All Chapters of The CEO got me pregnant : Chapter 81 - Chapter 90
238 Chapters
Chapter 81
Kahit nagtataka ay sumama pa ‘rin si Luna sa lalaki. Nagtatanong siya dito ngunit ang sinasabi lang naman ni Sebastian sa kaniya ay malalaman niya ‘rin kapag naroroon na sila.Matapos ang kanilang byahe ay nakarating sila sa isang kakaibang bahay. Malaki ito, akala niya ay isang normal na bahay lang iyon ngunit ng pumasok sila sa loob ay mayroon pa silang pinasukan na tila isang sekretong daan.“Saan tayo pupunta, Sebastian? Safe ba dito?” kinakabahang tanong ni Luna.Dahil nga sa nangyaring pagdukot sa kaniya ay natakot na siya sa mga lugar na hindi naman niya kilala.“Don’t worry, safe dito.”Walang nagawa si Luna kundi ang kumapit nalamang sa may dulo ng damit ni Sebastia. Napansin iyon ng lalaki kung kaya napangiti ito ng maliit at kinuha ang kamay ni Luna.Hindi na ito pinansin ni Luna dahil natatakot siya. Tanging dim light lamang ang meron sa paligid at masikip ang daan. Hagdan ito papunta sa baba at pakiramdam niya ay walang katapusan ang pagbaba nila sa hagdan na iyon.Ilang
Read more
Chapter 82
PARANG tumigil ang mundo ni Luna ng makarating sila sa pinagdalhan sa kanila ni Luke ngunit wala na doon ngayon ang lalaki at anak niya. Nakatayo lamang siya sa may pintuan dahil napako siya doon habang nililibot nila Sebastian ang kabuuan ng bahay. “Luna, hey! Makikita natin si Celine.” Sabi ni Sebastian habang hinihingal ng lumapit ito sa kaniya. “Ian wala na sila dito!” sabi ni Vince na nililibot ang paligid kasama si Rocky. “K-kasalanan ko ‘to…” at doon na umiyak si Luna at napaupo sa sahig. “Luna!” Alalang tawag ni Vince at Rocky dito ngunit inalalayan naman ito ni Sebastian. “Hush… wala kang kasalanan okay? Kung mayroon mang dapat sisihin ay si Luke ‘yon. Mapapatvy ko talaga siya!” Sabi nito habang yakap si Luna. “H-hanapin natin si Celine, Sebastian. ‘Wag nating hayaang mapahamak ang anak ko please!” Sunod-sunod na tumango si Sebastian kay Luna at pinahirana ng luha nito. Habang umiiyak si Luna at pinapakalma ay mayroong tumawag kay Vince kung kaya agad niya itong sina
Read more
Chapter 83
NAPALINGON si Caroline at Vince ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Luna at Sebastian.“Luna,” banggit ni Rocky at naglakad ang dalawa papasok doon.“Rocky, sa labas muna tayo.” Bilang sabi ni Sebastian na ikinatingin ni Vince kay Luna at Caroline.Kita niya na magkatitigan si Caroline at Luna kung kaya napabuntong hininga siya at naglakad nalamang papunta sa labas.“Are you sure they are okay?”Tanong ni Vince kay Sebastian na ikinatango nito.“Trust me, alam ni Luna ang ginagawa niya.”Walang nagawa si Rocky kundi ang sundin si Sebastian at lumabas na ng pinto.Naiwan na tahimik si Caroline at Luna ngunit nakatitig lamang silang dalawa sa isa’t-isa.Hindi akalain ni Caroline na magkikita silang dalawa ni Luna. Mas lalo namang hindi inaasahan ni Luna na si Caroline pa ang tutulong kila Sebastian. Siguro kung hindi nauna si Luke sa pagkuha sa kanila ni Celine ay malamang na si Sebastian ang makakapag ligtas sa kanila.Mas okay pa nga sana ‘yun e. Ang kaso lang ay hindi na
Read more
Chapter 84
