All Chapters of You're Gonna Miss Me When I'm Gone: Chapter 301 - Chapter 310
358 Chapters
Kabanata 301 Lumambing ka na
Tumayo si Calista. Hindi siya naglakas loob na itulak ang kamay ni Lucian. Nag-aalala siyang baka mahulog ang maluwag na tuwalya na ibinalot nito sa kanyang baywang sa sandaling magpumiglas siya palayo sa kanya. Siya ay 25 na anyos lamang, at ang huling bagay na kanyang hinahangad ay ang hubad na katawan ng isang lalaki.Mas matangkad si Lucian kaysa sa kanya. Sa sobrang dikit na posisyon nila ngayon, nang ibaba niya ang ulo niya, tumulo ang tubig sa baba niya. Mayo na pala. Wala siyang masyadong suot na damit, at ramdam niya ang basang damit na nakadikit sa kanyang katawan. Kina-ayawan ni Calista ang pakiramdam na ito.Sabi niya nang may panunuya "Sinabi ni David na mamamatay ka na at hindi siya makakapunta ngayon, kaya ako yung pumunta. Baka sakaling mamatay ka mag-isa sa bahay."Naisip niya ang kasambahay na umalis at sinabing may pang-aalipusta, "Namumuhay ka sa isang nakakatakot na lugar na mag-isa, tulad ng isang nag-iisang multo. Kung may nangyari sa iyo, walang makakaala
Read more
Kabanata 302 Nabubully
Dinala ni Lucian si Calista sa couch."Umupo ka. Gagamutin ko ang sugat mo." Natigilan si Calista. Ang hindi niya inaasahan ay pinilit siya nito dito para lang gamutin ang sugat niya. Nang iangat niya ang kanyang ulo, sinalubong niya ang maitim nitong mga mata, na puno ng bakas ng saya."Alam mo naman na hindi ako tinitigasan. So anong magagawa ko sayo?" Nakaluhod si Lucian gamit ang sang paa habang inilalabas niya ang isang mini first-aid kit mula sa drawer sa tabi niya.  "May naka-away ka ba?" tanong niya habang pinupunasan ang sugat gamit ang cotton swab na nilagyan ng gamot. Hindi itinuring ni Calista ang kanyang sarili na napa-away. Nasaktan man siya, dahil din sa napahiya ang taong umaway sa kanyang tagumpay.Kahit napatumba man ito ni Thomas, o mapaghinalaan sa harap ng napakaraming tao, wala siyang anumang reaksyon.  Pero ngayon nang tanungin siya ni Lucian, bigla siyang napabuntong-hininga, hindi mapigil ang tibok ng puso niya. Nakatuon ang tingin niya sa mabibiga
Read more
Kabanata 303 Hindi Siya Makakatakas
tanong ni Lucian ng mahina dahil kakagising lang.Nagulat si Calista sa boses niya. Nang makabawi siya, lumingon siya at inilibot ang tingin sa buong silid. Pamilyar sa kanya ang loob ng silid.Umupo siya at mabilis na sinulyapan ang damit niya. Nakasuot pa rin siya ng parehong damit tulad ng kahapon. Medyo kulubot lang ito mula sa isang gabing pagtulog."Paano ko—"Natigil ang sinabi ni Calista nang malabo niyang maalala ang pagkakatulog niya sa sopa kahapon.  "Anong oras na ngayon?" Itinaas niya ang mga kumot at saka bumaba sa kama. "Bakit hindi mo ako ginising?" "Ginising kita.”Napahinto si Calista habang bumababa sa kama. Tinapunan niya ito ng isang kahina-hinalang tingin. Umayos din ng upo si Lucian, tumambad sa itaas ang kanyang pang-itaas na katawan na seksi at maganda ang pangangatawan."Hindi ka man lang nagising sa kabila ng pagbubuhat ko sa'yo mula sa sopa hanggang sa kama. Hindi ba’t parang ginising na rin kita non matapos kong subukan na gisingin ka pa?"  Kinu
Read more
Kabanata 304 Kailangan Mo Bang Kausapin ang Siraulo na iyon?
