Share

IMD 07

Walang tigil ang paghihimutok ni Jastine na bumaba ng sasakyan ng kanyang kapatid. Malakas at padabog pa niyang tinulak ang pinto nito nang hindi tumitingin. Nauna nang tinungo ni Jastine ang pinto ng kanilang bahay habang sunod-sunod pa rin ang pagsinghap niya sa inis na bumabalot sa kanya. Hindi talaga makakalimutan ni Jastine ang ginawa ng lalaki sa kanya. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang tulong nito ay hindi siya nito tinulungan.

Akala ni Jastine ay tutulong ito sa mga nangangailangan ng tulong dahil ito ang tila ginawa nitong impression sa kanya. Nagmakaawa na nga siya sa lalaki at kulang na lang ay lumuhod siya sa harap nito. Nagtama pa ang kanilang mga mata. Ngunit, wala man lang itong ginawa. Tahimik lang ito na nakasandal sa tabi ng kotse nito at pinapanuod siya na buhat-buhat ng kanyang kapatid palayo. At mukhang natutuwa pa ito sa nakikitang nangyayari sa kanya.

Kumulo ang ulo ni Jastine nang maalala ang mukha at paraan ng pagtingin nito sa kanya. Pigil at impit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status