Share

AGATHA "The Dangerous Slave"
AGATHA "The Dangerous Slave"
Author: RIAN

Chapter 1

"SA KATAPUSAN na kita babayaran ng buo." Napatingin sa inilapag niyang pera sa lamesa ang may edad ng kasera.

"Mahiya ka naman! Mag-uuwi ka ng lalake sa pamamahay ko tapos gagawin mong installment ang renta?!" Tumaas ang kaliwang-kilay ni Aling Guada saka nameywang.

"Kapag nagising 'yan, babayaran na din ako n'yan." Sinulyapan ni Agatha ang nahihimbing na lalake sa kama. Gwapo at mukhang mayaman ang costumer niya. Kaya niya lang naman iniuwi dahil hindi na nito kayang magmaneho pa dahil sa kalasingan.

"O, siya! Mamaya ha! Kundi palalayasin na kita." Humakbang na ito palabas ng bahay.

Sinundan ito ng tingin ni Agatha saka napailing, ilang beses na ba itong nagbanta na palalayasin siya pero nabubusalan niya ang bibig nito ng pera.

Walker siya sa isang Club, escort service, sa madaling-salita "PROSTITUTE". Twenty-five lang si Agatha pero bihasa na sa kalakaran ng buhay-pariwara at pagbebenta ng aliw.

"C-coffe please-" masarap sa pandinig ang baritonong tinig ng lalakeng iniuwi niya. Nakapikit pa rin ito habang tila sanay na nag-uutos sa mga nasa paligid. Nakadapa at nakabukas ang tatlong butones ng polo-shirt.

"Sir, sandali ha!" Nginunguya pa rin ni Agatha ang chewing gum na wala ng lasa pero isang oras na yata sa bibig niya.

"No sugar!" Pahabol ng lalake.

Nilingon ito ni Agatha habang naglalagay ng kape sa tasa. Gwapo talaga kahit mukhang istriktong Boss sa isang malaking kompanya.

"Naknamputs*! Walang ininit na tubig!" Naiinis na inalog niya ang thermos. "Ligaya!" sigaw niya.

Sumilip sa siwang ng bintana ang roommate niya na halatang puyat din at nanggigirapalpal sa make-up ang pagmumukha. Makapal ang pagkakapahid ng liptint.

"Ako na naman ang pagbibintangan mo?" Likas ang init ng ulo at palaging aburido ang mga boarders ni Aling Guada.

"May bisita ako, magkakape!" Singhal niya rito.

"Oy! Mukhang tiba-tiba ka ah!" Napasulyap ito sa nakahigang lalake. "Mukhang mayaman, 'di mo pa kasi dinala ng motel?" irap nito.

"Lasing na lasing, baka mamaya 'pag nagising ako pa tinakbuhan niyan." Natigilan din siya nang mapatitig sa mukha ng nakapikit pang costumer.

Hawig ito ng isang sikat na hollywood actor. Baka nga Celebrity pa ito dahil pamilyar sa kaniya. Ganitong-ganito ang mga napi-feature sa mga sikat na magazine.

"Pengeng mainit na tubig!"

Natatarantang sumunod naman si Ligaya.

"Balato ko ha!" Saad nito habang umiimbay ang balakang na tinungo ang kusina ng boarding house.

"Pogi, baka gusto mo ng bumangon!" Baling niya sa lalakeng nakadilat na tila parang gulat na gulat pang nakatingin sa kaniya. Nahihilo pa yata at hindi makapaniwala kung saang lupalop ito naroroon?

Bumangon na ito at kunot-noong tinitigan si Agatha.

"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan! Magbayad ka na!" Saad ni Agatha.

"Bayad?" Naiirita nitong tanong.

"HINDI pupwede sa'kin ang arte mong gan'yan!" Nameywang na si Agatha.

"Hindi ako nag-aaksaya ng pera sa isang bayaran." Kalmado ngunit maawtorisado ang baritonong tinig ng lalakeng iniuwi ni Agatha.

"Nagserbisyo ako ha! Hindi kita t*****@ pero nagpakahirap akong iuwi ka sa tirahan ko at nagbayad ako ng taxi." Pinagsalikop naman ngayon ni Agatha ang dalawang braso, iniunat ang dalawang mahahabang binti. Nakalantad maging ang makinis na hita dahil sa ikli ng short niya na mas mahaba lang yata ng kalahating pulgada sa suot nitong panty.

"Alright! Ipapadala ko ang pera sa assistant secretary ko." Naiinis nitong saad.

"Ano?! Oonsehin mo pa ako?! Mukha ka pa namang rich kid!"

"Rich guy na siya!" sabad ni Ligaya.

"Ke rich guy pa, dapat niya akong bayaran! Teka, ba't ka ba nakikialam? P*****ng 'to!" Inirapan niya ang kaboardmate na p*kp*k.

"Alright! Sumama ka sa bahay ko! Babayaran kita ng doble!" Tumayo na ang gwapong lalake saka naaalibadbarang lumabas ng silid, sinundan ito ni Agatha. Diskumpiyado siya kahit pa mukha itong mabangong hang-over.

"Magpalit ka muna ng matinong damit!" Nang malingunan siya nito ay asik nito.

Nanlaki ang mga mata ni Agatha. Maraming lalake ang gustong-gusto ang OOTD niya dahil hot and sexy daw siya tapos magbibigay ng opinyon ang h*******k na ito? Na para pang diring-diri?

"Kapag hindi ka nagpalit! Hindi ka pwedeng sumama sa'kin." Naiiling na pinasadahan siya nito ng mapanuri at nang-uuyam na tingin mula ulo hanggang paa. Saka parang nasusuka pang nagbawi ng tingin.

Maganda at sexy si Agatha Buenamente. Makinis at alaga niya ang makinis na kutis. Puhunan niya sa mga kliyente ang pinagpalang kurba ng katawan. Pinalad na mabigyan ng mapupungay na mata, matangos na ilong, at mapang-akit na mapupulang labi. Kuntento na siya na 5"4 ang height. Aarte pa ba siya? Eh, magandang mukha pa nga lang kinaiinggitan na siya ng ibang babae sa Club. Dyosa kung ituring ng mga lalakeng costumer. Kaya nga, nagtataka siya sa iniuwing lalake kung bakit tila wala siyang mabakas na paghanga sa kaharap na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"What?!" asik nito.

"Magpapalit na! T******ng 'to!" Nagdadabog na bumalik sa silid si Agatha at naghanap ng skinny-jeans at blusa. Ang baduy! Pero kaysa naman hindi siya mabayaran. Malilintekan na naman siya sa bungangerang kasera.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
na miss ko tong si landing Agatha......
goodnovel comment avatar
Manuel Salazar
nice story ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status