Ngumisi si Calista."Hindi ko sinabi na pakakawalan na kita. Ipinapaalala ko lang sa’yo kung anong krimen ang ginawa mo."  Nagdilim ang ekspresyon niya."Nai-report ko na ang isyung ito sa pulis. Maghintay ka ng pulis na arestuhin ka. Karapat-dapat lang na harapin mo ang mga kahihinatnan na mangyayari sa’yo dahil wala ka namang awa sa akin noong inilantad mo ang insidenteng iyon sa publiko." Hindi ba niya alam kung anong parusa ang haharapin niya kung hindi niya maipaliwanag nang malinaw ang sarili? Alam niya. Sinadya lang niyang magmalinis.  Hindi mahalaga kung gaano kalakas ang paglayo sa imoralidad. Kung hindi siya isang kakila-kilabot na tao, dapat ay tinanong niya ito nang maaga at sinisiyasat ang bagay bago ito ipahayag sa publiko.  Si Calista ay hindi gaanong mapagpatawad. Hindi niya ipagtatanggol ang taong may balak na saktan siya.  Sa sandaling ito lamang nagsimulang mag-panic si Thomas. Ngunit habang ipinapahayag niya ang kanyang takot sa galit, nawala ang kanyang
Read more
Kabanata 305 Iiwan Kitang Mag-isa
Si Vivian ang tumawag. At ang pangalan niya na naka-save sa phone ni Calista ay nagpahiwatig ng kanilang malapit na relasyon. Bahagyang ipinikit ni Lucian ang kanyang mga mata nang makita ang caller ID, 'Vivi' na kumikislap sa screen ng telepono.Hindi nakayanan ni Calista ang matinding titig niya. Sa sandaling balak niyang tumalikod at sagutin ang tawag, hinawakan siya nito bago pa niya magawa iyon.Nanatili siyang tahimik, ngunit ang kanyang mga aksyon ay sumisigaw, "Sagutin mo ang tawag dito.""Kamusta?"Si Vivian ay tila nag-aalala mula sa kabilang dulo ng tawag."Calista, nabalitaan ko na may naka-away ka sa musuem kahapon, totoo ba ito? May sakit ba si Thomas Jefferson? Bakit ka niya ginugulo na parang baliw? Kahit nasira ang restoration, dapat kinausap ka niya ng personal muna."Dahil sa kadalasang pagiging introvert ni Calista, mahuhulog na sana siya sa tila taos-pusong mga salita ni Vivian kung hindi niya ito inimbestigahan noon pa.  Ang mga tao ay may posibilidad na m
Read more
Kabanata 306 Ayusin Mo Ang Iyong Bra
Umiling pa si Yara. Ngunit ngayon ay sa wakas ay nabawi niya ang kanyang katinuan."Wala lang. Sadyang hindi lang maganda ang negosyo nitong mga nagdaang araw, at sobrang tagal ko nag tatrabaho. Nag-o-overthink lang ako kanina."Tumingin siya kay Calista at pumikit."Ikaw naman. Blooming at sobrang ganda mo ngayong umaga. Kakabangon mo lang ba sa higaan ng hottie?"Pinapatawa lamang ni Yara si Calista, parang gawain lang nila noon. Akala niya ay titig na titig si Calista sa kanya.Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, tumango si Calista, at sinabi pa ang pangalan na ikinagulat niya, "Si Lucian.""Nagkabalikan ba kayo?"Nanlaki ang mata ni Yara sa gulat."Hindi, hindi kami."Oo naman. Ito ay parang mas nakakagulat kaysa sa kanilang muling pagsasama."So ano kayo ngayon? Friends with benefits? O one-night stand lang?" Sumagi sa isip ni Yara ang hitsura ni Lucian. "Hindi ka masyadong nakikinabang sa isang one-night stand. Bagama't hindi siya loyal na lalaki, top-tier ang hitsu
Read more
Kabanata 307 Ang aming Kasal ay sa Pagtatapos ng Taon
Ito ay isang banta at babala. Pagkasabi ni Vivian ay tinakpan niya ang bibig niya ng bongga."Ay, tignan mo ako. Hindi ko na pala dapat binanggit pa ‘yon. Dahil hiwalay na kayo ni Lucian, edi ngayon wala na ang mata natin sa iisang lalaki, di ba?"Saglit na natigilan si Calista nang marinig ang pangalan nito na binabanggit ng masinsinan ng ibang babae. Hindi siya nakasagot agad.Napakaromantiko ni Vivian, katulad ng isang inosenteng babae na nagkaka-gusto sa isang tao."Dahil pinag-uusapan na natin siya, medyo may koneksyon din ako kay Lucian. Ngayon ko lang nalaman na nag-aral pala siya sa school namin apat na taon na ang nakalipas. At sikat na sikat siya sa school namin. Sayang lang at sick leave ako sa bahay ng isang buong taon. Aw, kung alam kong magkikita kami ngayon, sana sinundan ko na siya ng mga oras na iyon para hindi masayang ang apat na taon.""May girlfriend siya nung panahon na ‘yon. Kung nanalo ka sa puso niya, hindi nasayang ang oras, pero makikilala ka bilang ka
