Malakas na katok sa pinto ang humila ng diwa ni Jastine mula sa malalim na pagtulog. Dahan-dahan na nagmulat si Jastine kasabay nang napakahaba niyang paghukap at pag-iinat ng mga braso’t binti.“Jastine, gumising ka na diyan,” ani ng tao na nasa labas ng kwarto. Kumatok pa itong muli.Umupo si Jastine sa kama. “Ano ba ‘yan, Jeremy? Ang aga-aga. Nabubulabog ka ng tulog,” pasigaw na tugon ni Jastine. Hinanap niya ang cell phone sa tabi ng unan. Napapikit pa siya nang kaunti nang umilaw na ito.Narinig ulit ni Jastine ang pagkatok ni Jeremy sa pinto. Mas malakas ito kesa sa nauna nitong mga pagkatok. “Lalabas ka na ng kuwartoi mo o bubuhatin pa kita pababa?” tanong naman ni Jeremy.Unti-unting nakapag-adjust ang paningin ni Jastine sa ilaw ng cell phone. At hindi nga siya nagkamali, sobrang aga pa. Humikab ulit si Jastine.Ano na naman ang kailangan ng magaling na kapatid kong ‘to?Napalingon si jastine sa may bintana. Mahina pa lang ang sinag ng liwanag. Halos hindi pa nga ito nakakapa
Hindi maalis ang mapanuring pares na mga mata ni Jastine sa lalaki na tila tuwang-tuwa sa pakikipag-usap sa magulang nila ni Jeremy. Maraming mga tanong ang pumasok sa utak ni Jastine na ikinalipad ng pag-iisip niya. Nanliit ang mga mata ni Jastine na tinitigan ang lalaki. Halos magkasalubong at magdugtong pa ang kanyang mga kilay kasabay nang bahagya na pagkunot ng noo niya.Shutangina naman. . . Anong ginagawa ng mayabang na ‘to rito sa bahay namin? Paano niya nalaman kung saan ang bahay namin? At higit sa lahat. . . bakit nandito ito ngayon?Sinubukan ni Jastine na maghalungkat ng kasagutan sa kailaliman ng kanyang utak. Wala naman siyang ginawa sa lalaki para puntahan siya nito sa bahay nila. Hindi nga niya sinagot ang tawag nito kagabi. Pinatayan agad ito ni Jastine pagkatapos niyang marinig ang boses ng lalaki. Kahit maikli lang ang sinabi nito at isang tanong lang ay alam na alam na ni Jastine kung kaninong boses iyon. At sa una pa lang ay wala naman talaga siyang plano na sagu
Napatitig si Jastine sa bilis ng pagkilos ni Drei. Napanganga pa siya nang bahagya. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong bulaklak na nakabalot pa sa dalawang maganda na wrapper. Faded vintage ang kulay ng nasa ilalim na wrapper habang kulay silver naman ang nakapatong rito. Huminto ang pagpasada ng tingin ni Jastine sa bulaklak. Maganda at maayos naman ang pagkaka-arrange ng mga ito. Maganda sa paningin lalo pa’t may iba pang klaw ng bulaklak ang kasama rito. Ngunit naka-highlight pa rin ang mga kulay puti na tulips.Unti-unti na sumimangot si Jastine. Sumama ang mukha ni Jastine na nagpalit-lipat ang tingin sa bulaklak at humahawak ng bulaklak sa kanyang harapan. Nanliit ang mga mata ni Jastine na sinipatan ang lalaki. Sinusubukan niya na unawaan ang sitwasyon at kung bakit ito ginagawa ni Drei. Pero wala talagang maisip na matinong dahilan si Jastine kung bakit bigla nagpakita ang lalaki sa bahay nila.Ngumiwi si Jastine nang napatitig siyang muli sa bouquet ng white tulips. “Whit
Nagtagal ang pagkakatitig ni Jastine sa bouquet. Hindi niya malaman kung bakit may iba siyang nararamdaman habang tumatagal ang pagkakatingin niya rito. Tila may kakaiba rito na hindi niya kaya ipaliwanag.Saglit na napapikit si Jastine nang biglang sumakit ang kanyang ulo. Hinilot niya ang kanyang noo kasabay nang paghugot ng hininga. Sa hindi malaman na dahilan, may mga imahe ang pumasok sa isipan ni Jastine. Hindi malinaw ang mga mukha ng mga tao. Ngunit tila naririnig niya ang mga boses nito. At isang salita lang ang masasabi niya, pamilyar. Pamilyar ang tunog ng boses ng mga tao na nasa kanyang isipan.“Jastine. . .” rinig ni Jastine na pagtawag sa kanya.Tinuon ni Jastine ang buong pansin sa naturang boses. Alam ni Jastine na kilala niya ang naturang boses at hindi siya nagkakamali na isipin na narinig na niya ito nang ilang beses.“Justine. . .” pagtawag ulit ng boses.Nanatiling nakapikit si Jastine. Sinubukan niyang hukayin ang pangalan ng nagmamay-ari ng boses sa kailaliman
