Share

Chapter 2

KELLY, Senior High . . .

PAMBIHIRA! Late na naman si Vicky. Nasa kaniya pa naman ang project na isa-submit ngayon.

Kanina pa ako naghihintay sa gate at malapit nang mag-ring ang bell. Nang dalawang minuto na lang at wala pa siya ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa loob. May flag ceremony pa kami at kapag wala ako sa pila ay siguradong kakanta akong mag-isa sa unahan!

I was almost there when someone knocked me over. Mabuti na lang mabilis ang reflexes niya, kung hindi ay bangas ang mukha ko sa pavement. 

“Ano—”

Whatever I have to say to the stupid person who bumped into me was frozen in my throat. Ang lalaking nasa harap ko ay napakaguwapo kahit medyo payat. He was more the lean type at mukhang sporty din. Otherwise, paano niya ako masasalo nang ganoon kabilis kanina?

“Sorry, nagmamadali kasi ako at hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito,” sabi niya sa akin.

Diyos ko po! Pati ang boses ay masarap sa tainga. 

May sinasabi siya sa akin pero parang wala akong naririnig. Iyong mga labi niya lang ang kumikibot-kibot, until I heard a familiar voice.

“Miss Lavarejos, may I remind you that you are in school grounds at hindi appropriate na nakikipagyakapan ka sa premises ng school na ito.”

Sukat sa narinig ko ay bigla akong napatanga. “Wala naman akong ka—” Bigla akong bumitiw sa lalaking hindi ko kilala. Kasalanan niya ito, e. 

“Sorry po, ma’am. N-Natapilok po ako at tinulungan niya lang ako. Kung hindi po niya ako naagapan ay pumutok na sana ang ulo ko kanina.” 

Biglang kumunot ang noo ni Miss Santos. “Is this true?” tanong niya sa lalaki.

“Opo, ma’am. Pasensiya na. Pareho kaming nagmamadali para makaabot sa flag ceremony kanina,” paliwanag niya. “Wala pong malisya ang nakita n’yo sa amin kanina. Tinulungan ko lang po siya.”

Miss Santos looked relieved. “Okay, I will let this go for now but you two should come fifteen minutes before the flag ceremony para hindi kayo nagtatatakbo nang ganyan. Find your classmates and get in line. Hindi ko kayo pakakantahin nang solo sa unahan mamaya.” 

“Salamat po, ma’am,” sagot ko sa kaniya. 

Naglakad ako papunta sa mga kaklase ko nang mapansin kong nakasunod rin siya. Ah, bahala siya sa buhay niya. Transferee yata ito at bagong mukha. Guwapong mukha. 

Nang mahanap ko ang section ko ay pumwesto ako sa likod. Hindi ko akalain na ang lalaki kanina ay pipila sa likod ko. 

“I’m Brandon Aspirez, ikaw?” bulong niya sa akin mula sa likod. 

Kumunot ang noo ko pero hindi ko siya hinarap. “Are you sure na nasa tamang linya ka?” Hindi ko sinabi ang pangalan ko.

“I’m supposed to join IV-Coral.”

Mukhang kaklase ko pa siya. Ang pagkakataon nga naman.

Hindi ko na siya sinagot. Nang matapos ang dasal at flag ceremony ay nagsimula na kaming bumalik sa classroom. Straight ang pila at malapit na kaming umalis sa courtyard nang makita ko si Vicky na tumatakbo. Hingal na hingal siya nang makalapit sa akin. 

“O, bakit na-late ka?” tanong ko sa kaniya.

“Nasiraan ’yong jeep na sinasakyan ko. Akala ko nga babalik na ako sa bahay,” kuwento niya sa akin. She was about to say something more nang mamataan niya ang lalaking nasa likod ko. “Bago ka?” 

“Yes, transferee ako galing Maynila. I’m Brandon.” 

“Ako si Vicky Abdon.” 

“E, siya?”

Hindi ako sumasali sa usapan nila. I’m still pretty shaken up from earlier when his arms were wrapped around me. 

“Hindi pa kayo magkakilala?” gulat na tanong ng kaibigan ko. Gusto ko siyang batukan. “Kelly Lavarejos.”

“Kelly. Beautiful name,” saad niya. 

He didn’t say anything more but it was a start of his presence in my daily life. Kung nasaan ako, madalas ay naroon din siya. He made friends easily dahil natural na charming. Hindi lang mga lalaki ang mabilis niyang naging kaibigan, pati ang mga babae sa klase at kabilang section ay palaging tumatambay sa classroom namin. Nakakairita din dahil puro na lang pagpapa-cute ang ginagawa nila. 

A month later, naging kagrupo ko siya sa science. Absent si Vicky at nang mag-pair ang teacher ay kaming dalawa ni Brandon ang pinagsama niya. 

Ngayon pa lang ay gusto ko nang masuka. Maghihiwa kami ng bulate. Naglalagay kami ngayon ng gloves at naka-mask din pero wala akong intensiyon na gawin ang activity ngayon. Baka sa malas ay sukahan ko pa ang bulate. 

“Are you scared of worms? Ang putla mo,” sabi sa akin ni Brandon.

“Hindi, ah. Para bulate lang,” tanggi ko sa kaniya. 

“Okay. I think there are six or seven worms here. Tig-isa daw tayo ng dapat i-disect, so I guess ang iba ay spare lang.” He checked the time and noticed that we have thirty minutes to do it. “Let’s get to work.” 

I watched him work with ease. He pinned the two ends at nagsimula siyang maghiwa sa gitna nang paunti-unti. Samantalang ako ay kanina pa sinusubukan na i-pin ang kabilang dulo pero mailap ito. Ang hindi ko in-expect ay ang pagtayo niya sa likod para tulungan ako. My back was pressed against his chest at may kung anong kilig ang bumalot sa akin. 

Everybody had a crush on him but I keep telling myself that I am not one of them. Nangako kasi ako kina Nanay na hindi ako makikipagrelasyon hanggang hindi ako nakatatapos ng kolehiyo. May pinaghuhugutan naman ako dahil ang mga pinsan ko ay kay aagang nabuntis at ngayon ay mag-isang pinapalaki ang anak nila. Hindi na sila nakapagtapos at ngayon ay miserable ang buhay. I don’t want that for myself.

“Hold your hand steady. Don’t close your eyes. Kaya hindi mo ma-pin ang buntot ay pumipikit ka,” natatawang sabi niya sa akin. 

“Hindi ako pumipikit,” tanggi ko sa sinabi niya. 

“I saw you. Anyway, come on. You can do it. Bulate lang ’yan at hindi ahas. Hindi ka kakagatin niyan.” 

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob pero pinanatili kong mulat ang aking mga mata at nahuli ko rin ang buntot ng bulate sabay baba sa table ng hawak ko. Napayakap ako sa kaniya sa tuwa. His arms wrapped around me this time. 

“See, I know you can do it,” bulong niya sa akin.

Naputol ang saya ko nang makarinig ako ng tikhim. “Miss Lavarejos, tuwing makikita ko kayong dalawa ay palagi kayong magkayakap. Boyfriend mo ba si Brandon?” tanong ni Miss Santos.

Diyos ko naman! Active din ang imagination ni Miss Santos at palaging ako ang pinupuna niya. Hindi pa ako nakasasagot ay narinig ko na ang tinig ni Brandon.

“She’s my girlfriend.” 

Hindi lang ako napanganga, pati ang teacher namin at mga kaklase ay halos sabay-sabay ang pagsinghap. Sino raw ang girlfriend niya?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hahahha gf agad......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status