Read more
Kabanata 308 Lumipat ka kasama ko
Pagdating ni Vivian sa Northwood Corporation, lumabas siya ng elevator. Bago pa siya makapunta sa opisina ni Lucian, hinarang siya ni David."Ms. Jacquez, ihahatid na kita sa meeting room."Hindi siya nasisiyahan dito."May bisita ba si Mr. Northwood ngayon?"Ilang beses na niyang binisita ang Northwood Corporation. Ngunit maliban sa unang pagkakataon nang sumama siya sa kanyang ama, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapasok sa opisina nito.Palagi siyang sinasama sa meeting room. Ang silid ng pagpupulong ay may mga transparent na salamin na dingding, na hindi nag-iiwan ng puwang para sa privacy. Ito ay isang halos bukas na espasyo kung saan malinaw na makikita ang lahat.Mahihirapan siyang lumikha ng intimate atmosphere sa pagitan nila ni Lucian.  "Wala naman," sagot ni David, "ngunit si Mr. Northwood ay kadalasang nakikipagkita sa mga babaeng kliyente sa meeting room. Ito ang aming tradisyon, kaya't hinihiling ko ang iyong mabuting pang-unawa, Ms. Jacquez.""Dahil sinab
Read more
Kabanata 309 Nais Mag-ehersisyo saglit
"Hindi pwede."Tumanggi si Calista pagkatapos niyang mag-alok. Siya ay nabalisa na ang kanyang boses ay hindi sinasadyang tumaas ng ilang decibel. Diniinan ni Lucian ang medyo masakit na tenga at tumayo ng tuwid."Nakiki-usap ako sayo na lumipat sakin para mas madali kita maprotektahan. Bagama't hindi ganoon kalakas ang impluwensya ng pamilyang Jacquez sa Capeton , madali lang para sa kanila kung may gusto silang gawin sayo."Diretso ang mukha niya, " At hindi ibig sabihin na sa iisang kwarto tayo matutulog kung magkakasama tayo. Tsaka kahit matulog tayo sa iisang kwarto, hindi rin ako mahihirapan. Hindi ko kaya gawin mo ang kahit ano sa iyo sa kabila ng mga pagpupumilit ko. Kaya hindi mo na kailangang mag-alala."Tahimik lang niyang sinabi iyon tungkol sa isang bagay na may kinalaman sa ego ng isang lalaki. Hindi siya nagpakita ng kahit isang bakas ng kamalayan sa sarili o kahihiyan.Hindi sigurado si Calista kung dapat ba niya itong purihin sa katapangan nito o kung gaano siya k
Read more
Kabanata 310 Malapit na Siyang Akitin
Nagsimulang magduda si Calista sa sarili kung nasa edad na ba talaga siya kung saan siya nagsimulang maging desperado. Kung hindi, paano masisira ang kanyang mga iniisip sa isang iglap? Sa pag-aalala na baka maramdaman ni Lucian ang kanyang pangit na pag-iisip, dali-dali niyang ibinaba ang kanyang ulo."Hindi na kailangan, matutulog na ako."Pinikit ni Lucian ang mga mata habang nagmamadaling umakyat sa itaas. Hinigpitan niya ang kanyang mga labi habang ang pananabik na pagnanasa ay umusbong sa kanyang kalooban. Ayaw niyang gulatin si Calista.Bumalik siya sa kanyang kwarto at naligo. Medyo natagalan siya, dahil nananatili pa rin sa kama sa kwarto ang presensya ni Calista mula noong nakaraang gabi.Humiga siya at pumikit. Kagabi, nakatulog siya sa ganoong posisyon at mabilis siyang nakatulog ng mahimbing. Pero ngayon, hindi siya makatulog ng maayos.Ang parehong amoy na bumabalot sa kanya kagabi ay ngayon ay marahang humihila sa kanyang mga iniisip. Hindi lang siya nahirapang ma
Read more
PREV
1
...
2930313233
...
36
DMCA.com Protection Status