All Chapters of My Maid, My Love (Filipino): Chapter 11 - Chapter 20
119 Chapters
Chapter 11
SHAINAKakaalis pa lang ni Sir Jacob patungo sa opisina ng kompanya niya. Nagwawalis ako sa labas ng bahay niya habang si Manong Caloy ay abala sa pagti-trim ng mga halaman na nandoon sa garden. Matapos ko na magwalis ay lumabas ako sa gate. Doon ako nagwalis sa may gilid ng gate ng bahay ni Sir Jacob. May dalawang kasambahay doon na nag-uusap sa tapat ng bahay na nasa harapan ng bahay ni Sir Jacob. Doon siguro ang dalawang kasambahay na 'yon nagtatrabaho. Hindi ko naman silang dalawa pinapansin dahil hindi ko naman sila kilala at isa pa ay may ginagawa ako. Hindi naman ako pumunta dito sa Maynila para makipagtsismisan kagaya nila. Pumunta ako dito para magtrabaho.Mayamaya ay narinig ko na dahan-dahan silang lumapit sa akin hanggang sa makalapit na nga sila. Kaagad naman akong lumingon sa kanilang dalawa. Sa hitsura nilang dalawa ay mukhang hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Siguro ay matanda lang sila sa akin ng dalawa o tatlong taon. Nginitian ko naman silang dalawa kahit hindi
Read more
Chapter 12
SHAINA "Hindi. Hindi ko gagawin 'yon, okay? Ayaw kong ako ang magkumpirma ng bagay na 'yan mula sa kanya. Maaaring tama ka naman sa sinabi mo sa akin na baka mapagalitan pa ako kapag ginawa 'yon. Hinding-hindi ko gagawin 'yon. Mas mabuti na malaman ko 'yon sa iba kaysa sa ako pa talaga ang unang makaalam kung totoo nga 'yon," sagot ko nga sa kanilang dalawa na nakangiwi. Sabay naman silang dalawa napatango sa harapan ko."Magagalit talaga siya sa 'yo n'yan kapag ginawa mo 'yan kaya huwag na 'wag mong gagawin 'yon, Shaina," sabi naman ni Lisa sa akin. Napabuntong-hininga muli ako bago nagsalita sa kanilang dalawa."Hindi naman siguro imposible na mangyari 'yon, 'di ba?" nakangiwing sagot ko. "Hindi naman nga, eh. Sigurado kaming dalawa ni Amy na totoo talaga 'yon. Hindi 'yon basta-basta gawa-gawa lang. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Sir Jacob? Kahit saan siya pumunta ay may nagkakagusto sa kanya. Ganyan man ang ugali niya talagang may mabibiktima siya," sagot pa ni Lisa sa
Read more
Chapter 13
SHAINA"Wala naman. Wala naman akong ipag-uutos sa 'yo, Shaina," sagot nga sa akin ni Sir Jacob nang tanungin ko siya kung may ipag-uutos siya sa akin. Nagulat na lang ako sa bigla niyang pagsulpot habang naghuhugas ako ng mga pinggan. Muli kong naramdaman ang bilis ng pagtibok ng aking puso. Akala ko pa naman ay nasa kuwarto na siya ngunit hindi pala.Sinabi niya na wala naman raw siyang ipag-uutos sa akin ngunit bakit siya pumunta dito sa baba, 'di ba? Alam naman niya na may ginagawa pa ako. Nakapagtataka nga lang na wala naman pala siyang ipag-uutos ngunit nandito siya sa harapan ko. "Sigurado ka po ba, Sir Jacob? Sigurado ka po ba na wala kang ipag-uutos sa akin ngayong gabi na 'to?" paniniguradong tanong ko nga sa kanya at mabilis niya akong tinanguan."Yes, Shaina. Siguradong-sigurado ako na wala nanan akong ipag-uutos sa 'yo ngayon," sagot nga niya sa akin na nakangiti. Napakunot-noo tuloy ako. Hindi ko siya maintindihan sa sinasabi niya. "Wait lang po, Sir Jacob. Hindi po kit
Read more
Chapter 14
