Ayaw na sana pa itong pansinin ni Jastine at ipagpatuloy ang paglalakad. Ngunit, hinawakan siya nito sa braso. Nagmatigas si Jastine. Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nakaharap lamang si Jastine sa kabilang direksyon kung saan hindi niya ito nakikita.
Pabawi na hinatak ni Jastine ang braso niya. Hinigpitan naman nito ang pagkakawak kay Jastine, pinipigilan si Jastine na umiwas at lumayo.
“Pwede ba, Jastine? Huwag ka na muna magmatigas ngayon. Pinapauwi ka nina mama at papa,” anas ng lalaki. “Gusto ka nilang makita. Hindi ka na kasi umuuwi ng bahay,” dagdag pa nito.
Huminga nang malalim si Jastine. “Uuwi ako kung gusto ko, kuya. Pipilitin lang naman nila ako na magpa-checkup kapag nasa bahay ako,” tugon ni Jastine.
Hinablot muli ni Jastine ang braso niya. Sa pagkakataon na ito ay nabawi niya nang tuluyan ang braso niya. Humarap si Jastine sa lalaki. “Kita mo naman na okay ang kalagayan ko ngayon, kuya. Sabihan mo na lang sina mama na maayos ang kalagayan ko. Wala sila dapat na ipag-alala. At saka kaya ko na maging independent, kuya. Ang tanda-tanda ko na,” halos walang hingahan na sambit ni Jastine.
Kahit hindi nakikita ni Jastine ang buong mukha ng lalaki ay ramdam niya na tinitigan siya nito nang seryoso. Humalukipkip ang kapatid ni Jastine kasabay nang pagbuntong-hininga nito.
“Talaga lang ha?” dudang tanong ng lalaki. “Sinasabi mo lang ‘yan ngayon, Jastine, dahil akala mo hindi ko nakita na nahimatay ka kanina saktong pagkatapos ng performance mo. Nahulog ka pa sa dulo ng stage. Mabuti na lang at may sumalo sa ‘yo.”
Nanlamig ang buong katawan ni Jastine sa tinuran ng lalaki. Tila naestatwa si Jastine sa kanyang kinatatayuan. Sa dinami-rami ng puwede nitong masaksihan ay ang pagkahimatay pa talaga niya dahil rin sa lalaki na sumalo sa kanya na hindi niya rin alam ang pangalan pero swak na swak sa ideal boyfriend and husband at magiging ama ng pinapangarap niyang mga anak.
Umangat ang tingin ni Jastine sa mukha ng kanyang kapatid kahit hindi niya ito lubos na naaaninag. Nakatayo kasi ito sa madilim na parte kung saan hindi nasisinagan ng streetlight.
So. . . Kanina pa siya nasa bar? Kailan pa? At bakit hindi man lang ako nilapitan o pinuntahan man lang kung nakita nga niya akong nahimatay. May mali. May mali rito.
Humakbang ang lalaki palapit kay Jastine. “Sabihin mo nga, Jastine. Paano mo nasasabi na okay ang kalusugan mo eh nahihimatay ka nga pa rin.” Lumapit pa ito na unti-unti ring kinaatras ni Jastine.
Sa bawat hakbang na ginagawa ng kanyang kapatid ay dahan-dahan rin na nasisilayan ni Jastine ang seryoso nitong mukha. Dahan-dahan na hinabol ni Jastine ang kanyang hininga. Pinapalakas ni Jastine ang kanyang loob dahil nakikita na niya na hindi nga nagbibiro ang kapatid niya. Pinagdudahan man niya ito kung nakita talaga nito ang pagkahimatay niya kanina, ngayon ay sigurado na siya. Hindi magiging ganito ang itsura ng kapatid niya kapag hindi nito nasaksihan mismo ang nangyari.
Nilabanan ni Jastine ang pagtitig ng kapatid niya sa kanya. Katulad ni Jastine ay bata pa rin ito tingnan. Hindi rin naman nagkakalayo ang kanilang edad. Mas matanda lang ito ng isang taon kay Jastine.
