Lahat ng Kabanata ng A Trillionaire in Disguise: Kabanata 51 - Kabanata 60
72 Kabanata
Chapter 51 - Jacob's Birthday Party
Mabilis namang nasakyan ni Joey ang pagpapanggap ni Luke. "You're welcome, Mr. Cruise. Sana ay sagutin ka na ng nililigawan mo." nakangiting wika nito pagkatapos ay inabot ang mga card. Maingat na inilagay niya iyon sa kanyang wallet. Hindi niya gugustuhing magasgasan ang mga ito.Nalaglag ang balikat ng mga nakapalibot sa kanila at makikita ang pagkadismaya sa kani-kanilang mukha.'This guy is so shameless. Talagang nagawa niyang magpanggap na mayaman para lang magyabang sa nanay ng kanyang nililigawan?''What a loser. Kapag nakita ko ulit ang aleng iyon ay sasabihin ko sa kanya ang kasinungalingan ng lalaking 'to.''Anong tingin niya sa'ming mga babae? Mabilis mabulag sa salapi?'Kanya-kanya silang panunumbat sa kani-kanilang isip pero wala silang lakas ng loob upang sabihin iyon kay Luke. Kasama pa rin ito ni Joey, na siyang tunay na may-ari ng SVIP card at Black card.Imbes na sa isang sinungaling, bakit hindi nalang sila mag
Magbasa pa
Chapter 52 - Worthless Friends
Napasimangot si Jacob dahil sa inasta ng kanyang ina. "Ma, it's not necessary for you to make fun of him. Kahit na mahirap lang si Luke ay hindi niya gagawin iyon." Matagal na siyang kinukulit ng kanyang ina na itigil niya na ang pakikipagkaibigan kina Luke dahil hindi naman daw siya matutulungan ng mga ito balang araw kapag nangailangan siya ng pinansyal na tulong sa kanila. Baka nga siya pa raw ang hingan lagi ng tulong ng mga ito. "I'm not making fun of him. Nagsasabi lang ako ng totoo. Sinabi ko naman sa'yo 'di ba na 'wag mo na silang imbitahan? Especially this guy dahil wala ka namang mapapala sa lalaking ito." sumbat ng ina ni Jacob. "It's not surprising that his girlfriend left him. Tama lang ang ginawang iyon ni Veronica." nakaismid at may pangungutyang wika pa nito. Biglang lumamig ang ekspresyon ng mukha ni Luke dahil sa sinabing iyon ng ina ni Jacob. Marahil ay si Katarina ang nagkwento ng hiwalayan nila ni Veronica rito dahil sa magkaibigan ang mga ito. "Ma, please stop
Magbasa pa
Chapter 53 - Redheaded Girl
Nagulat silang lahat sa ginawang iyon ng babae. Hindi ito nakasuot ng eleganteng kasuotang pambabae kung hindi ay nakasuot lamang ito ng kulay itim na halter tank top na pinaparesan ng denim jeans. Bagay na bagay iyon sa maputi nitong kutis kaya nagmumukha itong koreana. Nakasuot din ito ng kulay navy blue na beanie na bumabagay naman sa kulay pula nitong buhok.Namumukhaan ni Luke ang babae pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Ang ipinagtataka niya ay bakit siya kilala nito."W-what do you think you're doing? Bitawan mo ako! Hindi mo ba ako kilala?" galit pero may kabang sambit ni Gareth.Nginisian lang siya ng babae. "Kanina pa ako naririndi sa ingay mo. Daig mo pang ikaw ang may kaarawan. Gusto mo bang tabasin ko ng kutsilyo 'yang dila mo? Anong karapatan mong maliitin si Mr. Cruise?"Ilang beses napalunok si Gareth dahil sa takot. Medyo malakas din ang pwersang inilalaan ng babae upang hatakin ang kwelyo ng kanyang damit. Pakiramdam niya ay mapupunit na iyon. Babae b
Magbasa pa
Chapter 54 - Luke Is Also A Gang Member
