All Chapters of My Secret Billionaires Lover: Chapter 11 - Chapter 20
131 Chapters
Kabanata 011
“Thank you for being honest with me! I know how hard it is para maikwento mo ang nangyari sayo dati pero pinagkatiwalaan mo ko!” Malambing na wika ni Sebastian . Minsan na gu-guilty na sya sa pagtatago ng true identity nia. Gusto niyang sabihin na sa kanyang partner kung sino ang totoong Sebastian. Kaya lang kailangan niya itong gawin para malaman niya ang taong totoong nagmamahal sa kanya. Alam niyang hindi na magtatagal at sasabihin na niya dito ang totoo. Napangiti naman sa kanya si Natalie. “Lets go to take a bath!” Saad ni Sebastian sa kanya“Mauna ka na hon! Gusto ko munang i relax katawan ko saglit”“Ok ! Mag half bath na muna aq” humalik muli si Sebastian sa labi ng kanyang girlfriend. Napapa-isip si Natalie, nakasandal lang siya sa head board ng kama habang nakamasid kay Sebastian. Sa kabila ng saya na kanyang nararamdaman hindi nawawala sa kaniyang puso ang takot. Alam niya sa sariling mahal na mahal na niya ang binata. Natatakot siya sa naiisip niyang baka magwakas din i
Read more
Kabanata 012
Kinabukasan din ay kinausap kaagad ni Natalie ang kanyang business partner. Nag for good na din kasi itong si Bella sa Pilipinas at nag focus na din siya sa Sta. Barbara Construction Firm.Magmula kasi ng makuha nila ang project under SB Group of Company ay dumagsa na ang mga project na pumapasok sa kanila. Tila naging lucky charm ang proyektong ito para sa kanila.Mabilis din namang pumayag si Bella ng magpaalam si Natalie na mag leave ng dalawang linggo . Masyado kasing naging tutok ito magmula pa ng buksan nila ang kanilang construction firm. Deserve din naman ng kanyang kaibigan na makapag relax.Masaya silang magkakaibigan dahil ng makalaya ito kay Greyson at maging karelasyon nito si Sebastian ay nag bloom talaga ang dalaga. Laging masaya ang awra nito. Kaya tampulan ng tukso nilang magkakaibigan na lagi daw itong nadidiligan kaya may glow after s** .Diniscuss naman nila ang mga nakalatag na proyekto sa kanila. Tutok kasi si Natalie about finances kaya naman gusto niyang bantay
Read more
Kabanata 013
“Pero sissy minsan curious ako kay Sebastian! Mahal ka naman ng tao at nakikita namin yun. Pero parang mayaman talaga yang jowa mo. Kasi tignan mo mga friends niya mga known person in business industry.” Biglang naging seryoso itong si Colton na kanina lang ay bangka sa kanilang magkakaibigan , ito lagi ang dahilan kung bakit nagiging maingay ang mga kaibigan kakatawa.“Wala naman nababanggit sa akin si Aaron tungkol diyan! Oo nga noh?! Saka sissy nakapunta ka na ba sa bahay talaga nila? I mean na meet mo na ba parents nia or even mga kapatid niya?” Curious na tanong ni Bella“Hmmm sa totoo lang hindi pa ko nakakapunta sa bahay ng parents niya. Lagi kasi kaming sa condo niya nag-stay, siguro hindi din naging big deal sakin yun mga sissy kasi alam kong hindi ko din naman siya mapapakilala kila mommy! Masaya naman kasi kaming dalawa na kami lang. No hustle , no drama!” Matipid ang naging tugon nito.“Sabagay may point ka sis, mahirap na pag mag demand din si Sebastian na ipakilala mo s
Read more
Kabanata 014