“Okay. . . I’ll take your silence as a yes. Kaya sasama ka sa akin ngayon. Nag-aalala na talaga sina mama sa ‘yo, Jastine,” pinal na saad ng lalaki. Agad na inabot nito si Jastine sa pulsuhan upang hawakan. Pero mabilis na ginalaw ni Jastine ang kanyang braso at inilayo sa kamay nito.
“Hindi ako sasama sa ‘yo. Uuwi na ako sa unit ko. Masyado nang gabi at gusto ko na magpahinga.” Tinakpan ni Jastine ang kanyang bibig gamit ang isang kamay. Napaubo si Jastine. Kanina pa niya ito pinipigilan simula nang makaharap ang kapatid. “Kung totoo nga ang sinasabi mo na nahimatay ako, bakit hindi mo man lang ako pinuntahan? Ni anino mo nga hindi ko napansin. Huwag ako, Jeremy. Huwag ako,”paghahamon pa rin ni Jastine kahit alam naman na niya ang totoo.
Mapakla na ngumiti ang kapatid ni Jastine. “Hindi ka talaga okay, Jastine. Kaya sumama ka na lang sa akin. Uuwi tayo sa bahay para makapagpahinga ka nang maayos. Hindi ka rin naman makakapagpahinga nang maayos sa unit mo dahil mag-isa ka lang. Walang mag-aalaga sa ‘yo kaya ikaw lang din ang kikilos ng lahat. In the end, hindi ka pa rin makakapagpahinga,” mahabang sermon ng kapatid ni Jastine. “At saka paano kita lalapitan? Eh mukhang enjoy na enjoy ka sa atensyon na binibigay ng nakasalamin na lalaking ‘yon? Kung sa bagay, pasok na pasok ‘yon sa qualities ng lalaki na nasa standards mo.”
Saglit na natigilan si Jastine. Agad naman siyang umiling pagkaraan ng isang segundo. “Sabing ayoko at hindi ako uuwi, kuya.” Tumalikod si Jastine at mabilis na humakbong palayo sa kanyang kapatid. Ngunit hindi pa man nakakalayo talaga si Jastine mula sa eskinita ng sa bar na kanyang pinagtatrabahuhan, naramdaman ni Jastine ang dalawang malalakas na bisig ang nag-angat sa kanya.
Napasigaw si Jastine nang wala sa oras. Nanlaki ang mga mata ni Jastine sa gulat ng mapagtanto na lamang niya na kinakarga na siya ng kapatid niya. Walang pakialam ang kapatid ni Jastine na naglakad papunta sa kung saan nakaparada ang kotse nito.
“Ano ba! Ibaba mo nga ako, Jeremy! Hindi na ako bata para kargahin mo lang nang basta-basta,” angil ni Jastine. Gumalaw-galaw si Jastine. Sinusubukan niya na makawala siya sa pagkakahawak ng kanyang kapatid. Hindi na alintana ni Jastine kung bumagsak man siya sa sementadong sidewalk na tinatahak ng kanyang kapatid. Ang importante sa kanya ay ang makawala sa pagkakakarga nito sa kanya at makatakas.
Lalo pang nagpumiglas si Jastine.
“Jastine! Huminahon ka nga. Dinaan na kita sa maayos na usapan pero ayaw mo pa rin makinig sa akin. Kaya pasensyahan na lang tayo. Napag-utusan lang din ako. At nag-aalala ako sa kalagayan mo. Halatang hindi mo inaalagaan nang maayos ang kalusugan mo,” tugon ni Jeremy. Hinigpitan nito ang pagkakahawak kay Jastine. “Kita mo, oh. Sobra ka na ring nangangayayat. Halos buto na lang ang nahahawakan ko sa ‘yo.”
Suminghap si Jastine. “Oo na. Sasama na ako sa ‘yo, Jeremy. Ibaba mo na ako. Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo?”
