All Chapters of Millionaire Men's Club: Alexandros Ruffalo: Chapter 51 - Chapter 60
94 Chapters
Chapter 51
“B..bakit may si..singsing?” hindi makapaniwalang bulalas ni Elaine.Ngumiti sa kanya si Alexandros at hinawakan ang isa nyang kamay at isinuot sa daliri nya ang hawak nitong singsing.Maang na napatingin sya sa kamay nya. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman, masaya sya na naiiyak na kinakabahan. Mula sa kanyang kamay ay iniangat nya ang kanyang paningin at tiningnan si Alexandros.Bahagya naman natawa ang binata at sinarado ang kanyang bibig na nakabuka pala. Hindi man lang nya namalayan na napanganga sya.“Relax, Elaine ko. Hindi pa ‘ko magpopropose sayo,” hinawakan nito ang singsing na nakasuot sa kanyang daliri. “Promise ring lang ‘to. Gusto ko lang mangako sayo na kahit anong mangyari ay nandito lang ako para sayo. Kahit ipagtabuyan mo pa ‘ko ay hindi ako aalis sa tabi mo.” Ani nito at binigyan pa sya ng magaan na halik sa kanyang noo.Napapikit naman sya ng dumampi ang malambot at mainit nitong labi sa kanyang basang noo. Hindi nya napigilan ang pagpatak ng luha sa k
Read more
Chapter 52
Kakatapos lang nya magblower or mas magandang sabihin kakatapos lang ni Alexandros patuyuin ang kanyang buhok gamit ang blower na nasa kwarto nito. Nung una ay hindi sya pumapayag na ito na ang magpatuyo ng buhok nya pero talagang makulit ito kaya hinayaan na lang nya.“Bakit may vanity mirror na dito sa kwarto mo? Nung una ko naman punta dito wala pa ito ah?” Ani nya sabay tingin dito sa may salamin.Ngumiti ito habang sinusuklay ang mahaba nyang buhok. “You like it?”“Y-yeah.”“That’s good, actually pinalagay ko talaga dito yan sa kwarto para naman may space ka dito kapag mag-aayos ka, like now.”“Pero hindi mo naman na kailangan gawin ‘to, hindi naman ako lagi nandito sa main villa.” Sabi nya dito at hinawakan ang buhok na nasa harap nya at sinuklay ‘yon gamit ang kanyang mga daliri.Huminto si Alexandros sa pagsusuklay sa kanya at tumingin din sa kanya sa may salamin. “Hayaan mo na ‘ko, Elaine. Gusto ko na may space ka dito sa kwarto ko. Kung pumapayag ka nga lang na lumipat dito
Read more
Chapter 53
Nagising sya na wala pa si Alexandros, pagtingin nya sa bintana ay medyo madilim na. Mabigat ang katawan na bumangon sya at nagpunta sa closet para magpalit ng damit, napagdesisyunan nya na maglakad-lakad na lang muna sa labas habang inaantay ito. Matapos icheck ang sarli sa salamin ay ngumiti sya, nagsuot lang sya ng isang floral dress na hanggang tuhod ang haba, simple lang ‘yon pero bumagay sa kanya. Kinuha nya din ang isang flat sandals sa may closet at sinuot ‘yon.Pagkatapos itext si Alexandros na maglalakad lang sya sa labas ay lumabas na sya ng kwarto at bumaba. Wala syang susi ng main villa pero sinarado lang nya ang main door, alam naman nya kung gaano kahigpit ang security ng isla.Hindi padin talaga nawawala sa kanya ang humanga dito sa isla kahit pa matagal na syang nandito, para kasi talaga itong paraiso. Chineck nya ang kanyang cellphone pero wala pading reply sa kanya si Alexandros kaya ibinalik na lang nya ‘yon sa bulsa ng kanyang dress. Inilibot nya ang kanyang panin
Read more
Chapter 54