Sa mismong araw ng alis nila ay wala pa ring ideya sila Natalie sa lugar na kanilang pagbabakasyunan. Sinundo na din sila ni Sebastian. Pagdating nila sa airport in-assit sila ni Sebastian patungo sa Online check-in . Nananatili pa ring clueless itong si Natalie. Nakangiti naman si Sebastian sa kanya. Namilog ang mga mata ni Natalie ng iabot na ni Sebastian sa kanila ang lahat ng documents nila kasama ang passport at seat reservation nila. Nagulat siya ng makita niyang bukod sa naka- business class sila. Ang kanilang destinasyon ay sa United States of America. Ang kanilang departure area ay sa Beverly Hills. Nakaramdam siya ng matinding kaba sa kanyang dibdib dahil ito din kasi ang alam niyang lugar kung saan nakatira ang kanyang parents. Hindi naman sya nag-expect na makikita niya ang kanyang mga magulang dahil malaki naman ang Beverly Hills para mag krus ang kanilang mga landas. Masaya naman si Manang Luming isipin mo first time niya mag travel at sa Amerika kaagad ang kanyang de
Read more
Kabanata 015
Hindi din nakakapagtakang mabilis ang naging transaction nila sa pagitan ng immigration dahil pabalik balik na si Sebastian sa bansang iyon at kilala siya ng mga taga immigration dahil may contact din ang family nila sa head nito kaya naman no hustle ang naging pagpasok nila sa Amerika.Plinano talaga ni Sebastian na isama si Manang Luming, gusto kasi niyang i treat ito sa kabaitang binibigay kay Natalie. Wala siyang balak na gawin itong taga silbi sa kanila sa buong bakasyon nila. Sinama niya ito dahil nabalitaan niyang pangarap talaga ng matanda na makarating ng ibang bansa. Espesyal din ang pakay ni Sebastian sa pagpunta nila ng US kaya naman gusto niyang kasama ni Natalie ang espesyal na tao sa buhay nito.Tila bata naman itong si Natalie ng libutin ng kanyang mata ang buong bahay, nakakamangha talaga ito sa laki at ganda, hilig din kasi niya ang halaman. Kaya ng maiayos na nila ang kanilang gamit sa kanilang kwarto ay nag-aya itong maupo sa labas ng bakuran ng bahay na iyon. Mal
Read more
Kabanata 016
Nang matapos sila sa kanilang kainan ay hindi naman nakatiis itong si Manang Luming, tinulungan niya si Sheryl mag-intindi sa kusina. Sanay kasi ang matandang kumilos. Hinayaan naman ito ni Natalie sila ay nagbalik na sa kanilang silid. Ngunit bago nito ay sinabihan na niya ang matanda na magpahinga na din at bukas ay mag-iikot na sila sa Beverly Hills mall. Nakatulog na din kaagad si Natalie at Sebastian ng gabing iyon. Kinaumagahan ay nauna ng nagising si Manang Luming sa kanila at nakahanda na ito ng almusal para sa lahat. Hindi talaga maiaalis sa matanda ang kumilos dahil nakasanayan na niya ito. Pagkakain nila ng kanilang almusal ay gumayak na ang mga ito para bumyahe patungo sa mall. As usual si Mang Stefano ang nag drive para sa kanila. Ayaw kasing ipakita ni Sebastian na meron siyang lisensya sa Amerika baka makahalata na si Natalie sa kanya. Hindi masyadong brandy itong si Natalie, masaya na siya sa mga hindi gaanong kamahalan na gamit pero sofisticated na tignan. Kung saba
Read more
Kabanata 017
Naunang bumaba ng sala si Sebastian. Habang naghihintay ito sa dalawang kasama niya ay abala ito sa kanyang telepono. Meron siyang kausap na akala mo’y magnanakaw siya dahil silip siya ng silip kung pababa na ba itong si Natalie. Si Mang Stefano naman ay hinahanda na ang sasakyan na kanilang gagamitin. Bago nga tuluyang makababa si Natalie ay natapos na din ay naibaba na din nitong si Sebastian ang kanyang telepono, tapos na din kasi niyang kausapin ang nasa kabilang linya.“You stole my heart! My God Natalie. You look so stunning!” Natulala si Sebastian ng makita si Natalie. Ayun na lamang ang nasabi niya ng alalayan niya ito habang pababa ng hagdan. Nagmadali kasi siyang umakyat sa hagdan ng makita niya ang kanyang girlfriend.“Tse! Bola.” Nahihiyang pagtutol ni Natalie sa kanyang boyfriend. Kinikilig rin naman siya sa tuwing pinupuri siya ni Sebastian.“Kidding aside hon! Napakaganda mo tonight! Bagay na bagay sayo ang napili mong damit”“Mmm thank you kung ganun. Teka hon si Mana