“Bakit naman ako mahihiya? Wala namang malisya itong ginagawa ko sa ‘yo. Magkapatid naman tayo, Jastine. At para rin ‘to sa ikabubuti mo,” sagot ni Jeremy nang nakatingin lang sa nilalakaran nito. “And no. . . Hindi kita ibaba hangga’t wala ka sa loob ng kotse, Jastine. Alam ko kung ano ‘yang iniisip mo. Pero nice try. But try harder, Jastine. Kilalang-kilala na kita at alam ko na mga galawan mo.”
Tumigil si Jastine pagpupumiglas. Bumuntong-hininga si Jastine. Mukhang hindi na talaga niya matatakasan ang kapatid niya. Ano ba namang laban niya rito? Kung sa katawan lang naman, lamang na ito dahil malaki ang build nito at idagdag pa na natural na malakas ang lalaki.
Pinaling ni Jastine ang kanyang ulo. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita niya ang lalaking dahilan ng pagkahimatay niya at ang parehong lalaki na sumagip sa kanya. Bigla tuloy naisip ni Jastine na baka sinadya talaga nito ang lahat para makuha ang pansin niya.
Nagtama ang tingin ni Jastine at ng lalaki. Nakatayo lang ito sa tabi ng isang kumikinang na maitim na kotse. Bahagyang nakasandal ang gilid nito at ang mga kamay nito ay nasa loob ng bulsa.
Ayaw man ni Jastine gawin ang nasa isip niya ay wala na siyang naisip pa na ibang paraan. Huminga nang malalim si Jastine. “Tulong! Tulungan mo ko mula sa manyak na ‘to!” sigaw ni Jastine sa lalaki.
Walang tigil ang paghihimutok ni Jastine na bumaba ng sasakyan ng kanyang kapatid. Malakas at padabog pa niyang tinulak ang pinto nito nang hindi tumitingin. Nauna nang tinungo ni Jastine ang pinto ng kanilang bahay habang sunod-sunod pa rin ang pagsinghap niya sa inis na bumabalot sa kanya. Hindi talaga makakalimutan ni Jastine ang ginawa ng lalaki sa kanya. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang tulong nito ay hindi siya nito tinulungan.Akala ni Jastine ay tutulong ito sa mga nangangailangan ng tulong dahil ito ang tila ginawa nitong impression sa kanya. Nagmakaawa na nga siya sa lalaki at kulang na lang ay lumuhod siya sa harap nito. Nagtama pa ang kanilang mga mata. Ngunit, wala man lang itong ginawa. Tahimik lang ito na nakasandal sa tabi ng kotse nito at pinapanuod siya na buhat-buhat ng kanyang kapatid palayo. At mukhang natutuwa pa ito sa nakikitang nangyayari sa kanya.Kumulo ang ulo ni Jastine nang maalala ang mukha at paraan ng pagtingin nito sa kanya. Pigil at impit
“Jastine?” ang tawag ng mama nina Jastine. “Totoo ba ang sinasabi ng Kuya Jeremy mo?”Tila nanigas si Jastine sa kanyang kinatatayuan. Ngunit agaran rin na tinapunan ng masama at matalim na tingin ang napakagaling maghinala at gumawa ng kwento na kapatid niya.“Ma? Naniniwala ka talaga kay Jeremy? Jusko naman. . . Kung may kinikita talaga akong lalaki, edi sana pinakilala ko na sa inyo, hindi ba?” anas ni Jastine.Nagpalipat-lipat kay Jastine at Jeremy ang pansin ng mama nila. Habang ang papa naman nila ay tahimik lang na nakatayo sa likuran ng mama nila.Nagkibit ng balikat si Jeremy. “Oh? Bakit ganyan ka sumagot, Jastine? Napaka-defensive mo rin kaya hindi kapani-paniwala na walang namamagitan sa inyo ng lalaking ‘yon. Hinintay ka pa nga niya sa labas sa kotse niya, ‘di ba? Kung hindi ko siya naunahan, baka sumama ka na sa kanya at magkasama kayo ngayon.” Pagkatapos ay hinalukipkip nito ang mga braso. Mataas ang tiwala nito sa sarili na tinaasan ng mga kilay si Jastine.“Nakita mo b
