All Chapters of Millionaire Men's Club: Alexandros Ruffalo: Chapter 61 - Chapter 70
96 Chapters
Chapter 61
“Nahihilo ka pa? Nasusuka?” tanong sa kanya ni Alexandros habang dahan-dahan sinusuklayan ang buhok nya, kakatapos lang kasi nito ‘yon iblower para matuyo. Pagka dating kasi nila sa main villa ay agad sya nitong pinaligo para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya.Umiling-iling sya bago ito sinagot. “Hindi na, nahilo lang talaga ako gawa ng pagsabunot sa’kin tsaka nakainom nadin ako ng gamot para sa acid ko.”Bumuntong hininga ito, mukhang masama padin ang loob dahil nasaktan sya.“Hey! Okay lang ako.” Natatawang sabi nya dito at hinawakan ang kamay nitong may hawak na suklay. Huminto naman ito sa pagsuklay at tumingin sa kanya. Nasa kama sila nito at parehas na nakasuot ng pantulog.“Natatakot ako.” Pag-amin nito sa kanya.“Saan ka naman natatakot?”“Natatakot ako na b-baka maulit itong nangyari sayo… baka sa susunod hindi lang ito ang mangyari sayo.”Bigla naman syang nanlambot sa sinabi nito, bakas din sa gwapo nitong mukha ang takot at pangamba na baka may mangyari sa kanya.
Read more
Chapter 62
Mahinang katok sa pintuan ang nagpagising kay Elaine, inaantok na mas lalo pa nyang siniksik ang sarili sa dibdib ni Alexandros. Naramdaman naman nyang nagising din ito pero hindi padin sya nagmumulat ng mata. Hinalikan naman sya nito sa noo na syang nagpakilig sa kanya ng lihim. Napapansin nya kasing ang hilig nitong dampian sya ng halik sa kanyang noo kahit nung bago pa lang sila.Nakasimangot na nagmulat sya ng mata ng gumalaw ito at akmang babangon sa kama.“Hi!” Nakangiting bati nito sa medyo paos na boses ng makitang gising na sya. “What with that face? Mas bagay sayo nakangiti lagi.”“Kasi naman, saan ka ba pupunta? Inaantok pa’ko at gusto ko nasa loob lang ng bisig mo.” Parang bata sabi nya dito.Bahagya naman itong tumawa at ininguso ang pintuan ng kwarto nito. “May kumakatok, baka kasi importante kaya lalabasin ko muna. Tsaka akala ko tulog ka pa, ayaw ko naman magising ka.”“Okaayy..” ani nya at inayos ang pagkakahiga.“Good morning, love.” Hinalikan pa sya nito sa labi ng
Read more
Chapter 63
“Ikaw kasi!” paninisi nya kay Alexandros habang tumatakbo sila na magkahawak kamay papuntang floating restaurant. Halos isang oras na raw silang late sa surpresa nito sa kanya. Kung hindi pa tumawag sa kanila si Selena ay hindi pa ito titigil sa pag-akin sa kanya, hindi pa ito nakontento sa nangyari sa loob ng banyo nito at gusto pa umisa sa kama.Tumigil na sila sa pag takbo ng nasa harapan na sila ng entrance ng fresh floating restaurant.Lumingon ito sa kanya. “Ako? Sino ba yung bigla naghubad sa harap ko at inakit ako?”Bigla naman namula ang mukha nya sa sinabi nito. “Heh! Tumigil ka nga! Paano kaba kasi nakapasok sa loob ng closet? Nilock ko naman ang pintuan ah!”Ngumisi ito. “Konektado ang banyo sa office room ko.” Proud na sabi pa nito.Umirap sya dito. “Sa susunod ilolock ko nadin ‘yon.”“Wag naman love. Nag-alala lang naman ako sa’yo kanina kaya naisipan ko pumasok sa loob.”“I told you naman kanina, I’m okay. Wag ka ngang oa minsan, late na tuloy tayo. Ano ba kasi ‘yang su
Read more
Chapter 64