"Mr. Gareth! What on earth are you doing?" mabilis na tinulungan nitong tumayo si Gareth pagkatapos ay magkasalubong ang kilay na tiningnan si Jacob. "Anong kaguluhan 'to Jacob? Bakit hinahayaan mo lang na mangyari ito kay Mr. Gareth?" galit na tanong nito. "It's fine, Ma. Humihingi lang siya ng kapatawaran sa kanyang mga nasabi kina Luke." sambit ni Jacob. Mas kampante na siya ngayon magsalita dahil sa pagiging miyembro ni Luke ng BPG. Idagdag pang nandito rin ngayon si Alona na isang high-ranking official ng gang at mukhang tinutulungan nito si Luke. "W-what? Bakit naman gagawin iyon ni Mr. Gareth?" pasinghal na tanong ni Marian. "Bakit, akala niyo ba ay isang mabuting tao ang lalaking 'yan? Haven't you heard him ridiculed or mocked someone before? Isa ba siyang santo sa inyong paningin?" tanong naman ni Alona. Nakahalukipkip ang mga kamay nito sa kanyang dibdib. Ang nakasimangot na mukha ni Marian ay mas sumimangot pa. Sino ang babaeng ito? Bakit ganito ito makipag-usap sa kany
Magbasa pa
Chapter 55 - Scharzhofberger Riesling
Simula nang malaman ng mga bisita ni Jacob na miyembro ng BPG sina Luke at Alona ay sila itong sentro ng atensyon sa pagdiriwang na iyon. Maging si Marian ay halos sila ni Luke ang pinagsisilbihan nito na para bang sila itong may kaarawan.Hindi maiwasan ni Alona na mairita. Nawalan na rin siya ng ganang tapusin pa ang pagdiriwang na iyon. Hindi rin naman niya kilala si Jacob. Sumama lang naman siya kay Sebastian dahil sa pagkabagot.Nakita ni Luke na lumabas ng dining room si Alona kaya sinundan niya ito."Saan ka pupunta?" tanong ni Luke nang maabutan niya itong papalabas ng pintuan ng bahay. Nilingon ito ni Alona."Mr. Cruise..."Magalang munang binati ni Alona si Luke bago tinugon ang tanong nito."Pupunta ako sa camp." maiksing tugon nito."Pero hindi pa tapos ang pagdiriwang. Bakit nagmamadali ka? May problema ba sa gang niyo?"Umiling-iling si Alona. "Wala naman."Mahinang natawa lang si Luke na ikinataka ni Alona kaya napakunot ang noo nito. Anong nakakatawa?Nagpatiunang magl
Magbasa pa
Chapter 56 - Blazing Phoenix Camp
Magkatabing nakaupo si Luke at Alona sa likuran ng taxi. Nakatanaw lang sa labas ng bintana si Luke habang si Alona ay nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan habang nakapikit ang mata at nakahalukipkip ang mga kamay.Naputol lang ang katahimikang iyon nang magsalita si Alona. "Can I ask you a question, Mr. Cruise?"Napakunot ang noo ni Luke at nilingon niya ito. "Ano yun?"Idinilat ni Alona ang kanyang mata at saglit na pinagmasdan si Luke. "Ikaw ba ang tunay leader ng White Dragon Knights?"Halos maubo si Luke sa naging tanong na iyon ni Alona. Hindi agad siya nakatugon sa halip ay tiningnan niya lang ito sa mata.Hula lang ba nito ang kanyang itinanong o talagang alam na ni Alona ang tungkol doon? Pero paano?Napasinghap si Luke. "Oo. Nakakagulat lang na nalaman mo ang tungkol dun. May nagsabi ba sa'yo?" tanong ni Luke.Naningkit lang ang mata ni Alona. Binabasa niya ang ekspresyon ng mukha ni Luke. Simula nang makila
Magbasa pa
Chapter 57 - Unexpected Fighting Skill
Mabilis na kumawala si Alona sa pagkakahawak ni Larry. Sinubukan niya ulit itong atakihin ng isang paikot na sipa pero ganun din ang nangyari. Napatango-tango si Luke. Nakumbinsi siyang mas mahusay nga si Larry kaysa kay Alona. Kumpara sa mga tauhan ni Douglas na ginulpi niya sa Paraisong Tunay Bar ay higit na mahusay si Alona sa kanila at hindi niya akalaing may mas higit pang mahusay kaysa kay Alona. "Ayoko sanang bumugbog ng babae, lalo pa't kabilang sa top 7 high rank officials. Pero magpasensyahan nalang tayo, kailangan kong ipaghiganti ang kapatid ko. Hindi ako mapalagay kapag nakikita kang pagala-gala habang ang kapatid ko ay nakaratay sa ospital." sambit ni Larry. Hindi nito binitawan ang paa ni Alona. Masamang tiningnan ni Alona si Larry na pilit kumakawala sa pagkakahawak nito. "You asshole! Nararapat lang yun sa kanya! Kung walang umawat sa'kin ay malamang na diretso na sa morge ang kapatid mo!" pasigaw na sambit ni Alona. Pumait ang itsura ni Larry dahil sa sinabi ni Al
