Share

Glimpse of Perfection
Glimpse of Perfection
Author: Archeraye

Simula

Kahit nanlalabo ang paningin ko ay kitang kita ko ang gulat sa mga mata ng taong pinakamamahal at pinagkakatiwalaan ko.

"B-babe..."

Gusto kong matawa. Babe?! Talaga! Putangina niya!

Tumakbo si Santri papunta sa gawi ko pero agad na tumayo si Keith at sinuntok ito. Pati rin ako ay nagulat. I tried to stopped Keith but I could see the rage in his eyes. Pinigilan ko siya ng kasamahan nila pero nagawa niya pa ring suntokin si Santri.

"Keith! Keith stop!" umiiyak na sigaw ko.

"Putangina mo, Santrius! Binalaan na kitang gago ka! Ano'ng pumasok sa isip mo at sinasaktan mo si Ana, ha?! Tangina mo nagparaya ako kasi alam kong gustong gusto mo pero ano'ng ginagawa mo sa kanya?! Tarantado ka! Sinabi ko sa'yo na alagaan mo siya! Alagaan mo ang babaeng gustong gusto ko pero anong ginagawa mo ngayon, ha?! Gago ka!" aniya at akmang susuntokin na naman si Santri.

Umiiyak akong niyakap si Keith para pigilan siya. Hindi umimik si Santrius. Hindi siya nanlaban. Hinayaan niya lang na sigaw sigawan at murahin siya.

"Keith... Keith please, tama na"

"Alam mo bang kanina pa siya naghihintay sa'yo sa labas ng building pero mukhang hindi mo ata sinabi sa kanya kung nasaan kang gago ka. Kung hindi ko siya nakita roon ay baka nabulok na siya kakahintay sa'yo! Sinabi ko na sa'yo dati pa, 'di ba? Na darating ang araw na masasaktan mo siya pero hindi ka nakinig sa akin! We both know that you're bound to marry someone else pero dahil selfish ka! Pinapatuloy mo pa rin!"

Parang tumigil ang mundo ko. Unti unti kong nilingon si Santri at gulat na gulat din siya. Tumayo siya at akmang lalapitan ako. He's calling me but the more I hear his voice, the more it hurts. He was about to hold my hand when I stepped back. Nakita ko ang sakit na rumihistro sa kanyang mukha pero wala nang mas sasakit pa sa mga narinig ko.

"Totoo ba?" nanginginig ang boses kong wika sa kanya.

"B-babe, I can explain."

"Totoo ba, Santrius! Tangina, sagutin mo ang tanong ko!"

Hindi siya sumagot, bagkus ay yumuko lang siya at paulit ulit na humihingi ng tawad sa akin. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa sunod sunod na mga luha. All this time he was lying to me?!

"Babe, I can explain please... just hear me out, please. Makinig ka sa'kin," he said while crying.

Umiling ako. "Sino?"

Lumuhod siya sa harap ko habang umiiyak. "Babe..."

"Sino ang babaeng pakakasalan mo, Santri! Tangina, huwag mo 'kong mababe babe dyan! Ano? 'yang ex mo ba? Siya ba?!"

"Y-yes, si Emerald ang p-papakasalan ko pero i-ikaw ang mahal ko. Maniwala ka sa'kin, please!" wika niya habang inaabot ang aking mga kamay.

Pilit ko naman na iniiwas ang kamay ko habang walang tigil na tumutulo ang luha. Ang sakit lang. Sobrang sakit.

"S-Santri... Santri, sinabi mo sa'kin na hinding hindi mo 'ko sasaktan pero sa ngayon . . . I am better if..." umiiyak kong hinawakan ang singsing na binigay niya sa akin at itinapon sa mukha niya.

"I am better if without you."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status