Nakaupo si Elaine sa maputi at pinong buhangin ng isla habang pinagmamasdan nya ang masayang pagsasabuyan ng tubig dagat ng kanyang mga kapatid. Nasa may ibabaw na parte lamang ang mga ito kaya kampante sila ng kanyang ina na pagmasdan lamang ang mga ito. Pagkatapos kasi nila kumain ng umagahan ay nag-aya na maligo sa dagat si Sabrina kaya pinagbigyan naman nila ito. Sobrang excited kasi nitong maligo dahil unang beses pa lamang nito ma eexperience ang dagat, hindi kasi nila afford na magbakasyon. Dahil nga maaga nawala ang kanyang ama ay sya na ang umako sa lahat ng gastusin nilang mag-anak. Ang sahod naman na nakukuha nya ay sapat lamang para sa pang gastos nila pang araw-araw at para sa gamot ni Sabrina, minsan nga ay kulang pa kaya kinakailangan pa nya rumaket o kumuha ng pangalawang trabaho. “Ateee!” pagtawag sa kanya ni Sabrina na nakangiti at kumakaway pa. Kumaway naman sya pabalik dito. “Wag kayong pupunta sa malalim na parte ha!” sigaw nyang bilin sa mga ito. Nag thumbs-up
Read more
Chapter 65
“Are you okay now?” bakas sa mukha ni Alexandros ang pag-aalala sa kanya. Pagkatapos kasi sya nitong higitin ay dinala sya nito sa may floating cabin.Tumango sya dito.“Ano bang nangyare? Bakit ka umiyak?” niyakap sya nito. “Pinag-aalala mo’ko, Love. May masakit ba sayo?” masuyong tanong nito sa kanya.Niyakap nya pabalik ang binata at iniangat ang mukha para tingnan ito. “I’m okay.. naging emotional lang ako.”Yumuko naman ito at tinitigan sya ng matiim, para bang pilit nitong binabasa sya. Buti na lamang at nakasalamin padin sya kaya hindi nito nakikita ang lungkot sa kanyang mga mata. Ayaw nyang mag-alala pa ito sa kanya gayong marami pa itong inaayos na problema sa MMC pagkatapos malaman ang ginawa ni Nicole.Bumuntong hininga ito at iniangat ang isang kamay sabay gulo sa buhok nya.Napanguso naman sya.Bahagya naman natawa si Alexandros pero agad din naman nagseryoso. “Ang cute mo talaga kapag ngumunguso ka, but don’t do that sa iba ha? Only for me, Love. Baka kasi mamaya may b
Read more
Chapter 66
“Did you enjoy it?” narinig nyang tanong ni Alexandros sa kanyang kapatid na si Raven pagka ahon ng mga ito mula sa pag scuba diving.Nasa may yate sila na pag mamay-ari ng MMC. Pagkabalik kasi nila kanina sa mga ito ay sakto naman tumawag ang isa sa staff ng MMC para sabihing handa na ang lahat para sa scuba diving ng mga ito. Nung una ay inaaya sya ng mga ito na subukan din ang scuba diving pero mariin syang tumanggi.Gustuhin man nyang subukan ‘yon pero takot sya, iniisip nya na baka bigla na lang may pating o kung anong lumabas sa harapan nya kapag nasa ilalim na sya ng tubig. Kahit pa sinabi ni Alexandros na walang pating sa parteng tinigilan ng yate ay hindi padin sya pumayag.May kasama sila taga guide na syang nagturo kay Raven, buti na lamang at agad din naman natuto si Raven sa mga tinuro dito tungkol sa scuba diving. Nalaman din nyang may lisensya o certificate pala si Alexandros sa pag scuba diving kaya kahit saan ay pwede ito magdive.Bigla naman may umakbay sa kanya at k
Read more
Chapter 67
Magka hawak-kamay sila ni Alexandros habang nag-aantay sa lobby ng hotel kung saan naka check in ang kanyang pamilya. Sa loob lang din ‘yon ng MMC at malapit sa may dalampasigan, sampung palapag ang taas ng building na ‘yon at dito nag-iistay ang ibang guest na bumibisita sa isla bukod pa sa guest floating cabin.Hindi nya napigilan na mamangha sa loob ng looby dahil sa ganda ng pagkaka desenyo nito, maski na ang mga ginamit na furniture ay hindi basta-basta. Alam nyang hindi biro ang halaga ng mga ‘yon at hindi nya maiwasan na manliit. Hindi nya namalayan na napabuntong-hininga sya habang umiikot padin ang tingin.“Elaine..”Napapikit sya saglit ng maamoy nya ang mabangong hininga ni Alexandros, napahawak sya ng pasimple sa kanyang tyan ng maramdamang parang may paro-paro dun. Shocks! hindi nya alam kung bakit sa simpleng pagtawag lang nito sa kanyang pangalan ay para bang dinuduyan sya at napakasarap nun sa pakiramdam.Naramdaman nyang humigpit ang hawak nito sa isa nyang kamay ka