Read more
Kabanata 018
Ang matandang babae ay hirap na maglakad, inaalalayan na ito ng isa din matandang lalaki. Kasabay naman nilang naglalakad ang isang mag-anak na kung titignan ay nasa mid-age pa. Mukhang mga professional ang mga ito sa tindig, at klase ng kanilang pananamit. Magaganda ang mga kasuotan nito, alam nila ang dress code sa lugar n aiyon. Makikita namang sophisticated at may pinag-aralan ang mga ito dahil sa kanilang kilos.Nakangiting sinalubong ni Sebastian ang mga ito. Magalang siyang nagpapakilala sa mga ito. Kilala na niya ang mga taong kaharap niya sa gabing iyon , sa tulong na din ng imbestigador na kanyang binayaran .Palagi kasi siyang sine-sendan ng mga picture nito sa email. Ang kanyang imbestigador ang kanyang kausap palagi sa email at ito din ang laging tinatawagan niya sa tuwing nagtatago siya kay Natalie upang makipag usap. Ito ang tinutukoy niyang boss niya kaya siya nabu-busy sa telepono. Samantalang ang taong kinawayan naman niya mula sa kabilang banda na kasama ng dalawang
Read more
Kabanata 019
ELIZABETHMixed emotion naman ang nararamdaman ni Elizabeth . Halos dekada na din kasi ng huling niyang makita ang kanilang anak na babae. Sinubsob na nila ang kanilang sarili sa pagtatrabaho, Hindi kasi nila matanggap noon na mas pinili ni Natalie na mag stay sa Pinas dahil gusto nitong makasama ang kanyang ex-boyfriend. Matinding kirot ang dinulot noon sa kanyang puso, ganun din sa kanyang asawa na walang ibang inisip kundi ibigay ang maganda at marangyang pamumuhay sa kanilang magkapatid.Habang sila ay naglalakad sa pasilyo ay nag-flashback naman sa kanyang alala ang pangyayari sa kanilang bahay isang araw bago sila tuluyang mag migrate sa Amerika. Abala na silang lahat mag-impake pati itong si Manang Luming ay abala din sa pag-iimpake ng mga gamit ng kanyang alaga, Malapit talaga itong si Natalie at Timothy kay Manang Luming nila dahil ito na halos ang nagpalaki sa mga bata. Ang buong akala namin nung una ay dahil sa hindi na namin maisasama si Manang Luming kaya ito nagmamakt
Read more
Kabanata 020
Sa loob ng VIP Lounge. Nakangiting pumasok si Sebastian. Agad naman binaba ni Natalie ang kanyang cellphone, ngumiti din ito sa binata. Masaya ang mukha niya dahil na din sa pangungulit ng kanyang mga kaibigan. Naupo na si Sebastian sa kanyang tabi.Nakatalikod sila sa pintuan ng VIP LOUNGE kaya naman hindi nila makikita kung sino ang pumapasok. Bumukas ulit ang pinto at nagulat si Natalie ng mula sa kanyang likuran ay may mga batang masayang nagkukulitan. Bahagya pa nitong kinapitan ang kanyang buhok.Nang humarap siya para tignan ang mga ito ay bumuhos na ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagulat siya ng makita niya ang kanyang Mommy Elizabeth, Daddy Patrick at Kuya Timothy, hindi naman pamilyar sa kanya ang kasama ng kanyang kuya na babaeng sa tingin niya ay asawa nito at ang dalawang bata na kahawig niya. Ang cu-cute ng mga ito. Nakita niyang malaki ang itinanda ng itsura ng mga ito. Wala na kasi siyang picture man lang na nakikita mula sa mga ito magmula ng magpaiwan siya sa mga
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status