All Chapters of A Trillionaire in Disguise: Chapter 61 - Chapter 70
72 Chapters
Chapter 61 - A Job For Alona
"I-is that all, Mr. Cruise?" may kabang tanong ni Theodore.Hindi tumugon si Luke sa halip ay binigyan niya lang ito ng malamig na tingin."I-I'll do it, I'll do it. Salamat Mr. Cruise."Nakahinga nang maluwag si Theodore. Ang akala niya ay pipwersahin siya ni Luke na umamin mismo kay Javier. Siguradong malaking kahihiyan iyon sa kanya at sa kanyang pamilya.Tinawag ni Luke si Malcov at inutusang ihatid si Theodore pauwi sa kanila."What about the other dog, Mr. Cruise." tanong ni Malcov.Tinanaw nila ang sigaw nang sigaw na si Richard dahil sa nakita nito ang nakangiting si Theodore na sumakay ng kotse ni Malcov. Marahil ay nahulaan nitong pinapalaya na si Theodore ng gang."Hayaan mo lang siyang tumahol nang tumahol sa kanyang kulungan. May plano pa akong gawin sa kanya." seryosong tugon ni Luke.Nang makaalis na sina Malcov ay saktong dating naman ni Alona. Mas babaeng-babae ito tingnan sa suot nitong pinaghalong puti at itim na raglan sleeve na pinaparesan ng kulay itim na miniski
Read more
Chapter 62 - Confrontation With Richard
"W-who are you exactly? Why everyone here is respecting you so much? Miyembro ka rin ba ng gang na ito?" tanong ni Richard kay Luke. Desperado itong malaman ang katotohanan. Hindi niya maunawaan nang husto kung bakit nang dahil lang sa mahusay si Luke sa pakikipaglaban at iniligtas nito ang buhay ni Malcov ay nakakatamasa ito ng ganito kataas na respeto mula sa iba't-ibang kilalang personalidad tulad na lamang ni Natalia at Dwayne. Hindi lang yun, nang marinig ni Noah ang pangalan ni Luke ay mabilis na nagbago ang pananalita nito na para bang bigla itong natakot kay Luke. Kaya ang hinuha ni Richard ay hindi lang basta iniligtas ni Luke ang buhay ni Malcov. Malamang ay miyembro din si Luke ng gang. "Sino ba talaga ako?" pag-uulit ni Luke sa tanong ni Richard. Seryoso ang mukhang pinagmasdan niya ito. Naupo muna siya at ilang segundong pinagmasdan si Richard bago sagutin ang tanong nito. "May tanong muna ako sa'yo. May ideya ka ba kung bakit ka nagawang bugbugin ni Reynold?" Napati
Read more
Chapter 63 - I'm Really Sorry Luke
Habang sakay ng taxi pabalik sa kanilang dormitoryo, nabalot ng malalim na pag-iisip si Luke dahil sa mga nalaman mula kay Dwayne patungkol sa paghihiwalay nila ni Veronica. Ang buong akala ni Luke ay mas pinili ni Veronica si Richard dahil sa yaman nito. Hindi niya akalain na lahat ng iyon ay pwersahan lang palang ginawa ni Richard. Nalaman niyang kaya nagawang makipaghiwalay ni Veronica sa kanya ay dahil sa presyon ng mga magulang nito. Tinakot ni Richard sina Katarina upang kumbinsihin ng mga ito si Veronica na sagutin si Richard. Dala na rin ng pinagsama-samang emosyon, presyon sa hinaharap, at takot na baka bumagsak ang kanilang kumpanya ay napagdesisyunan ni Veronica na hiwalayan si Luke at sagutin si Richard. Dagdagan pa ng mapangkumbinsing matatamis na salita ni Richard kaya talagang naging buo ang desisyong iyon ni Veronica. Ang hindi alam ni Veronica na lahat ng iyon ay pakulo lang ni Richard. Ganda lang ni Veronica ang habol ni Richard, hindi dahil gusto o mahal siya nito
Read more
Chapter 64 - Moving On