“Sinong may sabi na ikaw ang una nakakita sa kanya?” “Alexandros..” Kinakabahan na tawag nya dito. Natatakot sya na baka mag-away ito at si Robert lalo na’t narinig pala ni Alexandros ang sinabi nito. Sumulyap naman ito sa kanya at ngumiti ng bahagya na syang ikinakalma nya kahit papaano. Napatingin din sya sa katabi nito, kasama ng binata ang ibang member ng MMC na seryosong nakatingin sa kanila. Mukhang maski ang mga ito ay narinig din ang pag amin ni Robert sa kanya. Lumapit sa kanya si Alexandros at hinubad nito ang suot na jacket at ipinatong nito ‘yon sa kanyang balikat sabay hawak sa nanlalamig nyang kamay. Nakatingin lang sya dito habang seryoso na itong nakatingin kay Robert na nasa harapan nila. “I gave you warning earlier pero mukhang hindi ka nakinig, akala ko ba you respect kung ano man ang meron samin ni Elaine? Bakit nakahanap ka lang ng pagkakataon na makausap sya at heto ka halos magmakaawa sa girlfriend ko?” Tumalim ang tingin ni Robert kay Alexandros. “Wala ka
Read more
Chapter 55
Masayang tinanaw ni Elaine ang papalayong golf cart na sinasakyan ni Alexandros. Pagkatapos kasi nilang kumain ng hapunan ay kinausap nya ito na makipag ayos kay Robert, nung una ay nagmamatigas pa ito pero sa huli ay napapayag din naman nya.Ihahatid sana sya nito sa main villa para magkatabi raw silang matulog pero hindi sya pumayag. Maaga ang duty nya bukas kaya gusto nya sa staff cabin sya matutulog. Nang hindi na nya makita ang golf cart na kinasasakyan nito ay pumasok na sya sa loob.Pagkapasok pa lang nya sa pintuan ay biglang tumahimik ang lahat, nakatingin ang ibang staff member sa kanya. Mga nasa living room ang mga ito at nagkkwentuhan. Nakangiting babatiin sana nya ang mga ito ng may magsalita.“Grabe ang kapal ng mukha noh? Talagang member pa ng MMC ang nilalandi, hindi lang ‘yon, isa pa sa may-ari.” Maarteng sabi ng isang babae na nakaupo sa sofa.Ang nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi ay nawala. Mukhang alam na ng mga ito ang relasyon nila ni Alexandros.“Tama ka d
Read more
Chapter 56
Bumaba si Alexandros sa kanyang kabayong si Spike at lumapit sa ibang member ng MMC na mga nakasandal sa bakal ng riding arena. May hawak ang mga ito na bote ng beer at nagiinuman habang pinapanood magpatakbo ng kabayo si Niklaus at Kyro sa loob ng arena.Tinapik nya sa balikat si Dominic at tumango naman ito sa kanya sabay abot din ng isang bote ng beer. Tinanggap naman nya ‘yon at lumagok ng konti.“Anong meron?” Tanong nya dito.Ngumisi si Dominic at humarap ulit sa loob ng arena kaya tumingin din sya dun. Mukhang nagkakainitan din si Niklaus at Kyro dahil mas lalo pinabilis ng mga ito ang takbo ng mga sinasakyang kabayo. Walang gustong magpatalo sa isa’t isa.“Luko kasi itong si Kyro, alam naman mainit ang ulo ni Niklaus pero ayon, hinamon na makipag karerahan. Kung sino matatalo kelangan sundin ang tatlong kahilingan ng mananalo at bawal tumanggi, kahit ano pa iutos ng mananalo.” Paliwang ni Dominic sa kanya.“At sino naman nagsabi nyang tatlong kahilingan? Mautak din eh. Paano k
Read more
Chapter 57
Sa bilis ng takbo ni Alexandros ay agad syang nakarating kung saan nya itinali si Spike, agad naman syang sumampa dito. Hindi na nya pinansin ang mga tawag sa kanya ng ibang member ng MMC at agad na pinatakbo ang kanyang kabayo papunta sa main security cabin.Nang marinig nya ang sinabi ni Jaxon ay agad syang kinabahan, hindi na nya tinapos pa ang ibang sasabihin nito dahil nag-aalala sya para sa kanyang mahal. Narinig nyang may mga tumatakbo din na kabayo sa likuran nya pero hindi na nya nilingon pa kung sino ang mga ‘yon.Agad syang tumalon pababa ng kabayo nya ng makarating sya sa main security cabin. Hindi na nya naitali pa si Spike sa kakamadali makapasok sa loob. Hinanap nya kung saan dinala si Elaine, naiinis na sya dahil nakaka dalawang bukas na sya ng pintuan pero hindi padin nya ito makita.“Fvck! Fvck! Fvck!” medyo malakas ang boses na mura nya.Maski ang ibang security guard na nasa hallway ay agad na napatayo ng tuwid ng makita sya.Naihilamos nya ang kanyang mga palad sa