Read more
Chapter 68
"Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?" Tanong nya kay Alexandros pagkatapos nilang maihatid pabalik sa hotel room ang kanyang pamilya at naglalakad na sila ngayon papunta main villa.Kanina pa kasi nya napansin na tahimik lang ito, maski habang kumakain sila sa fresh floating restaurant ng hapunan ay hindi ito masyado umimik, naimik lang kapag tinatanong nila ito tapos tatahimik na ulit. Para bang ang lalim ng iniisip nito."Alexandros!" malakas na tawag nya sa pangalan nito dahil hindi man lang nito pinansin ang sinabi nya at dere-deretso padin ang lakad habang nakatingin sa kawalan. Huminto sya sa paglalakad at hinawakan ang braso ng binata para tuluyan na nyang makuha ang atensyon nito."Ha? Are you saying something, love?" Tanong nito sa kanya.Huminto nadin ito sa paglalakad at nakatingin na sa kanya. Hindi padin nya inaalis ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito.Tinitigan nya ang mukha ni Alexandros, seryoso lang itong nakatingin ea kanya. Bumuntong-hininga sya at umil
Read more
Chapter 69
Malungkot na tinatanaw ni Elaine ang papalayong yate na kinasasakyan ng kanyang pamilya, gustuhin man nyang manatili pa ang mga ito sa isla ay hindi pwede dahil may pasok pa si Raven sa school at si Sabrina naman ay may check-up pa sa doctor para sa puso nito.Humugot sya ng malalim na paghinga at bahagyang sumandal sa balikat ni Alexandros. Magkatabi silang pinapanood ang papalayong yate. Nakita nyang kumaway pa sa kanila si Sabrina kaya kumaway din sya dito.“I miss them already…”Umakbay sa kanya si Alexandros at hinalikan sya sa ibabaw ng kanyang ulo. “I know, love.. I know..”Sa ilang araw na pananatili ng mga ito sa loob ng isla ay halos puro papuri ang lumabas sa bibig ng mga ito. Lagi silang gumagala kasama si Alexandros, minsan pa nga ay sumasama ang ibang member ng MMC. Tinuruan pa ng mga ito sumakay ng kabayo si Raven na syang ikinatuwa ng huli. Maski ang pag scuba diving ay naging bonding ng member ng MMC at ng kanyang kapatid.Lumabas din sya kasama ang kanyang ina pati
Read more
Chapter 70
Naalimpungatan sya ng makarinig ng pagbukas at pagsara ng pintuan. Alam nyang si Alexandros 'yon dahil ito at sya lang naman ang may alam ng pass code ng pintuan ng kwarto nito. Naramdaman nyang lumapit ito sa kama kung saan sya nakahiga. Hindi padin sya nagmumulat ng mga mata dahil inaantok padin sya."I love you, Elaine." Mahinang sabi nito sabay haplos sa buhok nya. Lihim syang napangiti."I love you more.." gusto nyang sabihin dito pero dahil sa paghaplos nito sa kanyang buhok ay nakatulog ulit sya.***Nang makasiguro na nakatulog na ulit ang dalaga ay dahan-dahan tumayo si Alexandros at nagtungo sa banyo.Alam nyang nagising nya si Elaine sa pagpasok nya sa kwarto nila dahil gumalaw ito. Kabisado na nya ang dalaga kaya kahit hindi ito nagmulat ay alam nyang nagising ito.Hinubad nya ang uniform ng MMC at nagtungo sa shower area. Binuksan nya ang shower at hinayaan lang na mabasa sya ng malamig na tubig. Nanlalagkit din kasi sya dahil sa paglalaro nila ng ibang member.Itinukod
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status