JACOB Nabigla ako sa biglang pagkabasag ng basong hawak-hawak kani-kanilang ni Shaina para ilagay 'yon sa may sa akin dahil nakalimutan niyang lagyan kanina. Tiningnan ko kaagad ang basong nabasag at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na ang basong 'yon ay ang basong paboritong gamitin ni mommy noong nabubuhay pa ito. Dalawa na lang 'yon kaya iniiangatan ko ang mga 'yon sapagkat ayaw ko na mawala 'yon. Every time na makikita ko 'yon ay naalala ko si mommy at pakiramdam ko ay buhay pa siya at nasa tabi ko siya. Bihira ko nga na gamitin 'yon pero hindi ko malaman kung bakit 'yon ang kinuha ni Shaina para ibigay sa akin.Uminit kaagad ang ulo ko sa nakita ko na 'yon. Napamura ako at narinig sigurado ni Shaina 'yon. Isa na lang ang natirirang baso na paboritong iniinuman ni mommy. Dalawa pa sana 'yon kung hindi nabasag ni Shaina. Mahalaga ang basong 'yon sa akin at isa pa ay ayaw ko na may nababasag na mga gamit dito sa loob ng bahay ko. Alam 'yon ng mga dating kasambahay ko. Iniang
Read more
Chapter 15
SHAINAMabilis na tumango si Manong Caloy pagkatapos ko na sabihin 'yon sa kanya. Sigurado ako na alam niya ang basong tinutukoy ko sa kanya. Seryosong nakatingin ako sa kanya "Oo. Alam ko 'yon, Shaina. Iyon pala ang nabasag mo na baso. Iniiangatan 'yon ni Sir Jacob na basong 'yon. Dalawa na lang 'yon na natitira, eh. Iyon ang paboritong baso na ginagamit ng mommy niya noong nabubuhay pa ito. Bihira nga niya na gamitin 'yon, eh," sagot sa akin ni Manong Caloy na nakanguso."Ganoon po ba? Kaya pala galit na galit siya sa akin. Hindi ko naman po sinasadya 'yon, eh," sagot ko kay Manong Caloy."Bakit ba kasi 'yon ang kinuha mong baso? Marami namang mga baso ang nandoon, 'di ba?" tanong pa niya sa akin na para bang sinisisi niya ako."Alam ko naman po 'yon na maraming baso doon kaso nga lang ay hindi ko naman po alam na hindi ko dapat kinuha 'yon, eh. Wala po akong alam na iniiangatan niya 'yon at hindi 'yon puwedeng mabasag. Hindi ko po talaga sinasadya 'yon, eh. Bigla na lang po nabita
Read more
Chapter 16
SHAINA "Hindi ko kailangan ang sorry mo, Shaina! Hindi ka ba marunong umintindi sa sinasabi ko sa 'yo, huh? Hindi ko kailangan ang sorry mo, okay? Hindi mo na mabubuo pa ang nabasag mong baso na iniiangatan ko. Wala ka nang magagawa pa kahit lumuhod ka pa sa harapan ko! Wala na! Umalis ka sa harapan ko! Nabu-buwisit ako sa 'yo!" singhal nga niya sa akin. Nagsisimula na naman siyang magalit sa akin. I took a deep breath before I speak to him again. "Alam ko po 'yon, Sir Jacob. Wala na po akong magagawa pa. Hindi na po mabubuo ng sorry ko ang nabasag ko po na baso na iniiangatan mo pero patawarin mo naman po ako sa nagawa kong 'yon. Hindi ko naman po sinasadya 'yon, eh. Pinapangako ko po sa 'yo na hindi na mauulit 'yon, Sir Jacob. Hindi na po mauulit 'yon. Tanga na po ako. Aaminin ko na po 'yon sa 'yo. Mali ko po. Kasalanan ko po 'yon. Hindi po ako nag-iingat kaya nangyayari 'yon. Hindi ko naman po sinasadya 'yon, Sir Jacob. Sana po ay intindihin mo po ang paliwanag ko sa 'yo. Sorry p
Read more
Chapter 17
SHAINA "Ano'ng ginagawa mo dito? Ba't ka kumakatok, huh? Ano'ng kailangan mo sa akin, Shaina?" salubong ang mga kilay na tanong ni Sir Jacob sa akin nang buksan niya ang pinto ng kuwarto niya. Humugot muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong niya na 'yon. "Nandito po ako para makausap ka po," malumanay na sagot ko sa kanya. Kumunot pa lalo ang kanyang noo pagkasabi ko. Sigurado ako na may ideya na siya kung bakit gusto ko siya na makausap at bakit ako kumatok sa pinto ng kuwarto niya."Makausap? Makausap saan, huh? 'Wag mong sabihin na tungkol na naman 'yon sa nangyari noong isang araw kung saan binasag mo ang basong iniiangatan ko," matigas na tugon niya sa akin.Napasighap ako. "Iyon nga po ang sadya ko, Sir Jacob. Gusto ko po na makausap ka tungkol doon," malumanay na sabi ko pa sa kanya.Napamura siya sa sinabi kong 'yon. Nakaramdam naman ako ng takot. "Hindi ka pa rin ba nagsasawa, huh? Sinabi ko na sa 'yo na hindi ko kai—" hindi ko siya pinatapos ng k