Malakas na katok sa pinto ang humila ng diwa ni Jastine mula sa malalim na pagtulog. Dahan-dahan na nagmulat si Jastine kasabay nang napakahaba niyang paghukap at pag-iinat ng mga braso’t binti.“Jastine, gumising ka na diyan,” ani ng tao na nasa labas ng kwarto. Kumatok pa itong muli.Umupo si Jastine sa kama. “Ano ba ‘yan, Jeremy? Ang aga-aga. Nabubulabog ka ng tulog,” pasigaw na tugon ni Jastine. Hinanap niya ang cell phone sa tabi ng unan. Napapikit pa siya nang kaunti nang umilaw na ito.Narinig ulit ni Jastine ang pagkatok ni Jeremy sa pinto. Mas malakas ito kesa sa nauna nitong mga pagkatok. “Lalabas ka na ng kuwartoi mo o bubuhatin pa kita pababa?” tanong naman ni Jeremy.Unti-unting nakapag-adjust ang paningin ni Jastine sa ilaw ng cell phone. At hindi nga siya nagkamali, sobrang aga pa. Humikab ulit si Jastine.Ano na naman ang kailangan ng magaling na kapatid kong ‘to?Napalingon si jastine sa may bintana. Mahina pa lang ang sinag ng liwanag. Halos hindi pa nga ito nakakapa
Hindi maalis ang mapanuring pares na mga mata ni Jastine sa lalaki na tila tuwang-tuwa sa pakikipag-usap sa magulang nila ni Jeremy. Maraming mga tanong ang pumasok sa utak ni Jastine na ikinalipad ng pag-iisip niya. Nanliit ang mga mata ni Jastine na tinitigan ang lalaki. Halos magkasalubong at magdugtong pa ang kanyang mga kilay kasabay nang bahagya na pagkunot ng noo niya.Shutangina naman. . . Anong ginagawa ng mayabang na ‘to rito sa bahay namin? Paano niya nalaman kung saan ang bahay namin? At higit sa lahat. . . bakit nandito ito ngayon?Sinubukan ni Jastine na maghalungkat ng kasagutan sa kailaliman ng kanyang utak. Wala naman siyang ginawa sa lalaki para puntahan siya nito sa bahay nila. Hindi nga niya sinagot ang tawag nito kagabi. Pinatayan agad ito ni Jastine pagkatapos niyang marinig ang boses ng lalaki. Kahit maikli lang ang sinabi nito at isang tanong lang ay alam na alam na ni Jastine kung kaninong boses iyon. At sa una pa lang ay wala naman talaga siyang plano na sagu
Napatitig si Jastine sa bilis ng pagkilos ni Drei. Napanganga pa siya nang bahagya. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong bulaklak na nakabalot pa sa dalawang maganda na wrapper. Faded vintage ang kulay ng nasa ilalim na wrapper habang kulay silver naman ang nakapatong rito. Huminto ang pagpasada ng tingin ni Jastine sa bulaklak. Maganda at maayos naman ang pagkaka-arrange ng mga ito. Maganda sa paningin lalo pa’t may iba pang klaw ng bulaklak ang kasama rito. Ngunit naka-highlight pa rin ang mga kulay puti na tulips.Unti-unti na sumimangot si Jastine. Sumama ang mukha ni Jastine na nagpalit-lipat ang tingin sa bulaklak at humahawak ng bulaklak sa kanyang harapan. Nanliit ang mga mata ni Jastine na sinipatan ang lalaki. Sinusubukan niya na unawaan ang sitwasyon at kung bakit ito ginagawa ni Drei. Pero wala talagang maisip na matinong dahilan si Jastine kung bakit bigla nagpakita ang lalaki sa bahay nila.Ngumiwi si Jastine nang napatitig siyang muli sa bouquet ng white tulips. “Whit
