All Chapters of One Night Stand With The Billionaire: Chapter 21 - Chapter 30
60 Chapters
CHAPTER TWENTY
Pinandilatan niya ang binata nang magtama muli ang kanilang mga mata sa screen. Muling lumiwanag ang gwapo nitong mukha, nagningning sa tuwa ang mga mata at halos abot tainga ang ngiti nito sa labi. Xander muttered something, leaving Marga puzzled by its meaning. Kaya, gayun na lamang ang pangungunot ng kanyang noo habang nakatitig sa kanyang screen. Masayang-masaya pa naman ang binata habang nagsasalita, ngunit ni isa ay talagang wala siyang maitindihan. "I wish I could be with you right now, babe," sabi pa nito, na siyang natatanging naitindihan ni Marga. She exhaled sharply, tuning out Xander's words, which she couldn't grasp. “Magkukwento ka ba o hindi?” asik niya rito, nakasimangot pa rin. Xander laughed and shook his head, “Ladies first this time, babe,” maikling turan nito sabay lahad ng kamay sa harap ng camera. Marga stared at him in disbelief. Her intuition hinted that Xander's actions were a ploy to capture her attention. However, she found it difficult to swallow when
Read more
CHAPTER TWENTY ONE
“Nabanggit ba ni Joan kung kailan ang balik niya?’ curious niyang tanong sa kapatid. She heard Hazel humming with uncertainty. “Wala, Ateng, eh! Hinihingi lang iyong number mo,” mariin na sagot nito. Napabuntong-hininga ang dalaga. Kung hindi lang nag-aral sa Manila ang unang lalaki na pinangarap, lihim na minahal at siya ring kababata niya na si Francis, ay sigurado siyang hindi niya naranasan ang matinding financial crisis noon at naisangla ang lupa niya sa step mother nito. Sigurado siya na hindi alam ng kababata ang tungkol sa nasangla niyang lupain. Inaanak ito ng tunay niyang ama, kaya alam niya na hindi nito hahayaan na mawala sa kanya ang natatanging pamana sa kanya ng ama. Dalawang taon ang agwat nilang dalawa. Kasa-kasama niya parate ang kababata, madalas nasa bahay nila ito noong nabubuhay pa ang kanyang ama, kalaro at tumayong kuya niya ito. Naging sandigan niya ito nang namatay ang kanyang ama, at siya din ang naging karamay nang mamatay ang ina nito. Kilalang mag-be
Read more
CHAPTER TWENTY-TWO
“I told you, babe, I have all my ways,” confident nitong sagot sa kanyang tanong, mabilis lang siya nitong sinulyapan kapagdaka’y muling itinuon ang pansin sa pagmamaneho. She lets out a weary sigh, her head tilting slightly as if in silent agreement with the universe's whims. Dapat pala hindi na siya nag-aksaya pa ng laway sa pangungusisa sa binata, kung paano ito nagkaroon agad ng kotse na gagamitin, samantalang unang beses nito dito sa syudad. Masaya nilang tinahak ang parking area ng Mall habang pinag-uusapan ang mga best menu ng syudad na magkahawak kamay pa rin, at saka nito binitawan ang kanyang kamay matapos siyang pagbuksan nito ng kotse. Napatingin na rin siya sa daan na tinatahak nila. Nasa mahigit twenty-five minutes ang byahe papunta sa restaurant na gustong puntahan ng binata mula sa KCC Mall. Sa mahigit sixteen years nito sa ibang bansa, nakasanayan na ng binata na tuwing breakfast lang kumain ng rice at minsan pa nga raw ay wala. “Saan ka naman nag-check in?” curio
Read more
CHAPTER TWENTY-THREE
