Share

Accidentally Got Pregnant By The Boss
Accidentally Got Pregnant By The Boss
Author: incomparablepenumb

PROLOGUE : THE BREAK-UP

"NANAY LYN, nasaan po si Jared?" magiliw na tanong ko sa matanda.

"T-tajiana, bakit naparito ka?" gulat na turan ni Nanay Lyn, siya ang matagal ng kasambahay ng pamilya ni Jared sa kanilang mansyon. Balak ko kasing sopresahin si Jared ngayong araw dahil ika-tatlong anibersaryo namin ngayon bilang magkarelasyon.

"Gusto ko po sanang i-surprise si Jared. Nandiyaan po ba siya ngayon?"

Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Nanay Lyn. "N-nasa itaas, sa loob ng kaniyang kwarto at ikaw na lang mismo ang pumunta ro’n”

Kaagad akong tinalikuran ni Nanay Lyn na lubos kong ikinapagtaka. Medyo naninibago ako sa pakikitungo niya sa ‘kin at baka naman masama ang gising kaya’t ipinagkibit-balikat ko na lang.

Dala-dala ko ang kahon ng cake at saka regalo ko kay Jared habang papaakyat ako sa hagdan patungo sa kwarto ng aking nobyo. Sobrang lawak ng aking ngiti habang papalapit sa pintuan ng kaniyang kwarto. Ngunit agad ding napawi ang aking ngiti nang nakarinig ako ng kalabog at ungol.

"Sh*t! Sige pa, Jared. Ooh, gan’yan nga. Hmm. . . Ang sarap! It feels so heaven,” hiyaw ng pamilyar na tinig ng babae na agad nagpakunot sa noo ko.

"Ang sarap mo, Sandra. . . Ooh, sobra. . .” Naninikip na ang aking dibdib nang narinig ko ‘yon at nanginig din ang aking mga kamay.

"Bilisan mo—Ahh! Sige pa, Jared!"

Sa nakaawang na pinto, kitang-kita ko ang pagniniig nina Jared at ang kaibigan kong si Sandra na nagtatalik. Sa sobrang gulat ko’y hindi ko na napigilang bitawan ang dala-dala ko na nagpabaling ng atensyon nila sa ‘kin.

"T-taji. . .” usal ni Jared.

“B-bes. . .” sambit ni Sandra.

Parang nasilihan ang mga puwet nila at dali-daling nagtakip ng katawan pagkatapos bumitaw sa isa't-isa. Natawa naman ako kasabay nang pagtulo ng luha ko.

"Put*ngina, kailan niyo pa ginagawa sa ‘kin ito? Matagal niyo na ba ‘kong ginag*go?” asik ko at pumasok sa loob ng kwarto ni Jared.

Natatarantang nagbihis si Jared ng kaniyang pang-ibaba samantalang si Sandra nama’y nagbalot ng kumot para ipantapis sa hubo’t-hubad nitong katawan. Napayukom ako ng aking mga kamao habang nagtatagis ang aking bagang.

‘Ang kakapal ng mukhang gawin nila sa ‘kin ang bagay na ito. Pinagkatiwalaan ko sila pero niloko lang nila ko.’

"Let me explain, Taji—" pagsusumamo ni Jared sa ‘kin.

"Explain what, Jared? Ipapaliwanag mo ba sa ‘kin kung paano ninyo ako ginag*gong patalikod? Sa sobrang kapal ng mukha ninyong dalawa’y tinubuan na talaga ng kalyo!”

Sumubok si Jared na hawakan ang kamay ko ngunit dali-dali kong dinampot ang regalo ko at malakas na hinampas sa pagmumukha niya.

‘T*ngina, nag-effort pa ‘kong pumunta at gumastos tapos ganito lang pala dadatnan ko? Pakamatay ka na, Jared. Hayop ka! That's the best gift for me right now.’

"T-t*ngina ka, Sandra. Put*ngina ninyong dalawa ni Jared! Ang kakati ninyo at sobrang nakakadiri!” sigaw ko.

Huminga ako nang malalim at saka ipinikit ang aking mga mata. Gusto kong kumalma ngunit sobrang galit ang namumutawi sa dibdib ko. Baka mapatay ko pa sila sa mga oras na ito kapag hindi ko napigilan ang aking sarili.

"As a man, may pangangailangan naman akong hindi mo maibigay sa ‘kin kaya hinanap ko sa iba—"

Isang matunog na sampal ang ibinigay ko kay Jared. Hindi ako nakuntento, inulit ko pa hanggang sa mamanhid ang kamay ko at mamula ang kaniyang mukha kasabay nang pagdugo ng kaniyang labi.

‘Bullsh*t! Anong utak mayroon si Jared? Hindi pa rin kasi papasa sa utak ng talangka.’

"G*go ka ba? Wala ka nang maibigay na dahilan? Sapat na ba 'yan para g*guhin mo ‘ko nang ganito? Anong klase kang lalaki kung 'yan lang ang habol mo sa mga babae?! For god sake, Jared! Si Sandra pa talaga?!" bulalas ko.

