( Thalia's POV ) [ "Tulong! Tulong!" "Lola Cita, Tiyang Miling, tulungan niyo po ako... Manang Sonya..." Panay ang sigaw at pagtawag ko sa mga taong tanging malalapit sa akin habang nagpupumilit na makawala sa isang bakal na rehas. Nag iisa ako sa isang napakadilim na lugar at walang sinuman ang mahihingan ng tulong. Halos wala na akong boses sa kakasigaw. Unti unti na 'kong nawawalan ng pag asa ngunit gusto ko pa ring lumaban. Gusto kong makaalis sa lugar na ito, ayaw ko rito. Gusto ko ng makabalik sa Lola Cita ko. Hanggang sa may liwanag akong nakita, may isang pamilyar na babae ang nakatayo. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pagkataranta at mas nilakasan pa ang namamaos na boses para makahingi ng tulong sa ginang. "Ma'am Ara! Ma'am Ara, tulungan niyo po ako!" Inilusot ko pa ang kamay ko ngunit nadismaya lang ako nang mariin lang akong tiningnan nito. Dahan dahan itong humakbang papalapit sa akin at nakahalukipkip itong tumigil sa harapan ko. "Kumusta ka Thalia?
Read more