Napalunok ang dalaga sa narinig mula sa binata habang nakipagsukatan ng tingin rito. Hindi niya maikakailang may punto ito, pero ang paraan nito ay kalabisan. “You’re right, Xan, pero tingin ko sobra-sobra din iyong sa iyo! Iyong level ng bluntness mo ay maa-appreciate ng mga babae sa lugar na pinanggalingan mo,” lakas-loob niyang pagwawasto sa sinabi nito. Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi nang bumakas sa gwapong mukha ng binata ang disappointment. Inalis nito ang seatbelt na hindi iniiwas ang tingin mula sa kanya. Subalit, siya ang pumutol ng kanilang titigan at inilibot ang paningin sa paligid. Masyado kasi siyang occupied, kaya hindi niya na namalayan na nagawa nang i-parking ng maayos ni Xander ang kanilang sinasakyan. Kung hindi pa nakuha ang atensyon niya sa pagtanggal ng binata sa seatlbelt nito, marahil hindi niya napansin na tumigil na ito sa pagmamaneho. "Marga,” Xander calls out softly. Awtomatiko naman napapihit paharap muli ang dalaga sa binata. Dagli’y nap
Read more
CHAPTER TWENTY-FOUR
“Kailangan ko na kayang tawagan si Boss?” tanging naiisip niyang paraan upang makatakas sa gustong mangyari ng binata. Aminado siya na hindi niya ito matatakbuhan at magagawa nitong hanapin ang apartment ng kanilang kompanya. Tanging pang-asa niya na lamang ay ang kaibigan nito. Napatingin siya sa kanyang suot na wristwatch, five minutes to eight, wala naman siyang lakas na loob na tumawag sa kanyang Boss ng ganitong oras. Bagsak ang mga balikat na napabuntong-hininga ang dalaga, saka pinagmasdan ang kaharap, na masayang nakikipag-usap sa waiter habang umu-order. Mas naramdaman niya ang matinding pagod sa kakaisip ng paraan kung paano makakawala sa dominanteng binata, kaysa sa dami ng tinapos niyang trabaho kanina. Hindi niya kasi kayang timbangin kung mapagkakatiwalaan niya ito. Sinasabi nga nito na walang itong gagawin sa kanya, pero sa mga sinasabi nitong “dirty talk” at “just a kiss”, ano ba dapat? Napainom siya ng tubig na hindi inaalis ang mga tingin sa umu-order pa ring b
Read more
CHAPTER TWENTY-FIVE
“Bago na naman ang paraan ng pananantsing mo, Xander!” impit niyang saway rito. Lalo pang lumapad ang pilyong ngiti ng binata saka inilapit ng ilang dangkal ang mukha nito sa kanya. “You’re so f*cking sexy, baby,” bulong nito, bakas sa boses nito ang magkahalong saya at panunukso. Sinamaan niya ito ng tingin, kapagkuwan, kinurot niya ang kamay nito na nasa kanyang bewang. “Ouch!” naibulalas ng binata kapagdaka’y tumawa ng malakas. “Sexy your foot!” nakangiwi niyang sabi. “Ang harot-harot mo!” bulyaw niya rito, saka sinunggaban ang pagkakataon na makaalis mula sa pagkakahawak nito sa kanyang beywang. Nagpatiuna siyang lumabas ng boutique at hindi na nilingon ang tumatawa pa ring binata. Nayayamot siya lalo sa ipinapakita nito sa kanya. Nanggigigil siya sa sobrang inis rito. Mas lalong sumimangot ang kanyang mukha nang pagpasok nila sa convenience store ay tanging ang binata lang ang binati ng tatlong babaeng staff. Kaya agad siyang napalingon sa kanyang likod. Huling-huli niya
Read more
CHAPTER TWENTY-SIX
Gaya nang napag-usapan nila, si Xander nga ang unang gumamit ng bathroom. Habang inaayos niya ang kanyang mga gamit ay hindi niya mapigilan ma-usyoso sa mga gamit na inilapag ng binata sa vanity table na malapit sa kama nito. Hindi rin nakatakas sa kanyang paningin ang dala nitong laptop at tablet. "I'd much prefer to spend my time shopping with you, babe, rather than buried under a mountain of work and meetings," Napangiti ang dalaga nang maalala ang sinabing iyon ni Xander. Wala pa rin siyang ideya kung ano talaga ang pinanggagawa nito, maliban sa, ang madalas nitong nakukwento sa kanya ay nasa iba’t-ibang bahagi ng airport ito ng PIlipinas. If her memory serves her right, sa isang araw ay mahigit tatlong beses itong nasa himpapawid. Kung nagawa niya lamang e-record ang mga airport na binabaan nito araw-araw, marahil naapakan na nito ang buong Luzon, Visayas at iilang airport sa Mindanao. Napatitig siya sa direkyon ng bathroom, na-realize niya na maraming bagay pa rin siyang hi