“P-PATAWARIN niyo po ako. Hindi ko kayo nailigtas ni Celine pagkatapos napatakas ko pa si Vivian.” Dahil sa sinabi ni Caroline ay agad na humiwalay si Luna sa yakapan nila at umiling. “Wala kang kasalanan Caroline. Kung tutuusin ay ako ang may kasalanan dahil hindi ako nakinig sayo.” “Naiintindihan ko po, kung bakit dika naniwala saakin. Wala na po saakin ‘yun Ms.Luna kaya ‘wag niyo po sana sisihin ang sarili niyo.” Napangiti si Luna dahil doon at pinahid ang luha ni Caroline. “Then ilaw din, wag mo ng sisihin ang sarili mo okay? Ang mahalaga ay mahanap na natin si Celine.” Doon nagkabating muli si Luna at Caroline. Mas pinili nilang kalimutan na ang nakalipas dahil iyon ay nakaraan na. Isa pa katulad ng sabi ni Caroline ay napilitan lang siya dahil kay Vivian at ngayon pinaniniwalaan na iyon ni Luna. Sinabi pa nga ni Luna na siya ang bahala sa ina nitong nasa ospital at hindi nito hahayaan na mapahamak. Laking tuwa naman ni Caroline sa nalaman dahil hindi na mapapahamak ang kani
Read more
Chapter 85
“ANONG ibig mong sabihin na nakatakas?!” galit na sabi ni Vivian ng dumating si Luke sa kanilang tinutuluyan at hindi nito kasama si Celine. “Nakatakas o sinadya mo na makatakas?! Alam mo kasalanan mo lahat ng ‘to Luke e! Kung sana hinayaan mo ako na itali ang bata na ‘yun hindi sana siya nakaalis dito!” Hindi nagustuhan ni Luke ang sinabi sa kaniya ng babae at hindi napigilan ang sarili na sakalin ang leeg nito. “Kanina pa ako nagtitimpi sa’yo!” madiin na sabi nito na ikinagulat ng mga tauhan nila. Maging si Vivian ay nanlalaki ang mata habang hawak ang magkabilang kamay ni Luke na nasa leeg niya. “N-nahihirapan akong huminga…” hirap niyang sabi ngunit hindi siya pinakinggan ng lalaki. “Anong akala mo ikaw lang ang may karapatan na magalit sating dalawa na kung tutuusin ay ako ang nagplano ng lahat ng ‘to! Ako ang dahilan kung bakit mo nahuthutan ang pamilya ni Luna! Nang dahil saakin ‘yun nag-utos ka lang kay Caroline! Kung wala ako ay wala ka ‘rin dito!” Pagkasabi ni Luke niy
Read more
Chapter 86
DAHIL matagal bago bumalik si Luna sa loob ay lumabas na si Caroline para tignan ito. Napakunot ang noo niya ng makitang walang bantay sa paligid. Nakita niya si Luna na nakaupo sa may gate at ayroong kayakap. Pinalinaw pa niya ang mata niya upang makita kung sino ang kayakap nito. Nang makilala iyon ay nanglaki ang mata niya at napasigaw. “Celine!” Napalingon ang mag-ina sa sumigaw at nakita nila si Caroline n amabilis na tumatakbo sa gawi nila. “Celine!” Agad itong yumakap sa kanila na ikinatawa ng bahagya ni Luna. “P-paano ka nakarating dito?! Saan ka nanggaling ha?!” iyak na sabi nito sa anak. “M-mayroon pong nagligtas saakin.” Dahil sa sagot ni Celine ay natigilan si Luna at Caroline dahil doon. Nagkatinginan silang dalawa at agad na nagtanong si Luna. “Nagligtas sa’yo? Sino?” Nang dahil sa pagtataka ay naputol ang kanilang iyakan. Pinahid ni Luna ang luha ng anak sa pisnge at sumagot ito kaniya. “Hindi ko ‘rin po alam mommy. Naka takip kasi ang muka niya pero ang alam
Read more
Chapter 87
HINDI pa ‘rin humihinto sa pagpapahirap sina Sebastian kay Luke kahit na duguan na ito. Nawalan na nga ito ng malay at hinayaan muna nila ng limang minuto bago nagpasya si Sebastian na ipagpatuloy ang kanilang pagpapahirap.Kabubuhos lang nila ng tubig sa muka nito ng saktong dumating si Luna at Celine.“Daddy!”Dahil sa malakas na sigaw ni Celine ay pumalibot sa buong kwarto ang boses nito. Napalingon sa kaniya ang mga ito at agad na napatayo si Sebastian ng makita ang anak.“C-celine…” banggit nito sa pangalan ng anak.Hindi na napigilan ni Celine ang tuwa na makita ang ama at mabilis na tumakbo papunta dito. Kahit naguguluhan ay lumuhod si Sebastian para salubungin ang yakap nito at isang mahigpit at mainit na yakap ang kanilang pinagsaluhan.“A-anak, nandito ka na…” sunod-sunod na tumulo ang luha ni Sebastian ng mayakap ang anak.Kita iyon ni Rocky at Vince na ngayon nalang muling nakitang umiyak ang kaibigan. Alam nila na napakahalaga ni Celine at Luna sa buhay nito kaya hindi na