Nagtagal ang pagkakatitig ni Jastine sa bouquet. Hindi niya malaman kung bakit may iba siyang nararamdaman habang tumatagal ang pagkakatingin niya rito. Tila may kakaiba rito na hindi niya kaya ipaliwanag.Saglit na napapikit si Jastine nang biglang sumakit ang kanyang ulo. Hinilot niya ang kanyang noo kasabay nang paghugot ng hininga. Sa hindi malaman na dahilan, may mga imahe ang pumasok sa isipan ni Jastine. Hindi malinaw ang mga mukha ng mga tao. Ngunit tila naririnig niya ang mga boses nito. At isang salita lang ang masasabi niya, pamilyar. Pamilyar ang tunog ng boses ng mga tao na nasa kanyang isipan.“Jastine. . .” rinig ni Jastine na pagtawag sa kanya.Tinuon ni Jastine ang buong pansin sa naturang boses. Alam ni Jastine na kilala niya ang naturang boses at hindi siya nagkakamali na isipin na narinig na niya ito nang ilang beses.“Justine. . .” pagtawag ulit ng boses.Nanatiling nakapikit si Jastine. Sinubukan niyang hukayin ang pangalan ng nagmamay-ari ng boses sa kailaliman
“Hoy, ackla! May naghahanap sa ‘yo,” malakas at eksaherada na sabi ni Regine pagpasok ng dressing room.Napahinto si Jastine sa ng kanyang false eyelashes. Tiningnan niya ang kaibigan mula sa kaharap na salamin. Kitang-kita ni Jastine ang reflection nito na nakatayo pa sa bungad ng pintuan. Ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa mga pulang kurtina na hinahawi nito.“Don’t tell me nandito na naman ang magaling kong kapatid?” Iniisip pa lang ni Jastine na pumunta na naman si Jeremy sa pinagtatrabahuhan niya, napapaikot na siya ng mga mata at napapairap. Ilang beses na itong ginagawa ng magaling niyang kapatid para sunduin siya kuno dahil pinapauwi siya ng mga magulang nila.Binawi ni Jastine ang kanyang tingin. Pinagpatuloy niya ang pag-aayos ng false eyelashes para hindi ito halata.“Sabihin mo na lang kay Jeremy na hindi ako uuwi. . .” saad pa ni Jastine. Tiningnan niya ang kanyang sarili. At nang makuntento na siya, binaba niya ang liquid eyeliner. Sunod niyang inayos ang makapal na
Naging alerto si Jastine sa paggalaw ng lalaki. Kumunot ang noo niya nang mapansin na parang wala itong plano na huminto. Patuloy lang ito sa paglakad palapit sa kanya nang dahan-dahan.“Anong ginagawa mo?” Umatras si Jastine kasabay nang pag-abante ng lalaki. “Huwag kang lalapit. Diyan ka lang.” Tinuro niya ang lalaki. Pero tila wala itong narinig nagpatuloy pa rin ito.Tinitigan ni Jastine nang masama. Matalim na ang tingin ng mga mata niya at nawala na sa mood na makipagbiruan. Wala naman talaga sa isip ni Jastine ang makipagbiruan sa lalaki sa simula’t simula pa lang. Alam ni Jastine na puro hindi magaganda lang ang idudulot ng lalaki sa kanya sa unang pagtatagpo pa lang ng mga tingin nila nitong nakaraan na linggo. Hindi na agad nagustuhan ni Jastine ang paraan kung paano siya nito tingnan. Lalo pa’t nararamdaman ni Jastine na tila ba sinusubok talaga nito ang pasensya niya kahit tanging pagsunod ng tingin lang ang ginagawa nito sa kanya nitong nakaraan na mga araw na nasa bar an