"We can fix this. You can be my girlfriend while Sandra is just my f*ck buddy, and if you don't want me to—"

Hindi na naman ako nakapagpigil at tinuhod ko ang kaniyang pagkalalaki. Napahiyaw sa sakit si Jared habang nagpapagulong-gulong sa sahig.

‘Jusko po, ito ba ang taong pinag-aksayahan ko ng tatlong taon? Itong m*libog at t*gang na lalaking ito ang pinag-aksayahan ko? F*ck, sayang three years ko.’

"T*ngina ka! Ano’ng akala mo sa ‘kin, stupid to agree with what you wanted? Bakit, sobrang gwapo mo ba, Jared?" Inilipat ko ang masamang tingin ko kay Sandra at kaagad naman itong napakapit nang mahigpit sa kama habang umuusod nang marahan."Ikaw na malandi ka, papatol ka na nga lang at sa boyfriend ko pa talaga! Wala ka na ba talagang hiya sa bokabularyo mo? Mismong kaibigan mo’y g*nago mo, Sandra! Anong klase ka namang kaibigan?”

Nanlisik naman ang tingin ni Sandra sa ‘kin. "Ano bang pakialam mo, Taji? Mabuti pa nga ‘ko at kaya kong iparamdam ang langit kay Jared, e ikaw? Tuod ka lang kaya ka niloko—Ahh!"

Hindi na natapos ni Sandra ang sasabihin niya nang hablutin ko ang kaniyang buhok at sinabunutan ko siya nang matindi. Akalain mo nga naman na may lakas pa siyang sumagot-sagot sa ‘kin.

"Kung gan’yan pala kakitid ang isip mo, aba'y hindi na ‘ko magdadalawang isip na ipukpok 'yang ulo mo sa pader nang maliwanagan ka! Kaya kitang dalhin sa impyerno ngayon, g*go! Huwag mo ‘kong hamunin ngayon, Sandra."

Inis kong kinaladkad pababa ng kama si Sandra at saka pabagsak na binitawan ang kaniyang buhok at may kumapit pang ilang mga hibla sa ‘king kamay na agad kong ipinagpag. Baka mahawaan pa ‘ko sa pagiging linta. Mag-a-alcohol ako pagkatapos nito.

"If you don't want to accept my offer, then I’m breaking up with you!” asik ni Jared.

"Okay, hindi ka kawalan. F*ck you!" nakangisi kong turan at saka dinampot ang cake dahil sayang naman kung hindi ito magamit. "Next time, sa may class ka pumatol, ha? Si Sandra kasi ay panay ang sama lang niyan kung kani-kanino at baka magka-HIV pa kayo pareho pero wala naman na akong pakialam. Gusto ko pa nga 'yon nang madala kayo. Hindi ko rin alam na mahilig kang pumatol sa asal aso at sa mukhang aso. Sobrang ganda ko na, Jared. Bakit naghanap ka pa ng asong katulad n’yan? Tanga-tanga, Amp*ta! Nasa kama na gusto pang mahiga sa papag."

With that, itinapon ko sa kanilang dalawa ang cake at tumapon iyon sa buong katawan nila. Tinamaan pa sa mukha si Sandra.

‘Deserved.’

"Sh*t!"

"Ano ba, Taji!"

"Hayan, magdilaan kayo lalo na’t pareho naman kayong mukhang aso. Maglampungan kayo hanggang sa magkasakit kayong makakakati. Bye, f*ckers!" Itinaas ko ang aking middle finger bago pabagsak na isinara ang pintuan ng kwarto. Dumiretso ako pababa ng hagdan at namataan ko pa si Nanay Lyn na nag-aalangang lumapit sa ‘kin ngunit hindi ko siya pinansin at naglakad nang mabilis. Papalabas na ‘ko ng mansyon nang patuloy sa paghabol siya sa ‘kin.

"Ayos ka lang ba, Taji?" malungkot nitong tanong sa ‘kin kaya naman ngumiti ako.

"Matagal na po ba ‘kong ginag*go ni Jared?"

Hindi nakasagot si Nanay Lyn, yumuko lang ito kaya pilit akong natawa. Biruin mong hindi pa pala ito ang una. Ang galing din magtago ng mga hayop na 'yon sa ‘kin. Gusto kong bumalik sa itaas at durugin ang ipinagmamalaki niyang maliit naman.

"I guess, silence means yes."

Lumabas na ‘ko ng mansyon at dali-daling pumasok sa kotse. Naisandal ko na lang ang likod ko sa upuan at napayukom ako sa ‘king mga kamao at pagak na tumawa. "Best Anniversary gift ever." Pinaandar ko na ang kotse at hinayaan kong dalhin ako nito sa kung saan. Malayo sa mga manlolokong mukha namang mga aso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status