Share

CHAPTER ONE : THE DISC JOCKEY

"Is it easier to stay? Is it easier to go?

I don't wanna know, oh.

But I know that I'm never, ever gonna change.

And you know you don't want it any other way."

ANG MGA NAGLILIKOT na makukulay na ilaw ay tumatama sa mga taong todo-bigay sa pag-indak sa dance floor. Halo-halo na ang amoy ng alak, sigarilyo at kung anu-ano pa sa paligid. Wala na ‘kong pakialam dahil sanay na ‘ko sa paligid na ganito.

"Here's your drink, Ma'am." Tumango lang ako sa waiter at kaagad na itong umalis. Mabilis kong ininom ang isang baso ng alak sa harapan ko. Humagod ang mainit na likido na medyo mapakla ang lasa sa ‘king lalamunan.

"Bullsh*t! Pangatlong beses na nangyari sa ‘kin ito! Ano bang kulang sa ‘kin? Puwede na nga ‘kong lumaban sa Miss Universe sa ganda kong ito!" malakas na loob kong sigaw lalo na’t hindi naman ako maririnig ng mga tao rito dahil sa lakas ng tugtog.

‘Kung gusto ninyong magsaya, hayaan ninyo ‘kong mag-senti dito. Sapakin ko kayo kapag umangal kayo sa ‘kin. Walang basagan ng trip.’

Napasandal ako sa kinauupuan kong sofa at saka nagsimulang maglandas ang mga luha ko pababa sa ‘king pisngi. Kahit na nasanay na ‘kong maloko, masakit pa rin dahil sobrang rupok at malas ko pagdating sa pag-ibig.

"M-maganda naman talaga ko, matalino, masipag—Ano pa ba’ng kulang sa ‘kin?"

Nilagok ko ulit ang isang basong alak. Hindi ko namalayan ang pag-upo ng isang tao sa harapan ko.

"Baka naman sila ang may kulang at hindi ikaw,” sambit ng isang baritonong boses kaya napataas naman ang aking kilay. Nanlalabo na rin ang aking paningin nang dahil sa tama ng alak pero nasa huwisyo pa naman ako kahit papaano.

‘Weak naman, nahihilo na agad ako.’

"Anong pakialam mo? I'm talking to myself so please, leave me alone."

Tumayo ako para magpunta sa dance floor. Lagi ko naman itong ginagawa, tatlong gagong lalaki na ang nanloko sa ‘kin. Hindi pa rin ako masanay sa sakit kahit na alam ko namang ganito pa rin ang kahihinatnan ng relasyon namin ni Jared. Dito lagi sa club ang bagsak ko pagkatapos kong malaman na ginagago na nila ‘ko para bang immune na ‘ko sa mga panloloko ng mga lalaki. Tila walang loyal na lalaki sa buong mundo at kung mayro’n man ay maaga namang namamatay o hindi kaya’y taken na.

Nagpunta ‘ko sa gitna at nagsimulang umindak at sumabay sa ritmo ng musika. Naitaas ko na lang ang aking dalawang mga kamay habang iginigiling ang balingkinitang baywang. Lakas talaga ng tama ng alak sa sistema ko.

"Enjoying the night?" Nagtilian ang lahat ng tao nang may nagsalita mula sa gamit na mikropono. Inilibot ko ang aking paningin at napako sa harapan kung nasaan ang DJ ng club na ito. Napakapamilyar na boses at naningkit ang aking mga mata dahil namukhaan ko ito dahil ‘yon ang lalaki kanina na nakangising nagpatugtog ng mga sexy songs. "Please, enjoy the night, Young Lady." Sambit nito habang matiim itong nakatingin sa akin. Namula naman ang aking pisngi at dali-daling umiwas ng tingin.

‘Malandi palibhasa gwapo. Tse! Tigilan niyo muna ‘kong mga gwapo kayo!’

Lumalim ang gabi at hindi ko na rin mabilang kung pang-ilang baso na ng alak ang aking inilagok. Umiikot na rin ang aking paningin at halos gumewang na ngunit patuloy pa rin ako sa pagsayaw. Ngunit sandaling huminto ang tugtog pero kaagad ding nanumbalik.

"Gusto mong sumama sa ‘kin?" Nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang biglang may yumapos sa ‘king baywang at bumulong pa sa tainga ko.

"Bakit naman ako sasama sa ‘yo?" sarkastiko kong turan. Ngunit nag-init ang aking katawan nang halikan niya ang aking leeg.

‘T*ngina, bakit ko naman siya hinahayaan na halikan ang leeg ko?’

"F-f*ck," usal ko at pilit na kumakawala sa yakap niya. Pinilit kong inaninag ang kausap ko ngunit nakaramdam ako ng matinding hilo dahil sa malilikot na mga ilaw. Mukhang ang lalaking naglalandi sa ‘kin ay ang DJ.

"Lasing ka na," aniya,

"Y-yeah, I know, so leave me alone!" Yumapos na naman ang kaniyang matitipunong mga braso sa ‘king baywang kaya’t hindi ako makapalag lalo na’t madiin ang kaniyang hawak sa ‘kin lalo na’t nawawalan ako ng balanse.

"Favorite mo ba’ng line 'yan? You should rest, so come with me, and when you're sober, I'll take you home," bulong niya sa ‘king tainga at napakagat naman ako sa labi ko dahil nakaramdam ako ng kiliti nang dahil sa init ng kaniyang hininga.

‘Hala ka, epekto ba ito ng mga alak na nainom ko? Bakit parang uminit ang buong paligid at gusto kong maghubad.’

"In my place, and I bet you'll be happy." Wala sa sariling napatango ako sa kaniyang sinabi. Ngayon lang, gusto ko lang makalimot kaya naman sasama ko sa lalaking ito. Gusto kong sumaya kahit ilang oras lang at makalimutan ko ang sakit at panlolokong ginawa sa ‘kin ng hayop na Jared na 'yon. "Let's go, come with me."

Wala sa sariling nagpahila ako sa binata. Naaaninag ko ang kaniyang matipunong likod habang papalabas kami sa club para makarating sa parking lot. Pinagbuksan niya ‘ko ng pintuan ng sasakyan at basta akong umupo at saka ipinikit ang aking mga mata.

‘This will be the happiest night of your life.’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status