Kotse iyon ni Joey. Bumaba ito at ubod ang ngiting lumapit kay Luke pero nawala rin agad iyon nang mapagtanto ang malungkot na mukha ni Luke."Mr. Cruise, I came here to pick you up. Pasensya na kung pinaghintay ko kayo."Nginitian lang ito ni Luke. Pilit na itinatago ang kanyang emosyon. "Ayos lang. Kakalabas ko lang rin naman para maghintay ng taxi."Hindi inaasahan ni Luke na susunduin siya ni Joey kaya napakamot nalang siya sa kanyang ulo. Paniguradong pagtitinginan sila ng mga estudyante roon.Tinulungan siya nitong mailagay ang mga gamit niya sa loob ng sasakyan. Lahat ng estudyanteng nasa may entrance ng gate ay napanganga dahil sa kanilang nasasaksihan."W-why Mr. Joey Alanis is here? A-at bakit niya tinutulungan si Luke?" gulat na tanong ng isa sa nakikiusisa. Pare-parehas na iyon ang katanungan nila sa kanilang isip.Pinagmasdan nila kung paano magalang na kausapin ni Joey si Luke at kung paano isakay nito ang mga gamit ni Luke sa kotse. Maging ang pagbukas ng pinto ni Joey
Read more
Chapter 65 - Luke Meets Jackielyn
Dahil sa ayaw ni Luke na makakuha ng anumang atensyon ay napag-isipan niya nalang mag-taxi papuntang La Fernanandia University. Siguradong katulad ng nangyari kanina ay baka pagkaguluhan ng mga estudyante ang pagpunta ni Joey. Pagkatapos siyang makausap ng isa sa school counselor ay tinulungan siya nitong mahanapan ng dormitoryo. Ilang minuto lang ay nakahanap din sila ng pwede pang matuluyan. Agad na inayos niya ang kanyang mga dala-dalang gamit. Inihiga ni Luke ang kanyang sarili sa manipis na kama pagkatapos. Katulad ng dormitoryo nila sa La Berania ay pang-apatan din ang kwartong iyon. Tiningnan niya ang kabilang kama na may mga nakapatong na gamit. May nauna na sa kanyang dalawa sa kwartong iyon kaya sila ang makakasama ni Luke hanggang sa matapos ang buong semestre maliban nalang kung may darating pang isa. Nagpakawala siya ng mababaw na buntong hininga. Namimiss niya kaagad sina Tony. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam sa kanila bago pumunta rito. Dahil sa ala una pa ang u
Read more
Chapter 66 - Arrogant High Ranking Official
"Get her." utos ni Cleo sa mga tauhan nito. Agad namang pinalibutan ng mga gang members sina Luke at Jackielyn.Dahil sa malapit sila sa may lawn tennis court ay may mangilan-ngilang estudyanteng naroon. Natigil pa ang ilan sa paglalaro nang makita ang grupo ng BPG."B-Blazing Phoenix Gang!" bulalas ng isang estudyante.Lahat ng estudyanteng naroon ay kilala sila kaya wala ni isa man sa kanila ang nangahas na magsumbong sa mga opisyales ng unibersidad. Wala rin namang punto kahit gawin nila iyon. Ultimo ang presidente ng paaralan ay walang magagawa upang pigilan ang mga ito. Hindi nila sila mapapaalis nang basta-basta kahit na naisin man nila.Napahigpit ang kapit ni Jackielyn sa manggas ng damit ni Luke. Kinakabahan siya nang husto hindi lang para sa kaligtasan niya kung hindi ay pati na rin kay Luke. Ginulpi lang naman ni Luke ang isa sa miyembro ng gang kaya paniguradong hindi nila papalampasin ang ginawa niyang iyon at malamang ay dalhin din si Luke ng mga ito."T-tumakas ka na. A
Read more
Chapter 67 - Krav Maga
Sa hudyat ni Cleo ay nagsimulang palibutan si Luke ng mga gang members. Lahat sila ay may nakalolokong ngisi sa kani-kanilang mukha. Pero agad na naglaho ang mga iyon nang pumorma si Luke ng Muay Thai fighting stance. Nagkatinginan sila sa isa't-isa. Pati si Cleo ay napataas pa ang isang kilay sa ginawa ni Luke. Marunong ang lalaking ito ng Muay Thai?Nagsimulang mag-aral si Luke ng martial arts sa edad na pitong taong gulang. Dahil likas na mahusay at talentado si Luke ay mabilis siyang natuto. Sa loob lamang ng ilang taon ay ilang top masters na ang kanyang naging guro na nagmula pa sa iba't-ibang panig ng mundo.Kabilang na sa kanyang naging guro ay si Virote. Isang kilalang Thai top master sa larangan ng martial arts. Ang kanyang istilo sa pakikipaglaban ay tinatawag na Muay Thai. Tawag ito sa martial arts na nagmula sa Thailand.May iba't-ibang pamamaraan ng pagsasanay ang bawat martial arts. Ang training ni Luke sa Muay Thai ay hindi naging madali para sa kanya. Kasama sa pagsas