Read more
Chapter 88
KATULAD ng plano ni Sebastian ay hindi nila tinapos si Luke. Nang nanghihingalo na ito ay itinigil nila ang pagpapahirap at ikinulong sa isang silid. Syempre pinagamot nila ito para hindi ito tuluyang manghina at mamatvy. Matapos iyon at kulong nalang ito at hindi pinapakain ng tama.Bumalik na ‘rin sila sa kanilang bahay at doon na muling tumira. Inasikaso na ni Luna ang pag-aaral ni Celine at ililipat nila ito ng paaralan. Katulad ng plano ni Sebastian ay siya ang naghanap ng papasukan nito at iyon ay sa Moon University na siyang pinag-aaralan nila noon.Dahil nga kilala na siya sa eskwelahan na iyon ay mabilis na natanggap si Celine at sa isang araw ay papasok na ito.Si Luna naman ay bumalik na muli sa kaniyang trabaho dahil na ‘rin ang dami niyang paperworks na naiwan. Si Caroline naman ay ibinalik na ni Luna bilang secretary niya at tulad ng pangako niya dito ay ipapagpatuloy niya ang pagpapagamot sa ina nito.Sa katunayan ay pinuntahan nila ito ngayon sa ospital. May part nga k
Read more
Chapter 89
MAGKASAMA si Sebastian at Celine sa hide out dahil nag request ang anak niya na ilibot niya ito sa buong hideout. Mabilis namang pumayag ang lalaki kaya halos matatapos na nila ang paglilibot sa hideout at iisang silid nalang ang pupuntahan nila. “Here, dito namin inilalagay lahat ng makabagong armas. Mga naiimbento namin at ang armas na nakukuha namin sa kalaban,” “Nakukuha sa kalaban daddy? Why?” takang tanong ni Celine at lumapit sila sa mga armas na naroroon. “Kasi anak pinag-aaralan namin ang na-imbento nila. Sa Mafia world may kaniya-kaniyang organization at sa organization na ‘yun ay mga imbentor. Sila ang nag iimbento ng mga armas na nagagamit namin at advantage saamin kapag nalaman namin kung paano nila nagawa ‘yun para mas higitan pa ang armas nila.” Napatango si Celine dahil sa sinabi ng ama at mayroon itong kinuha na isang maliit na bilog na kung saan nagkaroon iyon ng ilaw na tila hologram. “Katulad nito. Galing ito sa ibang organization pero dahil nakuha namin, ginaw
Read more
Chapter 90
“SIGURADO ka ba na okay ka na dito anak?” nag-aalalang tanong ni Luna sa anak habang sila ay nasa parking lot ng bagong school ni Celine.Hindi na kasi ito nagpapahatid pa sa loob kung kaya nagtataka si Luna kung bakit. Isa pa iyon ang first day ni Celine sa bagong eskwelahan kaya gusto niya sana itong ihatid papasok sa loob. Katulad noon siya ang maghahatid kay Celine at susunduin niya muli sa hapon pero tingin niya maging si Sebastian ay susunduin ito.“Mommy, okay na po ako dito. Kasama naman po ako ni daddy kahapon dito kaya alam ko na po ang daan papunta sa room ko.”Napabuntong hininga si Luna dahil sa sinabi ng anak at walang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito. Kinawayan pa siya nito na ikinakaway niya pabalik sa anak bago ito tuluyang pumasok sa loob.Mayroon ng ID ang anak na ipinapakita sa guard para maka-access papasok sa loob kaya alam niyang secure ang lugar na iyon. Tinanaw pa niya ito hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya si Celine.“Lumalaki ka na talaga Cel
Read more
PREV
1
...
7891011
...
24
DMCA.com Protection Status