Read more
Chapter 58
Tumayo si Alexandros at naglakad sa unahan pagkatapos nilang mapanood ang replay ng cctv, walang nagsasalita ni isa sa kwartong kinaroroonan nila. Madilim ang mukha ng binata, halatang nagpipigil lang sa galit. Lahat naman ng staff na nandun ay kinakabahan dahil ngayon lang nila nakitang ganito ang reaksyon ng boss nila. Maski ang ibang MMC member na nakapanood din ay halos walang imik at umiiling na lamang. Si Jaxon naman ay napabuntong hininga, alam nito kung paano magalit si Alexandros at walang nakakapigil dito. Halos mapatalon silang lahat sa kinauupuan ng biglang hampasin ng malakas ni Alexandros ang mahabang mesa. Masamang tiningnan nito sila Jenny at Colleen, samantalang ang dalawa naman ay napayuko sa takot. “ANG. AYAW. KO. SA. LAHAT. AY. SINUNGALING. AT. NANANAKIT. NG. KAPWA.” Bawat katagang binigkas ni Alexandros ay may diin at galit. Bigla naman tumayo si Jenny at Colleen at lumapit kay Alexandros sabay luhod sa harapanan nito. “Sir Alexandros, patawad po!” malakas na
Read more
Chapter 59
“Lahat ng staff na nandito ay makakalabas na at maaari na kayong bumalik sa inyong cabin. Lahat ng nangyari at narinig nyo dito sa kwartong ito ay bawal makalabas. Kapag nalaman ko na kumalat ang nangyari dito ay lahat kayo-” seryosong tiningnan ni Marcus ang mga staff, walang mababakas na emosyon sa mukha nito. “ay tatanggalin ko.” Dugtong nitong sabi.Nagmamadali naman lumabas ang ibang staff na nadun, natatakot ang mga ito na baka madamay pa sa galit ng mga big boss. Akmang lalabas nadin sana sila Jenny ng pigilan ang mga ito ng security na nakatayo sa labas ng pintuan. Akala ng mga ito ay nakaligtas na sila sa parusang ipapataw sa kanila ng big boss nila, pero nagkamali sila. Nagumpisa na ulit umiyak ang dalawa habang iginigiya ng security na maupo sa harap ng mesa. Wala naman silang nagawa kundi sumunod na lang.“Maiiwan din kayo Elaine, pati ang mga member ng MMC na nandito.” Sabi pa ni Marcus bago ito umupo sa isang upuan.Kinakabahan naman si Elaine para kila Jenny, gusto sana
Read more
Chapter 60
Inawat naman ni Jaxon si Alexandros at ito ang humablot kay Jeff sabay kwelyo dito. Maski ito ay madilim ang mukha dahil hindi matanggap na nalusutan sila nito.“Paano ka nakalusot sa higpit ng security ng isla ha!? Sino pa ang kasamahan mo dito!?” gigil na sabi ni Jaxon.Bilang head ng security ng isla at may-ari ng company kung saan galing ang mga naka assign na security dito sa isla ay hindi nito matanggap na malulusutan sila ng ganon-ganon na lang. Hindi basta basta ang mga tinatanggap nito sa security company dahil karamihan sa mga ito ay nagserve pa sa military, hindi lang dito sa pinas kundi sa ibang bansa nadin.“Sumagot ka!” sigaw ni Jaxon, halatang nagtitimpi lang itong wag umigkas ang kamao nito sa hawak na si Jeff.Tumawa naman ng nakakaloko si Jeff. “Mahigpit? E halos wala ka nga dito sa isla kaya hindi mo napansin na nakapasok ako dito gamit ang pekeng documents. Mabilis mauto yung tao mo, konting pera lang pala ang katapat.”Lalo naman nanggigil si Jaxon sa sinabi nito
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status