Share

IMD 09

Malakas na katok sa pinto ang humila ng diwa ni Jastine mula sa malalim na pagtulog. Dahan-dahan na nagmulat si Jastine kasabay nang napakahaba niyang paghukap at pag-iinat ng mga braso’t binti.

“Jastine, gumising ka na diyan,” ani ng tao na nasa labas ng kwarto. Kumatok pa itong muli.

Umupo si Jastine sa kama. “Ano ba ‘yan, Jeremy? Ang aga-aga. Nabubulabog ka ng tulog,” pasigaw na tugon ni Jastine. Hinanap niya ang cell phone sa tabi ng unan. Napapikit pa siya nang kaunti nang umilaw na ito.

Narinig ulit ni Jastine ang pagkatok ni Jeremy sa pinto. Mas malakas ito kesa sa nauna nitong mga pagkatok. “Lalabas ka na ng kuwartoi mo o bubuhatin pa kita pababa?” tanong naman ni Jeremy.

Unti-unting nakapag-adjust ang paningin ni Jastine sa ilaw ng cell phone. At hindi nga siya nagkamali, sobrang aga pa. Humikab ulit si Jastine.

Ano na naman ang kailangan ng magaling na kapatid kong ‘to?

Napalingon si jastine sa may bintana. Mahina pa lang ang sinag ng liwanag. Halos hindi pa nga ito nakakapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status