“Hoy, ackla! May naghahanap sa ‘yo,” malakas at eksaherada na sabi ni Regine pagpasok ng dressing room.Napahinto si Jastine sa ng kanyang false eyelashes. Tiningnan niya ang kaibigan mula sa kaharap na salamin. Kitang-kita ni Jastine ang reflection nito na nakatayo pa sa bungad ng pintuan. Ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa mga pulang kurtina na hinahawi nito.“Don’t tell me nandito na naman ang magaling kong kapatid?” Iniisip pa lang ni Jastine na pumunta na naman si Jeremy sa pinagtatrabahuhan niya, napapaikot na siya ng mga mata at napapairap. Ilang beses na itong ginagawa ng magaling niyang kapatid para sunduin siya kuno dahil pinapauwi siya ng mga magulang nila.Binawi ni Jastine ang kanyang tingin. Pinagpatuloy niya ang pag-aayos ng false eyelashes para hindi ito halata.“Sabihin mo na lang kay Jeremy na hindi ako uuwi. . .” saad pa ni Jastine. Tiningnan niya ang kanyang sarili. At nang makuntento na siya, binaba niya ang liquid eyeliner. Sunod niyang inayos ang makapal na
Naging alerto si Jastine sa paggalaw ng lalaki. Kumunot ang noo niya nang mapansin na parang wala itong plano na huminto. Patuloy lang ito sa paglakad palapit sa kanya nang dahan-dahan.“Anong ginagawa mo?” Umatras si Jastine kasabay nang pag-abante ng lalaki. “Huwag kang lalapit. Diyan ka lang.” Tinuro niya ang lalaki. Pero tila wala itong narinig nagpatuloy pa rin ito.Tinitigan ni Jastine nang masama. Matalim na ang tingin ng mga mata niya at nawala na sa mood na makipagbiruan. Wala naman talaga sa isip ni Jastine ang makipagbiruan sa lalaki sa simula’t simula pa lang. Alam ni Jastine na puro hindi magaganda lang ang idudulot ng lalaki sa kanya sa unang pagtatagpo pa lang ng mga tingin nila nitong nakaraan na linggo. Hindi na agad nagustuhan ni Jastine ang paraan kung paano siya nito tingnan. Lalo pa’t nararamdaman ni Jastine na tila ba sinusubok talaga nito ang pasensya niya kahit tanging pagsunod ng tingin lang ang ginagawa nito sa kanya nitong nakaraan na mga araw na nasa bar an
“Hoy! Anong nangyari sa ‘yo, ackla?” Pumalakpak nang isang beses si Regine sa tapat ng mukha ni Jastine. Kinaway pa nito ang isang kamay na sobrang lapit na sa mukha ni Jastine. Pero wala pa ring reaksyon si Jastine.Malayo ang tingin ni Jastine at tila malalim din ang takbo ng isipan niya. Tulala si Jastine na nakabaling sa dako ng bar counter. Sa isang upuan mismo sa may dulo ng counter.“Nako. . . Ikaw, ackla, ah. . . Iniwanan ko lang kayo ni poging fafa noong isang araw naging ganyan ka na araw-araw,” may pagdududa na sambit ni Regine. Lumapit pa ito kay Jastine nang may malaman na ngiti. “May dapat ba akong malaman na hindi mo pa chinichika sa ‘kin.” Sinundot ni Regine si Jastine sa tagiliran. Doon pa lang natauhan si Jastine.Napatingin si Jastine kay Regine nang may pagtataka. “Ha? May sinasabi ka ba, ackla?”“Sabi na nga ba. Wala ka na naman sa sarili, ackla.” Pinagkrus ni Regine ang mga braso sa may dibdib. “Umamin ka nga sa ‘kin, ackla. Anong ginawa ng poging fafa sa ‘yo nak
Bakas sa pagmumukha ni Jastine ang pagtataka na nilibot ng kanyang paningin ang buong silid na kinaroroonan niya. Mag-isa lang ang kama na hinihigaan niya at tanging siya at si Drei ang nasa loob ng kwarto. Agad naman niyang napansin ang mga kagamitan lalong-lalo na ang lahat ng mga ito ay kulay puti. Bumalik ang pansin ni Jastine kay Drei na nakatingin lang sa kanya nang tahimik. Naghihintay ito sa susunod na sasabihin niya habang nakaupo sa tabi ng kama.At doon na hindi nakaligtas ang pananamit ni Drei sa mga mata ni Jastine. Nakasuot ito ng puting lab coat na pang doctor. Nangunot ang noo ni Jastine.Bakit naka-lab coat ang isang ‘to? Impossible na doctor na ang lalaking ‘to. Batang-bata pa ang hitsura.Tumaas ang dalawang mga kilay ni Drei nang lumipas ang mahigit isang minuto na nakatitig lamang si Jastine. “Tititigan mo na lang ba ako? Don’t tell me. . . you fall in love with me already?” pagbasag nito sa katahimikan. Sumunod na sumilay ang mapaglarong ngisi nito.Sumama ang ti