Read more
Chapter 68 - Side-Jump Technique
Mula Muay Thai fighting stance ay naging Wing Chun fighting stance ang naging depensa ni Luke. Dahil sa pagkabigla at bilis ng ginawang pag-atake ni Cleo ay hindi agad ito nakabawi ng postura kaya sinamantala iyon Luke.Hinila niya ang kamay ni Cleo at sinipa sa may binti dahilan upang mawalan ito ng balanse. Diretsong nasubsob ito sa lupa.Muling napaawang ang mga bibig ng mga nanonood na estudyante. Pati ang ibang gang members ay hindi rin makapaniwalang nagawa ni Luke kontrahin ang atake ni Cleo. Lalo pa't si Cleo ang kinikilalang pinakamahusay na fighter ng Blazing Phoenix.Masamang tiningnan ni Cleo si Luke. Pakiramdam niya ay dinaya siya nito. Sa kabilang banda naman ay hindi niya maiwasang pagtakhan ang karunungan ni Luke hindi lang sa pakikipaglaban kung hindi ay kung paano nito kontrahin ang kanyang istilo ng martial arts.Paano nalaman ni Luke na kahinaan ng Muay Thai ang Krav Maga? At paano nito nalaman na ito ang gagamitin niyang pang-atake?Mabilis na tumayo ito at pinagp
Read more
Chapter 69 - Yes, I Like Her
"Y-you're one of them!" gulat na wika ni Jackielyn. Bachelor of Arts and Journalism ang kurso ni Jackielyn. Dahil sa ginawa ng Blazing Phoenix Gang kay Kina ay napagdesisyunan niyang gantihan sila sa pamamagitan ng pagpapakalat ng marurumi nilang gawain. Ito rin ang dahilan kung bakit siya tinangkang dukutin ng gang. "Anong ibig mong sabihin? Kilala mo si Alona?" usisa ni Luke. "Yes. She's one of the Blazing Phoenix Gang. S-she's actually a high-ranking official and I have a picture of her. Kaya ko siya namumukhaan." paliwanag ni Jackielyn. Kinalaunan ay nagbago rin agad ang ekspresyon sa mukha nito nang maalala ang sinabi ni Luke kay Cleo kanina. Napatitig siya kay Luke. "S-siya ba ang tinutukoy mong kakilala mong high-ranking official ng kanilang gang?" Tinugon lang iyon ni Luke ng ngiti. "Luke and I were friends. Kahit si Malcov ay kaibigan din ni Luke kaya wala ka na dapat ipag-alala pa. Hindi lang talaga alam ni Cleo ang patungkol sa bagay na ito. Soon he will be." sambit n
Read more
Chapter 70 - The Bullies
"I-it's you!" may galak na sambit ni Kina. Tinanggal niya ang suot niyang earphones at inilagay iyon sa kanyang bag.Nakahinga nang maluwag si Luke. Akala niya ay narinig nito ang pag-uusap nila ni Alona.Nagtatakang tiningnan ni Alona si Luke bago inilipat kay Kina ang tingin nito.'So this girl is Kina...' sambit nito sa kanyang isip. Binase niya iyon sa naging reaksyon ng mukha ni Luke nang makita ang babae."I really wanted to meet you personally. Pagkatapos nang nangyari sa mansyon ni lolo ay hinanap kita pero hindi na kita nakita. I didn't expect to meet you here." nakangiting sambit nito.Kahit mismo si Alona ay namangha sa ganda ng ngiti nito. Pinagmasdan niya si Kina mula ulo hanggang paa pagkatapos ay napatango-tango. Nakasuot lang ito ng plain white shirt na naka tucked-in sa suot nitong skinny jeans. Pero ang lakas pa rin ng dating nito. Para itong dyosa sa ganda. Walang duda kaya ito nagustuhan ni Luke.Lumapit si Kina sa kinatatayuan ni Luke at inalukan ng pakikipagkamay
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status