Magbasa pa
Chapter 58 - Luke Is Too Strong
Naunang umatake si Luke. Dahil sa kanyang bilis ay hindi agad nakakilos si Larry na sinalo lang ang kanyang suntok at tumama iyon sa dibdib nito kaya napaatras ito.Saglit itong natigilan. "A-ang liksi niya..." hindi makapaniwalang sambit nito. Masyado niyang minaliit ang kakayahan ni Luke kaya hindi niya napaghandaan ang pag-atakeng iyon.Agad na bumawi ito ng postura at galit na sinugod si Luke. Lumundag ito at habang nakasuspende sa ere ay bumwelo ito ng isang solid na suntok na handang ipatama sa mukha ni Luke. Napakabilis ng ginawa niyang iyon kaya nakasisiguro siyang mapupuruhan niya si Luke.Pero hindi niya inaasahan na sasalubungin lang iyon ni Luke ng simpleng back kick na may malakas na pwersa kaya tumilapon ito nang limang metrong layo mula sa kinatatayuan ni Luke.Napaawang ang bibig ni Alona. Ni hindi man lang bumwelo si Luke upang tumilapon nang ganun kalayo si Larry. Nakatayo lang si Luke at partidang nasa likuran pa ang mga kamay nito.Imposible! Paano niya nagawa iyon
Magbasa pa
Chapter 59 - Visiting The Dogs
"Why are you here Mr. Cruise? I thought you were doing some business with Malcov? Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sainyo. I know it's kinda rude..."Tumigil sa pagsasalita si Alona nang mapagtantong nakatingin lang sa kanya si Luke. Hindi niya alam pero nagsimula na naman siyang makaramdam ng hiya kaya mabilis siyang tumalikod. May problema ba sa kanyang itsura?"Tara. Mag-ensayo muna tayo. Maaga pa naman." wika ni Luke. "May spare gloves ka pa ba diyan?" tanong nito.Hindi tumugon si Alona sa halip ay binuksan niya ulit ang kanyang locker at kinuha ang pares ng boxing gloves."Here." Inihagis niya iyon kay Luke."Tawagin mo nalang ako sa pangalan ko. Naririndi na ako sa Mr. Cruise." sambit ni Luke habang isinusuot ang gloves."O-okay." maiksing tugon lang ni Alona.Pumasok sila sa loob ng boxing ring at nagsimulang mag-ensayo. Dumipensa lang si Luke habang si Alona naman ay umaatake."Totoo nga ang sinabi ni Larry, napakahina ng suntok mo."Saglit na huminto si Alona at nama
Magbasa pa
Chapter 60 - Truth About Forced Marriage
Tulad ng iniutos ni Luke ay dinala ng mga tauhan ni Malcov si Theodore sa isang maliit na kubo upang masinsinan niya itong makausap. Nananatiling tahimik si Theodore na magpahanggang ngayon ay tulala pa rin."Mr. Velasquez," pagtawag ni Luke rito. Saka lang ito nagbalik sa realidad."M-Mr. Cruise..." Agad na nagkaroon ng sigla ang mata ni Theodore nang makita si Luke. "Mr. Cruise patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa'yo kagabi. Alam kong naniniwala kang nagawa ko lang lahat ng iyon dahil sa kagustuhan ni Richard."Pinagmasdan lang ni Luke si Theodore na may blangkong ekspresyon sa mukha. Hindi ba't ginawa niya iyon sa kagustuhang mas mapalapit sa pamilya Gregory?"Nauunawaan ko." sambit ni Luke. "Pero hindi ba't sinubukan ko nang pakiusapan si Malcov kagabi?"Laglag ang balikat na napatitig lang si Theodore kay Luke. Nararamdaman niyang nagsisinungaling lang si Luke. Napakagalang nina Malcov dito kaya kahit itago man ni Luke ang katotohanan ay kayang-kaya nito silang pasunurin. Isang u
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status