Share

Chapter 3

KELLY

BAGO pa ako nakahuma ay nakapagsalita na uli ang teacher namin. “I need you both to meet with me after class. As for the activity, well done. Behaviour, not so much.” Lumakad na siya at tiningnan ang gawa ng mga kaklase namin.

I am so mad, gusto kong i-disect si Brandon. Ano ba’ng pumasok sa kukote niya at sinabi niyang girlfriend niya ako? We are not even friends!

Nang lingunin ko siya ay tatawa-tawa siya. Ah, it was a prank!

“I am going to kill you later after school. You better watch your back.” 

Sa halip na matakot ay lalo pa siyang tumawa. “Kill me with your kiss?” bulong niya sa akin. Kumuyom ang kamao ko at isang-isa na lang ay tatamaan na siya sa akin. “Takot ka nga sa bula—ahh!”

***

At the Principal’s Office . . .

FIRST time kong magawi rito dahil napa-trouble ako. Unfortunately, nakita ako ni Miss Santos na sinuntok si Brandon sa panga. Ang ending, pinulot ako rito sa Principal’s Office. 

Kaming dalawa actually. 

“Kelly, care to tell me what happened? How did you two end up here?” tanong ni Principal Nepomuceno.

“Binibiro po kasi niya ’ko at napikon ako.”

“Kaya mo siya sinuntok?” The principal looked amused at parang nanonood ng Young Love, Sweet Love na palabas sa TV noon. 

Nang lingunin ko saglit si Brandon ay may ice pack ang panga niya pero nakuha pa niyang kumindat sa akin. Ano ba’ng problema ng lalaking ito sa ’kin? As for me, maga din ang kamay ko at may ice pack din. 

“He was being childish,” katwiran ko. I know it was wrong to punch him but he provoked me. At dahil boksingero ang tatay ko, madalas akong makipag-sparring sa kaniya. 

“And punching him is not?”

Napangiwi ako sa sinabi niya dahil totoo. Ang takot ko na lang ngayon ay ang masuspindi kami. I have never been suspended before. Ang tahimik ng buhay ko noong wala pa siya rito pero sa isang iglap ay daig pa ang lumindol kasabay ng isang signal number five na bagyo ang pagdating niya. 

“You two are going to clean your classroom for five days after class. I want it spotless. If you fight again, I will add another week. If you fight for the third time, you will be cleaning the classroom until the end of the school year. Do we understand each other?”

“Yes, ma’am.” Halos magkasabay ang pagsagot namin ni Brandon.

“Brandon, if you think you are not in the wrong here, think again. You should not provoke Kelly or anyone in class para hindi ka masaktan. Naiintindihan mo ba ’ko? I understand that this is a new environment for you at hindi ito Maynila. Try to get along with everyone, including Kelly. And what is this I hear na nagyayakapan kayo? Have you read the handbook?” 

Sumagot ako sa kaniya. “Ma’am, hindi po kami nagyayakapan. Noong una po kaming makita ni Miss Santos, natapilok po ako at nasalo lang ako ni Brandon. Kung hindi ay lagapak ako sa semento. ’Tapos kanina po sa science, tinulungan niya lang ako sa activity. Hindi po kasi ako komportable sa bulate.” Kapag naaalala ko ay nandidiri pa rin ako. “Sa tuwa ko po kanina sa nagawa ko ay napayakap po ako sa kaniya pero wala po iyong malisya. Hindi na po mauulit.”

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa at hindi na nagsalita. Maki-kick out na yata ako. Gusto ko nang maiyak sa takot sa puwedeng mangyari at inis kay Brandon. Kung bakit naman kasi ang daming school, dito pa siya pumasok!

“I will let that two incidents go. I won’t be as nice for the third one. Let this be a warning that I will not tolerate it and you will be suspended.”

Nakahinga ako nang maluwag. We went back to class for the rest of the day pero kagaya ng sinabi ng principal, naiwan kami ni Brandon sa classroom at naglinis. We were given one hour dahil magsasara ang school ng alas-sais. Alas-kuwatro ay tapos na ang klase namin at nagsimula na akong magwalis. 

Brandon was cleaning the board at pagkatapos kong magwalis ay magma-mop siya ng sahig habang ako ay pupunasan ang mga silya at mesa ng teacher. Wala kaming imikan. Ang gusto ko lang ay matapos ko na lahat ng gawain ko para makauwi na kami.

“Huwag ka ngang tingin nang tingin,” sikmat ko sa kaniya. Ramdam ko ang mga titig niya kahit nakatalikod ako at naiinis pa rin ako sa kaniya. I wouldn’t be in this situation kung hindi dahil sa kaniya. 

“I wasn’t looking,” tanggi niya. 

Hambog na, sinungaling pa!

“Just quit it. Hindi ako natutuwa sa ’yo.” Gusto kong walisin papunta sa kaniya ang gabok sa sahig.

Brandon stopped cleaning at hinarap ako. “Bakit ka nga ba naiinis sa ’kin? Ayaw mo nga ’kong tingnan.”

Bakit nga ba? Ako nga sa sarili ko, hindi ko rin alam. Maybe I am just guarding myself too much. Sa takot kong magaya ako sa mga babae rito sa school na nagkakandarapa sa kaniya kaya pilit kong iniiwasan ang presensiya niya. The first time I saw him, daig pa ang nagtatalon sa trampoline ang puso ko sa lakas at bilis ng kalabog. 

“Napapangitan ka ba sa ’kin?” tanong uli niya. 

“Maglinis ka na lang kaya? Ang dami mong sinasabi.” Hindi ko sinagot ang tanong niya. 

“So hindi ka napapangitan sa ’kin?” 

Oh my God! This is such a bad idea. Ano ’to? Retreat? Iyong may oras na magkasama para makapag-usap at makahanap ng neutral ground? Pambihira.

“I don’t want to be just your friend. I really like you,” sabi niya. Hindi ko namalayan na malapit na pala siya sa akin. Only this time, he wasn’t too close to me. Takot din ma-suspend.

Napakamot ako sa ulo ko. Anong I like you ang pinagsasasabi nito?

“Alam mo, Brandon, gutom lang ’yan. Mabuti pa, ililibre na lang kita ng isaw d’yan sa may labasan. Let’s just put everything behind us at magsimula tayo uli. Bawasan mo lang ang kulit mo, tingin ko naman ay magkakasundo tayo. Friends?” Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya.

Tiningnan niya ’yon at wari ay nag-iisip kung tama bang tanggapin niya ang pakikipagkaibigan ko.

“Friends. But not for long. Manliligaw ako.” 

Heto na naman po kami. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
heehehee go brandon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status