Share

Hindi ko Naabutan ang Araw sa Pagsikat
Hindi ko Naabutan ang Araw sa Pagsikat
Author: Aking Paraluman

Kabanata 1

"Laila ang 3 layered na cake for Miss Socorro na deliver na ba?" sigaw ko mula sa dining. Alas dyes na ng umaga at kakagising ko lang. Napuyat ako kagabi dahil ako ang nag design sa inorder ni Ms Socorro na cake para sa mama niya, may tinapos din akong 2 layer na naked cake na ibibigay ko kay Lee mamaya dahil ika 25th birthday na ng bakla. My best friend since elementary. Oo kambal tuko kami. 

"Opo ate kaka deliver pa lang!" sagot ni Laila na nasa dirty kitchen na nag be-bake ng cupcakes. 

Mabuti naman at napaaga ang delivery. Mabuti nalang din at di malilimutin si Laila kundi baka napahiya ako sa costumer kong big-time.

Umupo ako sa upuan at ininom ang kapeng tinimpla ko, kinain ko rin ang sandwich na pinalamanan ko ng peanut butter kanina. Ayokong mag rice, reserved ang tyan ko for later para marami at masulit ang kain ko mamaya sa birthday ni bakla. 

Tumunog ang phone ko at agad ko namang sinagot ang tumatawag. 

[Hoy asan na regalo ko ha?]  

'hoy' palang alam ko na agad na tawag ng demonyo.

[Ano ba gusto mo?] tanong ko pabalik.

[Wow, iba ka talaga mayora. House and Lot po, kaya ba?] natawa pa siya halatang minaliit kakayahan ko.

[Maliit na bagay] sagot ko.

[Neknek mo! Hambog!] napatawa ako sa sagot niya. [ hoi wag kang pa special ha dapat di ka malelate mamaya gaga ka lagi ka pa namang late! Sabi ni mama mga alas dos daw dapat nandito kana!] Galit ba to? Hahahah

[Okay boss. Happy birthday!]  in end ko na rin ang tawag at agad inubos ang kinakain kong sandwich. Inubos ko rin ang kape at saka niligpit ang ginamit at inilagay sa sink. 

Dumiretso ako sa dirty kitchen at kinuha ang cake na ireregalo ko kay Lee mamaya at sinulatan ko to ng 'MAHINA! BENTE SINGKO NA WALA PARING JOWA. PWE!' naiisip ko pa lang reaksyon niya mamaya natatawa na ako. 

Umakyat na ako sa taas at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Pahirapan pa ako sa pagpili ng damit dahil halos puro dress nalang ang naiwan sa closet. Nakalimutan kong ihatid sa Laundry shop ang mga used clothes ko. Sa susunod nalang siguro. 

Buti nalang at may isang ripped jeans pa akong naiwan. Isinuot ko ito at nag white crop top lang na plain. Flat sandals lang din na white ang isinuot ko. 

Wallet, cellphone at susi lang ang aking binitbit. 

Papalapit palang ako sa kotse ay nakita ko na si Laila na dahan dahang inilagay sa front seat ang cake. Pagkatapos ay agad niyang isinirado ang pinto at naglakad palapit sa akin, pabalik sa loob ng bahay.

Bago niya ako nilagpasan ay pinigilan ko siya at nag tanong.

"Hindi ka ba sasama sa akin, Laila?" kunot noong tanong ko. Ang alam ko magkakilala silang dalawa ni Lee noon. 

"Uh hindi na po ate, may lakad po kasi kami ng pinsan ko mamaya" ngumiti siya sa akin "Pakisabi nalang po kay Lee na happy birthday, salamat po" dagdag niya pa. Ngumiti siya sa akin at pumasok na sa loob ng bahay. 

Si Laila ay 20 years old pa lang at nagtatrabaho siya sa akin bilang isang baker at katulong ko sa pag decorate ng cakes dahil siya na lang sumusuporta sa sarili niya. Ayaw ko rin namang pangunahan siya sa kanyang life story kaya hindi ko na rin siya tinatanong pa sa ganyang mga bagay.  

Pumasok na lamang ako sa silid ng kotse at saka pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay ni bakla. Pagdating ko doon, napakadaming mamahaling sasakyan ang nakaparada. Nahihiya tuloy akong pumasok sa loob ng bahay dahil sa suot kong naka ripped jeans lamang. Anyways, dahil kilala naman ako ni manong guard ay may sinabi siya sa akin na dumiretso daw ako sa dining dahil nandon daw si tita Maki, mama ni Lee. Wala rin daw ang mga bisita roon kase na sa front yard ang venue ng kanyang reception. Naglakad naman ako papuntang dining pero sa likod ako dumaan kasi nahihiya ako sa mga tao. 

Pag pasok ko, agad bumungad sa akin si tita.

"Violet my dear, so glad you are here already" yinakap ako ni tita. "Bakit ka naka jeans lang? Mag bihis ka doon dali kasi may irereto ako sa iyo isang hottie haha" sabi niya pa sa akin. Di talaga ako nagkakamali na mag ina sila ni Lee. 

"Tita naman eh, di ba po sabi ko sainyo ayoko sa mga ganyan" napa pout siya sa akin. Napabuntong hininga na lamang siya.

"Hays. Sige na nga di muna kita kukulitin for now."

depensa niya. "Kumain ka na ba? Kain ka muna dito, alam ko namang mahihiya ka kapag doon ka pa sa labas kakain. Teka lang ikukuha kita ng kubyertos at pinggan, may mga pagkain naman diyan." dagdag niya.

Dahil hindi naman ako tumatanggi sa grasya, kumuha ako ng pagkain. Sinulit ko ang oras hanggang sa di na talaga kayang maipasok pa ng tiyan ko ang ibang pagkain. Napagtanto nalang ni tita na gutom nga talaga siguro ako.

Dahil sa sinabi ni tita na nandito raw si Belle at Nica, nagpaalam muna ako sa kanya at hinanap ang dalawang bruha. Tatlo pala kasi kasama si Lee sa mga bruha. Mula kinder ako magkasama na kami ni Lee hanggang sa nag college kami kaya siya na tinuturing kong best friend. Habang sina Belle at Nica naman ay nakilala namin ni Lee noong first year high school pa lang kami. Hanggang sa lagi na kaming magkasama at umabot sa puntong naging malalapit na magkaibigan na rin. 

Sa aking paglilibot ay napadpad ako sa sala kung saan nag iinuman ang mga grupo ng kalalakihan. Mukhang mga professional na ata ang mga 'to, halata naman sa posture at datingan nila. Halata din sa iniinom nilang Blue Label na alak. Ang gaganda ng mga katawan kasi na eemphasize mga muscles nila sa kanilang sinusuot na damit. Ang popogi rin nila pero di ko pa rin sila type kasi di ako interesado.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglilibot sa loob ng bahay ngunit di ko pa rin sila mahanap. Kanina ko pa rin sila tinatawagan ngunit di rin sinasagot ng mga ito tawag ko. Ayaw ko rin namang lumabas kasi maraming tao. Oo, I'm allergic to humans. Char

Ayoko lang talaga sa maraming tao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status