Read more
Chapter 18
SHAINA Pinatawad na nga ako ni Sir Jacob sa pagpayag ko na 'yon sa nais niya. Makikipag-sex ako sa kanya kahit ayaw kong gawin 'yon. Hindi ko pa naranasan na gawin ang bagay na 'yon. Paano ko naman mararanasan ang bagay na 'yon, eh, wala nga akong boyfriend? Wala akong naging karelasyon kahit noon pa. I never had a boyfriend before. Iyon ang totoo tungkol sa akin. "Gagawin na ba natin 'yon, Sir Jacob?" nanginginig ang boses na tanong ko kay Sir Jacob habang nakatitig sa mga mata niya. Kinakabahan muli ako. Kaybilis na naman ng tibok ng puso ko. Wala na akong magagawa pa nito. Gagawin na talaga namin 'yon kahit natatakot ako. "Bakit mo tinatanong, huh? Gusto mo na bang gawin 'yon, huh?" nakangising tanong nga niya sa akin. Napangiwi muli ako sa harapan niya."Tinatanong lang naman po kita, eh. Masama po ba na magtanong, Sir Jacob?" sagot ko sa kanya."Hindi naman, eh. Have you experienced having sex with someone before, huh?" tanong niya sa akin na kaagad ko naman na sinagot para ma
Read more
Chapter 19
SHAINA Akala ko ay hindi na matatapos ang paghalik niya sa aking mga labi. Ganoon pala ang pakiramdam ng may kahalikan. Tumutugon na rin ako sa paghalik niya. Hindi naman puwedeng wala akong gagawin. Kahit wala akong karanasan sa bagay na 'yon ay sumasabay na lang ako sa kanya. Ginagaya ko ang mga napapanood ko sa telebisyon na mga naghahalikan. Hiniga niya ako sa malambot niyang kama. Iyon ang unang beses ko na nahiga sa kama niya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko na para bang hinahabol ako ng mga kabayo sa bilis. Nagkatitigan kaming dalawa ni Sir Jacob."Malalim na ang gabi, Shaina," mahinang usal niya sa akin. "Mabuti pa siguro na matulog ka na lang. Matulog na tayong dalawa."Napakunot-noo ako sa sinabi niyang 'yon. Akala ko ay magse-sex na kaming dalawa ngunit parang hindi pa kasi nga ay sinasabi niya sa akin na matulog na kaming dalawa dahil malalim na ang gabi. Hindi lang ako natuwa sa sinabi niyang 'yon kundi nagtaka pa ako.Dinilaan ko ang aking mga labi at huminga nang
Read more
Chapter 20
SHAINAHinalikan muli ako ni Sir Jacob pagkaharap ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na gagawin muli niya 'yon. Nabigla ako sa ginawang paghalik niyang 'yon sa akin. Nang maghiwalay ang mga labi naming dalawa ay nagsalita ako, "Sir Jacob, huwag po dito." Napakunot-noo siya sa sinabi kong 'yon."Huh? Bakit naman?" tanong nga niya sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot sa kanya."Baka po makita tayong dalawa ni Manong Caloy at baka kung ano ang isipin n'yan sa ating dalawa," natatakot na tugon ko sa kanya.Tumango siya pagkasabi ko at nagsalita, "Naiintindihan kita sa sinasabi mo, Shaina. Well, wala ka namang kailangan na problemahin kahit makita tayong dalawa ni Manong Caloy na naghahalikan. I can talk to him. Kaya kong sabihan siya na huwag magsasabi kahit kanino tungkol sa nakita niya sa ating dalawa, Shaina."Napangiwi ako pagkasabi niya."Kahit na po, Sir Jacob. Nakakahiya po na makita niya tayong dalawa na ganoon," sagot ko pa sa kanya.He took a deep breath and said, "
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status