ni Wilbur, “Sagutin mo lang ang tawag at siguraduhin mong irecord mo ito. Kung sino man ang may kinalaman dito ay matatanggap ang kahihinatnan na nararapat para sa kanila.”Hindi na nag dalawang isip si Elsa pagkatapos makita ang kumpiyansa ni Wilbur. Trabaho niya rin ito.Sinagot niya ang call at nagsimula siyang irecord ito.“Captain,” Ang sabi ni Elsa.Tumunog ang isang seryosong boses mula sa phone, “Nasaan ka?”“Nasa Black Dragon Bar po ako.”“Bumalik ka agad ito. Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?”“Captain, natuklasan ko po ang isang gambling operasyon sa Black Dragon Bar. Maraming mga sugarol na may malaking halaga ng pera. Hinuli na ang mga kriminal, at meron na po akong ebidensya,” Ang report ni Elsa.May saglit na katahimikan sa kabilang linya bago sumagot ang caller, “Dyan ka lang. Papunta na ako.”Tinapos ni Elsa ang phone call at tumingin siya kay Wilbur. Sinabi niya, “Papunta na ang captain namin.”Gayunpaman, nakikita ni Wilbur ang pag aalala
Read more
Kabanata 118
“Yes, sir,” Ang sagot nila.Pagkatapos, malamig na inutos ng captain, “Lahat kayo, umakyat sa taas.”“Captain?” Nagdalawang isip si Elsa na umalis. Pakiramdam niya na may kakaiba sa captain.Dumilim agad ang ekspresyon ng captain at tinanong niya ng seryoso, “Baka mo bang suwayin ang mga utos ko?”Gusto makipagtalo ni Elsa, ngunit tumayo si Wilbur mula sa upuan niya at sinabi niya ng kalmado, “Sundan mo ang sinasabi ng captain at umakyat ka.”Kinagat ni Elsa ang ngipin niya at tinanggap niya ito ng nag aatubili.Ngumiti ng maliit si Kenji habang mabagal siyang tumayo sa upuan.Dinala sila sa main hall ng bar. Tumingin ang captain kay Elsa at sinabi niya, “Isuko mo ang baril mo.”“Ano po ang ibig niyong sabihin?” Agad na kinabahan si Elsa. Mahigpit niyang hinawakan ang baril niya gamit ang parehong kamay, ngunit nakatutok ito sa sahig.Kumunot ang noo ng captain, “Hindi mo sinunod ang mga utos ko, suspended ka na ngayon.”“Aamin ako na hindi ako sumunod sa protocol, pero totoo
Read more
Kabanata 119
Nabigla ang lahat sa tunog. Si Wilbur lang ang mahinahon.‘Anong nangyayari?’ Ang lahat ay may katanungan sa isip nila.Ang dose-dosenang mga special forces officer ang bumaba mula sa mga helicopter at pinasok nila ang establishment.May isang heneral na mabilis na sumunod sa kanila. May suot siyang uniporme ng militar na may mga star sa kanyang balikat.Nabigla ang lahat sa biglang pagdating ng special forces. Hindi sila sigurado sa sitwasyon. Bakit biglang dumating ang militar?Ang special forces ay mabilis na pinalibutan ang lahat at sila ang kumontrol ng sitwasyon. Mabagal na pumasok ang heneral.Tumahimik ang lahat sa malaking presensya niya.Tumingin ang lahat sa paligid ang heneral at sinabi niya, “Ito ang operation ng Kardon Province Special Forces Unit. Walang kahit sino ang pwedeng kumilos. Magsisimula na kami sa beripikasyon ng mga pagkakakilanlan niyo.”Kinabahan si Kenji. Nag ipon siya ng lakas ng loob para magtanong, “Kayo ba ang militar? Ano ang karapatan niyo pa
Read more
Kabanata 120
Ngumiti si Wilbur at sinabi niya kay Elsa, “Pwede ka na magsimula.”Bumalik sa sarili si Elsa. Ginawa niya ang lahat para huminahon siya, pagkatapos ay tumingin siya sa captain niya. Mabagal niyang sinabi, “Captain, pabalikin niyo ang team niyo at maghanda kayo para sa imbestigasyon.”Huminga ng malalim ang captain. Halata na magaan ang loob niya at sinabi niya kay Elsa, “Mas mahusay ka sa akin. Congratulation, nakatadhana sayo na maging mahalagang pundasyon ng Kardon Province, hindi tulad ko.”Pagkatapos, tumawa siya at inutusan niya ang kanyang team, “Lahat kayo, babalik na tayo.”Inutusan niya na lumapit ang mga tauhan niya, pati ang dalawang tao na nakapwesto sa ibaba ng hagdan.Ang captain ay tumingin kay Elsa at tumingin siya ng may kumpiyansa habang dinala niya paalis ang team.Napansin ni Elsa ang maraming bagay sa tingin na yun.May pagpapatibay-loob at konting lungkot.Gayunpaman, walang oras si Elsa para pag isipan ito. Agad niyang inutusan si Ken, “Hulihin niyo ang
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
44
DMCA.com Protection Status