Read more
CHAPTER TWENTY-SEVEN
“It's not about competing with Miguel, but about my genuine interest in getting to know you better. But I want you to know that I was determined to get you—by hook or by crook, Marga. That's my way, and I will never apologize to you for that.” "I was planning to tattoo your name in here, Marga. But, what I truly desire is for you to be by my side as it's inked." "You're too beautiful, babe, and every time you challenge me with your words, you send my heart racing to new heights." “Being here with you feels like reaching cloud nine all over again, but this time the thrill is even higher than my first-ever flight!” “Sharing this one room with you feels truly incredible. Usually, all I've done with women in the same room is simply have sex with them. But being here with you, it's so much more, babe.” Napabalikwas ng bangon ang dalaga nang muli niyang narinig ang mga salitang iyon ni Xander, at mariin siyang napabuntong-hininga nang ma-realize niyang sumagi lang iyon sa kanyang panagi
Read more
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Halos mailuwa niya ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ng binata. Ramdam niya ang pag-akyat lahat ng kanyang dugo sa mukha. She took a deep breath, exhaling slowly, trying to regain composure and give herself time to think about what to say. Narinig niya ang bawat yapak ng binata, kaya bago pa man ito makalapit sa kanya ay pumihit na siya paharap rito na may ngiti sa labi. “Good morning, Xan!” masaya niyang bati, bago dahan-dahang tumayo. Napalunok siya nang mapansin ang bumakas na pag-aalala sa mukha ni Xander, at kahit may butil ng mga pawis ang makinis nitong mukha ay tila napaka-fresh pa rin nitong pagmasdan. Marahan niyang ipinilig ang ulo upang iwaksi ang naloloko niyang isipan. “May nakalimutan akong tapusin na report kagabi, eh, pumasok sa panaginip ko,” pagsisinungaling niya at kimi na ngumiti, pinasingkit niya pa ang mga mata, wari parang bata na nahuli sa kalokohang ginagawa. Bigla naglaho ang pag-aalala sa mukha ni Xander at napalitan ng masayang ngiti habang
Read more
CHAPTER TWENTY-NINE
Lumunok muna si Xander bago sinagot ang tawag, kapagkuwan ay marahan itong tumikhim. “Ate, it's too early for us to talk about the presentation again,” bungad ni Xander sa kabilang linya. Ate? Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig, ngunit hindi niya mawari kung bakit tila nabunutan siya ng tinik sa nalaman. Nailapat niya ang mga labi para pigilan ang sarili na hindi mapangiti. Bukod sa tila natutuwa siyang malaman na Ate lang pala nito ang tumatawag ay nawiwili siyang makita ang napipikon na ekspresyon sa gwapong mukha ng pilyong binata. “Let's give ourselves some time to relax and enjoy the morning before diving back into work, Te. We can discuss that f*cking presentation later in the day when I am feeling more refreshed and focused,” angal nito sa kausap. Napagdesisyonan niya ng hayaan ang binata sa pakikipag-usap nito sa kabilang linya dahil negosyo lang man din pala ang pinagtatalunan ng magkapatid. Marahan niyang hinimas sa kanang braso ang binata kaya napaharap ito sa kan
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status